You are on page 1of 27

MGA PAGDULOG O

PANANAW
SA PAGSUSURING
PAMPANITIKAN
MORALISTIKO/
MORALISMO
Sinusuri ang panitikan batay sa
pagpapahalagang taglay nito.
Mababatid ng isang manunuri kung
taglay ba ng akda ang
pagpapahalaga sa disiplina,
moralidad at kaayusang nararapat
at inaasahan ng madla.
SOSYOLOHIKAL
Sa pamamagitan ng pananaw na ito
mahihinuha ang kalagayan ng
lipunan nang panahong isinulat ang
akda. Karamihan sa mga akdang
sinusuri gamit ang pananaw na ito
ay dumadalumat sa kalagayan ng
lipunan at sa uri ng mga taong
namayagpag sa panahong ito.
SIKOLOHIKAL
Sa pananaw na ito ay
makikita ang takbo o
galaw ng isipan ng
manunulat.
FORMALISMO
Sa pamamagitan ng pananaw
na ito, binibigyang pansin ng
manunuri ang kaisahan ng mga
bahagi at ang kabuoan ng akda
nang malayo sa pinagmulang
kapaligiran, era o panahon at
maging sa pagkatao o katangian
ng may-akda.
IMAHISMO
Naglalayong ipahayag nang
malinaw gamit ang tiyak na
larawang biswal. Nagiging mas
epektibo ang pagpapahayag ng
mensahe sa kadahilanang
nabibigyang-buhay ng may-
akda ang mga kaisipang nais
ipahiwatig.
HUMANISMO
Binibigyang-pansin ng
pananaw na ito ang
kakayahan o katangian ng
tao sa maraming bagay. Ang
pananaw na ito ay
magpapahalaga higit sa tao
kaysa sa anumang bagay.
MARXISMO
Ito ay nakabase sa teorya
ni Karl Marx patungkol
sa pagkakaiba-iba ng
kalagayan sa buhay at
ang implikasyon ng
sistemang kapitalista sa
lipunan.
ARKETIPO/
ARKETIPAL
Ang pananaw na ito ay
gumagamit ng huwaran upang
masuri ang elemento ng akda.
Ang salitang arketipo ay
nangangahulugang modelo
kung saan nagmula ang
kapareho nito.
EKSISTENSYALISMO
Ipinapakita sa pananaw na ito
na ang tao ay malayang
magpasiya para sa kanyang
sarili upang mapalutang ang
pagiging indibidwal nito.
Makikita o mababanaag ito sa
uri ng mga tauhang gumaganap
sa akda.
KLASISISMO ROMANTISISMO
Pinapahalagahan nito Binibigyang-halaga nito
ang katwiran at ang indibidwalismo,
pagsusuri imahinasyon at likas kaysa
Layunin nitong pagpipigil
mailahad ang Gumagamit ng
katotohanan, kabutihan imahinasyon at
at kagandahan inspirasyon upang
May hangganan maipakita ang nakatagong
kagandahan, kabutihan at
katotohanan.
Walang hangganan
REALISMO
Ipinapakita ng
panitikang
realismo ang
katotohanan.
FEMINISMO
Sa pamamagitan ng
pananaw na ito ay nasusuri
ang kalagayan ng
kababaihan at ang
pagkapantay-pantay ng
kalagayan ng kababaihan at
kalalakihan sa lipunan at
maging sa panitikan.
NATURALISMO
Pinipilit nitong malaman sa
pamamagitan ng siyensiya
ang mga salik at pwersa na
nakakaimpluwensiya sa
gawi ng isang tao

You might also like