You are on page 1of 2

2: Katangian, Kalikasan at Bahagi ng Teksto

Ang teksto ay babasahing nagtataglay ng mahahalagang detalye sa isang bagay,


tao, lugar o pangyayari. Ito ay nakalimbag na simbolong nagbibigay ng kahulugan sa
pagbasa. Maaaring ito rin ay anumang masining at makabuluhang akda o orihinal na mga salita
na naggaling mismo sa isang mahusay na awtor.

May Dalawang Uri ng teksto

Ang tekstong Akademik ay mga babasahing ginagamit sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina
tulad ng Sosyolohiya, Ekonomiks, Akawnting, Marketing, Antropolohiya, at iba pa. Dapat
bigyang pokus ang mga sumusunod sa larangan ng akademi tulag ng: register ng wika, glosari sa
ibat ibang larangan ng akademik, mekaniks ng wika at ayon sa tema, estruktura at estilo ng
pagkakasulat.

Ang tekstong propesyonal ay yaong isinulat ng isang taong may kahusayan at kasanayan sa
isang larangan na naglalayong mabasa at mapag-aralan ng iba ang mga impormayong
nakalahad. Maituturing na propesyonal ang mga nakapagtapos ng digri gaya ng guro,
abogado,arkitekto, doctor at iba pa.

Katangian ng Tekstong Propesyonal

1. Hindi maligoy ang tapik o paksa

2. Komprehensibo ang pagkakapaliwanag

3. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

4. Mayaman sa mga impormasyon

5. Bungan g masusing pag-aaral

6. Inuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao.

Bahagi ng Teksto

1. PANIMULA : Paksa at Tesis


Ito ang bahaging nangangailangan ng maayos at mapagganyak na simulain upang lalong
ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbabasa. Ito rin ay nagpapakilala sa bahagi ng tekto sa paksa
o tesis. Ang paksa ay bahagi ng panimula na magbibnigay ng saysay sa isang bubuuing teksto.
Sa pagpili ng paksang susulatin dapat isaalang-alang ng manunulat ang dalawang pangunahing
pamatnubay na simulain: Kawili-wili at may sapat na malilikom na datos. Ang tesis na pahayag
ay lagom ng pananaliksik sapagkat ditto inilahad ang pagtalaky ng paksa sa isang teksto o
sanaysay.

2. KATAWAN: Istruktura, Nilalaman at Order


Ang bahaging ito ang pinakamahalgang bahagi. Amg istruktura at order ang
pinakalansay ng isang teksto. Kailangan kung gayon na mapili ang wastong istruktura ng teksto
depende sa oaksa at mga detalyeng kaugnay nito. Kailangan dim maisaaayos ang nilalaman ng
isang lohikal na order.

3. WAKAS: Paglalagom o Kongklusyon


Ito ang panghuling bahagi ng teksto Tulad ng oanimula, kailangan din itong makatawag
ng pansin sapagkay ang pangunahing layunin nito ay ang pag-iwan ng isa o ilang mahahalagang
kakintalan sa mga mambabasa.

You might also like