You are on page 1of 8

1

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________

Aralin Paggamit ng mga Hudyat sa Pagpapahayag


ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
4 Isinulat ni Ailyn B. Balmes

Mga Inaasahan

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang pagbabahagi ng sariling pananaw gamit


ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayan :

1. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari


dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa (F8WG-Ig-h-22)
2. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang pag-uulat
(F8PN-Ii-j-23)

Alam kong gusto mo nang magsimula ngunit sagutin mo muna ang unang
gawain.

Paunang Pagsubok

Salungguhitan sa bawat pangungusap ang ginamit na hudyat ng sanhi at bunga.


1. Dahil sa paglaganap ng pandemya maraming tao ang nahinto sa trabaho.
2. Maraming Pilipino ang hindi marunong sumunod kaya naman tumataas ang dami
ng bilang ng nagpositibo sa COVID-19.
3. Palibhasa’y alam ang kanilang karapatan kaya ito’y kanilang ipinaglalaban.
4. Nahirapang mamuhay ang mga tao dahil sa pandemyang kinahaharap ng bansa.
5. Sa palagay ko kaya ayaw niyang makinig ay dahil alam niyang tama siya.

Nasasabik ka na ba sa ating aralin? Bago ka magpatuloy magbalik-aral


ka muna sa nakaraang aralin.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
2

Balik-tanaw

Tukuyin ang sanhi at bunga sa mga pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dahil sa global warming.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
2. Nagbitiw siya sa kaniyang trabaho dahil sa di niya nakayanan ang bigat nito.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
3. Dahil sa hirap ng kanilang kalagayan sa buhay napilitan siyang mangibang
bansa.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
4. Maraming online seller ang umalma nang magbaba ng kautusan ang BIR na
kailangan nilang magparehistro.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________
5. Maraming tao ang namatay sapagkat biglaan ang pandemya.
Sanhi: ___________________________________________________________________
Bunga: ___________________________________________________________________

Pagpapakilala ng Aralin

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
3

Sa araling ito, babasahin mo ang isang ulat-balita kung saan inilahad ng


may-akda ang kaniyang sariling pananaw hinggil sa isang paksa.

ALAMIN: Sintomas ng ‘Attention Deficit Hyperactivity Disorder’


na natutuklasan din sa Matatanda

Graduate na ng kolehiyo nang malaman ni Fiel John Meria na mayroon siyang


attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), isang kondisyong medikal na
kadalasang natutuklasan habang bata pa lang ang pasyente.

Pero si Meria, 22 anyos na nang malamang may ADHD siya. "I couldn't regulate
myself. It's like 'yong galaw ko, 'yong behavior, very hyperactive, I was going around,
asking people a lot of questions, and it was very difficult to handle me at that time," ani
Meria. Hindi mapakali at madaling ma- distract ang ilan sa katangian ng taong may
ADHD.

Nasa 30% hanggang 70% ng mga bata ang patuloy na nagpapakita ng mga
ganitong sintomas hanggang umabot sa kanilang pagtanda. Dagdag pa rito,
tinatayang nasa 30% hanggang 50% ng mga batang may ADHD, may learning
disability o hirap matuto. Mahalaga umano sa isang taong may ADHD na
makaramdam ng suporta mula sa mga taong nakapaligid sa kanila.

"Kailangan mayroong pagtanggap ang mayroon talagang disorder... kasi nga 'yong
iba aakalain, gawa-gawa lang ng bata," ani Dr. Francis Dimalanta, isang behavioral
pediatrician. Kasalukuyang abala ang ngayo'y 30 anyos na si Meria bilang guro sa mga
special children. Nais din ni Meria na itaas ang kamalayan ukol sa mga
pangangailangan ng kabataang may natatanging karamdaman.

Nakatakdang ikasal si Meria sa Disyembre sa nobyang mayroon ding ADHD. Batid


ni Meria at ng kaniyang magiging misis ang posibilidad na magkaroon din ng ADHD
ang kanilang anak, dahil ito ay isang namamanang kondisyon. Pero ayon kay Meria,
hindi dapat ikinakahiya ang pagkakaroon ng ADHD.

"Kung may ADHD man siya, it means there are certain strengths that are very
exciting, it would make the person very interesting," ani Meria. Dagdag ni Meria,
maayos na paggabay lamang ang kinakailangang ibigay sa isang taong may ADHD
upang madaig nito ang kadalasang nakikitang kahinaan dulot ng kondisyon.

(Halaw mula sa: https://news.abs-cbn.com/life/10/23/17/alamin-sintomas-ng-attention-


deficit- hyperactivity-disorder-na-natutuklasan-din-sa-matatanda)

Pagkatapos mong mabasa ang teksto maaari mo nang itala ang mga nakita
mong hudyat na ginamit sa pagpapahayag ng sanhi at bunga.

Ngunit bago mo gawin iyan narito muna ang mga dapat mong malaman
tungkol sa aralin.

Sa pagbabahagi ng sariling opinyon gumagamit tayo ng mga hudyat sa


pagpapahayag.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
4

Ang opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa sariling pananaw ng isang tao. Sa


pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusupan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging
katanggap-tanggap ang ating mga opinyon.

Ginagamitan ito ng hudyat na sa palagay ko, sa pakiwari ko, sa aking akala, sa


paniniwala ko at iba pa.

Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na


pag-uugnay ng mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag
ang maingat na pagpili ng mga salitang gagamitin upang higit itong malinaw sa lahat.
Kagaya na lamang sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit
upang maipahayag ito nang may kalinawan.

1. Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan:


sapagkat/pagkat…
dahil/dahilan sa…
palibhasa, at kasi…
naging…

Halimbawa:

a. Hindi madalas napapansin ang kondisyong ito dahil natatanging


karamdaman ang ADHD.
b. Palibhasa’y may learning disability, tuloy hirap matuto ang nakararanas
nito.
c. Dahil may pagsuporta sa pamilya, tuloy hindi niya ramdam na siya ay
kakaiba.

2. Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:


kaya/kaya naman…
kung kaya…
bunga nito…
tuloy…

Halimbawa:

a. Ang ADHD ay isang natatanging karamdaman kung kaya nagiging kapana-


panabik ang katangiang maaaring ipakita ng mga taong mayroon nito.
b. Mahalaga ang pagtanggap sa maaaring idulot ng sakit na ADHD, bunga
nito, maaaring mabuhay ng normal ang sino mang magkakaroon nito
malayo sa karahasan ng mundo.
c. Dahil may pagtanggap ang pamilya sa kaniyang kondisyon, tuloy hindi siya
nahihiya at natatakot.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay tungkol sa


paggamit ng mga hudyat sa paglalahad ng sanhi at bunga. Maaari mo nang
sagutin ang mga gawain sa susunod na bahagi.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
5

Mga Gawain

Gawain 1.1 Piliin ang titik ng angkop na sanhi o bunga ng mga sumusunod na
pangungusap.

1. May angking abilidad ang mga taong may ADHD _____________________.


A. sila’y masisigla
B. dahil madaling mabagot
C. sapagkat mahirap intindihin
D. kaya naman kailangan nila ng suporta
2. Sila’y madaling ma-distract ____________________.
A. tuloy hirap silang matuto
B. kaya madali silang magsawa
C. sapagkat ito’y gawa-gawa lamang
D. dahil sa kakaiba nilang kondisyon
3. Sila’y likas na matalino, __________________.
A. kaya madaming talento
B. dahil may suporta ng magulang
C. sapagkat alaga sila ng kanilang magulang
D. palibhasa’y maayos ang pagpapalaki ng magulang
4. Hindi nakahahawa ang ADHD ____________________.
A. dahil ito’y namamana
B. sapagkat hindi nakatatakot
C. bunga nito sila ay hindi dapat layuan
D. dahil sa ito ay nasa dugo ng magulang
5. Nakapananabik ang kakayahang maaaring ipakita ng taong may ADHD
________________.
A. dahil sila’y kakaiba
B. kung kaya sila’y minamahal
C. dahil sila ay madaming talento
D. sapagkat ito’y pambihirang karamdaman

Gawain 1.2 Piliin sa Hanay B ang Bunga ng mga Sanhi ng pangyayari na nasa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____1. Umiyak siya nang umiyak A. kaya masaya siya ngayon


_____2. Dahilan sa kaniyang pagsisinungaling B. kaya naman galit ang
_____3. Pinagmalupitan niya ang kanyang anak kanyang ama
_____4. Palibhasa’y nakahanap siya ng C. kaya masama ang kaniyang
mapaglilibangan loob
_____5. Sapagkat hindi siya tumupad sa kanilang D. tuloy lumaki itong may
usapan hinanakit sa kaniya
E. bunga nito’y namaga ang
kaniyang mata

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
6

Gawain 1.3 Bumuo ng opinyon gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga batay sa
mga sumusunod na isyu.

SANHI ISYU: BUNGA

Enhanced Community
Quarantine

Online Pagtuturo

Anti- Terror Bill

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang tatlong pamantayan
 Naaangkop ang sagot sa isyung
ibinigay. 4 – dalawang pamantayan lamang
 May maayos na pangungusap.
 Gumamit ng iba’t ibang hudyat sa 3 – isang pamantayan lamang
sanhi at bunga

Tandaan

Matapos mong masagutan ang lahat ng mga gawaing inilaan, narito ang
mga dapat mong tandaan.

1. Ang opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa sariling pananaw ng isang tao.


2. Ang malinaw, mabisa at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na
pag-uugnay ng mga salita, parirala, at pangungusap.
3. Gumagamit ng mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong sariling opinyon tungkol


sa napanood/napakinggang balita hinggil sa naantalang pagbubukas ng klase.
Buksan ang link https://www.youtube.com/watch?v=yDgUuw6PI2s

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
7

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________

Mga Pamantayan:

1. Ang paglalahad ay binubuo ng maayos at magkakaugnay na simula, gitna at


wakas
2. Nagsasaad ito ng sariling palagay gamit ang hudyat ng sanhi at bunga.
3. Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod
5 - Napakahusay
4 - Katamtamang husay
3 - Dapat pang paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

A. Tukuyin kung ang may salungguhit na bahagi ng pangungusap ay sanhi o


bunga. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1. Minahal nang husto ni Alyana si Cardo kaya’t pinatawad niya ito
sa kaniyang kasalanan.
____________2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya’t nabiyayaan
sila ng isang anak.
____________3. Naging mabigat para kay Cardo ang responsibilidad bilang pulis
kaya napabayaan niya ang kaniyang minamahal na pamilya.
____________4. Sapagkat likas na matulungin hindi naniwala ang taong bayan na
kayang pumatay at maging rebelde ni Cardo.
____________5. Nagkaroon tuloy ng alitan sina Cardo at ang Presidente dahil sa
masamang bintang ni Lily.

B. Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap.

1. Maraming magulang ang nalito sa Online Learning kaya’t naglunsad ang DepEd
ng mga paraan upang maipaliwag ito nang maayos.
2. Sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ngayong quarantine,
maraming tumangkilik sa tiktok upang libangin ang kanilang sarili.
3. Ipinatigil ang lahat ng uri ng operasyon ng mga sasakyan ngayong pandemya
bunga nito naging mabenta ang mga bisikleta bilang bagong gamit sa
transportasyon.
4. Dahil sa lumalalang problema sa terorismo, isinulong ng ilang mambabatas ang
Anti-Terror Bill upang sugpuin ang karahasan sa bansa.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
8

5. Ipinahinto ng National Telecommunication Commission ang operasyon ng ABS-


CBN sa gitna ng pandemaya dahil sa ilang kumplikasyon.

Pagninilay

Sumulat ng sariling opinyon/pananaw batay sa ulat-balita na


pinamagatang “Teaching Kids and Adults with ADHD”. Buksan ang link
https://www.youtube.com/watch?v=3ct-tAbSz_A

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang tatlong pamantayan
 naihahayag ang sariling opinyon sa
napanood/napakinggang balita sa 4 – dalawang pamantayan lamang
pamamagitan ng hugot line
 naiaangkop sa paksa 3 – isang pamantayan lamang
 nakagagamit ng sanhi at bunga

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroon


pang hindi malinaw sa iyo mangyaring magtanong sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 8
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like