You are on page 1of 4

PROJECT SIKAP

FILIPINO 6
QUARTER 1 & 2

PANGALAN: _________________________ SEKSIYON: ________________ ISKOR: _____

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pinapahayag ng teksto. Piliin ang titik ng
wastong sagot.

Para sa Bilang 1-4

Ibalon
(Ni Dr. Jose Rizal)

Si Baltog ang unang taong nakarating sa Bikol. Siya ay anak ng hari ng


Samar. Nagtungo si Baltog sa Bikol at nagtatag ng kaharian niya sa kagubatan
ng Ibalon. Ngunit nanganib ang kaharian sa isang malaking baboy na kumain ng
tao at namiminsala ng mga pananim. Nilabanan ni Baltog ang baboy at dahil sa
iwi niyang lakas at talino, natalo niya ang hayop.

Muli, isang malaking kalabaw, kasama ang mga pating na may pakpak at
mga higanteng buwaya ang sumalaky sa Ibalon. Matanda na si Baltog at walang
lakas, kaya hindi niya maipagtanggol ang Ibalon. Nagdaan naman sa Ibalon si
Handiong na isang mahusay na mandirigma ng isang kalapit na kaharian. Si
Handiong at ang kanyang mga tauhan ang pumuksa sa mga salot. Nailigtas din
ni Handiong ang Ibalon kay Oriol na isang babaeng may ulong ahas at may
aliping mga higante na may tagabulag.

Si Rabut ay isang halimaw na may kapangyarihang gawing bato ang mga


kaaway. Si Bantog na batang-batang mandirigma at kaibigan ni Handiong ang
tumigpas sa ulo ni Rabut. Sa paghihirap ni Rabut, nagkikisay ito at napauga at
nahati ang tubig sa dagat. Lumitaw ang bagong isla at ang bundok na bato ay
napalitan ng lawa. Lumitaw din ang kilala nating Bulkang Mayon.

1. Sino si Baltog?
A. Nagligtas ng Ibalon laban kay Oriol.
B. Halimaw na may kapangyarihang gawing bato ang kaaway.
C. Mandirigma na nagtatag ng kaharian sa kagubatan ng Ibalon.
D. Babae na may ulong ahas at may aliping mga higante na may tagabulag.

2. Paano natalo ni Baltog si Rabut?


A. Tinigpas nito ang ulo.
B. Hinagis ng malaking bato sa ulo.
C. Pinakain ang ulo sahiganteng halimaw.
D. Gamit ang pana ay tinamaan nito ang ulo.

3. Paano lumitaw ang Bulkang Mayon?


A. dahil sa pagpuksa ni Handiong sa mga salot
B. nang gawaing batu ni Rabut ang kayang mga kaaway
C. habang nakikipag-away si Baltog sa malaking kalabaw
D. sa pagkikisay ni Rabut at napauga at nahati ng tubig at dagat

4. Alin ang HINDI kabilang sa mga maaring kahihinatnan ng mga tao sa Bikol kung
hindi natalo nina Baltog at Handiong ang mga halimaw?
A. Si Rabut ang kanilang mamumuno.
B. Magiging alipin sila ng mga halimaw.
C. Mapayapa at tahimik ang kanilang pamumuhay.
D. Araw-araw silang magtatago mula sa mga halimaw.

Para sa Bilang 5-7

Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at masining. Nakikilala sa buong


mundo ang mga produkto ng Pilipinas. Nariyan ang mga barong, bestida, mantel,
telang pinya, sinamay, at jusi na may pino-pinong bordang kamay mula sa
Batangas at Bulacan. Kay ganda rin ng mga telang hinahabi sa hand loom o
habihan ng mga kababaihan sa Ilocos, Baguio, Benguet, at Ifugao.
Sa Laguna naman nagmumula ang magagandang nililok na mga kagamitan
at mga pandekorasyon. Kay gagandang ng muwebles din ang nanggagaling sa
Pampanga. Ang Leyte at Samar ay may magagandang banig at tikug. At higit sa
lahat ay ang makukulay na dyip na likha rito sa Pilipinas. Ang lahat ng ito at iba
pang likhang-sining ay maipagmamalaki ng sinumang Pilipino.

5. Ano ang angkop na pamagat ng binasang teksto?


A. Produkto sa Buong Mundo
B. Mga Produkto ng mga Pilipino
C. Produksyon ng Pilipinas
D. Likha Ko sa Pilipinas

6. Ano ang paksa ng binasang teksto?


A. Tangkilikin nating ang sariling atin.
B. Kilala ang mga Pilipino sa tibay ng mga produkto.
C. Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at masining.
D. Ang kagandahang likha ng Batanggeño at Bulaceño.

7. Aling mga produkto ang nagmumula sa Leyte at Samar?


A. magagandang muwebles
B. pinong-pinong borda
C. banig na tikug
D. hand loom
Para sa Bilang 8-10
Sa paaralan, kausap ni Nestor ang mga kamag-aral. Pinag-uusapan nila ang narinig na
impormasyon sa radyo.

Nestor: Narinig ba ninyo ang impormasyong ibinigay sa radyo kanina?


Kakaiba pala ang mga laro ng mga bata sa Mindanao.
Lito: Oo nga. Mayroon pa silang larong pana-pana. Ito ang laro sa pagtudla.
Ginagamit nila ang pana sa pagtudla sa itinakdang pain tulad ng isda,
prutas, o bagay.
Mario: Naiiba ang mga laro nila dahil kailangan ang paggamit ng lakas,
konsentrasyon, at tiyaga.
Nestor: Kailangan ding marunong kang lumangoy at pumana.
Lito: Nakapagdaragdag sa ating kaalaman ang mga impormasyong ating
napakinggan. Tayo ay nagkakaroon ng kamalayan sa ginagawa ng mga
kapuwa natin sa ibang paning ng bansa.

8. Ano ang pinag-uusapan ng mga magkakaibigan?


A. pagpapana ng isda, prutas, at bagay
B. kakaibang laro ng mga bata sa Mindanao
C. kailangang marunong lumangoy at pumana
D. paggamit ng lakas at konsentrasyon sa paglalaro

9. Bakit naiiba ang laro ng mga bata sa Mindanao?


A. marunong silang pumana at lumangoy
B. sagana sila sa kaalaman at kamalayan
C. kumakain sila ng prutas, isda, at mga bagay
D. gumagamit sila ng konsentrasyon, tiyaga, at lakas

10. Paano nakatutulong ang pakikinig ng mga impormasyon mula sa radyo?


A. nahahasa ang kakayahang pumana
B. nababawasan ang ating kamalayan
C. nadaragdagan ang ating kaalaman
D. natututo tayong maglaro

Para sa Bilang 11-15

Ngayon ang unang araw ng paglunsad ng kawani ng DSWD ang libreng


pagpapa-aral ng mga kabataang nais magkolehiyo. Inaasahan na makatutulong
ang programang ito sa mahigit 10,000 na kabataan ng Zamboanga Sibugay na
may layuning makapag-aral ng libre. Naka-post sa kanilang website ang mga
kinakailangang dokumentong i-presenta. Pinapaalala din sa madla na magdala ng
tubig hanabang nakapila.

Maaga pa lamang ay abala na si Andres upang mag-apply. Tila masama


ang panahon, kaya naisipan nito na magdala ng malaking payong. Ngunit, sa
kasamaang palad ay hindi muna ito tatanggapin dahil may kulang sa mga
kinakailangang dokumento.

11. Ano ang angkop na pamagat ng binasang teksto?


A. 10,000 na Kabataan ng Zamboanga Sibugay
B. Programang Pang-edukasyon ng DSWD
C. Ang Paglalakbay ni Andres
D. Mga Kabataan sa Kolehiyo

12. Bakit kaya pinaalalahanan ang madla na magdala ng tubig?


A. Mahal ang bentahan ng tubig sa DSWD.
B. Hindi malinis ang binibentang mga tubig doon.
C. Dadaan sa mahabang pila ang bawat isa at baka sila ay mauhaw habang nasa
pila.
D. Walang makapagbebenta ng tubig sa araw na iyon dahil naubusan ng tubig ang
mga residenteng naninirahan roon.

13. Bakit naisipan ni Andres na magdala ng malaking payong?


A. dagdag palamuti sa kanyang tindig
B. nakakasira sa balat ang init ng araw
C. maaaring umulan dahil masama ang panahon
D. isa ito sa mga kinakailangan upang matanggap

14. Hindi natanggap si Andres sa araw na iyon, ano ang maaari niyang gawin sa
susunod na araw?
A. magpatulong sa kaibigang nagtatrabaho roon
B. mag-post sa kanilang website ng mga hinaing
C. magbenta na lamang ng tubig sa mga nakapila
D. dalhin ang kulang na dokumentong kinakailangan

15. Saan nakapila ang mga estudyanteng mag-aapply ng libreng edukasyon?


A. loob ng opisina ng DSWD
B. labas ng opisina ng DSWD
C. opisina ng Zamboanga Sibugay
D. kapitolyo ng Zamboanga Sibugay

You might also like