You are on page 1of 10

Ang Suring-

basa at ang
Panunuring
Pampanitikan
Panimula
Ang panitikan ay hindi simpleng babasahing may
kuwento o mensahe. Hindi lamang ito akdang
nagbibigay ng sandaling pagtakas sa realidad
upang tunghayan ang mga pangyayaring bunga
ng kathang-isip. Hindi lamang ito akdang may sukat
at tugma na nakakakiliti sa pandinig o isang
tekstong nagbibigay-impormasyon o
nagpapaunawa ng ibang pananaw.
Higit pa ang panitikan sa pagiging
pampalipas-oras. Higit pa ito sa pagiging
tagahatid ng damdamin gaya ng saya,
lungkot, tuwa, inspirasyon, galit o poot, at iba
pa. ang panitikan ay isang sining na
maaaring magbigay ng iba’t ibang danas,
iba’t ibang bisa, iba’t ibang pagkatuto.
Sa kasalukuyan, maraming teorya o dulog
pampanitikan ang magagamit sa
pagpapalalim ng pag-unawa sa anomang
genre ng panitikan. Maaaring ang isang akda
ay suriin sa lente ng iba’t ibang teorya o
dulog basta’t sumusunod sa tamang
prinsipyo ng teorya o dulog na napili.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte
1. Pormalismo – binibigyang diin ng teoryang ito ang porma
o kaanyuan ng isang akda. Naniniwala itong nasa porma o
estruktura ng isang akda ang kasiningan nito.

2. Sosyolohikal – sa pananaw na ito, sinusuri ang akda


batay sa kung paano nito tinatalakay ang mga isyung
panlipunan. Tinitignan dito ang kaugnayan ng mga
institusyon, suliranin, at estrukturang panlipunan.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte

3. Historikal – sa dulog na ito, ang binibigyang pansin ay


ang panahong kinabibilangan ng mga tauhan at
pangyayari sa akda. Sapagkat ang panitikan ay produkto
ng realidad, hindi maiiwasan na ang manunulat ay
bumatay sa isang tiyak na panahon upang pangyarihin
ang kaniyang akda. Sa pananaw na ito, sinusuri ang akda
bilang salamin ng kasaysayan ng isang bayan.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte
4. Biyograpikal – sa paggamit ng teoryang ito, nasusuri
kung paanong ang akda ay naimpluwensyahan ng tunay
na buhay ng awtor.

5. Femenismo – sinusuri ng teoryang ito ang estado ng


kababaihan bilang paksa ng panitikan. Naglalayon itong
igiit ang espasyo ng babae bilang indibidwal na may
dignidad at kalayaan. Ipinapakita nito ang tunggalian ng
kababaihan na malabanan ang opresyon ng sistemang
patriyarkal o maka-lalaki.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte
6. Siko-analitiko – nakatuon ito sa pagsusuri ng pag-uugali,
gawi, kilos, natatagong motibo, dahilan, at iba pang salik
ng pagkatao ng mga tauhan batay sa sikolohika.

7. Arketaypal – nakatuon ito sa pagtukoy ng mga tauhan,


tagpuan, pangyayari, tema, o simbolo na sa kapapaulit sa
iba’t ibang anyo ng panitikan ay nagkakaroon na ng
unibersal na pagkakakilanlan at maituturing nang isang
padron.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte

8. Moralismo – nakatuon ito sa bisa ng panitikan sa


kaasalan, kaisipan, at damdamin ng tao. Ang diin nito ay sa
aral na naidudulot ng isang akda.

9. Estrukturalismo – nakabatay sa mga teoryang


lingguwistiko ni Ferdinande de Saussure na isang
dalubhasa sa wika, hinamon noto ang paniniwalang
salamin ng realidad ang isang akda.
Mga teorya o dulog hango sa aklat na Introduksyon sa
Panunuring Pampanitikan 2009 ni Patrocino V. Villafuerte

10. Dekonstruksiyon – naniniwala ito na ang kahulugan ng


isang akda ay nasa kamalayan ng gumagamit ng teksto at
hindi sa teksto. Habang isinusulat ang akda, ang
kahulugan nito ay nasa kamalayan ng manunulat. Ngunit
sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang
kahulugan ng akda ay nasa mambabasa na. ang teoryang
ito ay kilala rin sa tawag na post-estrukturalismo.

You might also like