You are on page 1of 1

Sa mga pasyente na bagok ang ulo

〈Pag-iingat pagkatapos mapinsala o masugatan ang ulo〉

Kapag ang ulo ay nasugatan, iba't-ibang pagbabago ang maaaring mangyari sa utak. Lalo na
kapag dumugo ang loob ng ulo maaaring ma-peligro ang buhay nito, kaya’t kinakailangan magingat.
Pagkatapos mapinsala o masugatan ang ulo, maaari ang isang malusog na tao ay bigla na lang
mawalan ng malay, dahil sa pagdudugo sa loob ng ulo nito(intracranial bleeding{dumudugo ang
bungo}). Ang dumudugo sa bungo ay hindi laging nauugnay sa bali ng buto, pero kahit walang
diperensya ang ulo ng buto hindi pa rin pwede maging mapayapa ang isip nito.

① Sumasakit ang ulo lalo, pakiramdam ay nasusuka, sumusuka ng maraming beses.


(Sinuka ang kinain, sumusuka kahit walang kinain)
② Bigla na lang natutulala, pagnatulala ay inaantok at mahirap gisingin(Sa araw ng
pinsala kahit gabi ay paminsan-minsan gisingin ito at tiyakin kung nakakapagsalita).
③ Pag nakatingin sa bagay ay dumodoble ang paningin o hindi malinaw ang pagtingin.
④ Mahirap igalaw ang kamay at paa at namamanhid ito. Ang galaw(o lakas)ng kanan at
kaliwa ay naiiba.
⑤ Nagpapasma (kumbulsyon)

Mangyaring bisitahin ang doktor kaagad kung anuman sa mga sintomas sa itaas ay naramdaman.
Ang mga sintomas na ito ay maaaring mangyari kaagad, ngunit ito ay maaaring maramdaman
pagkatapos ng 2 sa 3 araw o minsan pagkatapos ng ilang araw o ilang buwan.
Pagkatapos mapinsala o masugatan ang ulo, mga 1 hanggang 2 araw ay magpahinga at wag
lumabas ng nag-iisa. Kahit maliit na bata ito ay mahirap lumitaw ang sintomas, sa karagdagan, kahit
mismong sarili hindi malaman ang sintomas nito. Kaya’t kahit muchang malusog sila bantayan ito ng
mga 2 hanggang 3 araw.

Mga pag-iingat pagkatapos mapinsala o masugatan ng 6 na buwan


Mula ng 3 linggo hanggang 6 na buwan pagkatapos mabunggo o mabagok ang ulo maaaring
maipon ang dugo sa loob ng ulo(Chronic Subdural Hematoma[CSH])
Sa oras na iyon, kung ang mga sintomas lumitaw tulad ng ①Kumikirot o sumasakit ang ulo
②pagsusuka ③nanghihina, nahihilo, ④demensya, bago lumala ito kinakailangan magpa tsek-up sa
doktor. At minsan kinakailangan magpa-opera din. Madalas ito nangyayari sa matatanda kaya
mag-ingat lamang.

You might also like