You are on page 1of 14

Basilan State College

COLLEGE OF EDUCATION

MODYUL SA
M10 FIL110

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

ROSALIE F. DEMOCRITO
Tagapagsanay ng Kurso

Ikalawang Semestre, Taong Akademiko 2020-2021

BaSC, Sumagdang, Isabela City, Basilan, 7300
www.Bassc.edu.ph

1
MODYUL Ang Editoryal
5

Inihanda ni:

ROSALIE F. DEMOCRITO
Tagapagsanay ng Kurso

2
Basilan State College
MODYUL 5
Kowd ng M10 FIL110 Linggo/Araw 1-2/ TTH
Kurso
Dekripsyon ng INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG Dyurasyon 7:30-9:00 A.M
Kurso
Pagsulat ng editoryal
1.katuturan Aralin Blng. 5
Paksa 2.layunin at mga uri nito
3.Mga tuntunin at simulain sa Pagsulat ng editoryal

Bunga ng o Naipakikita ang kaalaman sa pagsulat ng editoryal.

Pagkatuto o Naipaliliwanag ang katuturan ,layunin at uri ng editoryal.
o Naiisa-isa ang mga tuntunin sa pagsulat ng editoryal.
o Naipakikita ang kaalaman sa paglalapat ng mga simulain at tuntunin sa pagsulat ng
isang mabisang editoryal.
Halagahan Pagbibigay ng mga puna

Sanggunian 1. Matienzo, Narciso V. at Matienzo Rosalina C. (2007), Ang Bagong Pamahayagan sa

Filipino (Binagong Edisyon), National Book store, Mandaluyong City.
2. https. Academia.edu. Pamahayagang Pangkampus
3. https//www.scrib.com. Pagsulat ng Balita at Pamamahayag.

A. AKTIBASYON NG DATING KAALAMAN

BAGO ANG
LAHAT

Magsuri ng isang editoryal sa pahayagang pang-araw-araw sa Filipino.Suriin kung ano ang punong paksa sa unang
talataan,kung paano tinalakay-kung paano sinang-ayunan,sinalungat iyon sa mga panggitnang talataan at kung paano
nagwakas.Alin sa apat na uri ng panimula ang ginamit?

PAALALA: Huwag sulatan ang modyul. May nakalaang

papel para sa kasagutan na makikita sa annexes.

3
B. PAKIKISANGKOT SA MAKAUGNAYANG NILALAMAN
AT NAAANGKOP NA MGA GAWAING PAGKATUTO

ALAMIN MO!

Basahin at unawain ang kasunod na teksto na nagpapaliwanag sa paksang-aralin upang magkaroon ng kabatiran kaugnay
ng batayang kaalaman sa Editoryal.

ANG EDITORYAL

Ang pahayagan ay kilala ng lahat na palathalaan ng iba’t ibang uri ng balita sa pana-panahon.Ngunit hindi
lamang mga balita ang laman ng isang pahayagan,sapagkat sa sulating ito’y ipinagbabawal ang paghahalo ng
puna at kurukuro ng reporter.Samakatwid,upang mabigyan ng pagkakataon ang ilang reporter na
makapagbigay ng kanilang mga puna at kurukuro hinggil sa umiiral na pangyayari,nilalagyan ang mga
pahayagan ng seksiyon pang-editoryal.Ang editoryal samakatwid,ay isang lathalain sa pahayagan o magasin na
nagsasaad ng puna ng editor at kauri nito.Sinasabi naman ng ilang batayang aklat sa pamahayagan na ito’y
isang artikulong nagbibigay-pakahulugan sa mga balita.Ayon naman kay Miller:”Ang isa sa pinakamagagaling
na katuturan ng editoryal ay yaong nagsasabing ang artikulong ito’y isang ambag sa pakikipagtalo sa isang
paksang napapanahon .”Batay sa mga katuturang nabanggit,mabubuo rito na ang editoryal ay isang artikulong
sinulat ng editor at kauri nito batay sa umiiral na mahahalagang balita upang magbigay-
puri,manuligsa,magpaunawa,o magturo sa mga kinauukulan.
Ang nangingibabaw na katangian,samakatwid ng isang editoryal ay ang pagiging napapanahong tumatalakay
sa umiiral na mahahalagang balita.
May mga panahong lumilitaw sa pahayagan,pampaaralan man o pang-araw-araw o kaya’y lingguhan,ang mga
suliraning dahil sa wala pang natutuklasang tanging lunas ay pinagtatalunan ng mamamayan sa maraming
dako,e.g.sa Batasang Pambansa,sa mga kagawaran,sa bayan,sa mga paaralan,at iba pa.
Ang masalimuot na mga balita ay hindi ipinagwawalambahala ng mga editor ng pahayagan,nagbibigay sila ng
kani-kanilang mga kurukuro at matalinong mga puna na kalimitang may himig mapagbuo.Ang mga editor ng
mga pahayagang pampaaralan ay nagbibigay rin mabibisang lunas sa mga suliranin ng paaralan na kapaki-
pakinabang kung malulutas agad,o kaya nama’y dahil sa kanilang mga puna ay nabubuksan nila ang isipan ng
mga mag-aaral,mga guro’t tagapamahala ng paaralan upang tumulong sa paglutas ng nasabing suliranin.
Mga katangiang dapat taglayin ng isang editoryal
1.Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang ideya.Gaya ng nabanggit sa sinusundang mga
talataan,ang paksa ng editoryal ay hinahango sa mga balitang pangkasalukuyan na may malaking kahalagahan
sa nakararaming mambabasa,maging iyon ay para sa mga mag-aaral lamang,o para sa mga mamamayan ng
buong bansa.Maaaring ang suliranin ay manggaling sa isang balita ng isang pahayagang pang-araw-araw,sa
isang pahayagang lingguhan,at iba pa,na may kinalaman sa buhay at suliranin ng mga mag-aaral o ng
mamamayan,basta’t iyo’y isang paksang napapanahong pahalagahan o isang suliraning hindi pa tiyak ang
kalutasan.Halimbawa sa editoryal ng pahayagang Kabayan(Abril 1,2000)na may pamagat na “Malapit sa
bituka”ang paksang tinalakay ay ang pagwewelga ng mga manggagawang pantransportasyon hinggil sa
panibagong pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo at panukalang road user’s tax na sinasabi nilang
pabigat sa ordinaryong mamamayan.

4
2.Kailangan itong maging malinaw.Kung ang layunin ng edtoryal ay sirain o pasinungalingan ang katwirang
ipinahayag ng balita,ng nagdaang editoryal,o ng nalathalang liham sa editor,o ng isang kurukuro,o kaya’y ng
mga usap-uasapan ng mga mag-aaral o ng mamamayan sa buong bansa,kailangang iukol ang unang talataan
sa pagsasaad na muli ng kanilang katwiran nang malinaw,ngunit maikli.Kahit na marami na ang ipinalalagay na
nakabasa ng orihinal na mga katuwiran,kailangan pa ring sariwaing muli sa kanilang isipan ang nahihinggil
doon,bago isa-isang tuligsain ang mga kahinaan nito.
Halimbawa:
a.Presyo ng mga bilihin at buwis ang mandi’y dalawa sa mga usaping mahigpit na kabuhol ng pagwewelga
nitong huwebes ng mga manggagawang pantransportasyon.
b.Maraming nagtaas ng kilay nang ipahayag ni Pangulong Estrada noong isang araw na prayoridad ng kanyang
pamahalaan ang pagbibigay ng desenteng pabahay sa mga pulis at sundalo.
3.Kailangan itong maging makatwiran.Manaka-naka’y simulan ang artikulo sa mga bagay na kilala patungo sa
lalong di-kilala o kaya’y mula sa maliit na detalye patungo sa kongklusyon o sa lalong maikling paglalahad,o sa
isang maikling pangwakas na pangungusap.Gawing matipid sa mga salita,subalit gawing mabisa at kaakit-akit
ang
mga pangungusap.Gumamit ng mga tayutay o kaya’y ng mga siniping mga pangungusap upang maging lalong
kawili-wili ang editoryal.
Halimbawa:
a.Wastong prayoridad
Maraming nagtaas ng kilay nang ipahayag ni Pangulong Estrada noong isang araw na prayoridad ng kanyang
pamahalaan ang pagbibigay ng disenteng pa-bahay sa mga pulis at sundalo.
Milyon-milyong mamamayang mahihirap at walang bubong na masisilungan,ngunit bakit nga naman mas
bibigyan pa ng pansin ang mga
nabanggit.
Hindi kataka-takang magtampo ang mga nagtatanong ng ganito.Hindi nagtatamasa ng magandang
kredibilidad ang mga alagad ng batas.Sa mata ng madla, ang mga ito ay mangongotong,corrupt at tahasang
tagapaglabag ng karapatang pantao.Ang mga pangunahing programa ng kasalukuyang pamahalaan ay isang
bagay na tunay
na mahirap malirip ng kanilang kaisipan.
Ngunit kung ating paglilimi-limiing mabuti,hindi masamang ideya ang
iprayoridad ang mga pulis at sundalo sa multi-bilyong programang pabahay ng gobyerno.Kung kakayahin nga
ay dapat pa silang bigyan ng higit na pribilehiyo,tulad ng libreng paaral sa kolehiyo para sa kanilang mga anak.
Alam ng lahat na maliit lamang ang suweldo ng mga pulis at sundalo.Ito ay sa kabila ng katotohanang
delikado ang kanilang trabaho.Buhay nila ang kanilang iniuumang sa tuwing mayroon silang operasyon laban
sa masasamang elemento ng lipunan,tulad ng mga sindikato ng illegal na droga at mga rebeldeng grupo.
Dito nag-uugat ang paghihinanakit ng mga pulis at sundalo.Sila ay isang mahalagang elemento sa obhetibo
ng pamahalaan na makamit ang isang matiwasay na buhay sa bansa,ngunit hindi naman nila ito
nararamdaman tuwing tumatanggap sila ang suweldo.Patuloy ang paghiirap ng kanilang pamilya.At kung
sakaling may masamang mangyarisa kanila sa pagtupad ng kanilang tungkulin,wala silang kasiguraduhan kung
may magandang kinabukasan pang maaasahan ang mga ito.
Ang tendensiya tuloy ay mangurakot sila habang nasa kapangyarihan.Naririyang mangotong,magbigay ng
proteksyon sa mga sindikato at makisawsaw sa anumang mapagkukuwartahan,kahit pa ilegal ito.Bahala na
kung madismis kung sakaling mahuling gumagawa ng kalokohan.Tutal ay walang mawawala sa kanila dahil
talaga namang walang-wala sa umpisa pa lamang.
Kung mabibigyan sila ang pabahay mababawasan nang malaki ang pressure na mangurakot at gumawa ng
anumang hindi ayon sa batas kumita lamang.At kung may iba pang benepisyo tulad ng libreng paaral sa mga
anak,pihadong iiwas sila sa mga gawaing ilegal.

5
Kaya’t ang dapat na kaagapay nito ay ang polisiyang ang sinumang pulis o sundalo na mapatunayan na
gumawa ng kalokohan ay babawian ng lahat ng pribilehiyo.
Naniniwala kami na ang maraming matitinong pulis.Napipilitan lang ang ilan na magloko dahil sa kahirapan.
Kung matutupad ang pagbibigay ng pabahay sa mga pulis,maaasahan nating mababawasan nang malaki
ang mga kalokohan ng mga alagad ng batas.
4.Bawat sabihing katwiran ay kailangang may patunay.Upang maging higit na kapani-paniwala ang isang
editoryal,kailangang lakipan ito ng mga katibayan bilang patunay sa binibigyang-katuwiran o kaya nama’y
samahan ito ng siping kurukuro ng mga awtoridad.At upang maging mapanghikayat ang isang editoryal
kailangan itong pangibabawan ng iisang himig ,maging ng katapatan man,ng galit o katatawanan.
Halimbawa:
Sa sinusundang halimbawang editorial,prayoridad ng pangulong Estrada
ang pabahay sa mga pulis at sundalo,ngunit tila naiingit ang milyon-milyong mahihirap kung bakit ang mga ito
ang binibigyang prayoridad.Ngunit mula sa talataan 4 hanggang talataan 8 ay nagbibigay katwiran kung bakit
ang mga pulis at sundalo ay dapat bigyan ng nabanggit na prayoridad:napakababa ng sahod,walang
bahay,walang panggastos sa pagpapaaral ng mga anak,gayong sila ang nakaumang sa kamatayan tuwing may
operasyon laban sa masasamang elemento ng lipunan.Na kung sila’y matutulungan ng pamahalaan ay maaari
silang makaiwas sa mga illegal na gawain.
5.Kailangan ito’y makatotohanan.Upang maisakatuparan ang bagay na ito,kailangang mabatid na ganap ng
editor ang kanyang paksa.Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga aklat,magasin,lathalain o
journal na may kaugnayan sa paksa.Makatutulong din ng malaki ang pagsangguni sa mga taong may malaking
kabatiran sa paksa.Halimbawa,kung ang tinituligsa ay ang maling kaugalian sa pangangasiwa ng palayan,kung
kaya humihina ang ani,kailangan ng isang editor hindi lamang ng pagbabasa ng mga aklat at journal hinggil sa
mabisang pangangasiwa ng palayan,kundi kailangan din niyang makipagpanayam sa mga magsasaka at mga
kawaksi nito,upang lalo niyang malaman ang katotohanan hinggil sa paksa.
6.Kailangan itong magtaglay ng katangiang nakalilibang bukod pa sa pagiging kawili-wili.Hindi lahat ng mga
editoryal ay dapat na magtaglay ng ganitong katangian.Nakararami sa mga editoryal ang seryoso sa pagtalakay
sa paksa.Ngunit manaka-naka’y kailangan ding sumulat ng mga artikulong nakakatawa sa pamamgitan ng
pagsasaad ng iyong nakakatawang mga karanasan o karanasan ng iba.Gumamit ng mga paraang nakatatawa at
nagpapakitang pag-asa upang ito’y maging kawili-wili at bukod dito’y dapat itong maging malinaw sa
pananalita.
7.Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.Napatitingkad ang kagandahan ng isang editorial
ng matalinong pagbibigay ng mga puna.Sa kabilang dako naman,ang pagpapahiwatig ng pagmumura o ng
pagsesermon ay nakababagot sa mambabasa.Lalong mainam kung napamamalaging nagbibigay ng sapat na
kabatiran sa mambabasa,bukod pa sa nadudulutan sila ng saya.Isang magandang halimbawa nito ang huling
bahagi ng editoryal na:
Hindi nagkakasundo sa maraming bagay ang gobyerno at ang mga kritiko,ngunit walang alinlangan na
nararapat silang magkasundo sa pagkonsidera sa kapakanang pampubliko.
Kinapansinan ng paghina ng suporta ng publiko ang ilang kilos protesta na naunang idinaos sa Kamaynilaan
at kung naituring mang pumalpak ang pinakahuling welgang ito napalutang naman nito ang pagpupunyagi ng
mga kinauukulan na mapalutang ang pamamaraang makatuwirang katigan ng sambayanan-
matahimik,mahinahon at mapayapa.
Ang anumang bagay na malapit o direktang umuugnay sa bituka ng masa ay kinakailangang rendahan ng
buong ingat dahil malimit na nagmimistula itong mitsa ng gulo at ligalig.
At Nakita sa nakaraang welgang bayan ang pananaig ng matinong pagpapahalaga sa
alituntuning”magkasundo sa di-pagkakasundo”.(Malapit sa bituka,”Kabayan,Abril 1,2000).
Mga uri ng Editoryal

6
1.Editoryal na nagpapabatid- Sa pamamagitan ng matalinong paghaharap ng mga katibayan ay napapawi nito
ang maling paniniwala ng bayan at tuloy naipababatid ang katotohanan ng isang pangyayari o ng isang bagay.
Halimbawa:
Kung hindi lamang sa kaguluhang nangyari sa Philippine Stock Market,hindi maitatanggi na hindi man
kalakasan ang ekonomiya ngayon,hindi naman kahinaan at lupaypay dahil sa krisis sa pananalapi noong 1997.
May mga paratang na ang biglang pagtaas at biglang pagbagsak ng halaga ng Best World Resources ay
naging sanhi ng mga pag-aalinlangan na mayroong hindi tama sa pagpapatakbo ng stock market.At kung
idaragdag dito ang hidwaan ng stock market at ng Security and Exchange
Commission tungkol sa imbestigasyon ng kasong ito,talaga ngang mayayanig ang mga namumuhunan sa stock
market.
Ngunit ang stock market naman ay hindi kabuuan ng ekonomiya.Ito ay isang bahagi lamang ng kabuhayan ng
bansa at nakikilala sa biglang pasok at biglang labas ng dayuhang puhunan.At ang mga ito naman ay nagiging
sanhi ng pagkayanig ng halaga ng palitan ng piso at dolyar at ang taas ng mga interes sa mga pautang sa
pangangalakal.
Sa talumpati ng pangulo ng Council ng American Chamber of Commerce,kanyang sinabi na patuloy na
sinisiyasat ng pamahalaan ang eskandalo tungkol sa Best World Resources at ito’y hindi titigil kahit na may
matamaang kaibigan niya.Sinabi ng pangulo na ang ekonomiya ng bansa ay lalago ng may 4.5 porsiyento
ngayong taon at ang mga tala sa unang tatlong buwan ng 2000 ay nagpapatibay na ito ay maaabot.
Ang isang mahalagang kaalaman na marahil hindi nababatid ng marami at hindi binibigyang-halaga ng
kanyang mga kritiko ay ang positibong kalakalang pandaigdig ng bansa.Isa sa katangian ng isang malusog na
ekonomiya ay ang laki ng mga export laban sa mga import.
“Kung inyong titingnan ang mga palabas,maaaring mag-aakala kayo na kamalian ang mamuhunan.Ngunit
kung inyong susuriin ang mga batayan,mababatid ninyo na ito ay isang pagkakamali na maligaya ninyong
magagawa.”
2.Editoryal na nagpapakahulugan.Ayon kay Dr.Jose Villa Panganiban ay pinipiga nito ang hahantungang
kahulugan ng isang balita,pangyayari,o kalagayan.Narito ang isang halimbawa:
Linggo ng Sankalupaan 2000
Iligtas ang planeta.Ito lamang ang isang bagay na nakuha natin.Makatutulong tayo sa pangangalaga ng ating
kapaligiran sa pamamgitan ng maayos na pagtatapon ng ating mga basura.
Maaari ninyong matingnan lagi ang sasakyan ng inyong pamilya kung ang tambutso nito’y nagbubuga ng
maitim na usok.Maaari kayong magsimulang maggarden,kahit na sa maliliit na paso lamang upang makatulong
sa pagpapaganda ng kalidad ng hangin sa ating kapaligiran.
Bawat maliliit mang bagay ay mahalaga sa pangangalaga ng ating kapaligiran.Ngunit ngayong ika-21
dantaon,na marami nang bansa ang gumagamit ng basura bilang panggatong,maraming Pilipino ang
tumatangging gumawa ng kahit na maliit na hakbang para mapangalagaan ang ating kapaligiran.Samantalang
ang bansa ay nagsisimulang magdiwang ng Buwan ng Sangkalupaan 2006 mula ngayon,maraming mga Pilipino
ang nababalisa hinggil sa kanilang mga basura.Ang Metro Manila ang pinakamaruming lungsod sa buong
daigdig.Maraming bumabatikos hinggil sa pamumutol ng mga puno sa kabundukan,ngunit patuloy pa rin ang
mabilis na pagkapanot ng mga bundok.Maliban sa ilang lugar na pinangangalagaan sa ngalan ng turismo,unti-
unti na ring nawawala ang mga coral reef na nagbababala ng paglalaho ng mga kayamanang- dagat ng
Pilipinas.Wala tayong matibay na kampanya na nagtataguyod sa mabuting teknolohiyang
pangkapaligiran.Maraming ispesi ng flora at fauna ang naglaho na o binabababalaang mawawala na.
May mga pagpapaunlad na nagawa na.Mayroon na ngayong Clean Air Act na naglalayong magkaroon ng
malinis na gatong at isa itong agresibong kampanya laban sa mga nagpapadumi ng hangin.Ngunit sa kabila ng
pagsisikap ng pamahalaan na malinis at magawang mapangalagaan ang kapaligiran,ipinalalagay na
napakabagal ang ginagawang hakbang.Marahil ay maraming Pilipino ang lubhang inaatupag ay paglutas sa
suliraning mabuhay at hindi pahalagahan ang makukuha sa pagliligtas ng buhay.

7
Ang lubhang kailangan ay ang kampanyang magtuturo upang maipabatid sa mga mamamayan na ang malinis
at luntiang kapaligiran ay nangangahulugan ng malusog at mabuting pamumuhay.
Nangangailangan ng inisyatibo sa mga pambansang liderato ang kampanya sa pangangalaga at patuloy na
pagpapaunlad sa kapaligiran.Maganda nang simula ang Clean Air Act.Sa pamamagitan ng matibay na
paninindigang pulitikal at matibay na suporta mula sa nakatataas,maaaring magkaroon ng pagbabago sa
interaksiyon ng Pilipino sa kalikasan.Hindi ito isang kampanya upang iligtas ang mga nilalang na buhat sa ibang
bansa na iilang tao lamang ang kumakalinga.Ito’y isang kampanya upang mapaunlad ang kalidad ng buhay.
3.Editoryal na pumupuna at Nagbibigay ng Reforma.
Matamang tumutuligsa ito sa tiwaling hakbangin ng maykapangyarihan,samahan,lipunan,karaniwang
mamamayan,at iba pa at nagmumungkahi ng mga reforma alang-alang sa kapakanan ng nakararaming
mamamayan sa kalahatan.
Halimbawa:
Subukan kayang walang State of the Nation Address(SONA)para maranasan namang mapayapa ang
pagbubukas ng Kongreso.Sa bawat SONA NI President Arroyo,ikaanim ang ginawa niya kahapon,ay pawang
kaguluhan ang isinasalubong.Kahit pa walang tigil ang ulan kahapon,hindi nakapigil sa mga raliyista para hindi
magtipon-tipon at batikusin ang SONA.Ano kaya ang mangyayari kung sa susunod na taon ay wala nang
SONA.Siguro tahimik na.
Mas makabubuti kung wala na ngang SONA para naman hindi na masyadong naookupa ang oras ng mga
pulis para lamang bantayan ang bisinidad ng Batasang Pambansa.Kahapon ay mahigit 16,000 pulis ang
nagbantay sa Batasang Pambansa para lamang masiguro na walang raliyista na makalalapit sa Batasan.Mahigit
isang linggo nang siniguro na walang mangyayaring masama kay Mrs.Arroyo habang nagso-SONA.Nabulabog
ang kapulisan nang mahuli ang Magdalo rebels sa isang bahay malapit lamang sa Batasan.Nakakuha ng mga
baril at pampasabog sa safehouse.Nasamsam din ang blueprint ng Batasan Complex.
Habang nakabantay ang maraming pulis sa Batasan,bihira naming pulis ang makikita sa kalsada kaya may
mga holdaper na nakapambiktima.Masyadong naituon ang atensiyon ng PNP sa pagbabantay sa Batasan at tila
nakalimutang mayroon pang ibang mas mahalagang nararapat bantayan .Magkano ang ginastos sa mabigat na
seguridad na dapat sanay mga kapuspalad na lamang ang nakinabang.
Kung wala na sanang SONA e di hindi na magiging mabigat ang trapik sa Commonwealth at mababawasan
ang problema sa kinukunsumong
gasolina at diesel.Marami rin sinasayang na fuel ang mga sasakyang naiipit sa trapik.Nasasayang din naman
ang fuel kung magde-detour.Kung wala nang SONA,hindi na sana nakapag-aksaya ng diesel at gasolina.
Kung hindi na magso-SONA,hindi na isususpinde ang klase sa mga school na malapit sa Batasan at iba pang
karatig-lugar.Sayang naman ang isang araw na walang pasok sapagkat malaki rin ang maitutulong sa mga
estudyanteng masyado nang mahina sa English,science at Math.
Kung wala nang SONA e di hindi na maririnig ang mga inuulit na pag-uulat na wala narin namang
aasahan.Wala paring pagkain sa hapag ang nakararaming Pinoy kaya patuloy na nakararanas ng gutom.Aanhin
pa ang SONA kung walang sustansiya?
4.Pagpaparangal at Pagbibigay-puri-Walang tanging tungkulin ang ganitong artikulo kundi pahalagahan ang
kinauukulan sa pamamagitan ng mga pangungusap na busog sa diwang mabulaklak,subalit matapat.Kabilang
sa paksa ng ganitong editoryal ang mga taong may malaking nagawa sa pagtatamo natin ng ating
kasarinlan,mga taong may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng ating edukasyon,ng ating agrikultura,ng ating
ekonomiya,ng ating panitikan,ng ating wika,ng ating kultura,sa agham at teknolohiya at iba pa.Kaya’t tuwing
mayroon tayong pambansang pagdiriwang ay ito ang laman ng ating mga editoryal.
5.Nagpapahalaga sa mga natatanging araw-Kalimitang ito’y tumatalakay
sa kaarawan ng mga dakila at bayani ng bansa,gayon din naman sa iba pang pagdiriwang tulad ng Araw ng
Kalayaan,Buwan ng Wikang Pambansa,Linggo ng Pelikulang Filipino,Araw ng mga Bayani,at iba pa.
Halimbawa:

8
Kauna-unahang pangyayari na ang buong palatuntunan sa Araw ng Kalayaan ay sa Wikang Filipino.
Tumpak lamang na sa ganitong araw ay itampok ang wika na bagaman
itinuturing pa lamang na saligan sa paghahanda ng wikang panlahat ng Pilipno ay kinikilala nang pambansa.
Sa ginagawang ito ay pinararangalan din ang mga unang bayani ng lahi na wikang tagalog ang ginamit sa
pag-uunawaan sa panahon ng kanilang
pakikipaghamok laban sa kapangyarihan ng dayuhan.Ang mahahalagang dokumento ng Katipunan at ng
Rebolusyon ay sa wikang Pilipino.
Kung noon pang araw ay mabisang nagamit ang tagalog sa pag-uunawaan ng magigiting na anak ng lahi
upang maibagsak ang pamatok ng kaalipnan,sa panahong ito ay magagamit din upang mabigkis sa matibay na
buklod ang sambayanang Pilipino.Kabilang at maaaring sabihing nangunguna,ang iisang wika sa pagkakaisa ng
mamamayan .
Sa kabutihang -palad ay nauunawaan din ito,sa wakas ng mga lider ng bayan.
Mapatutunayan ang mabuting ibubunga nito sa darating na mga araw.
6.Paglalahad na nababatay sa tahasang sabi.Karaniwan itong maigsi,subalit malaman.Karaniwang ang
editoryal na ito’y sumasalungat,sumasang-ayon o nagpapaliwanag ng isang pahayag ng may mataas na
katungkulan sa pamahalaan,tulad ng pahayagan ng Pre- sidente ng Senado,ng Ispiker ng mababang
kapulungan,Punong mahistrado ng kataas-taasang hukuman,ng Pangalawang Pangulo ng bansa o kaya’y ng
Pangulo ng bansa ,isang magandang halimbawa nito ang editoryal na nagpaliwanag ng kahalagahan ng
ipinahayag ni Presidente Joseph Estrada na pagkakaloob ng pabahay at pagpapaaral ng mga anak ng pulis at
sundalo sa bansa.
7.Paglilibang-Ito’y isang editoryal na sa pang-ibabaw na anyo’y mapapansing nakalilibang,subalit kung
susuriing mabuti’y may madaramang natatagong iba at malalim na kahulugan.Maaaring maibilang sa ganitong
editoryal ang pagpapahalaga sa itinatayong mahahalagang libangan ng mga kabataan,katulad ng mga
itinatayong aklatan ng bayan,libangan ng bayan tulad ng mga itinatayong kulisiyum sa bayan-
bayan,magagandang pasyalan,magagandang paliguan at iba pa.
Mga Bahagi ng Editoryal
Ang editorial,tulad sa iba pang mga sulatin,gaya ng liham,lathalain ay may tatlong pangunahing
bahagi:Una,ang panimula,na siyang nagpapakilala ng paksa,Ikalawa,ang katawan,na kalimitang binubuo ng
dalawa,tatlo,o mahigit pang talataan na nagsusuri o nagpapaliwanag sa punong ideya,sa tulong ng mga
katibayan na nagpatingkad sa paglalahad ng sariling kurukuro,at ikatlo,ang wakas.
Halimbawa ng panimula:
Sa unang pagkakataon,nagpakita ng katapangan si Pangulong Estrada sa kanyang pahayag na hindi siya
maaawa sa Abu Sayyaf kapag may pinatay ang ekstremistang grupo sa bihag ng mga ito sa Mindanao.Tugon
ito ng Pangulo sa banta ng Abu Sayyaf na pupugutan ng ulo ang kanilang mga bihag na lalaki,kabilang ang
isang paring Katoliko.
Halimbawa ng Katawan:
Kung magtototoo lang si Pangulong Estrada,wasto lamang na buwagin ang Abu Sayyaf na nagpapanggap na
naghahangad ng kalayaan sa Mindanao pero walang inatupag kundi asamin ang ransom na kinukuha
nila sa kanilang mga binibihag na inosenteng mamamayan.
Kung totoong nag-aambisyon ang Abu Sayyaf ng kasarinlan para sa Mindanao,bakit ang mga inosenteng
sibilyan ang tinatarget nila at hindi ang mga kawal ng Republika ng Pilipinas?Dahil sa hindi nila kayang tapatan
ang kakayahan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Maging ang mga senador na tulad ni Senador Juan Ponce Enrile,Aquilino Pimentel at Rodolfo Biazon ay
naniniwalang dapat nang magdeklara ng all-out war ang SLP sa Abu Sayyaf na halatang-halatang nagnanakaw
lamang ng atensiyon para panigan ng mga bansang Muslim.Nagmimistula tuloy showbiz ang sitwasyon sa
Mindanao dahil ang gusto ng AbuSayyaf ay ang actor na si Robin Padilla ang maging negosyador para sa
paglaya ng mga bihag.

9
Halimbawa ng wakas:
Dapat nang kumilos ang SLP para mabuwag ang Abu Sayyaf.Dapat nang gumawa ng matibay na suporta sa
paninindigan ng Pangulo si Defense Secretary Orlando Mercado.Higit dapat na ipakita ni Kal.Mercado na tila
wala siyang alam sa usaping military.Hihintayin pa ba nating lumakas nang husto ang mga Abu Sayyaf bago
tayo kumilos?
Ang editorial na ito na may pamagat na “ Abusadong Abu Sayyaf durugin’ay isa lamang pakitang halimbawa
ng tatlong mahahalagang bahagi ng isang editoryal.Mapapansin ang pagkalahad ng paksa sa unang
talataan,bilang panimula,na pagpapakita ng katapangan ng Pang.Estrada sa kanyang pahayag(mula ito sa isang
nalathalang balita)na hindi siya maawa sa Abu Sayyaf kapag may pinatay ang ekstremistang grupo sa bihag ng
mga ito sa Mindanao”.
Bilang bahagi ng katawan ng editoyal sa tatlong talataang sumusunod,ang nauunang dalawang talataan ay
nagbibigay-katwiran bilang pagsuporta sa paksa at ang ikatlong talataan ay patibay na suporta sa nasabing
paksa buhat sa panig ng mga senador.
Ang pangwakas na talataan ay nagsasaad ng mungkahing dapat na gawin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
sa mga Abu Sayyaf na dapat raw pangunahan ni Kalihim Orlando Mercado.
Mga Panimula ng Editoryal
Tulad ng balita,ang editorial ay may iba’t ibang uri ng mabibisang panimula,tulad ng sumusunod:
1.Kapansin-pansing Panimula -Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
E PLURIBUS UNUM!
Ito ang salawikaing nakatitik sa sagisag ng Amerika .
Ang kahulugan ay:MULA SA MARAMI AY ISA.
2.Panimulang Nagtatanong.Narito ang dalawang halimbawa:
a.Bakit hindi natin maakit ang mga turistang pumarito sa Pilipinas?Sayang !Napakalaki ang mawawala
sa atin.
b.Bakit napakaraming kongresista ang hindi dumadalo sa unang pulong ng Sesyon Espesyal?Hindi tuloy
mabuksan ang sesyon.Walang korum.
3.Payak na Paglalahad.Narito ang isang halimbawa:Presyo ng mga bilihin at buwis ang mandi’y dalawa sa mga
usaping mahigpit na kabuhol ng pagwewelga nitong huwebes ng mga manggagawang pantransportasyon.
4.Pasalaysay na panimula.Tingnan ang nangingibabaw na mga katangian ng uring ito ng panimula.Marahil ang
mababang marka sa survey ay dapat pasalamatan dito.Ang pangulong Estrada sa pagpapanibagong sigla sa
pamahalaan ay nagpalabas ng maraming direktiba kahapon sa lahat ay naglalayong malunasan ang problema
sa trapiko sa Metro Manila.Inatasan niya ang Department of Public Works and Highways na
Linisin ang mga kalat sa lahat ng pambansang lansangan.Iniutos niyang samsamin ang mga sasakyang
nagbubuga ng maiitim na usok at arestuhin ang mga may-ari ng mga bus na kolorum,tanggalin ang mga
traysikel at pedikab sa malalaking lansangan.Dahil sa batid niyang ay baha ay nakalilikha ng matinding
pagbubuhol-buhol ng trapiko ng nagdaang mga taon kaya inatas niyang linisin ang lahat ng mga kanal at
imbornal bago magtag-ulan.Kaugnay nito’y iniatas niyang pigilin ang implementasyon ng planong carless day
sa Metro Manila.

C. REPLEKSYON AT TUGON/AKSYON

SUBUKIN MO!

10
Ngayon, subukin natin ang inyong pag-unawa sa paksang tinalakay. Ibigay ang kahilingan sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa nakalaang papel na makikita sa annex B

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga uri ng editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang mga bahagi ng isang editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Paano isinusulat ang mga panimula ng editoryal ? Ipaliwanag ang bawat isa.

D. FIDBAK SA IKAUUNLAD NG PAGKATUTO AT PAGTUTURO

MAG-IWAN NG
FIDBAK!

Gawain
Mag-iwan ng komento o suhestyon. Maaaring ito ay kaugnay ng paksang tinalakay o kaya kaugnay ng paggamit ng
modyul bilang paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Isulat ang fidbak sa nakalaang papel.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

11
ANNEX A
Aktibasyon ng Dating Kaalaman

Pangalan: _____________________________________ Iskor: __________________

Kurso/Taon/Set: ________________________________ Petsa: _________________

Gawain 1:

Magsuri ng isang editoryal sa pahayagang pang-araw-araw sa Filipino.Suriin kung ano ang punong paksa sa
unang talataan,kung paano tinalakay -kung paano sinang-ayunan,sinalungat iyon sa mga panggitnang talataan
at kung paano nagwakas.Alin sa apat na uri ng panimula ang ginamit?

_____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________.

ANNEX B
Repleksyon

1.Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.

____.

12
2.Ano-ano ang mga uri ng editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.

______

3.Bakit mahalaga ang mga bahagi ng isang editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.

_____

4.Paano isinusulat ang mga panimula ng editoryal? Ipaliwanag ang bawat isa.
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
__

ANNEX C

13
FIDBAK/Evalwasyon
FIDBAKSA IKAUUNLAD NG PAGKATUTO AT PAGTUTURO

Gawain
Mag-iwan ng komento o suhestyon. Maaaring ito ay kaugnay ng paksang tinalakay o kaya kaugnay ng paggamit ng
modyul bilang paraan ng pagtuturo at pagkatuto. Isulat ang fidbak sa nakalaang papel .

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________

14

You might also like