You are on page 1of 3

BAGONGBUHAY Project MELC (Managing and Enhancing Learning through Contextualization)

STUDENT LEARNING GUIDE IN FILIPINO 4


Elementary School Quarter 3, Week 1

Aralin 1: Pagbibigay ng hakbang sa Isang Gawain

GAWAING PAMPAGKATUTO

(F4PB-IIIa-8.6) Nakapagbibigay ng Hakbang sa


Isang Gawain

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nakapagbibigay ng hakbang ng isang Gawain.

PAGTALAKA
Y

Nakakita ka na ba ng halimbawang resipi? Kung hindi, basahin at aralin


mong maigi ang isang halimbawa nito.

Mga Sangkap:
10 pirasong kalamansi
4 na kutsarang honey/pulot
1 2/4 kutsarang asukal
1 litrong tubig

Mga Hakbang:
1.Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin.
2.Hiwain ang kalamansi sa may puno nito.Ingatang mahiwa ang mga buto.
3.Pigain ang kalamansi sa isang salaam.
4.Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig.
5.Haluin at ilagay sa isang lalagyan.Palamigin o lagyan ng yelo kung nais.

Alam mo ba?
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano
isagawa ang isang bagay o gawain. Satekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
kronolohikal naparaan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod. Ang layunin ng tekstong
prosidyural ay magbigay ng panuto sa mambabasa paramaisagawa nang maayos ang isang
gawain.

GAWIN MO!
GAWAIN 1

Narito ang iilang pagsasanay sa pagsunod sa mga panuto.


Ang mga kailangang kagamitan ay lapis, papel, pangkulay, at ruler.

A. Gawin ang bawat panuto.

1. Gumuhit ng isang malaking kahon.


2. Gumuhit ng isang bahay sa gitna ng kahon.
3. Gumuhit ng isang kahoy sa bandang kanan ng bahay.
4. Gumuhit ng araw at mga ulap sa ibabaw ng bahay at puno.
5. Kulayan ang larawang ginawa.

B. Sundin ang mga panuto.

1. Gumuhit ng bilog sa gitna ng papel.


2. Isulat ang buo mong pangalan sa loob ng bilog.
3. Salungguhitan ang iyong apelyido.
4. Isulat ang iyong palayaw sa ibaba ng iyong buong pangalan.
5. Kahunan ang iyong palayaw.

Karagdagang Gawain:

Panuto: Isulat ang mga hakbang at sangkap sa pagluluto


ng iyong paboritong ulam. Isulat Ito sa isang buong
papel.

REFERENCE:

https://www.coursehero.com/file/87401685/Filipino-4-Q3-
Week-1pdf/
PREPARED:

CHIN DIANA O. AUXILLOS


Teacher I

CHECKED:

RICHARD G. PAGULI
Master Teacher II

NOTED:

CECILIA J. MIGUEL,PhD
OIC- Head Teacher III

You might also like