You are on page 1of 5

Pagsulat ng Balita

JOHN LAWRENCE A. PANDING

JENNIFER ALEJANDRO

Balita

Ito ay napapanahon at makatotohanang paglalahad ng mga pangyayaring nagaganap, magaganap o naganap na.

Sangkap ng Pagbabalita

Katiyakan

Kalinawan

Istilo

Katangian ng Balita

Napapanahon

Nagbibigay ng tamang impormasyon

Walang Opinyon

Walang Kinikilingan

Anyo ng Balita

Tuwirang Balita

Balitang-May lalim

Balitang Lathalain

Uri ng Lead

Pamatnubay na Pabauod

- 5Ws at 1H

- Straight News

Makabagong Pamatnubay

- News Feature

Uri ng Pamatnubay na Pabuod

What Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay ang pangyayari.

Halimbawa:

Pormal nang idineklara ng Malacañang na regular holiday sa buong bansa ang Hulyo 17, 2015, araw ng Biyernes,
para sa pagdiriwang ng Eid'l Ftr ng mga Muslim.

Uri ng Pamatnubay na Pabuod

Who Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay tao o grupo ng mga taong may kaugnay sa balita.
Halimbawa:

Muling inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte ngayong Lunes na hindi siya tatakbo bilang
pangulo sa 2016 elections.

Uri ng Pamatnubay na Pabuod

Where Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay ang lugar.

Halimbawa:

Gaganapin sa Lungsod ng Heneral Santos ang National Festival of Talents sa buwan ng Pebrero sa susunod na
taon.

Uri ng Pamatnubay na Pabuod

When Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay ang oras o araw.

Halimbawa:

Sa ikalawa ng Disyembre gaganapin ang taunang Regional Schools Press Conference sa lungsod ng Marbel.

Why Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay sanhi ng pangyayari.

Halimbawa:

Upang mahasa ang kakayahan ng mga tagapayo, pandibisyong pagsasanay sa pampaaralang pamamahayag
isinagawa sa Division Conference Hall, Oktubre 19-21.

How Lead

Ginagamit kung ang pinakaimportanteng anggulo ng balita ay ang proseso o kung paano isinagawa ang pangyayari.

Halimbawa:

Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga CCTV camera sa mga kalye, nahuli sa akto ang pagnanakaw ng isang
lalaki sa isang bahay sa lungsod ng Tondo kahapon.

Uri ng Novelty Lead

Patanong

Halimbawa:

Tapos na ba ang paghahari ng partido ng administrasyon sa Senado sa pagkamatay ni Senador Rene Cayetano?

Uri ng Novelty Lead

Siniping Sabi

Halimbawa:

“Nasa amin pa rin ang bilang.”

Ito ang naging pahayag ni…

Uri ng Novelty Lead

Paglalarawan

Halimbawa:
Kalong ang maglilimang buwang sanggol, hindi napigilan ni Gng. Norma Alcantara ang kanyang mga luha nang
marinig niyang ang kanyang asawang si Capt. Romeo Alcantara ay hinatulan ng kamatayan.

Uri ng Novelty Lead

Isang salita

Halimbawa:

BANG!

At nagkaripasan ng takbo ang mga isprinter ng iba’t ibang sangay ng Rehiyon XI sa makapigil-hiningang 100-metrong
takbuhan sa Palarong SMRAA na ginanap kahapon sa South Cotabato Sports Complex.

Uri ng Novelty Lead

Panggulat

Halimbawa:

Kampeon sa NSPC!

Muli na namang napatunayan ng patnugutan ng Ang Sentro, pampaaralang pahayagan ng Pambansang Mataas na
Paaralan ng Iloilo City ....

Uri ng Novelty Lead

Kasabihan

Halimbawa:

“Huli man daw at magaling, naihahabol din.”

Ito ang napatunayan ni Gng. Remedios D. Alcantara nang magtapos sya sa mataas na paaralan bilang salutatorian
kasabay ng kanyang panganay na anak na lalaki.

Uri ng Novelty Lead

Hiwa-hiwalay na mga salita o parirala (staccato)

Halimbawa:

Pagtutulungan.Pagkakaisa.Tagumpay.

Ito ang binigyang diin ni…

Uri ng Novelty Lead

Pangkasaysayan

Halimbawa:

Tila summary execution ng Martial law ang sinapit ng mga nahuling tulak ng droga....

Uri ng Novelty Lead

Paghahambing

Halimbawa:

Mala-kidlat ang bilis ng kamay ng magnanakaw na kinilalang si...

Tandaan:

Isang ideya lamang sa bawat pangungusap

Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. Hanggang maaari ay 23-25 lamang ang
gamitin.

Huwag gumamit ng maraming kuwit sa paglalahad.

Hanapin ang mga simpleng salita sa halip na malalalim.


Huwag gumamit ng parehong salita sa isang pangungusap. Humanap ng iba pang
kasingkahulugan nito kung kinakailangan.

Piliin ang mga angkop na salita para sa mga tiyak na gamit sa balita.

Huwag pagsamahin ang direct at indirect quotations sa iisang pangungusap.

Isulat ang kumpletong pangalan ng tao o orgnisasyon sa unang paggamit. Sa susunod na gamit nito, isulat na lamang ang
apelyido o posisyon nito at ang akronim ng organisasyon.

Tandaan:

Suriing mabuti ang datos

Simulan ang balita sa pangyayari

Gumamit ng pandiwa sa simula ng mga balita

Isulat agad ang balita

Tamang paggamit ng salita

Halimbawa: naganap ang tama ay

ginanap

6. Walang nilalagay na taon sa halip gamitin ang kahapon

7. bansang Pilipinas (pumili lang ng isa)

8. Sa end dapat tuwirang sabi

9. ginanap sa Punta Villa (tanggalin ang ginanap)

Tandaan:

Huwag kalimutan ang pangwakas na marka. (30 o #)

Ha
l
imbawa

Paunlarin ang kakayahan – Farnazo

“Ang kagalingan ay nagsisimula sa pagpapaunlad ng kakayahan.” (Direct Quotation)

Ito ang naging pahayag ni DepEd Regional Director Allan G. Farnazo kaugnay ng temang “Enhancing talents of every
child in the 21st century” sa ginanap na pagbubukas ng Division Integrated Competition sa Alabel, Sarangani Province noong
Setyembre 17. (Lead)

“Hindi hadlang ang kahirapan sa pagpapaunlad ng kakayahan dahil maraming paraan ang pwedeng gawin basta
magsumikap lang”, wika pa ng ginoo sa mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan ng probinsya. (Direct Quotation)

Dagdag pa ni Farnazo na higit sa kaalaman at kakayahan ay ang pag-uugali na syang magagamit sa pag-abot ng
anumang pangarap. (Indirect quotation)

"Kayong mga kabataan ay dapat maging aktibo at matibay sa anumang darating na pagsubok sa buhay upang maging
matagumpay", panapos na pahayag ni Farnazo. #

Workshop

* Sumulat ng isang tuwirang balita o balitang lathalain tungkol sa mga impormasyong ibibigay.
* Sumulat ng pabuod na pamatnubay at makabagong pamatnubay tungkol sa ginanap na 2nd Regional Training of Trainers on
Campus Journalism of Region XII

Ha
l
imbawa

Duterte dumalo sa ASEAN Summit

SA HAMON NG KORUPSIYON

......

SA ISYU NG WEST PHILLIPINE SEA

....

MANILA, Philippines – The most awaited theme is finally out.

The official theme of the National Schools Press Conference (NSPC) 2018 is “Embracing ASEAN Integration:
Campus journalists' role in advancing inclusive education”.

Mark Bercando of the Department of Education's (DepED) Bureau of Curriculum Development confirmed to
Rappler that the 2018 NSPC will acknowledge the vital role of the campus journalist in promoting
comprehensive education for all.

ASEAN (or the Association of Southeast Asian Nations) Integration aims to build a successful and more
united ASEAN that has concrete effects on the lives of individuals.

Ten Southeast Asian countries – the Philippines, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, Myanmar,
Cambodia, Laos, Thailand, and Vietnam – want to improve the lives of their citizens. ASEAN integration
makes it quicker to achieve these goals by working together, rather than individually. (READ: Why you
should care about ASEAN integration)

A 2015 study of the Asian Development Bank (ADB) and the International Labor Organization (ILO)
projected that ASEAN integration will generate about 14 million jobs from 2010 to 2025. (READ: PH
needs to boost skills training to gain from ASEAN integration)

Asean integration is expected to be the central topic of young aspiring campus journalists competing in their
different categories.

Dubbed the Olympics of Campus Journalism, NSPC is set to gather the best student-journalists in the
country. The 2018 leg of the DepED-led program will be held in Dumaguete City on Februray 19-23.
(READ: #NSPC2017: A thousand stories of hard work, hope, and excellence) – Rappler.com

You might also like