You are on page 1of 2

PROSESO NG PAGBASA

Pagbasa - isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at


salita.
Persepsiyon - Pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo
at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
Komprehensiyon - Pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o
salita.
Reaksiyon - Paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at
pagdama sa teksto
Integrasyon - Pag-uugnay sa teksto ng mga karanasan ng mambabasa
BOTTOM UP
- Nagsisimula sa teksto ang proseso.
- Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita (tunog,
titik, salita, parirala, pangungusap, larawan, atbp.)
- Outside-in, data-driven model o part-to-whole model
- Pasibong tagatanggap ng impormasyon ang mambabasa.
Hal.
Lets eat Lola
Lets eat, Lola.
Mahal niya ang kanyang mga magulang, si Beyonce at si Ed
Sheeran.
Mahal niya ang kanyang mga magulang, si Beyonce, at si Ed
Sheeran.
Maganda AT matalino ang kasintahan niya.
Maganda at matalino ang kasintahan niya.
Malaki ang tbo.
Malaki ang tub.

Karukhaan: = ka- + dukha +-an


Nilaro = -in- + laro = linaro nilaro
Kinain ng manok ang Lolo ko kagabi.
Nagbalat ang nanay ng malalaking hipon.
TOP DOWN
- Ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasang
mayroon nang dating kaalaman at karanasan.
- Ang pagbabasa ay isang sikolingguwistikong laro kung saan
ang mambabasa ay ang taya na siyang bumubuo ng hula,
hinuha, at haypotesis (Goodman, 1967).
- Inside-out model, concept-driven model, whole-to-part model
ISKEMA
- Batayan nito ang pagkakaroon ng dating kaalaman ng
mambabasa ukol sa paksa.
- Humuhugot ang mambabasa sa kanyang isip ng isang tiyak na
iskema na kaugnay o katumbas ng nabasang paksa, at mula
rito ay maisasagawa na ang pagpapakahulugan.
- Kung hindi sapat ang ating iskema, magkakaroon tayo ng
suliranin sa pag-unawa sa tekstong binabasa (Rumelhart,
1977).
SEATWORK
Ano kaya ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
1. Kumakalawkaw ang dala-dala niyang banga- tunog ng h20
sa banga
2. Akala mo kung sino, makyonget naman.- panget
3. Manamis-asim ang presang galing Baguio. - strawberry
4. Hindi mapakali si Celia. May sagimsim siyang walang
kasalang magaganap.- Kutob
5. Ang ganda-ganda niya. Hindi ko alam, pero meron siyang je
ne sais quoi na talagang nagpapaganda sa kanya.
something..
KAHINAAN NG BOTTOM UP AT TOP DOWN

Bottom Up
- Hindi kinikilala ang kakayahan ng mambabasa na
manghinuha at magproseso ng impormasyon.
Top Down
- Akma lamang sa mahuhusay nang bumasa at marami nang
kaalaman
-

Panganib ng misinterpretasyon

ANG PAGBASA BILANG INTERAKTIBONG PROSESO


- Kombinasyon ng bottom-up at top-down

ANO KAYA ANG TINUTUKOY RITO?


Mas mabuti ang peryodiko kaysa magasin at mas
magandang lugar ang dalampasigan kaysa kalye. Sa simula, mas
mainam ang tumakbo kaysa maglakad. Kailangan mo itong subukan
nang ilang ulit. Kailangan ang kasanayan, pero madali itong
matutuhan. Kahit mga bata ay nasisiyahang gawin ito. Kaunti na
lamang ang mga kumplikasyon kapag nagtagumpay. Iniiwasan ito ng
mga ibon. Ngunit problemang malaki kung may ulan at marami ang
sabay-sabay na gumagawa nito. Minsan, ito ay nakakawala.
(Brandford & Johnson, nasa Aulls, 1982)

Ang pagbasa ay bidireksiyonal o may dalawang direksiyon.


PAMILYAR KA BA SA MGA ITO?

Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag


ginagamit ng mambabasa ang kaalaman niya sa wika kasabay
ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw.
INTERAKTIBONG PAGBASA
A.Mambabasa > B.Teksto <-> C.Konteksto <->
A.
Dating Kaalaman
Kaalaman sa Pagbabasa
Atityud at Motibasyon
B.
Bokabularyo
Estruktura
Organisasyon
Elemento
C.
Gamit ng wika
(lipson at Wilson 1991)

E, DAPAT ALAM MO TO
Sa klasikong pakahulugan, ito ay ang pag-aaral ng
heometriya na gumagamit ng sistema ng tugmaang pampook. Ito ay
sumasalungat sa sintetikong pag-aaral sa Heometriyang Euclidean.
Malawakan itong ginagamit sa inhinyeriya at pisika, at ito ang
pundasyon ng makabagong pag-aaral sa heometriya.
TAMA, ANALITIKONG HEOMETRIYA!

You might also like