You are on page 1of 12

PAGSULAT SA PILING

LARANGAN
UNANG TALAKAYAN

INIHANDA NI: MS. JUDY-ANN TUMARAO,LPT.


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
• Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat.
• Nakikilala ang iba’t – ibang akademikong sulatin
• Layunin
• Gamit
• Katangian
• Anyo
YUNIT I: BATAYANG KONSEPTO KAUGNAY NG
AKADEMIKONG SULATIN

ARALIN 1: AKADEMIKONG SULATIN


• Ang akademikong sulatin ay isang uri ng sulatin kung saan nakapaloob dito ang mga
makakatotohanang detalye na kinulekta o nilikom ng isang manunulat.
• Ito din ay naglalaman ng mga layunin na naglalayon na mahasa ang ating kaisipan at mapaunlad ang
ating mga kaalaman.
• Sa paggawa naman ng isang sulatin nangangailangan ito ng masusing pag-aaral, malawak na
imahinasyon, at mahusay sa pagsulat upang matiyak ang tagumpay ng iyong ginagawang sulatin at
ito rin ay nangailangan ng mahabang panahon dahil sa paraan ng paggawa nito ay may mga proseso
at mga hakbangin na sinusunod una komprehensibong paksa na dapat ay napapanahon.
Ang akademikong sulatin ay nagtataglay ng tiyak na hakbang o proseso. Sa paraan ng
paggawa ng isang akademikong sulatin, makikita ang taglay nitong mga katangian. Ito ay ang
mga sumusunod:
• Komprehensibong Paksa – batay ito sa interes ng manunulat. Kung ang pagsulat naman
ng itinakdang ipagawa, madalas nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na may
kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika,
pangkultura, at iba pa.
• KOMPREHENSIBO- Isa ito sa Uri o Antas Ng Pakikinig. Pag unawa sa mensahe mula sa
tagapagsalita.
• Angkop na Layunin – ito ay ang nagtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng
akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat kung nais na
magpahayag ng iba’t-ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na
paniwalaan ang argumentong inilalahad, suportahan o pasabulian ang mga dati nang
impormasyon, at iba pang layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin.
Gabay ng Balangkas – nagsisilbing gabay ang balangkas sa akademikong sulatin.
Gabay ito upang organisanahin ang ideya ng sulatin. May tatlong uri ng balangkas:
• Balangkas na paksa
• Balangkas na pangungusap
• Balangkas na talata
Kadalasan ang balangkas din ang nagiging burador ng anumang sulatin. Ang
paunang balangkas ang magiging batayan sa pagrerebisa ng pinal na sulatin.
•  Halaga ng Datos – tinuturing ito bilang pinakamahalagang yunit ng pananaliksik
ang datos ng anumang akda. Kung walang datos, walang isusulat, walang susuriin o
sasaliksikin. Nahahati sa dalawang sanggunian ang datos.

• Primaryang Sanggunian – naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon ukol sa paksa.


• Sekondaryang Sanggunian – makikita rito ang sariling interpretasyon batay sa
pangunahing impormasyon.
Primaryang Sanggunian Sekondaryang Sanggunian

 Talaarawan  Reaksyon sa isang:


 Pakikinayam  Aklat
 Liham  Palabras
 Orihinal na gawaing sining  Manuskripto
 Orihinal na larawan  Pahayag ng isang tao
 Orihinal na pananaliksik  Buod ng anumang akda
 Mga isinulat na panitikan
Epektibong Pagsusuri - upang maging epektibo, lohikal ang dapat na gawing pagsusuri.
Hindi makahihikayat ang mambabasa ng isang akademikong sulatin kung ang nilalaman nito
ay nakabatay lamang sa pansariling pananaw ng sumusulat.
• Kailangang lagpasan ang opinion at mapalutang ang katotohanan.
Tugon ng Konklusyon – ito ay pangkalahatang paliwanang (buod) na nais na maipahayag
ng akademikong sulatin. Makikita sa konklusyon ang kasagutan sa mga itinampok na
katanungan sa isinulat sap ag-aaral.
Dahil sa pangkalahatang paliwanag na taglay ng konklusyon, may mga ilang paalala na
dapat tandaan para sa susulat.
• Huwag magpasok ng bagong material
• Huwag pahinain ang iyong paninindigan sa paghingi ng tawad sa isang bagay na
naipaliwanag mo na.
• Huwag magtapos sa “cliff hanger”.
PAGSULAT

IDEYA KONSEPTO NARARAMDAMAN TUGON


SALOOBIN AKSYON

ISIP DAMDAMIN KILOS


Katotohanan at opinyon

Batayang
Organisado at katangian ng Pantay na
sistematiko paglalahad ng
akadmikong ideya
sulatin
May paggalang sa
ibang pananaw
PAGSUSULIT

1. Ito ay tinawag na pangkalahatang paliwanang (buod).


a) Akdemikong sulatin
b) Epektibong pagsusuri
c) Tugon ng konklusyon
d) Gabay ng balangkas
2. Nagtataglay ng tiyak na hakbang o proseso.
e) Akdemikong sulatin
f) Epektibong pagsusuri
g) Tugon ng konklusyon
h) Gabay ng balangkas
3. Tinuturing ito bilang pinakamahalagang yunit ng pananaliksik.
i) Akdemikong sulatin
j) Angkop na Layunin
k) Tugon ng konklusyon
l) Halaga ng Datos
4. Ito ay naka batay ito sa interes ng manunulat.
m) Akdemikong sulatin
n) Komprehensibong Paksa
o) tugon ng konklusyon
p) Halaga ng Datos
5. Nagtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin.
a) Akdemikong sulatin
b) Komprehensibong Paksa
c) tugon ng konklusyon
d) Angkop na Layunin

6. May dalawang sanggunian ang datos.


1. Primaryang Sanggunian
2. Sekondaryang Sanggunian

7. Magbigay ng mga halimbawa ng akademikong sulatin.


• Books/akademic books
• Bionote
• Thesis
• Autobiography
• etc

You might also like