You are on page 1of 6

JUNIOR HIGH SCHOOL

Araling
Panlipunan 7
Quarter 2 – LAS : 5
Kalagayan at bahaging
ginagampanan ng mga kababaihan

FOR TANDAG NATIONAL SCIENCE


HIGH SCHOOL USE ONLY
DepEd Learning Activity Sheets (LAS)

Name of Learner : ___________________________________________________


Grade Level : ___________________________________________________
Section / Strand : ___________________________________________________
Date : ___________________________________________________

Araling Panlipunan 7
Learning Area
Kalagayan at bahaging ginagampanan ng mga kababaihan
Topic

Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto (MELC): nasusuri ang kalagayan


at bahaging ginagampanan ng kababaihan mula sa sinaunang kababaihan at
ikalabing-anim na siglo

Mga Layunin
1. makakabuo ng pagninilay ukol sa papel ng kababaihan;
2. masusuri ang papel at tungkulin ng mga kababaihan sa mga sinaunang kabihasnan;
at
3. matutukoy ang kategoryang ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan

Kababaihan sa Sinaunang Kabihasnan Sa Asya

Kababaihan sa Paniniwalang Asyano

Sa sinaunang kabihasnan sa Asya, ang mga tao ay may pinaniniwalaang mga


diyosa. Isa sa mgapatunay dito ay ang mga petroglyph sa hilagang Asya na naglalarawan
ng mga hayop at mga babaeng shaman na may sungay. Sa Mesopotamia, mayroon silang
Inanna ng diyosa ng pag-ibig at kaligayahan. Sa Japan ay may diyosa ng araw na si
Amaterasu Omikami.

Sa Timog-Silangang Asya, ang mga kababaihan ay pinaniniwalaang may


kakayahang makipag-ugnayan sa mga espiritu. Dahil dito ay iginagalang at ikinararangal
ang mga babae, subalit kinatatakutan rin sapagkat maaari nilang gamitin ang
kapangyarihang ito upang makapanakit ng ibang tao.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Posisyon at Tungkuling Pantahanan ng Kababaihan

Ang mga kababaihan ay isang mahalagang bahagi sa loob ng tahanan. Sa


sinaunang panahon sa Mesopotamia, ang babae ay ikinakasal hindi lamang sa lalaking
mapapangasawa kundi sa buong pamilya ng lalaki. Samantalang sa lumang Vedic
(1500BCE-800BCE) sa India, ang mga kakababaihan mula sa Kshatriya lamang ang
maaaring mamili ng sariling mapapangasawa. Sa Timog-Silangang Asya, ang mga lalaki ay
nagbabayad ng bride price para sa kanilang mapapangasawa.

Sa sinaunang Tsina, ayon sa ideolohiya ang Confucianism, ang mga babae ay may
tungkulin sa bawat yugto ng kanilang buhay, kasama na rito ang pagsilbihan ang kanilang
asawang lalaki at ang pamilya nila.

Sa maraming sinaunang lipunang Asyano, ang pangunahing tungkulin ng


kababaihan ay ang magsilang ng anak. Maari din silang maging concubine ng isang
lalaking may mataas na antas ng buhay sa lipunan.

Panlipunang Gawain ng Kababaihan

Sa mga kasaysayan ng mga sinaunang lipunan sa Asya, ang mga kababaihan ay


may mga gampanin lamang sa loob ng tahanan at limitado ang pagkakaroon ng mga
tungkuling Panlipunan.

Sa Hilagang Asya, sa mga kababaihan nakaatas ang pagtitipon at paghahanda ng


pagkain at mga gawaing may kinalamang sa pagpapalaki ng mga anak tulad ng paghahabi
at pagpapalayok. Samantalang ang kababaihang walang anak ay maaring mangaso. Sa
Mesopotemia, ang kababaihan ay maaaring makilahok sa kalakalan sa pahintulot ng asawa.
Sa Babylonia ang kababaihan ay maaaring maging high priestress. Sa Japan, hinihikayat
ang kababaihang mamuno sa paniniwalang sila ay makapagdadala ng kapayapaan.

Bagamat limitado ang gampanin ng mga kababaihan sa lipunan, makikita naman


natin na malaki ang kanilang gampaning pangrelihiyon.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


Gawain 1

Panuto: Gumawa ng isang maiksing repleksyon na hango sa kasabihang makikita sa ibaba.

“SA LIKOD NG BAWAT TAGUMPAY AT KABIGOAN NG ISANG LALAKI AY ISANG BABAE”

*gamitin ang rubrik sa ibaba. Figure 1.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Tukuyin ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa mga


sinaunang kabihasnan. Gamitin ang table sa ibaba.

MGA SINAUNAG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG MGA


KABIHASNAN KABABIHAN
MESOPOTAMIA

INDIA

TSINA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Itala ang mga gampanin at tungkulin ng mga kababaihan sa bawat


kategorya ng kabihasnan.

KATEGORYA TUNGKULIN NG KABABAIHAN


PANINIWALA
POSISYON SA
TAHANAN
GAWAING
PANLIPUNAN

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


FIGURE 1.

(For Tandag National Science High School Use ONLY)


References:

Blanco, R., Sebastian, A., Golveque, E., Jamora, A., Capua, R., Victor, A.,
Balgos, S., Del Rosario, A., & Mriano, R. 2014. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba. Department of Education: Eduresoruces Publishing, Inc.

Cruz, R.M., dl Jose M., Mangulaban, J., Mercado, M., & Ong, J.A. 2015.
Araling Asyano: Tungo sa pagkakakilanlan. Quezon City: Vibal Group Inc.

Development Team of the Learning Activity Sheets

Writer: Rey M. Suyman, T-I Tandag National Science High School


Editor: Joeyconsly Valeroso MT-I
Reviewer: Mia O. Laorden, MT-II
Management Team: Romulo T. Laorden, P – I
Mia O. Laorden, MT – II
Joeyconsly L. Valeroso, MT – I
Adonis Don G. Oplo, MT – I
Kit Jude Q. Minion, MT – I

For inquiries or feedback, please write or call:


TANDAG NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
LEARNING RESOURCE MANAGEMENT TEAM - TNSHS
Tabon – tabon, Quezon, Tandag City, Surigao del Sur
Telephone: 214-5827
Email Address: sciencehighschool.tandag@gmail.com

(For Tandag National Science High School Use ONLY)

You might also like