You are on page 1of 8

PA G D U L O G O

PA N A N AW S A
PA G S U S U R I N G
PA M PA N I T I K A N

ARALIN 5
 Ito ay mula sa salitang
titik na nilagyan ng
panlaping pang at an.
ANO ANG  Ang panitikan ay
kalipunan ng
PANITIKAN? mahahalagang pangyayari
na isinatitik ng mga tao na
sumasalamin sa tunay na
buhay sa isang partikular
na era o panahon.
1. Moralistiko – Mababatid ng
isang manunuri kung taglay ba
ng akda ang pagpapahalaga sa
disiplina, moralidad, at
MGA
kaayusang nararapat na
DULOG/TEORYA SA
inaasahan ng madla.
PAGSUSURING
2. Sosyolohikal – Sa
PAMPANITIKAN
pamamagitan ng pananaw na ito,
mahihinuha ang kalagayan ng
lipunan nang panahong isinulat
ang akda.
3. Sikolohikal - Mahihinuha sa akda ang antas ng
pamumuhay, paninindigan, paniniwala, at
pagpapahalaga gayundin ang mga ideolohiya o
kaisipang naglalaro sa isipat at kamalayan ng may
akda.
4. Formalismo – Sa pamamagitan ng pananaw na ito,
binibigyang-pansin ng manunuri ang kaisahan ng mga
bahagi at ang kabuoan ng akda nang malayo sa
pinagmulang kapaligiran, era o panahon at maging sa
pagkatao o katangian ng may-akda.
5. Imahismo – Umusbong ito noong unang dekada ng
1900 na naglalayong maipahayag nang malinaw gamit
ang tiyak na larawang biswal, nagiging mas epektibo
ang pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang
nabibigyang-buhay ng may akda ang mga kaisipang
nais ipaliwanag.
6. Humanismo – Binibigyang-pansin ang pananaw na
ito ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming
bagay.
7. Marxismo – Ito ay nakabase sa
teorya ni Karl Marx patungkol sa
pagkakaiba-iba ng kalgayan ng
buhay at ang implikasyon ng
sistemang kapitalista sa ating
lipunan. Binibigyang diin dito ang
dalawang magkatunggaling puwersa
tulad ng mayayaman at mahihirap.
8. Arketipo – Sa pananaw na ito ay
gumagamit ng huwaran upang
masuri ang elemento ng akda. Ang
salitang arketipo ay
nangangahulugang modelo kung saan
nagmula ang kapareho nito.
9. Femenismo – Sa pamamagitan ng pananaw na ito
nasusuri ang kalagayan ng kababaihan at ang
pagkakapantay-pantay ng kalagayan ng kababaihan at
kalaalkihan sa lipunan at maging sa panitikan.
10. Eksistensyalismo – Ipinapakita naman sa
pananaw na ito na ang tao ay malayang nagpapasya
para sa kanyang sarili upang mapalutang ang
pagigingindibidwal nito nang sa gayon ay hindi siya
maikahon ng lipunan.
11. Klasismo – Layunin nitong
mailahad ang katotohanan,
kabutihan at kagandahan at
pinapahalagahan nito ang
katwiran at pagsusuri.
12. Romantisismo –
Binibigyang diin dito ang
damdamin kaysa kaisipan.
13. Realismo – Ipinapalasap rito
ang katotohanan ng buhay,
maging ito man ay hindi magnda,
layuninin nitong ilahad ang
pangyayari sa tunay na buhay.

You might also like