You are on page 1of 3

Prologo

ni Ivan Bogayan

"Walang nakakarating sa taas nang hindi nagsisimula sa ibaba" Iyan ang


pahayag na pinanghawakan ng may akda sa paggamit ng pamagat nitong portfolio
-Tungtungan. Dahil, itong portfolio na ito ay ang nagsilbing tungtungan ng akda
para makarating sa taas (makamit ang kaniyang pangarap). Ang mga nilalaman
nitong portfolio ay mga maliit na hakbang na nagpatong-patong para makabuo ng
matatag na daan tungo sa kinabukasan. Ilan sa mga ginawang gawaing
matatagpuan dito ay ang Posisyong papel, Rebyu, Pictorial essay, burador ng
lakbay-sanaysay at replektibong sanaysay. Ang mga gawain na ito ay magandang
mapag-aralan ng bawat mag-aaral tungo sa kanilang paglago ng kaalaman.
Mahirap rin gawin ang mga ito ngunit maraming natutunan at napagtanto ang akda
mula rito. Ang magaan at lubos na kasiyahang naramdaman ng akda tuwing
nakakatapos siya ng gawain ang isa sa mga nag-udyok sa kanya na maunawaan na
magsisilbi itong hakbang para sa kanyang tungtungan.

Ang magaang pakiramdam na nararamdaman niya ay dahil naiisip niyang


isang hakbang na siyang malapit sa kanyang pangarap. Ang tungtungan ay isa sa
mabisang paraan upang makarating sa pinaroroonan. Walang nakakarating sa
pinaroroonan kundi sa paraang paunti-unting pagbuo ng daan papunta rito. Batid
niyang minsan ay pinagpapaliban niya ang paggawa ng mga nilalaman dito kaya't
alam niyang hindi ito kagandahan at hindi makatatanggap ng perpektong grado.
Ngunit, alam niyang ibinubuhos niya ang kanyang sariling buong kaalaman,
naiisip at nararamdaman sa paggawa nito. Minsan ring pinangungunahan siya ng
katamaran at akala niyang hindi niya kayang gawin ang mga ito kaya't lubos ang
gaan at kasiyahang naramdaman niya tuwing nakatatapos siya ng mga ito. Sa
tulong ng mga gawain sa paksang-aralin na ito, hindi lamang ang nararamdaman
ng akda ang nakinabang bagkus ay umunlad rin ang kaalaman, kakayahan,
disiplina at kasanayan niya sa paggawa ng mga ganitong gawain na lubos na
makatutulong sa kanyang paghakbang sa susunod na pagsubok.

Ang tungtungan na ito ay taos puso niyang ipinapasalamat unang-una sa


Panginoon na nagbigay gabay, kakayahan at kalakasan para magawa ito.
Pinapasalamatan rin niya ang kanilang guro na si Gng. Krestha Honeyca Naynes
Gonzales sa walang sawang pagtuturo sa kanila at pagtitiyaga sa pagbigay ng
gabay para magawa itong portfolio at ang mga nilalaman nito. Nagpapasalamat rin
siya sa kaniyang sarili dahil hindi siya sumuko at patuloy na humakbang sa
tungtungang kanyang binuo. Ang portfolio na ito ay magsisilbi sa akda bilang
inspirasyon na ipagpatuloy itong nabuong matatag na tungtungan at patuloy na
humakbang patungo sa kaniyang pangarap.
Epilogo
ni Ivan Bogayan

Ang pagsulat ng mga sulating nilalaman ng portfoliong ito ay tila


nakakastress at nakakatamad, ngunit masaya at hindi malilimutang karanasan
bilang estudyante. Nakakastress dahil kailangan ng kritikal na pag-iisip, pagsabay
sa criteria at kasipagan para matapos ito ng tama. Nakakatamad sapagkat
nakagawian ng akda ang pagpapaliban ng mga gawain. Kasabay ng kakulangan ng
kaalaman at kasanayan ng akda kaya't hindi ito naging madali at nagsumikap na
malikom ang sapat na impormasyon at masusing kasanayan para maipasa ng
maayos at makatanggap ng wastong grado. Sa kabilang dako, isang masaya at
hindi malilimutang karanasan ang nabuo sapagkat kasama ito sa bumubuo ng
buhay ng isang estudyante. Ang pagkaranas ng "stress" at pagod ay normal na
nararanasan ng isang bata kaya't alam ng akda na nasa tamang daan siya. Sa
karagdagan, nakararamdam ng lubos na gaan at kasiyahan ang akda sa tuwing
nakakatapos ito ng sulatin sapagkat madalas siyang pinangungunahan ng takot at
katamaran.

Hindi niya akalaing natapos niya ito kaya't di na lamang matumbasan ang
kaligayahan nito. Sa pagsulat ng sulatin, natutunan ng gumawa na mali ang
kaniyang paraan ng pagsisimula ng gawain dahil hindi naman kailangang maging
perpekto ito sa una, kundi ay mahalaga na nagsisimula ka at pinauunlad ito habang
gumagawa. Isa rin sa mga natutunan niya ay, dapat maging mapanuri, magsaliksik,
maging organisado, sumunod sa gabay, maging maayos sa gramatika at gamitin
ang sariling kaalaman upang maging maayos at mapadali ang paggawa ng mga
sulatin. Lumago ang kanyang kakayahang pang-gramatika, paggawa ng sanaysay,
pagpaplano at iba pa. Nalaman rin nya na mahalaga na sumunod sa gabay na
itinakda ng guro para sa maayos na grado. Natuklasan niya na marami pa siyang
kailangang iunlad sa kaniyang sarili kung gusto niyang maharap ang mga
pagsubok ng may pag pagmamatuwid sa buhay. Gayundin, napagtanto niyang ang
pagmamatuwid ay makatutulong sa kanya na maging matatag sa harap ng mga
hamon.

Bumalik tanaw sa kaniya ang paghihirap na pinagdaanan sa pagbuo ng


portfoliong ito, alam niyang ibinuhos niya ang kanyang oras para sa importanteng
bagay at hindi niya ito pinagsisihan. Ang portfoliong ito ay lubos na mahalaga
hindi lamang para sa grado kundi para rin sa pansariling kaunlaran ng kakayahan at
kaalaman. Isang hakbang muli ang nabuo para sa tungtungan.
Bionete

Si Ivan Gabriel D. Bogayan ay


kasalukuyang mag-aaral ng baiting labing-
isa (11) sa Quezon National High School sa
strand na Science, Technology, Engineering
and Mathematics (STEM) ngayong taong
2023-2024 .Siya ay naimbitahan na, bilang
isang speaker upang maglahad ng ilang
detalye tungkol sa Youth Conference
Program para sa kaalaman. Siya ay dating mahiyain ngunit
nilabanan ito at nasa inyong harapan. Siya ay nakapagtapos ng
Junior High School sa Lucena National High School noong taong
2022-2023. Siya rin ay bihasa sa ibang larangan tulad ng mahilig sa
kompyuter, hilig sa matematika at pagsasayaw. Noong 2013,
nakasali na siya sa isang Youth Conference Program o Kids for
Christ. Maaari siyang matawagan sa numerong 09310157818.

You might also like