Nagtapos ng Bs Industrial Education Major In Chemistry
Sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) bilang Cum Laude noong taong 1996, siya rin ay nakapag tapos ng Masters of Arts in Education (MAEd) at naka kamit ng yunit sa Doctor of Philosophy (Ph.D) in Guidance and Counseling. May titulo siyang Regional Outstanding Teacher noong Disyembre taong 2014, siya rin ay naging SDO Nueva Ecija’s Outstanding School Paper Adviser at isa sa Regional Outstanding School Paper Adviser noong 2014 at Presidente ng SDO School Paper Advisers’ Association.
Kasalukayang siyang nagtuturo sa paaran ng San Fernando Sur Elementary School
(SFSES) bilang Special Program in Journalism Coordinator at responsable sa matagumpay na pagpapatupad ng Special Program for Journalism (SPJ). Isa rin siyang tagapag sanay at tagapag-salita sa Dibisyon ng Nueva Ecija sa kategoryang Pagsusulat ng Balita at Pagwawasto at Pag-uulo ng Sipi.
Marami na rin siyang naiambag at nalimbag na tagumpay sa haba ng taon ng kanyang
pagtuturo. Siya ay naging Module at LAS (Learning Activity Sheet) writer in English 5 noong panahon ng Pandemya na nagamit sa buong paaralang Elementarya sa Rehiyon III. At bilang tagapag sanay sa Pamamahayag ay naka panalo na siya ng ilang kabataang mamamahayag na naging kampeon sa Regional Schools Press Conference at nakatungtong sa National Schools Press Conference sa taong 2014 at 2015. Samantala, ang kanyang pananaw naman sa buhay ay “Live One Day at a Time. But Live Each Day Giving Your Best”.