You are on page 1of 1

Buod ng El Filibusterismo

Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon
ipinakilala ang ilang tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra,
ang bida sa Noli Me Tangere, ay nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang
alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang poot at layong makapaghiganti at iligtas si
Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano upang bulukin at pahinain ang
pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang
na si Basilio. Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang
magbubukas sa kumbento ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy
ang planong ito sapagkat namatay nang hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng
pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at Juanito Pelaez kung saan dadalo ang
lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang ikinasal ng isang
magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng
lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin
ay sasabog ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak
na ito ni Simoun sapagkat nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis
ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita
kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun
ng lason upang hindi mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis
ng pari ang kayamanan ni Simoun sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para
sa kabutihan ng taumbayan.

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay umano'y tagapayo ng


Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang
mga kaaway.
Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
Senyor Pasta - ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

You might also like