Nakadalo kaming mag-anak sa isang luksang-lamayan sa Obando, Bulacan.
Isang pinsang makalawa namin ang namatay. Maraming tao: mga binata, dalaga, matanda, at batà. Masaya ang umpukan. Natawag ang aking pansin ng isang laláking marahil ay may dalawampung taon humigit-kumulang. May putong siyang bagong dikin. Napaliligiran din siya ng mga kadalagahan at kabataan; marahil may labingwalo o dalawampu silá. Nakiumpok akóng saglit sa kanila. "Patuloy ang ating sayá," wika ng isa. "Sige," ang wika ng may putong. "Ibibigay ko ang aking bugtong. Hulaan ninyo. Ang hindi makahula, magiging taya, ha?" "Oo," ayon ng lahat. "Makinig na kayo," pasimula niya. "Baboy ko sa marungko, ang balahibo'y pako." Hindi pa halos nabibitiwan ang hulíng salita ng bugtong ay nagsigawan na ang lahat. "Langka!" "Tama, ang huhusay ninyo. Abá! Ayoko nang sabay-sabay ang inyong sagot. Paano ko maaalis ang aking katayuan? Isa-isa lang. Ang ituro ko ang kailangang sumagot. O, narito ang pangalawang bugtong. humahaba'y hindi hìnihila, sumusugat di naman espada. Ano iyon, Dencio?" “ Hindi ko alam, e," sabay kamot sa tuktok. "Sirit na" "May nakaaalam ba?" wsirit na kamil" panabay na sagot ng mga kaharap. "Ibibigay ko ang pahiwatig. Aling bagay ang ating napahahaba, naisusulong-naiuurong, masakit na makahiwa sa kapwa? Hindi ba ang dila?" tugong patanong niya. "Ay! Oo nga!" sagot ng lahat. "Ngayon naman, ang ipasasagot ko sa inyo ay mahirap-hirap na halos katulad ng bugtong, kayä lámang kailangan ng masusing pag-isip bago sagutin. Ito ang mga palaisipan," ang paliwanag niya. Nagkatinginan ang mga kalaro at napaisip. "Simulan natin," sabi pa ng lalaking may putong. "May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola nang hindi inaangat ang sombrero?" Matamáng nag-isip ang mga naglalaro. Matagal, mayámayâ sumagot si Lando. "Butasin po ang sombrero para makuha ang bola, tama po ba?" wari'y nag- aalinlangang sagot niya. "Tama ka, Lando, iyon ang wastong sagot." Sabay-sabay na nagpalakpakan ang lahat. "O, eto pa ang isa. May isang tulay na walang sinuman ang nakadaraan sapagkat may nagbabantay na mahiwagang tinig at sinumang makarinig sa mahiwagang tinig ay tiyak na mamamatay, subalit may isang laláki na nakatawid nang buháy sa tulay. Paano nangyari iyon?" "Ang hirap naman ng palaisipang iyan," sabat ng isa. Matagal ang lumipas ngunit walang nagtangkang sumagot. "Sige, sirit na. Nakatawid ang binata nang hindi naririnig ang mahiwagang finig dahil bingi siya," natatawang paliwanag ng lalaking may putong. Nawili akó sa pakikinig sa kanilang laro, sa mga bugtong at palaisipan na paglalarawan ng matayog na kaisipan ng ating mga ninuno. "Mainam," nawika ko sa sarili, "Hindi pa kumukupas ang matandang kabihasnan dito."