You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION XII
DIVISION OF SOUTH COTABATO
KORONADAL CITY, SOUTH COTABATO

I. LAYUNIN:
a. Naibabahagi ang sariling damdamin tungkol sa narinig na naging kapalaran ng
tauhan sa nobela at ng isang kakilalang may karanasang katulad ng nangyari sa
tauhan. (F9PN-IVg-h-60)
b. Natutukoy ang naging kapalaran ng tauhan sa nobela.
c. Naiguguhit ang kalagayan ng hustisya o katarungan sa akda at sa kasalukuyang
panahon.

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa:Kabanata 4 Erehe at Filibustero
Panitikan: Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal
Uri ng Teksto: Nobela
Sanggunian:
Kagamitan: Visual Aids at Powerpoint presentation

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagbati
Pagbabalik-aral
Pagganyak (Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan sa pamagat
ng kabanatang tatalakayin. Matapos maipakita ang mga larawan ay magtatanong
ang guro ng ilang mga katanungan.)
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawang nakapaskil?
2. Ano ang nangyayari sa mga taong lumalabag sa simbahang Katoliko at sa
pamahalaang Kastila?

B. PAGLALAHAD NG ARALIN
1. Ilalahad ng guro sa klase ang kabanatang tatalakayin na pinamagatang “Erehe at
Filibustero”.
Bago tumungo sa talakayan ay ipapahinuha muna ng guro sa mga mag-aaral
ang pamagat ng kabanata.

2. Paghahawan ng Sagabal
Talasalitaan:
Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga sumusunod na salita sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng ginulong titik na nasa kanang bahagi nito.
Pagkatapos ay gamitin sa pangungusap ang salita.

C. TALAKAYAN
Ipapanood ng guro ang animation ng Noli Me Tangere tungkol sa ika-4 na kabanata
na pinamagatang “Erehe at Pilibustero.”
Mga Gabay na Tanong:
1. Sino ang lumapit kay Ibarra at nagbahagi sa kanya tungkol sa naging kapalaran
ng kanyang ama?
2. Ano-ano ang mga naging dahilan ng pagkakakulong ni Don Rafael Ibarra?
3. Ibigay ang kahulugan ng Erehe at Filibustero.
4. Ano ang naging masaklap na kapalaran ng tauhang si Don Rafael Ibarra sa
kabanatang tinalakay?

5. Mayroon ka bang kakilalang may kapalarang katulad ng tauhang si Don Rafael


Ibarra? Magtala ng isa o dalawang kakilala na may kapalarang katulad ng tauhang
binanggit. Ilahad ang kanya-kanyang damdamin ng kasapi, at ilahad din sa ibaba
ang kabuuang damdamin ng inyong pangkat sa tulong ng isang tsart.

(PANGKATANG GAWAIN – 10 minuto)

KAPALARAN DON RAFAEL KAKILALA


6. KAPALARAN

DAMDAMIN:

1.
2.
3.

KABUUANG DAMDAMIN
________________________________
________________________________
________________________________

Ilalahad ng lider ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.

D. PAGLALAPAT
Sa panahon natin ngayon, mayroon pa bang nabibilanggo ng walang kasalanan?
Ipaliwanag.

E. PAGLALAHAT
Pipili ang guro ng mag-aaral na siyang magbubuod ng kabanatang tinalakay.

IV. PAGTATAYA
Sa isang malinis na papel, iguhit ang kalagayan ng hustisya sa akda at kalagayan ng
hustisya sa kasalukuyang panahon.

Rubriks:
Kabuluhan
10 puntos

Pagpapaliwanag 10 puntos

V. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang susunod na kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Tala sa Gabing
Madilim” (Kabanata 5)

You might also like