You are on page 1of 2

Petsa : Ika-5 ng Hulyo, 2018

Araw: Huwebes

I.LAYUNIN
Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang malaya na
may temang pag-ibig.(F8WG-IVc-d-36)
II.PAKSANG ARALIN
Paksa: Tayutay at ang Uri nito
Sanggunian : Dinglasan, Resurrection D. (2007). Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Manila Phil.: REX Book store, INC.

Kagamitan : Visual Aids

III .PAMAMARAAN
Panimulang Gawain
1.Panalangin at Pagbati
2.Pagtala ng mga lumiban/pumasok
A.Pagtuklas
1.Ilalahad at ipapaliwanag ng guro ang layunin
2.Magpapabasa sa mga mag-aaral ng mga pahayag na naglalaman ng mga
tayutay. Ipapasuri ng guro sa mga mag-aaral ang mga pahayag na nakalagay dito
gamit ang mga katanungang nakatala.
1.Ubod siya ng gara kung lumabas! Napakagulo naman ng bahay.
2.Ang ganda ng kanyang mga kamay, pwede mong gawing pangkudkod sa
semento sa bahay.
3.Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan.
4.Tiktak ng orasan ay naghahabulan.
*Ano ang napansin ninyo sa mga salitang bumubuo sa pangungusap?
*Kaaya-aya ba itong pakinggan?
B.Paglilinang
1.Sa tulong ng isinagawang pagganyak, maipapakilala ng guro ang bagong aralin
“Ang tayutay at ang mga uri nito”.
2.Malayang talakayan
Tayutay- patalinghaang pagpapapahayag na kadalasang ginagamit ng mga
manunulat upang maging kawili-wili, mabisa ang akda sa mambabasa.
MGA URI NG TAYUTAY
1.Pagtutulad
2.Pagwawangis
3.Pagsasatao
4.Pag-uyam
5.Pagmamalabis
C.Pagpapalalim
Tatawag ang guro ng piling mag-aaral upang masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1.Bakit mahalaga ang paggamit ng mga tayutay sa pagpapahayag?
2.Paano ito nakakatulong sa pagbuo ng isang akda?
D.Paglilipat
Panuto : Surrin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa mga sumusunod na mga
pahayag.Ilagay ang kasagutan sa patlang.
1 Ang ngiti niya ay umabot hanggang langit nang ako’y kanyang nakita.
________________
2 Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa lansang at nayong iyong niyakapan.
_________________
3 Si Adolfo ay kasimbait ni Judas.
_________________
4 Ang iyong ganda ay kawangis ng bulaklak sa hardin.
______________
IV.EBALWASYON
Gawin Natin!
¼ Cw
Panuto : Gumawa ng isang simpleng tulang Malaya gamit ang mga tayutay at
talinghagang salita na may temang pag-ibig.
V. TAKDANG ARALIN
Sa isang kalahating (1/2) papel, magtala ng isang sikat na tula ng iyong
hinahangaang manunulat. Salungguhitan ang mga tayutay na makikita sa tula.

You might also like