You are on page 1of 6

-Jake Artillo -Grade 10-Copernicus

Ang Globalisasyon At Isyu Sa


Mga Paggawa

JOB MISMATCH
PAGSUSURING PAPEL
(ANALYSIS PAPER)
Panimula (Introduction):

Ang job mismatch, o kawalang tugma sa trabaho, ay isang


malawak na isyu na kinakaharap ng mga manggagawa at mga
employer. Ito ay tumutukoy sa hindi pagkakasundo sa pagitan
ng kasanayan at kakayahan ng isang manggagawa at ang mga
kinakailangan ng trabaho na kanyang kinukuha o inaapplyan.

Suliraning Pang-Ekonomiya:

Ang job mismatch ay isang suliraning pang-ekonomiya na


may malalim na epekto. Ito ay nagaganap kapag ang kakayahan
at kaalaman ng mga manggagawa ay hindi tugma o hindi
umaayon sa mga de-kalidad at mataas na kakayahan na
hinahanap ng mga employer.
Halimbawa:
Mahilig si Jonas na tumugtog ng mga iba’t ibang
instrumento kaya kumuha siya ng kursong Bachelor of Music
Major in Instruments,ngunit siya ay nagtatrabaho lamang sa
isang bar bilang Isang bartender.Humanap Siya ng mapapasukan
pero nawalan siya ng pag-asa na makahanap ng trabaho na
sakto sa kanyang kurso kaya’t pumasok nalang Siya sa Isang
bar para habang wala pa siyang nkitang magandang trabaho ay
mayroon siyang pinagkakakitaan at matulungan niya ang
kaniyang pamilya.Siya ay nagsisi kung bakit kinuha niya Ang
kurso na iyon dahil akala niya makakahanap siya ng magandang
trabaho.
Ang labis na job mismatch ay maaaring magdulot ng
mababang prestihiyo sa mga kurso at propesyon na hindi
naaayon sa pangangailangan ng merkado. Kung ang mga
propesyon at kurso na bihira lamang ang nag-aalok ng mga
trabaho ay hindi napapagsikapan ng mga mag-aaral, maaaring
magresulta ito sa mababang mga insentibo para sa mga
estudyante na pumasok sa mga larangang iyon. Ito ay maaaring
magdulot ng hindi balanseng supply at demand sa ilang mga
sektor ng trabaho, na nagreresulta sa mas mataas na job
mismatch.

Paglalahad at Pagsusuri Ng Datos (Analysis):

Sa pag-aaral ng job mismatch, maaaring sabihin na ito ay


isang malubhang isyu na kailangan bigyan ng pansin ng mga
ahensiya ng gobyerno at ng mga industriya.

Ayon sa Skills Mismatch Survey ng PSA noong 2018,


mayroong 37.8% ng mga manggagawang Pilipino ang nag-ulat
ng job mismatch. Ang pinakakaraniwang dahilan ng job
mismatch ay ang kakulangan sa kasanayan o edukasyon para sa
mga trabaho na inaaral.

Ayon din sa pagsisiyasat, maraming pilipino ang hindi na


masaya sa trabahong kanilang pinasok. Bukod sa maaaring
mababa ang sweldo ay mahirap ang kanilang ginagawa.
Kadalasang job mismatch ang dahilan nito. Nagtapos ka sa
magandang kurso pero taliwas naman ang trabahong napasukan
mo. Mahirap pumasok sa trabahong hindi ng iyong natapos na
kurso, bukod sa kakaunti ang kaalaman ay hindi mo gusto ang
ginagawa mo.

Konklusyon (Conclusion):

Ang job mismatch ay hindi lamang isang suliranin para sa


mga manggagawa, ito rin ay nagkakaroon ng negatibong epekto
sa ekonomiya. Nagreresulta ito sa pagkabawas ng produksyon at
kakayahan ng mga industriya, na maaring limitahan ang
potensyal na paglago ng isang bansa. Ang hindi tamang
pagkakasundo ng mga kwalipikasyon ng mga manggagawa at
ang mga kinakailangan ng mga trabaho ay maaaring humadlang
sa progreso ng isang ekonomiya.

Solusyon (Solution):

Maraming pwedeng solusyon ang job mismatch kagaya ng


ating pamahalaan,dapat gumawa sila ng paraan para
matulungan Ang mga estudyanteng bago lamang gumadruate sa
kolehiyo.Kailangan ding pabutihin ang sistema ng edukasyon at
magpatuloy na gumawa ng mga programang makapagparami ng
mga trabaho at pagpapaunlad sa mga kurso upang tugmaan ang
mga ito. Ang pagdaragdag ng mga kurso na nakaangkop sa mga
industriya na mayroong malalaking mga oportunidad ng trabaho
ay maaaring maging mahalaga para sa pagkakaroon ng mas
mabuting pagtutugma ng trabaho sa hinaharap.Ang mga
kompanya at organisasyon ay maaaring maglaan ng mga
programa at oportunidad para sa pagpapaunlad ng mga
kasanayan ng mga manggagawa na tumutugma sa kanilang mga
pangangailangan.Kung tayo mn ay kukuha ng ating kurso,
kailangan itong pag-isipang mabuti kung sakto ba ito sa ating
kakayahan at kung isa ba itong pangunahing kailangan na
trabaho sa ating bansa para hndi na tayo mahirapang humanap
Ng trabaho.

Ang mga solusyon na ito ay maaaring magdulot ng


positibong epekto upang maabot ang tugma sa trabaho. Ito ay
magbibigay-daan sa mga manggagawa na magkaroon ng mga
trabahong naaayon sa kanilang mga kasanayan at
pangangailangan, samantalang nagbibigay ng kaukulang mga
trabahong nangangailangan ng kanilang mga galing at
kakayahan.

You might also like