You are on page 1of 28

ARALIN 2

APAT NA KOMPONENT O
MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI
SANGKAP NG KASANAYANG
NELSON MANDELA
KOMUNIKATIBO

ANEKDOTA
NELSON
MANDELA
MGA ANEKDOTA SA BUHAY NI
Presented by: G7
PAANO BA MAGING ISANG
MABUTING PINUNO O
LIDER? BAKIT
MAHALAGANG
MAGKAROON NG ISANG
MABUTING PINUNO O
LIDER ANG ISANG BAYAN?
EDUKASYON ANG
PINAKAMALAKAS NA
SANDATANG MAGAGAMIT
UPANG MABAGO ANG
MUNDO.
NELSON MANDELA
ALAM MO BA?
Hulyo 18 - Mandela Day
Ito rin ay ang kaarawan ng dakilang lider na si
Nelson Mandela.
Araw kung kailan hinihikayat ang lahat ng
gumawa ng kabutihan para sa iba.
" Ang bawat tao ay may kakayahan at
tungkuling baguhin ang mundo para sa
ikabubuti ng kapwa. "
Bagama't Hulyo 18 ang araw kung kailan ito
ipinagtibay sa UN General Assembly noong 2009
at ipinagdiriwang sa buong mundo, ang lahat ay
hinahamong gawing araw-araw ang Mandela Day
at huwag basta maghintay ng isang beses lang sa
isang taon upang makagawa ng kabutihan para sa
iba.
APAT NA PARAANG
BINIBIGYANG DIIN NG NELSON
MANDELA FOUNDATION:
Pagtulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng
pagkain
Pagtulong sa pamamagitan ng edukasyon at
literasi
Pagtulong sa pamamagitan ng pabahay at
impraestruktura
Pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay
serbisyo at pagboboluntaryo
NELSON MANDELA
Isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang, at minamahal na lider sa
buong mundo.
Nagtaguyod ng pagkakapantay-pantay ng
tao sa kanyang bansang South Africa na
noo'y pinamumunuan ng isang
pamahalaang racist o nag uuri ng mga tao
batay sa kanilang kulay.
Siya ay ginawaran ng Nobel Peace Prize
(1993) para sa kanyang mga nagawa upang
maibagsak ang sistemang apartheid sa
kanilang bansa nang walang karahasang
nangyari.
APARTHEID
ay ang patakaran ng segregasyon o
paghihiwalay ng mga puting tao at
taong itim sa Timog Aprika. Sa
pagbubukod na ito, nabibigyan ng
kapangyarihan at pabor ang mga
taong may puting balat kaysa
mayroong itim na kulay ng balat. Sa
sistema, ang mga tao ng Timog
Aprika ay hinati sa kanilang mga
lahi.
JOHN CARLIN
isang tanyag na manunulat
dating Bureau Chief ng London
Independent sa South Africa (1989 - 1995).
JESSIE DUARTE
isang Deputy Secretary-
General
naging Personal Assistant ni
Mandela (1990 -1994)
JOHN SIMPSON
isang mamamahayag
World Affairs Editor ng BBC
News
MATT DAMON
isang kilalang Artista sa
Amerika
gumanap sa pelikula tungkol sa
buhay ni Mandela, ang
Invictus.
RICK STENGEL
nakasama ni Mandela nang halos
dalawang taon habang isinusulat
niya ang talambuhay nitong Long
Walk to Freedom.
ghost writer
isang taong kinuha upang mag-akda
ng isang aklat na bibigyang kredito
ang ibang tao.
Ito ay isinulat ni Richard Stengel
at unang inilathala noong 1994
ng Little Brown & Co.
ANEKDOTA
ANEKDOTA
ay isang maikling pagsasalaysay ng
isang makatawag- pansin o
nakatutuwang pangyayari sa buhay
ng isang tao na kadalasa'y kilalá o
tanyag. Ang pagsasalaysay ay
karaniwang maikli at ang mga
pangyayari ay maaaring totoong
nangyari sa buhay ng nasabing tao
o maaari ding mga likhang-isip
lámang subalit halos nahahawig sa
katotohanan.
Ang anekdotang hango sa Ang anekdotang likhang-
tunay na buhay ng isang isip at hindi batay sa
tao ay nagbibigay ng tunay na buhay ay
pagkakataon upang lalo madalas na may paksang
pang makilala ng mga katatawanan subalit may
mambabasa o tagapakinig taglay na mensaheng
ang totoong pagkatao o kapupulutan ng aral ng
ang personal na buhay ng mga tagapakinig o
taong pinatutungkulan mambabasa.
nito.
Madalas nagagamit ang anekdota sa pagsulat
lalo na kapag may isang bagay na nais
bigyang-diin ang manunulat kung saan
angkop na ang mensahe ng anekdota.
Nagagamit din ito sa pagtatalumpati lalo na sa
pagsisimula o sa pagwawakas o kung may
punto na nais bigyang-diin ang tagapagsalita.
Nagagamit ang anekdota upang
makapagbigay-aliw makapagturo, o
makapagbigay-aral patungkol sa isang paksa.
Ang anekdota ay maaari ding personal na
pangyayari sa manunulat o mananalumpati. Sa
pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang
bahagi ng kanilang buhay na maaaring
kapulutan ng aral pagnilayan ng mambabasa o
tagapakinig at maiugnay rin sa paksang
tinatalakay.
IILANG PAALALA SA PAGSULAT NG
SARILING ANEKDOTA:
Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng personal na
anekdota. Mula rito'y piliin mo ang isang pangyayari sa iyong buhay na
angkop na angkop para sa iyong layunin o paksa.
Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo
bilang personal na anekdota. Itala ang lahat ng naaalala o natatandaan
mo kaugnay ng anekdota. Balikan bilang isang larawan ang lahat ng
pangyayari, kung mainit ba noon o malamig, kung nasa loob o labas ka
ba nang mangyari ito, balikan din sa alaala kung ano ang naging
reaksiyon ng mga taong nakapaligid sa iyo nang mangyari ito.
Sa pagsasalaysay nito'y huwag agad sasabihin ang kasukdulan dahil mawawala ang pananabik ng
mambabasa o tagapakinig sa kabuoan nito. Sa halip na simulan sa "Isasalaysay ko sa inyo ang
pagkawala ng pinakamamahal kong iPhone 6s," maaari mong sabihing "Mayroon akong iPhone 6s
na ibinigay ng aking ate pagkatapos ng halos dalawang taon kong pag-ungot na ipása na niya sa
akin at mag-upgrade na siya. Sa wakas ay naibigay rin ito sa akin bilang isang espesyal na regalo sa
aking kaarawan. Subalit isang araw..." Kapag ibinitin nang ganito ang kasukdulan o ang tinatawag
na punchline ay tiyak na mapananatili ang interes ng mga mambabasa o tagapakinig na sundan
ang mga pangyayari. Tiyakin lang na ang pangyayaring ilalahad ay talagang makakukuha sa
atensiyon at magagamit sa layunin ng pagsulat o pagbigkas.
Iwasang gumamit ng mabibigat na salitang hindi agad maunawaan ng mga mambabasa o
tagapakinig. Ang pagsasalaysay ng anekdota ay para lang pakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan
tungkol sa isang hindi pangkaraniwang pangyayari sa iyong maghapon kaya gumamit ng mga
payak na salitang madaling maunawaan.
Kung gagamitin mo ang anekdota sa pagtatalumpati o pagsasalita ay mahalagang makapag-
ensayo ka upang mailahad ito nang mabisa.
Bilang pagwawakas ay bigyang-diin ang dahilan kung bakit mo inilahad ang anekdotang ito. Dito
nila mauunawaan at mapahahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa iyong paglalahad.
APAT NA KOMPONENT O
SANGKAP NG KASANAYANG
KOMUNIKATIBO
APAT NA KOMPONENT O
SANGKAP NG KASANAYANG
KOMUNIKATIBO
Ayon kina Michael Canale at Merril
Swain mayroong apat na
komponent ng kasanayang
komunikatibo.
May apat na komponent o sangkap
sa paglinag ng kasanayang
komunikatibo. Partikular na
nakatutulong ang mga ito sa mga
taong nag-aaral ng bagong wika.
GRAMATIKAL
ito ay nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramatika.
Mahalagang batid ng nagsasalita ang tuntuning panggramatika dahil
magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap,
tamang pagbigkas, pagbaybay, at maging sa pagbibigay-kahulugan sa salita.
Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na gramatikal ay:
Anong salita ang angkop gamitin?
Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at
pangungusap.
SOSYO-LINGGUWISTIK
Ang komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang
naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito
makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang
katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring
magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa
tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang, o naiiba. Ang mga tanong na sinasagot
ng komponent na sosyo-lingguwistik ay:
Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon?
Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling
interpretasyon ang inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba
pa?
Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang taglay ng isang tao sa pamamagitan
ng mga salitang kanyang ginagamit?
DISKORSAL
Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan
upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na
mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
pangungusap, o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at
malalim na kahulugan. Ang tanong na sinasagot ng komponent na
diskorsal ay:
Sa paanong paraan mapagsasama-sama o mapag-uugnay-ugnay
ang mga salita, parirala, at pangungusap upang makabuo ng
maayos na usapan, sanaysay, talumpati, e-mail, artikulo, at iba pa?
STRATEGIC
nagbibigay-kakayahang mágamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid
nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa
paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat
tulad ng kumpas ng kamay, senyas, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang
tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng
strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nása "dulo na ito ng kanilang
dila" at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilalá rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas
sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang
lugar. Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na strategic ay:
Paano ko malalaman kung hindi ko palá naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung
hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang
maayos ito?
Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon
ang aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag sa isang bagay?ut labore et dolore magna
aliqua.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like