Professional Documents
Culture Documents
By
-
January 31, 2016
0
4420
31 January 2016, 3:50 – LAYUNING ipalaganap ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ang malawakang pagtingin sa pambansang wika bilang
“intelektuwalisado” at ang paggamit nito sa larangan ng Agham at Matematika.
Kasabay nito, pinarangalan sa Kapihang Wika noong ika-28 ng Enero
ang mga nanalo sa Gawad Julian Cruz Balmaceda, ang pinakamataas na
parangal ng
KWF para sa mga tesis at disertasiyon na isinulat sa wikang Filipino.
“Kailangan nating magsulat tungkol sa ating bayan gamit ang ating
sariling wika,” ani Ramon Sarmiento na siyang may-akda ng nanalong
masteradong
tesis na pinamagatang “Ang mga Kalamidad noong Panahon ng Hapon sa
Pilipinas:
1942-1945.”
Aminado ang mga kalahok na mahirap magsulat ng siyentipikong
pananaliksik gamit ang sariling wika lalo pa at saklaw ng patimpalak ang mga
paksa ng agham, matematika at agham-panlipunan.
Pinatunayan ito ng nagwaging kalahok para sa kategoryang
disertasiyon na pinamagatang “Pagpopook ng Kapangyarihang Politikal:
Prosesong
Elektoral sa Probinsya,” na isinulat ni Gilbert Macarandang.
Detalyado at masususing metodolohiya ang kaniyang isinagawa, mula
sa pagtingin sa mga lumang dokumento ng Tayabas, Quezon na nailimbag
noong
panahon ng Espanyol at pagsasalin ng mga ito mula sa wikang Kastila
patungo sa
Ingles, hanggang sa pagsusulat ng buong pananaliksik sa wikang Filipino.
“Kahit na malaki ang kaibahan ng halalan noon sa halalan ngayon,
may pagkakatulad ang pulitika noon sa pulitika ngayon,” paliwanag ni
Macarandang sa kaniyang disertasiyong inilarawan ng KWF na
“napapanahon.”
“Noon pa man, mayroon nang sabwatan ng mga mayayaman sa pagboto,”
aniya. “Ang pulitika noon at ngayon ay alyansa ng mga mayayaman.”