Pagbasa - isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at
salita. Persepsiyon - Pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog Komprehensiyon - Pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. Reaksiyon - Paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto Integrasyon - Pag-uugnay sa teksto ng mga karanasan ng mambabasa BOTTOM UP - Nagsisimula sa teksto ang proseso. - Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita (tunog, titik, salita, parirala, pangungusap, larawan, atbp.) - Outside-in, data-driven model o part-to-whole model - Pasibong tagatanggap ng impormasyon ang mambabasa. Hal. Let’s eat Lola Let’s eat, Lola. Mahal niya ang kanyang mga magulang, si Beyonce at si Ed Sheeran. Mahal niya ang kanyang mga magulang, si Beyonce, at si Ed Sheeran. Maganda AT matalino ang kasintahan niya. Maganda at matalino ang kasintahan niya. Malaki ang túbo. Malaki ang tubó.
Karukhaan: = ka- + dukha +-an
Nilaro = -in- + laro = linaro nilaro Kinain ng manok ang Lolo ko kagabi. Nagbalat ang nanay ng malalaking hipon. TOP DOWN - Ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasang mayroon nang dating kaalaman at karanasan. - Ang pagbabasa ay isang sikolingguwistikong laro kung saan ang mambabasa ay ang “taya” na siyang bumubuo ng hula, hinuha, at haypotesis (Goodman, 1967). - Inside-out model, concept-driven model, whole-to-part model ISKEMA - Batayan nito ang pagkakaroon ng dating kaalaman ng mambabasa ukol sa paksa. - Humuhugot ang mambabasa sa kanyang isip ng isang tiyak na iskema na kaugnay o katumbas ng nabasang paksa, at mula rito ay maisasagawa na ang pagpapakahulugan. - Kung hindi sapat ang ating iskema, magkakaroon tayo ng suliranin sa pag-unawa sa tekstong binabasa (Rumelhart, 1977). SEATWORK Ano kaya ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit? 1. Kumakalawkaw ang dala-dala niyang banga- tunog ng h20 sa banga 2. Akala mo kung sino, makyonget naman.- panget 3. Manamis-asim ang presang galing Baguio. - strawberry 4. Hindi mapakali si Celia. May sagimsim siyang walang kasalang magaganap.- Kutob 5. Ang ganda-ganda niya. Hindi ko alam, pero meron siyang je ne sais quoi na talagang nagpapaganda sa kanya. – something.. KAHINAAN NG BOTTOM UP AT TOP DOWN Bottom Up - Hindi kinikilala ang kakayahan ng mambabasa na manghinuha at magproseso ng impormasyon. Top Down - Akma lamang sa mahuhusay nang bumasa at marami nang kaalaman -
Panganib ng misinterpretasyon
ANG PAGBASA BILANG INTERAKTIBONG PROSESO
- Kombinasyon ng bottom-up at top-down
ANO KAYA ANG TINUTUKOY RITO?
Mas mabuti ang peryodiko kaysa magasin at mas magandang lugar ang dalampasigan kaysa kalye. Sa simula, mas mainam ang tumakbo kaysa maglakad. Kailangan mo itong subukan nang ilang ulit. Kailangan ang kasanayan, pero madali itong matutuhan. Kahit mga bata ay nasisiyahang gawin ito. Kaunti na lamang ang mga kumplikasyon kapag nagtagumpay. Iniiwasan ito ng mga ibon. Ngunit problemang malaki kung may ulan at marami ang sabay-sabay na gumagawa nito. Minsan, ito ay nakakawala. (Brandford & Johnson, nasa Aulls, 1982)
Ang pagbasa ay bidireksiyonal o may dalawang direksiyon.
PAMILYAR KA BA SA MGA ITO?
Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag
ginagamit ng mambabasa ang kaalaman niya sa wika kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw. INTERAKTIBONG PAGBASA A.Mambabasa > B.Teksto <-> C.Konteksto <-> A. Dating Kaalaman Kaalaman sa Pagbabasa Atityud at Motibasyon B. Bokabularyo Estruktura Organisasyon Elemento C. Gamit ng wika (lipson at Wilson 1991)
E, DAPAT ALAM MO ‘TO
Sa klasikong pakahulugan, ito ay ang pag-aaral ng heometriya na gumagamit ng sistema ng tugmaang pampook. Ito ay sumasalungat sa sintetikong pag-aaral sa Heometriyang Euclidean. Malawakan itong ginagamit sa inhinyeriya at pisika, at ito ang pundasyon ng makabagong pag-aaral sa heometriya. TAMA, ANALITIKONG HEOMETRIYA!