FIL (LP) Calamansi Juice-WPS Office

You might also like

You are on page 1of 4

FILIPINO 4 IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:

Petsa:

Baitang at Pangkat:

PAGSULAT NG SIMPLENG RESIPI O PATALASTAS

Panimula (Susing Konspeto)

Ang Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay ginawa upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng malalim
na pang-unawa at kaalaman sa pagsulat ng resipi o patalastas.

Pagkatapos ng LAS na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na makagawa/makasulat ng sariling resipi o
patalastas.

TANONG:

Ano ang panuto?

Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.

Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong
pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto. Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa
kanan, sa kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto.

Halimbawa

Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib habang inaawit ang Lupang Hinirang.

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto?

Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto kung paano gagawin ang utos.
Sinusunod natin ang mga napapakinggang panuto upang magawa ang mga gawain nang wasto at
maayos.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/flamerock/pagsunod-sa-panuto

Basahin

Naririto ang resipi ng paggawa ng calamansi juice.

Pamagat Calamansi Juice

Layunin Makagawa ng isang masarap at masustansiyang juice

Mga Sangkap

10 pirasong kalamansi

1 1/2 kutsarang asukal

4 na kutsarang honey/pulot

1 litrong tubig

Mga Hakbang:

1. Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin.

2. Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang huwag mahiwa ang mga buto.

3. Pigain ang kalamansi sa isang salaan.

4. Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig.

5. Lagyan ng 4 na kutsarang honey/pulot.

6. Haluin at ilagay sa isang lalagyan. Palmigin o lagyan ng yelo kung nais.

Tanong:

Anu-ano ang bahagi ng resipi?


Ano ang nakasulat sa pamagat? Layunin? Sangkap? Mga hakbang?

Malinaw ba sa inyo ang inyong binasang pamamaraan?

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Nakasusulat ng simpleng resipi at patalastas. (F4PU-IIIa-2.4)

Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konsepto ng ating aralin? Kung may nais kang linawin tungkol sa aralin ay
maaari kang magtanong sa akin sa pamamagitan ng text o personal message. Nakahanda akong palagi sa
pagsagot sa iyong mga katanungan.

Ngayon, handa ka ng ba sa mga gawaing binuo ko para sa iyo? Huwag kang mag-alala nakabatay ang
mga gawaing inihanda ko para sa iyo sa ating kasanayang pampagkatuto. Sundin mo lamang ang mga
panutong ito.

1. Basahin at pag-isipan mong mabuti ang bawat gawaing iyong gagawin.

2. Subukan mong sagutan mag-isa, kung may hindi ka nauunawaan sa gawain ay maaari kang
magtanong.

3. Sikapin mong tapusin ang mga ito sa takdang araw at oras na inilaan para dito.

Pamamaraan

Gawain 1

Bilang isang mag-aaral, mag-isip ng isang pagkain Pinoy na makakaya mong lutuin. Isulat ang mga
hakbang sa paggawa ng pagkain na nais mong ihanda. Gamitin ang format na nasa ibaba.

Pamagat:

Layunin:

Mga Sangkap:

Mga Hakbang sa Paggawa:

1.

2.

3.
4.

You might also like