You are on page 1of 4

Panunuring Pampanitikan

Yunit 3 at 4: Mga Pananalig o Teorya at Paraan ng Pagtalakay sa mga Akdang Pampanitikan

Mga Layunin:
-Natutukoy ang iba't ibang uri ng teoryang pampanitikan ayon sa kahulugan at katangian nito.
-Nakasusuri ng mga akdang babasahin o napanood batay sa pananalig o teoryang pampanitikang
taglay nito;
-Nailalapat ang mga natutunan sa pagbuo ng isang balangkas ng panunuring pampanitikan.
-Nabibigyang-halaga ang mga paraan ng pagtalakay sa miga akda bilang bahagi ng panunuring
pampanitikan

REALISMO
-itoy naglalarawan sa paraang siyentipiko at hindi mamimili ng mga bagay na nadarama at napag-
uukulan ne pagmarasid
-Inilalarawan ang buhay sa
katotohanan nito at walang idealismo

KLASISISMO
-Iniingatan ang paksa
-Madalas na ang paksa ay may
kinalaman sa pulitika, moralidad,
kabuhayan at relihiyong matutuklasan

ROMANTISISMO
-Nababatay sa kasaysayan at
kagandahan ay nagpapakita ng
napakaraming pagbabago na
naganap sa panitikan.
- Makikita sa mga paksang
tumatalakav sa pag-ibig

IMPRESYUNISMO
-Batay sa impresyong naikintal o naiwan sa isipan ng manunulat
-Ang mga akdang mabuting surin sa pananalig na ito ay dapat na naglalahad ng mga reaksyon sa
mga aktuwal na pangyayari sa lipunan at kultura.

SIMBOLISMO
-Kakikitaan ng paglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag
na maaaring katawanin ng mga bagay, kilos, tauhan, pananamit at pangalang ginamit ne may-
akda.

NATURALISMO
-Pananalig na nagsisikap na mailarawan ang kalikasan ng buong
katapatan
- Nais na bigyan ng diin
ang siyentipikong paglalarawan ng mga tauhang pinagagalaw sa mga
pwersang impersonal

IDEALISMO
-Ang din ay ang pinakamahusay na dapat gawin.

FEMINISMO
-Mabuting maging akdang suri sa
teoryang ito ang mga akdang nagbibigay din sa karanasan, katangian at kakayahan ng mga
kababaihan - ang kanilang pananagumpay, pagkabigo't muling pagbangon at kapangyarihang
taglay na nagagampanan ng Isang lalaki.

SUREALISMO
-Sa pananalig na ito maraming bagay ang nangyayari sa guniguni ng tauhan.
-Pinagsasama ang realidad at superealidad.
-Naghibigay tuon ito sa miga paniniwalang tungkol sa pantasya, pangarap at panaginip na may
katotohanan o realidad na
nakahihigit pa sa karaniwan.

EKSPRESYUNISMO
-Sa pananalig na ito av walang pagkabahalang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan
at nadarama.
-Ang paghahanay ng mga salita ay nailba kaysa karaniwan
-Kung tutuusin ay bihirang makakita ng akdang nagtataglay ng pananalig na ito.

MODERNISMO
-Ito ang teorya o pananalig na nagbibigay din sa pagbabago kung kaya ipinakikita ang
paghihimagsik
sa isang tradisyon, pananampalataya, kaugalian o paniniwala

EKSISTENSYALISMO
-Sa panininiwalang ito ay inihahanap ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad.
kapangyarihan at kapasyahan ng tao laban sa katwiran ang binibigyan ng timbang o halaga

MORALISTIKO
Ipinalalagay na may kapangyarihang maglahad ng akda, di lamang ng mga literal na katotohanan
kundi ng mga panghabangbuhay at unibersal ng katotohanan at mga di mapapawing
pagpapahalaga. Higit a pinahahalagahaan ang mea aral o leksyong Ibibigay ng akda sa mga
mambabasa at di ang katangian nito bilang alda na may sinusunod na mga prinsipyo
YUNIT IV:
MGA PARAAN NG PAGTALAKAY SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN

YUNIT 4
• Bawat akdang nakasulat ay magkakaroon lamang ng halaga kung ito' binabasa at pagkatapos ay
pinag-uukulan ng matamang pagsusuri ng bumabasa.

Pagtalakay sa mga akdang pampanitikan ayon sa limang dimenson base kay Arogante, Jose A.
(1991)
Panlipunan
Pangkaisipan
Pangmoral
Pang-anyo
Pang-arketipo

1Panlipunan
-Matamang sinusuri ang interaksyon ng tao sa tao, ng tao sa lipunan, sinusuri rin ang interaksyon
ng tao sa kanyang kapaligiran
-Sinusuri rin dito ang mga suliraning panlipunang may malaking kaugnayan sa kanyang tagumpay
o pagkabigo.

2. Pangkaisipan
-Binibigyang-din ang pakikipaglaban ng tauhan sa sariling isipan.
-Iniisip niya kung tama ba o mali ang kanyang desisyon, ang kanyang gagawin o ginagawa.

3. Pangmoral
-Ito'y pagtalakay na pampanitikan na ang isinasaalang-alang ay ang aral, ugali, kilos at panahong
ikinapangyari
-May kinalaman ang panahon sa pagtalakay na pampanitikang ito, ang pangmoral (halimbawa sa
usaping pag-ibig o panliligaw noon at ngayon)

4. Pang Anyo
• Malimit na ginagamit ng guro ng panitikan bilang paraan ng
pagpapahalaga sa anumang akdang nais talakayin.
Hal. Mga Tula/Maikling Kuwento o Nobela, tradisyonal o makabago

Pang-arketipo
-Ito ang paraan ng pagtalakay sa anumang akdang pampanitikan na kasisinagan ng mga tauhan sa
Bibliya o Banal na Kasulatan, gayundin sa mga tauhan ng mga klasikong akda ng mga Griyego at
Romano at sa mga akdang popular tulad ng Florante at Laura, Noli Me Tangere at iba pa.

You might also like