You are on page 1of 24

Aralin 15

LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND


Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Balik-aral:
• Mahalagang sigurado ang tao sa landas na
kaniyang tinatahak.
• Napakahalaga para sa isang kabataan na bumuo ng
personal na pahayag ng misyon sa buhay (PPMB).
Ito ang makapagbibigay ng direksiyon patungo sa
iyong bokasyon.
• Ang tunay na misyon ay ang MAGLINGKOD. Ang
paglilingkod sa Diyos at sa kapwa ang magbibigay
sa tao ng tunay na kaligayahan.
Panimula:
• Ang isang musmos ay maraming pangarap at ang
mga pangarap na ito ay maaaring hindi permanente.
Maaaring magbago ang iyong pangarap o gustong
maging sa hinaharap sa pagkakataong makakita ka
ng mga bagay na pumupukaw ng iyong interes.
• Upang matupad ang mga ito, kailangang kang
maging aktibo sa mundo ng paggawa.
Panimula:
• Sa kasalukuyan, malaki pa rin ang problema sa
kakulangan ng trabaho sa bansa, at lalo pa itong
nadaragdagan dahil sa kawalan ng impormasyon
tungkol sa mga trabahong “in demand” sa Filipinas at
sa ibang bansa.
• Maraming bilang ng mga mag-aaral na nakatapos na
di sapat ang kaalaman sa mga trabahong maaaring
pasukan; idagdag pa ang mga pagpapahalagang
hindi naisasabuhay na may kaugnayan sa paggawa.
Paghahanda sa Kinabukasan
• Ilang taon na lang at ang
isang tulad mo ay kabahagi
na sa mundo ng paggawa.
Bago pa dumating ang
pagkakataong iyan dapat
alam mo na kung anong
“track” ang pipiliin mo na
may kaugnayan sa mga
kursong gusto mo.
Paghahanda sa Kinabukasan
• Mahalaga rin na malaman mo ang mga “in
demand” na trabaho sa Pilipinas at sa
ibang bansa na puwede mong maging
basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon
kaagad ng trabaho pagkatapos ng iyong
pag-aaral.
Paghahanda sa Kinabukasan
• Ang “demand” sa trabahong lokal o
pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi
problema. Ang lumilitaw na malaking suliranin
ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong
aplikante na pupuno sa mga posisyon na
kailangan.
• Ang mga trabahong ito ay hindi lamang
nakatuon sa mga kursong pang-akademiko
kundi pati na rin sa teknikal-bokasyonal,
maging sa larangan ng sining, palakasan at
negosyo.
K-12 at ang
SHS Program
• Layuning ng Senior
High School (SHS)
Program sa K-12
Curriculum ng DepEd
na ihanda ang mga
kabataaan para sa
Trabaho, Negosyo, o
Kolehiyo.
K-12 Curriculum
• Ang pagpili ng track at strand ay
magsisilbing hakbang upang makapili ng
kurso na may kaugnayan sa iyong hilig,
talento o kakayahan.
Academic Track

• STEM (Science, Technology, Engineering &


Mathematics)
• ABM (Accountancy, Business & Management)
• HUMSS (Humanities & Social Sciences)
• GAS (General Academic Strand)
Technical Vocational Livelihood

• Agri-Fishery Arts
• Home Economics (HE)
• Industrial Arts
• Information and Communications Technology (ICT)
Arts and Designs Track

• Theatre
• Music
• Dance
• Creative Writing
• Visual Arts
• Media Arts
Sports Track

• athlete development
• fitness training
• coaching
• officiating
Pagbubuod:
• Wala nang hihigit pa sa uri ng trabaho na
puwedeng pasukin o makuha ng isang tao
kung ito ay tumutugon sa pangangailangan
ng industriya. Mahalaga rin na ito ay
naaayon sa moral na batayan ng paggawa
at sa iyong hilig, talento at kakayahan.
Pagbubuod:
• Ang kaalamang mayroon ang isang indibidwal
sa mga bagay na dapat niyang gawin ay hindi
napagtatagumpayan kung ito ay ginagawa nang
walang kabuluhan.
• Sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao
ang kanyang dignidad at sa pamamagitan nito
nagkakaroon siya ng malaking kontribusyon sa
ibang tao at sa lipunan tungo sa kabutihang
panlahat. - Laborem Exercens (Pope John Paul II)
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Bakit kailangang magkaroon ng sapat


na impormasyon sa mga trabahong
kailangan sa Pilipinas at sa ibang
bansa?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
NO ERASURES.
1. Maaaring magbago ang iyong pangarap sa
pagkakataong makakita ka ng mga bagay
na pumupukaw ng iyong interes.
2. Walang kaugnayan kung anong “track” ang
pipiliin sa mga kursong gusto mo.
3. Maraming bilang ng mga mag-aaral na
nakatapos na di sapat ang kaalaman sa
mga trabahong maaaring pasukan.
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod
na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa.
NO ERASURES.
4. Lahat ng in-demand na trabaho ay
nakatuon sa mga kursong pang-
akademiko.
5. Sa pamamagitan ng paggawa
ipinapakita ng tao ang kanyang
dignidad.
SAGOT:

1.TAMA
2.MALI
3.TAMA
4.MALI
5.TAMA

You might also like