You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX,Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
MANUKAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Manukan 1 District

LEARNING ACTIVITY SHEET


Q2 Week 8 - ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN: ______________________________PANGKAT/ BAITANG: _____________ISKOR_____________

PAMANA NG MGA SINAUNANG ASYANO SA DAIGDIG


I. PANIMULA
Magandang pagbati aking magigiting na mag-aaral. Malugod ko kayong binabati sa 2 nd Quarter Ika-walong linggo ng
ating paglalakbay sa pagkatuto sa Araling Panlipunan 7.Sana po lalo tayong aktibong makilahok sa pagsubaybay at
pagsagot sa ating mga aralin kahit na may pandemya tayo.
Ang LAS na ito ay isinulat para matugunan at maipamalas mo ang kaalaman, kakayahan at pag- unawa sa iba’t- ibang
paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.

II. KASANAYAN NG PAMPAGKATUTO

 Napahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan at komunidad sa Asya. AP7KSA-IIh-1.12

III. KAALAMAN AT KAISIPAN

PAMANA NG KANLURANG ASYA

Sa Mesopotamia umusbong ang kauna- unahang kabihasnan sa kanlurang Asya, ang Sumer.
Hatid ng sibilisasyong umusbong sa Sumer ang ilan sa mga bagay na masasabing mahalagang ambag ng mga sinaunang
Asyano sa daigdig. Sa aspetong pang- arkitektura, katangi -tangi ang mga ZIGGURAT na nagsisilbing tahanan at templo
ng patron ng isang lungsod.
Ang mga Sumerian ang kauna-unahang taong nakaimbento ng isang sistematikong paraan ngb pagsulat sa buong Daigdig
ito ay tinatawag na CUNEIFORM na ang ibig sabihin ay hugis sinsel o wedge-shaped. Ang cuneiform ay pinag-aaralan
sa mga paaralang tinatawag na edubba. Piling- pili lamang ang pangkat ng mga kabataang lalaking nakapapasok sa mga
edubba.

ANG PAMANA NG TIMOG ASYA

May 4 na sagradong aklat na bumuo sa VEDAS na naglaaman at nagsasaad ng mga kaganapan sa panahon ng unang
siglo ng paghahari ng mga aryan sa hilaga at hilagang kanlurang india.
VEDAS ay isang koleksyon ng mga dalit pandigma , matalinong pahayag , mga kanta at kwento.Ang mga dakilang
pinagkukunan ng panitikang Indian ay ang dalawang epikong Mahabharata o The Great Story at Ramanaya o Rama’s
Way.

Ang Mahabharata ay isang epiko na binuo ng isandaang libong taludtod at naglalaman ng mga kaisipang Hindu.
Samantala ang RAMAYANA ay isang epiko patungkol sa buhay ni Rama, kanyang asawang si Sita, at kapatid na si
Lakshmana.

PAMANA NG SILANGANG ASYA

Mga kaisipan at pilosopiya ng mga iskolar na Tsino ang pangunahing ambag ng China.Si Confucius at Mencius ang
humubog ng Confucianism samantalang si Laozi ang kinikilalang tagapagtatag ng Taoism.Pinaunlaf naman ni Xunxi ang
pilosopiyang egalism. Sa panahon ng dinastiyang Ch’in, sapilitang ipinagawa si Emperador Shi Huangdi o Shi Huang Tis
a tinatayang isang milyong katao ang malaking bahagi ng Great wall of China.
Sa larangan ng ng medisina, angg acupuncture ay isang mahalagang kontribusyon ng mga tsino sa kasalukuyang
panahon. Sa sistemang ito, ang isang manggagamot ay gumaganti ng karayom upang itusok sa balat ng tao.
IV. PAGTATAYA

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.Isulat sa patlang ang TAMA kung ang sinasabing pahayag ay
totoo at MALI kung hindi.

_______1. Ang Cuneiform ay pinag- aaralan sa mga paaralang tinatawag na edubba.

_______2. Ang Mahabharata ay binubuo ng isandaang libong taludtod at naglalaman ng mga kaisipang Hindu.

_______3. Ang Ramayana ay isang alamat patungkol sa kanyang asawa si Sita, kapatid na si akshmana.

_______4. Sa Mesopotamia umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa kanlurang Asya .

_______5. Si Confucius at Mencius ang humubog ng Confucianism samantalang si Laozi ang kinikilalang tagapagtatag
ng Taoism.

V. PAGNINILAY/ REPLEKSIYON:
Ano ang natutunan mo sa leksiyong ito?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________.

VI. SANGGUNIAN
Asya :pag -usbong ng kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al pp.258-268
Asya : Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba, rosemarie c. blando et al pp. 167 - 175

______________________________
Pangalan at lagda ng magulang

You might also like