nagmula sa salitang Griyego na syntithenial na ang ibig sabihin sa Ingels ay put together o combine (Hamper 2016). Ang sintesis ay kompleks na kasanayang pang-akademiko at porma ng analitikong pagsulat na nagsasangkot sa pagpapangkat ng mga ideya patungo sa iba hinggil sa isang paksa. Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman sa iba’t ibang dahilan. - maaaring oras sa klase - oras ng kuwentuhan - o sukat ng panahon para sa pagsulat pagbasa ng artikulo kung nasa anyong babasahin at pagbbigay ng kaalaman. ang sintesis ay ang pagsama- sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandilng panahon lamang. Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Pagsulat ng Sintesis o Buod 1. Basahin mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin. 2. Mapadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot lahat ng pandama dahil maisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa nng teksto. 3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod- sunod ng mga detalye. Sekwensiyal – pagsusunod- sunod ng mga pangyayari sa isang pangyayari na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng pagkasusunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa. Kronolohikal – pagsusunod- sunod ng mga impormasyon at detalye ayon sa pangyayari. Prosidyural – pagsusunod- sunod ng mga hakbang o proseso ng pagsasagawa. 4. Maaari ring isaalang- alang ang mga bahagi ng teksto: una, gitna, at wakas. 5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sintesis o Buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap. 4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sintesis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang giinamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.