You are on page 1of 1

Mga Tungkulin at Responsibilidad ng bilang isang Community Relation Officer (CRO) ng

Subdibisyon

 Pagiging magalang sa lahat


 Magpaalam ng mga impormasyon tungkol sa katayuan ng Subdibisyon
 Ipabatid ang mga karapatan at limitasyon ng mga may ari ng bahay tungkol sa mga batas
at panuntunan ng Subdibisyon
 Ipagbigay-alam sa mga kasamahang opisyal ng Subdibisyon ang mga hinaing at
mungkahi ng lahat ng may ari ng bahay
 Magbigay ng mga babala sa lahat, kapag may bagyo, pagkawala ng kuryente o tubig o
anumang mangyayaring pagbabago sa regulasyon ng subdibisyon.

Mga Dapat GAWIN / TANDAAN ng mga may-ari ng sambahayan ng Subdibisyon.

 Igalang ang ating Community Relation Officer (CRO) kagaya ng paggalang sa iyong
sarili.
 Kung may katanungan hinggil sa regulasyon ng Subdibisyon makipag-usap sa
Community Relation Officer (CRO) sa maayos at mahinahon na paraan.
NOTE: Hindi SWELDO ang tawag sa nakukuhang insentibo ng mga opisyal kundi
HONORARIUM/HONORARYUM.
 Iwasan ang magpahayag sa Social Medya ng mga salitang nakakasakit ng saloobin ng
iba.
 Kung may mungkahi o nais iparating sa mga opisyal makipag-usap sa Community
Relation Officer (CRO) para maipaalam ng sabing opisyal ang inyong mga hinaing
upang magawan agad ng solusyon.

Ang aking naisip na plano ay maglagay ng suggestion box sa clubhouse upang mabasa din ito
ng mga officer at mapag-usapan.

“PANG-UNAWA ANG SOLUSYON SA PAG-UNLAD NG ATING SUBDIBISYON”

Maraming Salamat po!

MS. BRENDA DELA CRUZ


PARCEL IV ComRel

You might also like