You are on page 1of 27

Republika ng Pilipinas

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Lungsod ng Cabanatuan

KOLEHIYO NG MGA SINING AT AGHAM


Departamento ng Lingguwistika at Literatura

NEUST Printing
General Tinio Street, Cabanatuan City

MANUNULAT

Ma. Lourdes R. Quijano, PhD Marianne R. De Vera, PhD


Rommel V. Espejo, PhD Christopher G. Francisco,
PhD Andrea P. Adigue, PhD Suzette DC. Domingo, PhD

KASAMA ANG MGA GURO NG/SA FILIPINO

Higino D. Chavez, MAEd Josephine B. Soriano, MM-EM, MAEd

Darhyl John B. Cacananta, PhD Joan Lei M. Gonzales

May C. Gepolgani Mary Rose S. Gonzales

Joanna Joy F. Batungbakal Ma. Cecilia M. Paraiso

Ronald B. Pederes Christan M. Raga

Kassandra C. Salipsip Eunice T.

Galman Genalyn

A. Gaba

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN


Paunang Salita

Ang Wika ay isang behikulo at instumentong ginagamit ng mga tao at institusyon sa lipunan. –
sa halos lahat ng ugnayan at talastasan ng mga ito. . Anuman at alinmang lipunan ay nangangailangan
nito upang higit na magkaunawaan, maging episyente ang pagpapagalaw ng mga gawain, at maging
epektibo ang mga simulain. Behikulo ang wika dahil mahalaga ito sa komunikasyon. Instrumento ito
dahil maliban sa komunikasyon, nagagamit at namamanipula ito para sa iba’t ibang gawain at para sa
iba’t ibang motibo, interes, at layunin, maging positibo man ito o negatibo, maging mapagbuo man ito
o mapanwasak, at maging makabuluhan man ito o hindi.

Ang Wika ay makapangyarihan. May kakayahan itong maglimita, magpalawak, magpalinaw,


magpalabo, ng mga idea. Sa madaling salita, may kapangyarihang kumontrol ang wika. Ganito ang
paniniwala nina Edward Sapir at ng kanyang estudyanteng si Leon Whorf nang ihayag nila ang teorya
ng “language determinism.”Dahil sa kakayahang ito ng wika, pinaniniwalaan naman nina Gunther
Kress at Robert Hodge, sa Language as Ideology, (Routledge & Kenan Paul, London, 1979) na ang wika
mismo ay isang ideolohiya, Ayon sa kanila, (pp. 5-6)

… yaon lamang may pangalan ang maibabahagi. Ang mga persepsyong


maipapahayag ay kailangang maipasok sa wika. Kaya ang wika na ininigay ng lipunan
ang nagdedeternima kung aling mga persepsyong ito na nakapirmi sa wika ay nagiging
isang ordinaryong bagay na bahagi na ng gawain ng tao. Hindi natin maiiwasang ipilit
ang ating mga klasipikasyon sa ibang tao at maging sa ating sarili. Inaayos ng wika
tungo sa isang mundo na napakatatag at magkakaugnay kaysa sa nakikita ng ating
dalawang mata kung kaya may lugar sa kamalayan ng tao at nagiging bagay ito na sa
pag-aakala nati’y nakita natin. Ang wika, gaya ng alam nang marami ay nakapaloob sa
mga pang- araw –araw na gawain ng lipunan, bilang praktikal na kamalayan ng lipunan,
tatawagin natin ang kamalayang ito na ideolohiya, na isang sistematikong kabuuan ng
mga idea na isinaayhos mula sa isang partikular na pananaw.

Ngunit hindi lamang wika ang nagdidikta sa kamalayan ng tao. Ang lipunan na siyang
humuhubog sa kamalayan ang kasama ring pumapaikot, pumapaloob, kumukulob sa kamalayan ng tao.
Ang wika at lipunan ang mga puwersa at kapangyarihag kumukontrol at bumabalot sa katauhan at
kamalayan ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng politikal, ekonomiko, at sosyal na istatus sa
lipunan, nabibigyan ang wika ng kapangyarihang ”magdikta”,
“magmanipula”, “kumontrol” sa kilos ng tao. Kung kumokontrol man ang wika sa kamalayan, lipunan
naman ang nagbibigay ng laman at kabuuan sa kamalayang ito.

Sa ngayon, lumalawak at lumalalim ang gamit ng wika. Patutunayan ng aklat sa pamamagitan ng


mga nabuong sanaysay, saliksik, at artikulong sinulat, kinalap at iniayos sa akademikong larang ng mga
guro sa wika, kultura, midya, at panitikan. Pinatunayan ng mga ang halaga ng paggamit ng wikang
pambansa sa pagbuo ng isang makabuluhang sanaysay, dalumat, kritiko, metakritiko, saliksik, talinhaga,
at akademikong papel. Tinalakay ng mga manunulat ang iba’t ibang disiplina gamit ang wikang
pambansa.Binigyang talakay ang mga usaping at konseptong may kinalaman sa linggwistika, pilosopiya,
musika, kultura, midya, kasaysayan, politika, ekonomiks, siyensya, kulturang popular, feminismo,
lipunan, edukasyon, rehiliyon at iba pa. Dahil sa taglay na kapangyarihan ng wika, nakabuo ng
makabuluhang babasahin/sanaysay ang mga manunulat, mga babasahing tumatalakay at sumusuri sa iba’t
ibang disiplina.

Kung gayon, inaasahan na magiging malaking tulong ang modyul na ito upang ang wika at
kamalayan ay mahubog tungo sa pag ugit ng perspektibo ng mambabasa sa pagdadalumat ng iba’t ibang
genre.

Malaking pasasalamat mula sa lahat ng mga guro sa/ng Filipino kasama ang pamunuan ng
Pamantasang-NEUST at sa mga website na naging sanggunian upang mabuo ang modyul na ito.

Kasihan nawa tayo ng pagpapala ng Maykapal sa mabilis at magaan na pag-aaral ng mga


nilalaman ng modyul na ito.

M.L.R.Q.
R.V. E.
M.R.DV.
A.P. A
S.DC. D
C. G. F.

Mga guro ng/sa Filipino at mga Editor 2020


TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1
A. Kahulugan ng Salitang “Pagdadalumat” at Konsepto ng mga
salitang itinanghal na salita ng taon...................................................1
Paunang Pagtataya.................................................................................1
Daloy ng Kaalaman…............................................................................2
Kahulugan at Katuturan…....................................................................2
Konsepto ng mga salitang itinanghal na salita ng taon:........................3
Pangwakas ng Pagtataya........................................................................4
DALUMAT-SALITA: Mga Salita ng Taon/Sawikaan...............................4
Paunang Pagtataya.................................................................................5
Daloy ng Kaalaman…............................................................................6
Mga Mungkahing Gawain….................................................................7
Pangwakas ng Pagtataya........................................................................8
Pagsipat sa mga Awiting Bilang Panimulang Pagdadalumat.........9
Paunang Pagtataya...............................................................................10
Daloy ng Kaalaman…..........................................................................11
Pangwakas ng Pagtataya......................................................................12
DALUMAT-SALITA ng TAON/SAWIKAAN..............................13
Daloy ng Kaalaman…..........................................................................14
Mga Mungkahing Gawain…...............................................................15
Pangwakas na Pagtataya......................................................................18
KABANATA 2
MGA TEORYA PARA SA EPEKETIBONG PAGDALUMAT........19
Paunang Pagtataya...............................................................................20
Daloy ng Kaalaman…..........................................................................21
Mga Mungkahing Gawain…...............................................................22
Pangwakas na Pagtataya............................................................................25
Mga Sanggunian…....................................................................................26
MGA TEORYA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT
Layunin at Panimula…..........................................................................27
Paunang Pagtataya....................................................................................28
Daloy ng Kaalaman:.................................................................................29
Kaalaman at Proseso...............................................................................30
Mga Mungkahing Gawain….....................................................................31
Pangwakas na Pagtataya............................................................................35
Mga Sanggunian…....................................................................................36
Paunang Pagtataya/Daloy ng Kaalaman…...............................................39
Mga Mungkahing Gawain….....................................................................41
Pangwakas na Pagtataya............................................................................44
MGA TEORYA SA EPEKTIBONG PAGDALUMAT......................45
Daloy ng Kaalaman:Pagdalumat sa mga Saliksik na may Kaugnayan sa
Gender and Development/Indigenous People(GAD/IP’s)…...............46
Pananaliksik, Kahulugan,Bahagi...............................................................47
Paraan sa Paglalahad o Proseso ng Pagdalumat........................................48
Mga Mungkahing Gawain….....................................................................49
Pagpupuntos sa Gawain…........................................................................51
Pangwakas ng Pagtataya............................................................................55
Mga Sanggunian…....................................................................................56
KABANATA 3
PAGSASALIN NG PILING TEKSTONG MAKABULUHAN SA
DALUMAT NG/SA FILIPINO.............................................................57
Daloy ng Kaalaman…...............................................................................58
Mga Mungkahing Gawain….....................................................................59
Pangwakas mg Pagtataya...........................................................................60
Daloy ng Kaalaman: Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal:
Kalikasan, Mga Teorya at Metodolohiya...................................................67
Pangkalahatang Tuntunin sa Panghihiram at
Pagsasalin ng mga Salitang Banyaga........................................................68
Mungkahing Gawain…..............................................................................69
Pangwakas ng Pagtataya............................................................................70
Sanggunian….............................................................................................73
PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTONG MAKABULUHAN
SA DALUMAT….....................................................................................74
Paunang Pagtataya.....................................................................................75
Pangwakas ng Pagtataya............................................................................79
Sanggunian….............................................................................................81
PAGSASALIN NG MGA PILING TEKSTONG MAKABULUHAN
SA DALUMAT: Layunin.......................................................................82
Daloy ng Kaalaman…................................................................................84
Mga Mungkahing Gawain….....................................................................86
Pangwakas ng Pagtataya............................................................................89
Sanggunian….............................................................................................90
Pamamaraan ng Pagsasalin ni Friedrich Scheimacher.......................93
Pangwakas na Pagtataya/Sanggunian…....................................................94
Kasanayan,Kahalagahan…........................................................................95
Paunang Pagtataya.....................................................................................97
Panimulang Pagtataya................................................................................98
Daloy ng Kaalaman: Ang Pelikula.......................................................100
Mga Uri ng Pelikula..............................................................................101
Mga Mungkahing Gawain…...................................................................102
Pangwakas ng Pagtataya.........................................................................107

KABANATA 4
INDIE FILM..........................................................................................108
Panimulang Pagtataya.............................................................................109
Daloy ng Kaalaman: Ang Kasaysayan…................................................110
Ang Cinemalaya.......................................................................................111
Mga Mungkahing Gawain…...................................................................113
Pangwakas ng Pagtataya.........................................................................115
Paligirang Pangkasaysayan ng Soap Opera Pilipinas.......................116
Paunang Pagtataya...................................................................................117
Daloy ng Kaalaman….............................................................................119
Mga Mungkahing Gawain…...................................................................124
Pangwakas na Pagtataya..........................................................................127
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON....................................128
Daloy ng Kaalaman…..............................................................................129
Sanggunian…...........................................................................................133
KABANATA 1

A. Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat” at


konsepto ng mga salitang itinanghal na salita ng
taon.

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang matututuhan ng mga estudyante


ang mga sumusunod:
1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wikang Filipino
sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Makapag-iisa-isa ng mga salitang itinanghal na salita ng taon.
3. Magagamit ang mga salitang itinanghal na salita ng taon sa pagbuo
ng sariling pangungusap tungo sa pakikipagkomunikasyon.

PAUNANG PAGTATAYA

Panimula:

Ang paksa at mga gawaing inilahad sa modyul na ito ay magsisilbing


susi upang iyong ganap na mabigyang kahalagahan at kahulugan ang salitang
“Pagdadalumat” at kaunayan nito sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga
salitang nakaugnay sa salita o paksang dinadalumat. Ito ang gagabay sa iyo
upang lubos pang mapayabong ang iyong talasalitaan na dulot ng katangian
ng wika na buhay at nagbabago ay nagbubunga ito ng mga bagong salita na
ganap na itinanghal at kinilala bilang salita ng taon.

1
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama at M kung mali ang nilalaman ng
bawat pangungusap.
1. Ayon kay Nuncio (2017), pagdadalumat ang tawag sa proseso ng
pag-iisip at pag-urirat sa mga lantay o ipinahiwatig ng isang salita.
2. May apat na lebel ng pagdadalumat ayon sa pahayag ni Nuncio
(2018).
3. Ginagamit ang lebel na lexical, simbolikal at teoretikal sa
pagdadalumat.
4. Ayon kay Salazar (2011), ang dula ay isang larawan ng buhay na
sinasangkapan ng wika, damdamin, at sining.
5. Ayon kay Atienza (2001), karaniwang nang ikinakabit sa salitang
dula ang mga konseptong tulad ng teatro, artista, iskrip, pag- arte, stage,
costume, make-up, set, props, rihersal, director at palakpak.
6. Ang salitang dula at lansangan ay dalawang salitang-ugat na
bumubuo sa salitang dulansangan.
7. Ayon kay Bernales (2016) may limang paraan ng paglalapi upang
makabuo ng bagong salita.
8. Jejemon ang tawag sa salitang slang na hiniram ng buo ngunit
pinalitan ng kahulugan mula sa istandardisadong kahulugan nito na nakatala
sa diksyunaryong Filipino.
9. Ang Huweteng ay bahagi ng kulturang popular ng Filipino na
hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy.
10. Ang salitang miskol ay itinanghal na salita ng taon noong 2008.

DALOY NG KAALAMAN

Kahulugan at Katuturan
Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at
mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at
mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Ang pag-aaral na ito ay may pagtatangkal dalumatin ang
salitang “dulansangan”. Gagamitin ang tatlong lebel ng
pagdadalumat ng salita na tumutukoy sa lexical, simbolikal, at
diskursibo. Ang prosesong ito ay batay sa Utopian Natin, sa
pagdadalumat ng isang salita.
Ang Usaping Simbolikal sa Salitang Dula
Ayon kay Salazar (1968) ang dula ay isang larawan ng
buhay na sinasangkapan ng wika, damdamin at sining. Hinahabi ito
upang itanghal, makaaliw, umantig ng damdamin, at makapaghatid
ng isa o higit pang mensahe.
Ayon naman kay Atienza (2001), karaniwan nang ikinakabit
sa salitang dula ang mga konseptong tulad ng teatro, artista, iskrip,
pag-arte, stage, costume make-up, set, props, rihersal, director at
palakpak.

Usaping Diskurso sa Salitang Dula


Ayon kay Mendoza (2011), hindi na mabilang sa daliri ang
napakaraming kahulugan ng dula. Mula sa konsepto ng mimesis ni
Aristotle hanggang sa pagkilala sa iba’t ibang
`katangian taglay nito.

A. Konsepto ng mga salitang itinanghal na salita ng


taon :

a. “Canvass” (2004)
b. “Huweteng” (2005)
c. “Lobat” (2006)
d. “Jejemon” (2010)
e. “Miskol” (2007)
f. “Wangwang” (2012)

MGA MUNGKAHING GAWAIN

Magtala ng limang mga salita na hindi pa


istandardisado o kasalukuyang ginagamit lamang ng mga tao sa kanto at
bigyang pagpapaliwanag kung bakit ito dapat na itanghal bilang salita
ng taon batay sa kung papaano ito lumalaganap at ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon.
PANGWAKAS NG PAGTATAYA

Panuto: Panuorin ang epikseryeng AMAYA na binagbidahan ni Marian


Rivera Dantes sa episodyo 1 hanggang 5 at isagawa ang mga sumusunod
na gawain:

1. Magtala ng dalawampu (20) na katutubong salita na ginamit sa mga


dayalogo sa loob ng epikserye.
2. Bigyang kahulugan at ilahag ang katumbas na tagalong na salita ng
mga datutubong salita na iyong itinala batay sa konteksto ng tagpo
kung saan ito ginamit sa loob ng epikseryeng Amaya.
3. Gamitin sa pangungusap ang mga katutubong salita na iyong
nailahad mula sa episodyo ng Amaya na iyong pinanuod.
4. Gumawa ng maikling pagpapaliwanag sa pinagmulang panguhing wika
sa Pilipinas nabibilang ang mga katutubong wika na iyong inilahad.

KABANATA 1
DALUMAT-SALITA: Mga Salita ng Taon/ Sawikaan
(Selfie, Fotobam at Tokhang)

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:

1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa


pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling makabuluhang
konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto
ng komunidad at bansa.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika,
datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa
iba’t ibang larangan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na
akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad
at bansa.
PAUNANG PAGTATAYA

Panimulang Pagtataya

Tama o Mali : Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay may
tamang ideya at M kung ito ay mali.

1. Unang kinilala ang selfie sa wikang Ingles at sa katunayan ay


itinanghal ding Word of the Year noong 2015 ng Oxford Dictionaries.

2. Nangangahulugan ang “selfie” ng pagkuha ng sariling larawan gamit


ang smart phone o webcam at agarang pagpapaskil sa social media.

3. Magiging ambag ang bagong baybay na “Fotobam” sa pagpapayaman


ng Wikang Filipino hindi lamang bilang wika ng diskursong pang-
akademiko, kundi bilang wika ng pang-araw-araw na buhay.

4. Kailangang unawain at angkinin ang salita upang magkaroon ng


kritikal na pagkamalay (critical awareness) ang mga Filipino sa hatid na
panganib at pangako, pinsala at posibilidad ng salitang ito.

5. Naging madalas ang paggamit ng “tokhang” mula nang ilunsad ng


Philippine National Police ang “oplan tokhang” noong 2014.

6. Naging parte na ng buhay ng lahat ang pagkuha ng retrato ng iba lalo


na ng sarili para manatiling konektado sa mundong ito.

7. Ang tokhang ay hango sa salitang Ilocano na “toktok” o katok at


“hangyo” o pakiusap.

8. Kung may mga kailangang salitang isa-Filipino, kailangan munang


tumingin kung mayroon itong katumbas sa mga wika sa Ingles, kung wala
ay kung mayroon itong katumbas sa Wikang Espanyol

9. Ang salitang “Fotobam” ay isa lamang usong salita dahil sa hilig nang
pagreretrato ng mga millennials.

10. Ang selfie ang nagbukas sa isyu sa madla na umabot hanggang sa


Kataas-taasang Hukuman upang mapag-usapan ang mga isyu
kasaysayan, kultura, at pamana na madalas umanong hindi napag-
uusapan.
DALOY NG KAALAMAN

 Sawikaan 2014: Selfie.


Itinanghal ang “selfie” bilang
salita ng taon matapos makakuha ng
pinakamataas na boto mula sa
mga kalahok ng “Pambansang Kumperensiya sa
Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan
2014: Pagpili ng Salita ng Taon.”
Larawan mula sa gmanetwork.com
 Sawikaan 2016: Fotobam

Hango sa salitang Ingles na


“photobomb,” ginamit ni Michael
Charleston Chua ang salitang “fotobam”
(upang maihiwalay sa orihinal nitong
Ingles, bukod sa ito rin ang ginamit sa
isang dokumentaryo ng kaniyang mga
n mula sa estudyante noong
primer.com.ph 2014) upang ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa isang
pambansang simbolo. Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao,
hinubdan nito ang realidad na hindi nakikita sa isang retrato— ang realidad kung
paanong ang mga awtoridad mismo ay mas minamahalaga ang negosyo kaysa ang
mga pamanang pangkultura ng bansa.

 Sawikaan 2016: Tokhang

Hinirang ang “tokhang” bilang salita


ng taon sa sawikaan 2018 na ginanap sa
Institute of Biology sa Unibersidad ng
Pilipinas (UP) Diliman noong ika-26 ng
Larawan mula sa filipinotimes.net 9Oktubre.

Inilahok ng mamamahayag na si
Mark Angeles ang salitang ito na hango
sa salitang Cebuano na “toktok” o katok at “hangyo” o pakiusap.
MGA MUNGKAHING GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Saliksikin at ilista ang mga salitang nakalaban ng Selfie(2014),
Fotobam(2016) at Tokhang(2018) sa Sawikaan:Pagpili ng salita ng
taon.
2.
a. Selfie
(2014):

b. Fotobam(2016)

c. Tokhang(2018):

3. Ano-anong mga salik ang nakapagpanalo sa mga salitang nasa ibaba upang
tanghaling salita ng taon?
a. Selfie(2014):

b. Fotobam(2016):

c.Tokhang(2018):
a. Ano ang kahalagahan ng mga salitang Selfie, Fotobam at Tokhang sa
mga sumusunod: Mamamayang Filipino

.
b. Lipunan

c. Wikang Filipino

Gawain 2

Panuto: Panoorin ang video na ISKOnaryo kung saan pinaliwanag ni Alkalde


Francisco "Isko" Moreno Domagoso ang mga bagong salitang kaniyang pinasikat.
Mula sa napanood ay sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa kung paano binigyan
ng kahulugan ang mga bagong salita.

PANGWAKAS NG PAGTATAYA

Panuto: Mula sa mga salitang nauuso sa kasalukuyan ay pumili ng isang


salita na nais mong dalumatin. Bumuo ng isang konseptong papel hinggil
dito at isaalang-alang ang mga pamantayan sa
paghirang ng salita ng taon.

Salitang
Dadalumatin:
Layunin:
a.

b.
c.

Panimula/Rasiyonale:

Nilalaman:

Konklusyon:

KABANATA 1

PAGSIPAT SA MGA AWITIN


BILANG PANIMULANG
PAGDADALUMAT
LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:

1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa


pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling makabuluhang
konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto
ng komunidad at bansa.
2. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika,
datos atbp. mula sa mga babasahing nakasulat sa Filipino sa
iba’t ibang larangan.
3. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na
akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad
at bansa.
PAUNANG PAGTATAYA

Panimulang Pagtataya
Panuto: Magsulat ng mga salita/ideya na sa iyong palagay ay may
kaugnayan sa salitang “pagsusuri” sa pamamagitan ng Web Organizer.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Pagsusuri

Mga tanong:
a. Paano nakatutulong ang pagsusuri ng isang tekso na
naglalaman ng mga sitwasyong panlipunan?

b. Ano-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pagsusuri?


DALOY NG KAALAMAN
Musika
Ang musika ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o tunog.
Ayon kay Mangusad (2009), ito ay repleksyon ng ating kultura at ng ating
pagkatao.

Ang Elemento ng musika


1. Pitch
2. Daynamiks
3.Timbre
4. Melodiya
5. Ritmo

MGA MUNGKAHING GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Pakinggan ang awiting nasa ibaba. Pagktapos ay
sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.
a. Upuan - Gloc 9
b. Ang bayan kong Sinilangan – Asin
1. Sino ang persona ng dalawang awitin?
Ipaliwanag.

2. g nilalaman ng awitin at ano ang kaugnayan nito sa realidad ng


buhay?

3. Masasalamin pa rin ba sa mga liriko ng Upuan at Ang bayan


kong Sinilangan ang mga nangyayari sa ating lipunan sa
kasalukuan?
Pangatwiranan.

4. Kung magsusulat ka ng isang awit sa kasalukuyan, ano ang


pamagat nito at tungkol saan? Ipaliwanag.
5. Gaano kahalaga ang pagsusuri sa liriko ng awit? Ipaliwanag.

PANGWAKAS NG PAGTATAYA

 Ang Huling El Bimbo


 Ligaya
 Spolarium
Panuto: Pumili ng isang awit mula sa mga awit ng Eraserheads na nasa
itaas. Suriin ito gamit ang balangkas ng pangsusuri na nasa ibaba.
I. Panimula
II. Pagsusuri
a. Pyesa
b. Elemento
c. Liriko
III. Nilalaman
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
KABANATA 1

DALUMAT-SALITA: MGA SALITA NG TAON/ SAWIKAAN

LAYUNIN

Matapos ang yunit na ito, inaasahang:


1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya.
2. Makabuo sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o
ekspansyon ng isang umiiral na konsepto o teorya, o kaya’y
isang mungkahing bagong konsepto o teorya na aakama sa mga
realidad ng lipunang Pilipino
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga
Pilipino sa iba’t ibang larangan.

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang salitang TAMA kung ang


pahayag ay may wastong ideya na nakabatay sa susunod na talakayan
at MALI naman kung wala.

SAGOT KATANUNGAN

1. Walang kakayahan ang ating wika—ang wikang Filipino—


na magamit sa larangan ng pagteteorya.
2. Hindi pa ganap na intelektwalisado ang wikang ito sa iba’t ibang
larangang pang-akademya (liban na lamang sa panitikan) kung
kaya’t nananatiling lingua franca pa
lamang ito sa kalye.
3. Ang Pagdalumat-Salita, sa anumang binubuong teorya,
mahalaga at makapangyarihan ang wika.
4. Mas tatalab ang hamon sa intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino kung gagamitin ang wikang ito sa teoretikal o
pilosopikal na larangan ng mga iskolar.
5. Ang common-sense, ang balon ng kaalaman at
kamalayan ng mga tao upang sila’y kumilos at
makipagdiskurso sa pang-araw-araw nilang buhay.
6. Mahalaga ang balanang pananaw dahil nakasandig dito
ang pagdadalumat.
7. Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas
na antas ng pagteteorya.

8. Ang teorya ay isang salitang langyaw na inangkop sa


baybay Filipino.
9. Ayon kay Panganiban (1973) ang salitang “dalumat” ay
kasingkahulugan ng “paglilirip” at “panghihiraya”.
10. Ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay upang maging
malikhain ang isang palaisip o teorista sa kognitibong
konstruksyon ng kabuluhan, kahulugan at kakanyahan ng
salita bilang dalumat.

DALOY NG KAALAMAN

Magkaroon ng pananaliksik tungkol sa :


PAGDADALUMAT-SALITA: Kung Bakit Hindi na Hikain ang Wika
ng Teorya sa Wikang Filipino ni Prof. Rhoderick V. Nuncio, Ph.D.
Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining,
Pamantasang De La Salle-Maynila
Pansinin Ang Talahanayan sa Ibaba:
Morpolohiya Pagdadalumat-Salita

Tipo/kinabibilangang Linggwistik metalinggwistik


pag-aaral
Tipo ng palabuuan denotatibo at konotatibo at
ng salita konkreto abstrakto/teoretikal

Uri ng pag-unawa Linggwistiko pilosopikal


Pagpapakahulugan Gramatikal diskursibo

Talahanayan 1.1 Pagkakaiba ng Morpolohiya at Pagdalumat-salita

Ang pag-unawa sa salita sa morpolohikal na istruktura ay linggwistikong


nakabatay sa kumbensyonal na pamantayan. Ibig sabihin higit nang alam ng
nakararami ang salita at kahulugan nito.
Samantala, ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan
sa anumang diksyunaryo, dahil nga sa bagong mga salita- konsepto ito at dahil
arbitraryo itong nilikha ayon sa pangangailangang teoretikal.
Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas
sabihin ng mga iskolar na magkatambal ang wika at kalinangan.

MGA MUNGKAHING GAWAIN

Gawain Blg. 1

Panuto: Tukuyin ang morpemang-salitang ugat ng mga sumusunod


na salita at isulat ang prosesong naganap sa pagbabago ng mga salita.
Halimbawa:
Salita Salitang-ugat Proseso
Masaya Saya ma+saya
masaya

Salita Salitang-ugat Proseso

1. Karimlan

2. Dalhin

3. Kasakiman

4. Tupdin

5. makabayan

6. saliksikin

7. iwinasto

8. takpan

9. kitlin

10. sundin

Gawain Blg. 2
Panuto: Pakinggan ang awiting “Loob” ni Jes Santiago

Isa-isahin ang mga salita at/o parirala sa awitin ni Jes Santiago kung saan ay
ginamit ang salitang “loob” at saliksikin ang kahulugan ng mga ito.
1. Ano ang iyong naging pagtanaw sa wikang Filipino matapos
Salita (1 puntos) Kahulugan (2 puntos)

1.
2.

3.
4.
5.

6.
7.

8.
9.

10.

11.
12.

13.
14.
15.

16.

17.

2. marinig ang awitin ni Jes Santiago? Talakayin. (5puntos)


Susing Salita Nagpresenta

3. Sang-ayon ka ba na nasa wika natin mabubuo ang teoryang


titingalain ng buong mundo sa darating na dantaon? Bakit oo? Bakit
hindi? Ipaliwanag.
(5 puntos)
Gawain Blg. 3
Panuto: Saliksikin ang mga salitang naitampok bilang MGA SUSING
SALITA at ang nagpresenta ng mga ito kasabay ng Indie ni Dr.
Rolando B. Tolentino at Delubyo ni Dr. Alfredo Mahar A. Lagmay.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Pumili ng isang salitang laganap na ginagamit sa ating bansa o


umisip ng bagong salita na maaaring sarili mong likha. Bumuo ng sariling
teorya mula sa napili o sa naimbentong salita. Pagbatayan ang paraan ng
pagdadalumat-salita ng ilang kritiko at teorista na tinalakay sa araling ito:

1. Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto


2. Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan
3. Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon
19

You might also like