You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

IKA-APAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Saan natin maaaring maipakikita ang ating pananalig sa Diyos?
A. Sa paaralan
B. Sa tahanan
C. Sa simbahan
D. Lahat ng nabanggit

2. Sa aling paraan natin maipapakita ang ating pananalig sa Diyos?


A. Sa pamamagitan ng panalangin
B. Sa pamamagitan ng pagpapakabait
C. Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos niya
D. Lahat ng nabanggit

3. Ano ang ibig sabihin ng "pananalig" sa Diyos?


A. Pagdududa
B. Pagmamahal
C. Tiwala at paniniwala
D. Pagtatalo

4. Saan higit na nakikita ang iyong pananalig sa Diyos?


A. Sa paggawa ng iyong takdang aralin
B. Sa pagkain ng iyong paboritong pagkain
C. Sa iyong magandang pakikitungo sa iba
D. Sa iyong kahusayan sa sports

5. Paano mo maipapakita ang iyong pananalig sa Diyos sa iyong


pang-araw-araw na buhay?
A. Sa pamamagitan ng pagtutulungan sa iba
B. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting asal
D. Lahat ng nabanggit

6. Paano mo maipapakita ang iyong pananalig sa Diyos sa iyong


mga kaibigan?
A. Sa pamamagitan ng pangungutya
B. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong paniniwala sa
mabuting paraan
C. Sa pamamagitan ng pagsisinungaling
D. Sa pamamagitan ng pagbibiro

7. Habang ikaw ay nagdarasal sa simbahan, gusto ng katabi mo na


makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko sa kanya na pagkatapos na lang ng misa kami
maglalaro at ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal.
B. Titigil na ako sa pagdarasal at uuwi na.
C. Aawayin ko siya kasi maingay siya.
D. Paalisin ko siya sa tabi ko.

8. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina


ng isang banal na aklat. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin ko na sunugin na lang niya para hindi na siya mapagod
sa pagpunit nito.
B. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal
na aklat.
C.Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.
D. Tutulungan ko siya sa pagpunit ng banal na aklat.

9.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng


pananalig sa Diyos?
A. Hindi na muling nagsimba si Abby dahil hindi naman natupad ang
kanyang hiling.
B. Sinisi ni Rod ang Diyos sa pagkawala ng kanyang mahal na aso.
C. Hindi nakakalimot si Lita na magdasal araw-araw.
D. Naniniwala sina Paulo at Cora na patatawarin sila ng Diyos
matapos ilihim sa kanilang ate na sila ang nakasira ng salamin nito.

10. Maagang gumigising si Abel araw-araw upang simulan ang mga


nakatakdang gawain. Alin sa sumusunod ang una niyang dapat
gawin pagkagising?
A. kumain
B. maglaro ng mobile games
C. mag-ehersisyo
D. magdasal

11. Nananalig si Tony na mananalo siya sa isang patimpalak sa


pagbigkas. Sa halip na siya ay mag-ensayo kasama ang kanyang
guro ay lumiliban siya upang maglaro ng computer games. Tama ba
ang ginawa ni Tony?
A. Oo, dahil sapat na ang kanyang pananalig upang manalo.
B. Oo, dahil mas mahalaga ang paglalaro ng computer games.
C. Hindi, dahil kailangan pa rin niyang mag-ensayo upang manalo.
D. Hindi, dahil hindi niya isinama ang kanyang guro.

12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng


pananalig sa Diyos?
A. Ipinagdarasal ni Vilma na magkaroon siya ng sakit upang hindi
makapasok sa paaralan.
B. Ibinabahagi ni Arman sa social media ang mga salita ng Diyos.
C. Ipinagdarasal ni Elsa na palagi silang maging malusog.
D. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak ni Tonyo tuwing Linggo.

13. May sakit ang iyong kapatid at lagi siyang umiiyak sa iyo at
sinasabi sa iyo na gusto na niyang gumaling. Ano ang gagawin mo?
A.Lagi ko siyang kakausapin at sasabihing magdasal kami na
pagagalingin siya ng Diyos.
B.Hindi ako lalapit sa kanya para hindi siya umiyak sa akin.
C.Lalo ko siyang paiiyakin.
D.Sasabihin ko sa nanay ko na siya na ang laging magbantay sa
kapatid ko.

14. May kalaro ka na konserbatibong manamit dahil sa relihiyong


kinaaaniban niya. Pinagtatawanan siya ng iba mong kalaro dahil
baduy ang suot niya. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagtatawanan ko rin dahil baduy siya.
B. Igagalang ko ang kanyang paniniwala at pagsasabihan ang
mga kalaro.
C. Iiwasan ko siya at baka pagtawanan rin ako.
D. Wala akong pakialam sa kanila

15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


paggalang sa paniniwala ng iba?
A. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.
B. Tinataboy ang kaklaseng Muslim para hindi makasali sa kanilang
paglalaro.
C. Pinipilit na pakainin ang kaklaseng Muslim na tikman ang karneng
baboy.
D. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata na huwag
paglaruan ang krus.

16. Sinasabi ng iyong kapitbahay na higit na mabuting maging


kasapi ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumama para makinig
sa kanilang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano ang iyong gagawin?
A. Aawayin ang kaklase para tigilan ka na niya na sumama.
B.Hindi mo siya papansinin sa kaniyang mga sinasabi.
C. Kakausapin ang kaklase nang maayos at igagalang ang
kaniyang paniniwala.
D. Sisigawan siya para tumahimik na siya sa kaniyang sinasabi.

17. Nagulat ang iyong nagbabakasyong pinsan sa inyong lugar sa


malakas na tunog ng tambol. May prusisyon pala para sa
pagdiriwang ng kanilang patron na si San Isidro Labrador na
pinaniniwalaan nilang patron ng masaganang ani. Sinasabi niya sa
iyo na siya ay naiinis sa ginagawang ito ng mga Katoliko. Ano ang
iyong gagawin?
A. Magagalit sa pinsan at aawayin ito.
B. Pagtatawanan ang pinsan dahil naiinis ito.
C. Ipapaliwanag sa pinsan na dapat niyang
igalang ang paniniwala ng iba.
D.Hindi na lang papansinin ang pinsan.

18. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay
ng balita, narinig mong nagdarasal ang mag anak na Muslim na
iyong kapitbahay.
A.Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko
ang radio dahil nagdarasal ang aming kapitbahay.
B. Tatahimik na lamang ako habang sila ay nagdarasal.
C.Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang
radyo.
D. Lalo akong mag-iingay.

19.Habang ikaw ay nagdarasal, ang iyong katabi ay nakikipag-usap


sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng pagsimba kami
mag-usap at ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal.
B. Hindi ko siya papansinin dahil siya ay maingay.
C. Titigil na ako sa pagdarasal at uuwi na.
D. Paaalisin ko siya sa tabi ko.

20. Lahat ng kilos ay nagpapakita ng tamang pag-uugali sa loob ng


simbahan MALIBAN sa isa?
A. Tatahimik habang ang pari ay nagsasalita.
B. Hindi lilikot habang ang mga katabi ay nagdarasal.
C. Kakain habang ang misa ay idinaraos pa.
D. Magdarasal

21. Sinasabi ng iyong kaibigan na higit na mabuting maging kasapi


ng kanilang relihiyon. Pinipilit ka niyang sumama at makinig sa
kanilang pag-aaral sa salita ng Diyos. Ano ang gagawin mo?
A. Sasama ako kahit labag sa aking kalooban.
B. Ipapaalam ko muna sa aking mga magulang upang sila ay
gabayan ako.
C. Aawayin ang kaibigan dahil ayaw mong sumama.
D. Babalewalain ang sinsasabi ng kaibigan.

22. Narinig mo sa labas ng inyong bahay ang tunog ng tambol.


Hudyat ito na may prusisyon sa relihiyong Katoliko. Ikaw ay hindi
kabilang sa kanilang relihiyon. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan ang mga nagpuprusisyon.
B. Isasarado ang bintana at pinto upang di sila makaabala sa iyo.
C. Tahimik na magmamasid sa kanilang ritwal.
D. Sasabihin sa nanay na nagpapagod lamang ang mga
nagpuprusisyon.

23. Si Ana ay isang Muslim. Suot suot niya ang kanyang abaya,
damit na sinusuot ng mga kababaihang Muslim. Nakita mo na
tinutukso siya ng iba mo pang kaklase. Ano ang gagawin mo?
A.Pagsasabihan ang mga kaklase na normal lamang sa mga Muslim
ang ganoong damit at di- dapat tuksuhin si Ana.
B.Sasama sa mga kaklase sa panunukso kay Ana.
C. Aawayin ang mga kaklaseng nanunukso kay Ana.
D. Wala kang gagawin.

24. Ang pook sambahan o simbahan ay isang sagradong lugar para


sa mga nananampalataya kung kaya’t ito ay pinananatiling laging
malinis at maayos. Nakita mo ang ilang kabataang nagtapon ng
basura sa gilid ng simbahan. Ano ang gagawin mo?
A. Makikitapon din ng pinagbalatan ng iyong kendi.
B. Aawayin ang mga kabataan sa maling kanilang ginawa.
C. Hindi sila papakialaman.
D. Sasabihin sa mas nakakatanda upang sila ay paalalahanan at
pagsabihan.

25. Magalang na sinabihan ni Alex ang kaniyang kuya na kung


maaari ay pakihinaan ang kaniyang pagpapatugtog ng musika
dahil mayroong isinasagawang misa sa katapat ng inyong bahay.
Tama ba ang ginawa ni Alex? Bakit?
A. Opo, dahil ito ay nagpapakita ng paggalang para sa relihiyon ng
iba.
B. Opo, pero dapat pagalit niya itong sinabi para sumunod ang
kaniyang kuya.
C. Hindi po, dapat ay hinayaan na lang niyang magpatugtog ng
malakas ang kaniyang kuya.
D. Hindi po, dahil baka pagalitan lamang siya ng kaniyang kuya.

26. Nakita ni John na pinagtatawanan ng mga kalaro niya ang


isang babae dahil sa konserbatibong pananamit nito dahil sa
relihiyong kinaaaniban niya. Ano ang nararapat na gawin ni John?
A. Pagtawanan rin niya dahil baduy siya.
B. Dapat ay igalang nila ang paniniwala ng bata at pagsabihan
niya ang mga kalaro niya.
C. Dapat ay iwasan na lang niya ang mga kalaro niya at baka
pagtawanan rin siya.
D. Wala siyang dapat gawin.

27. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


paggalang sa paniniwala ng iba?
A. Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.
B. Tinataboy ang kaklaseng Muslim para hindi makasali sa kanilang
paglalaro.
C. Pinipilit na pakainin ang kaklaseng Muslim na tikman ang karneng
baboy.
D. Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bata na huwag
paglaruan ang krus.

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang


sa paniniwala ng iba?
A. Tahimik na pakikinig sa aral ng Simbahan.
B. Pagrespeto sa ibang Relihiyon
C. Pag-iingay sa oras ng kanilang pagsamba.
D. Pagiging bukas ang isipan sa paniniwala ng iba.

29. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng


paggalang sa paniniwala ng iba MALIBAN sa isa.
A. Bukas ang isipan ni Angela sa mga paniniwala ng kaniyang
kaibigan.
B. Iniiwasan si Joiz sa kanilang lugar dahil iba ang kanyang ang
paraan ng pagsimba.
C. Tanggap ni Melissa na iba ang paraan ng pagsamba ni Mike sa
Diyos.
D. Pagsama ni Alexa sa anyaya ni Lian na makinig sa kanilang bible
study.

30. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng


paggalang sa paniniwala ng iba?
A. Magalang na nagtatanong si Denmark kay Nathan tungkol sa
kaniyang paniniwala tungkol sa Diyos.
B. Hindi pinapansin ng mga bata si Quin dahil iba ang kaniyang
relihiyon.
C. Ginagalang ni Mark ang simbahan na kanyang pinupuntahan.
D. Maayos na nakikipag-usap si David sa kanyang kaklase kahit ito
ay kaanib sa relihiyong Iglesia ni Cristo.

You might also like