You are on page 1of 18

PAGSULAT SA FILIPINO SA

PILING LARANG (AKADEMIK)

Inihanda ni:
JANELLE M. GONOWON
SINTESIS
SINTESIS...

nagmula sa salitang
Griyego na syntithenai
na nangangahulugan sa
Ingles na “put together”
o “combine”
SINTESIS...
ito ay pinagsamasamang
mga ideya mula sa iba’t
ibang pinagkunang
impormasyon upang
makabuo ng sariling
pagpapahayag ukol sa
isang paksa
SINTESIS...
pagtitipon ng mga
impormasyon at pagkuha
ng mga pangunahing
ideya, at pagsusulat ng
mga nahinuha sa isang
partikular na paksa
SINTESIS...
Karaniwang ginagawa ito
sa anyong deduktibo.
SINTESIS...
sinusulat ito sa ilang paraan ng
pagpapahayag—paglalahad,
paglalarawan, pangungumbinsi
o pagsasalaysay—ngunit sa
pinaikli, pinakapayak at
pinakamagaan na anyo nang
hindi nawawala ang orihinal na
kaisipan ng akda.
Mga hakbang at dapat
isaalang-alang sa
pagsulat ng isang
sintesis
1. Magbasa at sanaying
magbasa. Paunlarin ang
sariling kakayahang
umunawa, magkaroon ng
perspektibo at
interpretasyon sa mga
binabasa.
2. Kung magtatangka nang
magsulat ng isang sintesis ukol sa
isang partikular na paksa, basahin
ang buong teksto upang
maunawaang lubos ang nilalaman
nito. Dapat na maunawaang lubos
sapagkat kinakailangang mag-iwan
ito sa isipan ng mga mahahalagang
detalye upang makakabuo ng
sintesis.
3. Alamin ang pinakakaisipan ng
teksto. Buksan ang isipan,
damdamin o pandama upang
magkaroon ng ugnayan sa may-
akda at makamit ang layuning
malaman ang ideya o diwa ng
teksto.
4. Sa pag-uumpisa ng pagsulat ng
sintesis isaalang-alang ang mga
bahagi ng teksto. Magkaroon ng
kamalayan sa nilalaman ng
panimula, gitna at wakas.
5. Isaalanga-alang din ang
tatlong uri ng pagkakasunud-
sunod ng mga detalye (Garcia,
2016).
a. Sekwensiyal—pagkakasunod-
sunod na mga pangyayari sa isang
kuwento o salaysayin na
ginagamitan ng mga panandang
naghuhudyat ng pagkakasunud-
sunod tulad ng una, pangalawa.
Maaari ring gamitan ng noong una,
sumunod, pagkatapos at iba pa.
b. Kronolohikal—pagsusunod-
sunod ng mga impormasyon sa
mahahalagang detalye ayon sa
pangyayari.

c. Prosidyural— pagsusunod-sunod
ng mga hakbang o proseso ng
paggawa
6. Maging mapanuri sa
nilalaman sapagkat kailangang
wasto ang nilalaman ng bawat
bahagi ng teksto upang hindi
maligaw ang mambabasa.
7. Isa-isip na kailangang mas
maging simple, maikli at hindi
nawawala ang diwa ng teksto sa
pagbabagong anyo nito.
8. Basahing muli upang makita
ang ilang pagkakamali o
pagbabagong nais gawin sa
ginawang sintesis.

You might also like