You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
Rodriguez Sub-Office
 
BURGOS UNIT I ELEMENTARY SCHOOL

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ESP 3 # 1


QUARTER 4
Pangalan:______________________________ Baitang at Pangkat ______________

Guro:__________________________________ Petsa:___________________________

PANUTO: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ito ng
pananalig sa Diyos at Mali naman kung hindi.
_____1. Ang pananalig sa Diyos ay mabuting pag – uugali.
_____2. Madalas na nananalig si Berton a Manalo sa isang patimpalak sa pagbigkas.
Pero sa halip na siya ay mag-ensayo kasama ang kanyang guro ay
lumiliban siya upang maglaro ng computer games.
_____3. Magkakaroon ng katuparan ang ating mga ipinapanalangin sa Diyos kahit wala
tayong gawin upang ito ay mangyari.
_____4. Ang pananalig sa Diyos ay naipakikita sa ating pagdarasal.
_____5. Dapat na mapalakas natin ang ating pananalig sa Diyos kahit minsan ay di
nagkakaroon ng katuparan ang ating mga hinihiling sa Kanya.

PANUTO: Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

6. Ang ____________ ay isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos.


A. pagsimba C. pag-aaral
B. paglalaro D. pakikipagkuwentuhan
7. Ako ay _______________ sa loob ng pook sambahan o simbahan.
A.naglalaro C. kumakain
B. nakikipagkuwentuhan D. nagdarasal
8. Habang ikaw ay nagdarasal, ang iyong katabi ay gustong makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin
mo?
A.Pagsasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng pagsimba kami maglalaro
at ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal
B. Titigil na ako pagdarasal at uuwi na.
C. Sasapukin ko siya kasi maingay.
D. Paalisin ko siya sa tabi ko.
9. May kamag-aral ka na konserbatibong manamit dahil sa relihiyong kinaaaniban niya.
Pinagtatawanan siya na iba mong mga kaklase dahil baduy raw. Ano ang gagawin mo?
A. Igagalang ko ang kanyang paniniwala at pagsasabihan ang mga kaklase.
B. Pagtatawanan ko rin kasi baduy siya.
C. Iiwasan ko siya kasi baka pagtawanan rin ako.
D. Wala akong pakialam sa kanila.

10. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal na aklat.
A. Sasabihin ko na sunugin na lang niya para hindi na siya mapagod sa pagpunit nito.
B. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.
C. Hahayaan ko na lamang si ya sa kanyang ginagawa.
D. Tutulungan ko na siya sa pagpunit ng Koran.

11. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita. Narinig mong
nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbhay.
A. Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radio dahil nagdarasal ang aming
kapitbahay.
B. Tatahimik na lamang ako habang habang sila ay nagdarasal.
C. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radio.
D. Lalo kong lalakasan ang tunog nito.
12. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay sa araw ng
piyesta.
A. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy na maari niyan
kainin.
B. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang dapat naming
ihanda.
C. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin.
D. Sasabihan ko na masarap ang lutong karneng baboy sa kanya.
13. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kaniyang matalik na kaibigan. Isa siyang kasapi ng
Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist.
A. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong maipakilala sa kaniya ngunit hindi ibig
sabihin ay makikipagkaibigan na ako sa kanya.
B. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming paniniwala tungkol sa Diyos.
C. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin.
D. Hindi ko siya kakausapin.
14. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. Ano ang gagawin mo?
A.Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang paglalaro upang
hindi na makadagdag sa ingay.
B. Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.
C. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya.
D. Sisigawan ko sila para tumigil na sa paglaro.
15.Sabay na nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Erika dahil sa Pandemya, pero hini sila
nawawalan ng pag-asa at patuloy na naghahanap ng bagong trabaho. Ano ang magandang
katangian ng mga magulang ni Erika?
A. Pagtitiwal sa kanilang sarili.
B. Pagkadismaya sa nangyari.
C. Pagtitiwala sa sariling kakayahan at pananalig sa Diyos.
D. Pagyayabang sa iba na kaya nilang makahanap agad ng bagong trabaho.

(16-20 ) Sumulat ng isang talata base sa inyong tunay na karanasan ngayong panahon ng
Pandemya, na nagpapakita ng Pananalig sa Diyos. ( 5 puntos ).

You might also like