You are on page 1of 20

Mga Varayti ng Wika

Nilo S. Ocampo

S
a pagbabasa ng mga aklat na tumatalakay sa isang wika, maaaring magkaroon
ng idea na tila ang lahat ng mga tagapagsalita ng wikang iyon ay �agamit
sa wika sa unipormadong paraan.

Ngunit dapat tandaan na ang bawat wika ay magkakaroon ng mahigit isang


varayti, lalo na sa anyong pasalita. Ang pagkakaiba-iba ay napakahalaga at kinikilalang
bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika sa iba't ibang komunidad na
rehiyonal at panlipunan. Ganito mangyari pa ang binigyang-daan ng mga dalubhasa,
halimbawa ni George Yule (2010) sa kaniyang batayang aklat The Stucfy of Language.
Isinaalang-alang niya matapos ang mga panimulang pagtalakay sa mga katangian
ng wika, na may dalawang uri ito ng baryasyon. Una, ang naimbestigahan sa
pamamagitan ng geographic linguistics, nagdidiin sa mga rehiyonal na varayti, at ang
ikalawa, ang mga sangkot na salik sa panlipunang baryasyon sa gamit ng wika.
Karamihan sa sumunod na pagtalakay ng paksang ito ay isinalin at/o hinalaw sa
naturang awtor.

Ang !standard na Wika

Una, tukuyin natin ang partikular na varayti na karaniwang kahulugan kapag


ginagamit ang mga pangkalahatang terminong tulad ng English, French, German,
Chinese, Bahasa, Filipino at iba pa.

Kapag inilalarawan natin ang mga tunog, salita at pangungusap ng Ingles at


iba pang malaganap o pambansang wika, tumutuon tayo sa isang varayti lamang,
karaniwang tinatawag na Standard English o !standard Ganito/Ganoon. Ito ang
varayting bumubuo sa batayan ng nakalimbag na Ingles sa mga pahayagan at aklat,
sa mass media at ang itinuturo sa mga eskuwelahan. Ito ang varayting karaniwang
itinuturo sa mga gustong matuto ng Ingles o iba pang wika bilang pangalawang

18 /SAUNDAW
wika. Ito rin ang varayting itinuturing ng ilang tao bilang tanging uri ng 'wastong'
Ingles at kasi nga, kailangang mapanatiling 'dalisay' o 'puro.' !sang malinaw na
bersiyon ng punto de bistang ito ang institusyonalisado sa France kung saan isang
pangkat ng mga iskolar, nakilala bilang French Academy, ang regular na nagkikita
at nagpapasiya kung ang isang partikular na salita, halimbawa, ay bahagi ng Standard
French o hindi. Sa mga pagtatangka nilang mapanatiling 'puro' ang French,
karaniwang nagpapasiya ang French Academy laban sa mga salitang nahiram sa
ibang wika. Sa kabila ng mga desisyong ito, nagiging palasak rin ang mga katawagang
le whiskry at le weekend sa naiisip nating Standard French.

Punto CAksent> at Dayalek

Iniisip mo man o hindi na nagsasalita ka ng Standard English (o anumang


wika), siguradong magsasalita kang may punto o aksent. Hindi totoong may punto
ang ilang nagsasalita samantalang wala ang iba. Litaw o madaling mapansin ang
mga punto ng ilang nagsasalita pero hindi naman sa iba, gayunman bawat gumagamit
ng wika ay may punto. Sa gamit teknikal nito, ang terminong punto ay nakalimita
sa mga aspekto sa pagbigkas na nagpapakilala sa indibidwal na tagapagsalita kung
saan siya galing, rehiyonal o panlipunan. Dapat ipagkaiba ito sa terminong dayalek
na naglalarawan ng mga sangkap ng gramar 'at bokabularyo, gayundin ng aspekto
ng pagbigkas. Halimbawa, tila pareho lang ang pangungusap na You don't know what
you re talking about sa punto man na American o Scottish. Kapuwa gagamit ng anyong
Standard English ang dalawang tagapagsalita, bagama't magkaiba sa pagbigkas.
Gayunman, ang susunod na pangungusap-Ye dinnae ken whityer haverin' aboot- ay
parehong kahulugan sa nauna, pero isinulat bilang aproksimasyon ng kung paano
magsasalita ang taong may isang dayalek ng Scottish English. Siyempre, may mga
pagkakaiba sa bigkas (hal. whit, aboo!) pero may mga halimbawa rin ng magkaibang
bokabulayo (ken, haverin) at isang kaibang anyong gramatikal (dinnae).

Samantalang madaling makilala ang mga pagkakaiba sa bokabularyo, mas hindi


naitatala ang mga baryasyong dayalektal sa kahulugan ng mga konstruksiyong
gramatikal. Halimbawa, ang isang palitan ng dalawang ispiker ng British English (B
at C) at isang ispiker mula sa Ireland (A) na naganap sa Donegal, Ireland:

A: How long areyouse here?

B: Till after Easter.

MCA KONSEPTOAT TEORYA 119


(Mukhang nalilito si !spiker A)

C: We came on Dunadqy.

A: Ah, Youse 1°e here a while then.

Malinaw na ang konstruksiyong How long areyouse here sa dayalek ni ispiker A,


ay ginagamit na may kahulugang malapit sa estrukturang How long haveyou been here,
gamit sa ibang dayalek, kaysa sa interpretasyong panghinaharap na ginawa ni ispiker
B.

Sa kabila ng paminsan-minsang kalituhang ganito, may isang pangkalahatang


impresyon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ispiker ng iba't ibang dayalek, o
varayti ng Ingles. Ang importanteng puntong dapat tandaan ay mula sa punto de
bistang lingguwistik, walang varayting 'mas mabuti' kaysa sa isa pa. Simpleng
magkaiba lang sila. Mula sa punto de bistang panlipunan, mangyari pa, ang ilang
varayti ay nagiging mas prestihiyoso. Sa katunayan, ang varayting nadevelop bilang
Wikang !standard ay karaniwang dayalek na prestihiyoso sa panlipunan, orihinal
na konektado sa isang sentrong politikal o kultural (hal. London para sa British
English, at Paris para sa French). Pero palaging may ibang varayti ng isang wika na
sinasalita sa ibang mga rehiyon.

Mga Dayalek na Rehiyonal

Malawak ang pagkilala sa pagkakaroon ng mga iba't ibang dayalek na rehiyonal


at madalas na pinanggagalingan ng ilang katatawanan sa mga naninirahan sa ibang
rehiyon. Kaya, sa United States, isang taga-Brooklyn ang magbibiro tungkol sa
depinisyon ng taga-South ng sex na sex isJo' less than tin, sa pinakamagaling na gaya
nito sa punto ng South. Ang taga-South naman, bilang ganti, ay magtataka kung
ano ang tree gZ!)I sa Brooklyn, yayamang naringgan nila ang mga ispiker sa Brooklyn
ng doze tree gZ!)ls. Sa Pilipinas, makikita ito sa mga patutsada kung ang tumatawag ba
ay si J!ji o si Jryjry o sa paghaharap ba ng ibidin!Jla sa impeachment trial ni Pangulong
Estrada, exhibit KiKiKi (tripul K) ang ilalabas. Malinaw na may kaka:bit na istiryotayp
na bigkas ang ilang dayalek na rehiyonal.

Hindi ganoong kainteresado gayunman ang mga sangkot sa seryosong


pagsisiyasat ng mga dayalek na rehiyonal sa mga gayong istiryotayp, at nag-ukol ng

20 / SALJNDAW
masinsing saliksik sa identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang
natatagpuan sa isang survey na ito ng mga dayalek at tumatrabaho sa loob ng
napakaispisifik na pamantayan sa pagtukoy ng mga katanggap-tanggap na mga
informant. K asi nga, importanteng malaman kung ang taong kinukunan mo ng
pananalita sa teyp rekording ay tunay na tipikal na kinatawan ng dayalek ng rehiyon.
Mas madalas mangyari tuloy na ang mga nakukuhang informant ng survey ng
dayalek ay karaniwang nakahimpil, matatanda, rural, at lalaki. Napili ang mga
ganitong ispiker dahil pinaniniwalaang mas kaunti ang mga impluwensiya sa kanila
na galing sa labas. !sang di-kanais-nais na resulta ng paggamit sa ganitong kraytirya
ay ang pagkalarawan ng dayalek na mas totoo sa isang panahong bago pa ang
imbestigasyon, dati pa at hindi ang pangkasalukuyan o sa oras ng pagsisiyasat.
Gayunman, sa mga ganitong paraan nakuha ang detalyadong impormasyon na
nabuo bilang Lingguwistik na Atlas ng bansa-bansa (hal. England) o mga rehiyon
(hal. ang lugar na New England ng U.S.).

lsogloss at Dayalek na Hanggahan

Tingnan natin ang ilang halimbawa ng rehiyonal na baryasyon sa isang survey,


yaong nagresulta sa Linguistic Atlas of the Upper Midwest of the United States. Isa sa
mga layunin ng ganoong survey ay tumukoy sa mga makabuluhang pagkakaiba sa
pananalita ng mga naninirahan sa iba't ibang lugar at gawan ng tsart kung saan ang
mga hanggahan, sa puntong dayalek, sa pagitan ng mga lugar na ito. Kung natuklasan
halimbawa, ang karamihan ng mga informant sa isang lugar ay nag-uuwi ng kanilang
groseri sa isang paper bag samantalang ang nakararami naman sa ibang lugar ay
nagsasabing paper sack, karaniwang posibleng gumuhit ng isang linya sa mapa na
maghihiwalay sa dalawang lugar, gaya ng naipapakita sa kalakip na ilustrasyon.
Tawag dito sa linyang ito ay isog/oss at kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol
sa isang partikular na lingguwistik na aytem. Kung isang parehong distribusyon
ang natuklasan para sa dalawa pang aytem, gaya ng preferens ng pail sa hilaga at
bucket naman sa timog, isa pang isog/oss na puwedeng mag-overlap ang maiguguhit.
Kapag natipon na ganito ang ilang bilang ng isogloss, makakadrowing ng mas makapal
na linyang tumutukoy sa isang dayalek na hanggahan.

MCA KONSEPTO AT TEORYA I 21


. .. .. ..... .. . . . ..
North Dakota

... .. . .. .... .
Nebraska

- - - - = isoglass * = use of paper bag + = use of paper sack

Gamit itong impormasyon ng dayalek na hanggahan, makikita nating may


isang lugar ng dayalek na panghilaga na kasama ang Minnesota, North Dakota,
kalakhan ng South Dakota at Northern Iowa. Ang natitira sa Iowa at Nebraska ay
nagpapakita ng mga katangian ng dayalek na Midland. Hang mga kapansin-pansing
pagkakaiba sa bigkas at bokabularyo ang nakalista dito:

(taught) (roof) (creek) (grave)

Northern: [C] [U] [I] [s]

Midland: [a] [u] [i] [z]


Northern: paper bag pail kerosene slippery get sick

Midland: paper sack bucket coal oil slick take sick

Kaya, kung binibigkas ng isang ispiker ng American English ang salitanggrea._ry


bilang [grizz] at nag-uuwi ng groseri sa isang paper sack, hindi siya maituturing na
lumaki at nanirahan nang matagal sa Minnesota. Dapat pansinin na ang mga anyong
karakteristik na nakalista dito ay hindi ginagamit ng lahat ng nakatira sa rehiyon.
Ginagamit ang mga ito ng mga malaking porsiyento ng mga taong nakapanayam
para sa survey ng dayalek.

22 / SALJNDAW
Ang Katuluyang Kontinuum na Dayalektal

Isa pang pag-iingat ang kailangan. Matulungin ang pagdodrowing ng mga


isogloss at dayalek na hanggahan sa pagtukoy ng malawakang pananaw ng mga dayalek
na rehiyonal, pero napagtatakpan nito ang katunayang naghahalo-halo rin ang iba't
ibang varayti sa mga lugar dayalektal. Habang naiisip ito, puwede nating tanawin
ang isang rehiyonal na baryasyon na nakalugar sa isang katuluyan o kontinuum, at
hindi iyong may kapansin-pansing patlang sa pagitan ng mga rehiyon. Isang
napakaparehong tipo ng kontinuum ang magaganap sa magkakatabing wikang
magkakaugnay sa mga hanggahang politikal. Sa paglalakbay mula sa Holland
tungong Germany, makakakita ka muna ng mga konsentrasyon ng mga ispiker ng
Dutch, pagkatapos ay mga lugar kung saan naghahalo ang mga dayalek ng Dutch
at German, hanggang sa mapunta sa mga lugar na mas maraming ispiker ng German.

Isang kaparehong sitwasyon ang naidokumento sa tinatawag na kontinuum


ng dayalek sa Scandinavian, na humahangga sa mga itinuturing na magkaibang
wika, kaugnay ng iba't ibang bansa. Sa pananaw na ito, maituturing ang mga ispiker
ng Norwegian at Swedish na gumagamit ng ibang rehiyonal na dayalek ng iisang
wika. Isang kampante sa pagsasalita sa kapuwa Swedish at Norwegian ay puwedeng
tawaging bidialectal ('nagsasalita ng dalawang dayalek'). Gayunman, dahil nag-uusap
tayo tungkol sa karaniwang itinuturing na dalawang wika, ang ispiker na iyon ay
mas tatawaging bilingual (nagsasalita ng dalawang wika').

Bilingguwalismo

Sa maraming bansa, hindi lang simpleng dalawang dayalek ang rehiyonal na


baryasyon, subalit isang bagay ng dalawang magkakaiba at magkalayong wika. Ang
Canada, halimbawa, ay bansang opisyal na bilingguwal, opisyal na wika kapuwa
ang French at English. Hindi nagkaroon ng pagkilala sa istatus panlingguwistik ng
mga tagapagsalita ng French, kalakhan sa Quebec, nang walang malaking sigalot
pampolitika. Sa kalakhan ng kasaysayan nito, sa esensiya, nagsasalita sa Ingles ang
Canada, na may maynoriting nagsasalita ng French. Sa gayong sitwasyon, sa puntong
indibidwal, mas nagiging katangian ng maynoriti ang bilingguwalismo. Sa anyong
ito ng bilingguwalismo, lumalaki ang isang miyembro ng maynoriti sa isang
komunidad na lingguwistik, pangunahing nagsasalita sa isang wika tulad ng Gaelic
(gaya sa kaso sa maraming taon sa Scotland) pero natututo ng isa pang wikang
tulad ng Ingles, para makabahagi sa mas malaki, mas dominanteng komunidad na
lingguwistik.

MCA KONSEPTO AT TEORYA I 23


Ang indibidwal na bilingguwalismo, gayunman, ay simpleng resulta lang ng
pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Kung sabay na nakukuha
ng isang bata ang French na wika ng kaniyang ina at ang Ingles na sinasalita ng
kaniyang ama, baka hindi man mapansin ang distinksiyon sa pagitan ng dalawang
wika. Mayroon lang na dalawang paraan ng pagsasalita iyon sa taong kinakausap.
Gayunman, dito rin sa tipong ito ng bilingguwalismo, lumilitaw ang isang wika
bilang mas dominant, ang isa naman, napangingibabawan.

Pagpaplanong Pangwika

Siguro, dahil karaniwang natatagpuan ang bilingguwalismo sa Europe at North


America sa mga pangkat ng maynoriti, inaakala ang isang bansang tu.lad 11,g United
States of America na isang magkakaparehong komunidad ng pananalita kung saan
nagsasalita ng Ingles ang lahat at gamit ng lahat ng estasyon sa radyo at TV at
pahayagan ang Standard English. Maling pananaw ito. Hindi nito isinasaalang­
alang ang pagkakaroon ng malalaking komunidad na hindi Ingles ang pangunahing
wika. Halimbawa, ang majoriti sa populasyon ng San Antonio, Texas ay mas
makikinig sa brodkast sa radyo sa Espanyol kaysa Ingles. Malaki ang implikasyon
ng katunayang ito sa punto ng organisasyon ng mga kinatawang lokal sa pamahalaan
at sa sistemang pang-edukasyon. Dapat ba sa Espanyol o Ingles ang pagtuturo sa
elementarya?

Ikonsider ang kaparehong tanong sa konteksto ng Guatemala na, bukod sa


Espanyol mayroong 26 na wikang Mayan na sinasalita. Kung sa ganitong sitwasyon,
pinili ang Espanyol bilang wika ng edukasyon, hindi ba agrabyado sa pangunang
edukasyon sa lipunan ang mga ispiker ng Mayan? Kailangang sagutin ang mga
katanungang ganito batay sa ilang uri ng pagpaplanong pangwika. Kailangang aktibo
ang pamahalaan, ang mga pangkat panlegal at pang-edukasyon sa pagpaplano kung
anong varayti ng mga wikang sinasalita sa bansa ang gagamitin sa larangang opisyal.
Sa Israel, sa kabila ng katunayang hindi Hebrew ang pinakagamit na wika sa
populasyon, ito ang pinili bilang opisyal na wikang pampamahalaan. Sa India, pinili
ang Hindi, pero sa maraming rehiyong hindi nagsasalita ng Hindi, may mga
kaguluhan laban sa desisyong iyon.

Mas malinaw na makikita ang proseso ng pagpaplanong pangwika kapag yugto­


yugto itong naipatupad sa lakad ng mga taon. !sang magandang halimbawa ang
du.lot ng pagpili ng Swahili bilang pambansang wika ng Tanzania sa East Africa.
Marami pang mga wikang tribu at naroroon pa ang kolonyal na impluwensiya sa

24 / SALINDAW
wikang Ingles, pero dahan-dahan nang naipasok ang Swahili bilang opisyal na wika
sa larangang pang-edukasyon, legal at pamahalaan. Ang proseso ng 'pagpili'
(pagtukoy ng opisyal na wika) ay sinundan ng 'kodipikasyon' kung saan ginagamit
ang batayang gramar, diksiyonaryo at mga modelong sulatin para itanghal ang
varayting !standard. Sunod ang proseso ng 'elaborasyon,' ang varayting !standard
na nililinang para gamitin sa lahat ng aspekto ng buhay panlipunan, kasama na sa
pagpapalitaw ng katipunan ng mga akdang pampanitikang nakasulat sa !standard.
Ang proseso ng 'implementasyon' ay katungkulan dapat ng pamahalaan sa
pagtutulak nito sa gamit ng !standard, at 'pagkatanggap' ang huling yugto kung
saan ang mayorya ng populasyon ay gumagamit na ng !standard at iniisip ito bilang
pambansang wika, gumaganap ng bahagi hindi lang sa panlipunan, kundi sa
pagkakakilanlang pambansa.

Mga Pidgin at Creole

Sa ilang lugar, ang napiling !standard ay puwedeng orihinal na walang mga


katutubong ispiker. Halimbawa, sa New Guinea, karamihan sa ugnayang opisyal ay
ginagawa sa Tok Pisin, isang wikang inilalarawan minsan na Pidgin Melanesian.
Ang Pidgin ay isang varayti ng isang wika (hal. English) na napaunlad sa mga
kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalak:µ, sa mga pangkat ang mga taong
hindi alam ang wika ng iba pa. Dahil dito, wala itong katutubong ispiker. Sinasabing
nanggaling ang salitang Pidgin sa isang bersiyon ng Pidgin Chinese ng salitang
Ingles na 'business.' Mayroon pang ilang Pidgin English na ginagamit hanggang
ngayon. Natatangi sila sa isang kawalan ng anumang komplikadong morpolohiyang
gramatikal at limitadong bokabularyo. Mas madalas palitan ng mga functional
morphemes ang lugar ng mga inflectional morphemes na natatagpuan sa pinanggalingang
wika. Halimbawa, sa halip na palitan ang anyongyou sa your, tulad sa pariralang
Ingles nayour book, ginagamit ng mga Pidgin na batay sa Ingles ang anyong tulad
ng bilong, at pinapalitan ang pagkakasunod ng mga salita para makalikha ng mga
pariralang tulad ng buk bilongyu.

Puwedeng mga parirala mula sa ibang wika ang pinanggalingan ng maraming


salita sa Pidgin, tulad ng isang salitang gamit para sa 'ruin, destroy na bagarimap
(hango sa pariralang Ingles na bugger him up), o para sa '/if! na haisimap (mula sa 'hoist
him up') o para sa "ulnayumi (mula sa 'yotl dagdag ang 'me'). Ginagamit na malikhain
ang mga panghihiram para maging iba ang kahulugan tulad ng salitang ars na
ginagamit para sa 'cause' o 'source,' gayundin na 'bottom,' at nanggaling sa salitang
Ingles na arse.

MCA KONSEPTO AT TEORYA I 25


Puwedeng ibang-iba ang sintaks ng Pidgin sa mga wikang hiniraman at
hinanguan nito, tulad ng sumusunod na halirnbawa ng Tok Pisin:

bimeby hed bilongyu i-arrait gam

(by and by) (head) (belongyou) (he-alright) (again)

'Your head will soon get well again.'

Tinatantiyang may mga 6 hanggang 12 milyong katao pa ang nagsasalita ng


mga wikang Pidgin at mula 10 hanggang 17 milyon ang gumagamit ng mga
nanggaling sa Pidgin na Creole. Kapag nadevelop ang Pidgin lagpas sa tungkulin
nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang pamayanang
panlipunan, inilalarawan ito bilang Creole. Mas tama nang sabihin ngayon
halirnbawa, na isa nang Creole ang Tok Pisin. Hindi tulad ng Pidgin, maraming
katutubong ispiker ang mga wikang Creole. Madalas silang nalinang at naitatag na
sa mga dating alipin na populasyon sa mga dating estadong kolonyal. Kaya, may
mga Creole na French na sinasalita sa Haiti at Louisiana, at Creole na Ingles sa
Jamaica at Sierra Leone.

Wika, Lipunan, at Kultura

Natukoy sa itaas na sa pamamaraan ng iyong pananalita, may napapansing


bakas kung saan ka namalagi sa iyong mga unang taon sa buhay, kung isasaalang­
alang ang puntong rehiyonal o dayalektal. Gayunman, puwedeng may iba pang
katangian ang iyong pananalita na hindi kaugnay sa baryasyong rehiyonal. Ang
dalawang taong lumalaki sa parehong lugar na heograpiko sa parehong panahon
ay puwedeng magkaibang magsalita bunga ng ilang panlipunang salik. Mahalagang
hindi maisantabi ang panlipunang aspekto ng wika dahil, sa maraming paraan, ang
pananalita ay isang uri ng panlipunang identidad at ginagamit, malay o hindi malay,
para tukuyin ang pagkabilang sa iba't ibang panlipunang pangkat o iba't ibang
komunidad ng pananalita.

Mga Panlipunang Dayalek

Sa mga makabagong pag-aaral ng baryasyon ng wika, nagbubusisi nang husto


sa pagdodokumento, karaniwan sa pamamagitan ng palatanungan o questionnaires,
sa ilang mga detalye ng panlipunang katangian ng mga ispiker. Dahil sa ganitong

26 I SALINDAW
pagpansin sa mga detalye, nakakagawa tayo ng pag-aaral sa mgapanlipunang dqyalek,
na mga varayti ng wikang ginagamit ng mga pangkat na tinutukoy ayon sa uri,
edukasyon, trabaho, edad, kasarian, at iba pang panlipunang sukatan.

Edukasyon, Okupasyon, at Uring Parilipunan

Importanteng malaman, halimbawa, kung magkakapareho ang kasanayang


edukasyonal ng isang pangkat ng mga ispiker. Sa ilang survey ng dayalek, natuklasan
na doon sa mga umaalis sa sistemang pang-edukasyon sa murang edad, mas may
pagkiling ang mga ito na gumamit ng mga anyong hindi ganoong gamitin sa
pananalita ng mga tumutuloy sa kolehiyo. Mas komon halimbawa ang pananalitang
Them bqys throwed somethin' sa unang pangkat kaysa doon sa huli. Ang taong mas
matagal na nag-aaral papuntang kolehiyo o unibersidad ay mukhang may bigkas na
pananalitang mas nakuha sa matagal na pakikipag-ugnayan sa wikang nakasulat.
Makikita ang matingkad na anyo ng ganitong impluwensiya sa angal na "parang
librong magsalita (talks like a book)" ang ilang propesor.

Kaugnay sa edukasyon ang mga pagkakaiba sa okupasyon at panlipunang uri


na may ilang epekto sa pananalita ng mga indibi�wal. Bawat okupasyon ay may
sangkap na jargon na hindi basta maiintindihan noong mga hindi ganoon ang
okupasyon. Isang matingkad na halimbawa ng pananalitang naitatakda ng okupasyon
ang tawag ng weyter na "Bucket of mud, draw one, hold the coul' sa isang karinderya­
isang baryasyon ng order ng kostumer na "a chocolate ice cream and coffee without cream."

Isang tanyag na pag-aaral ang nag-ugnay ng mga elemento ng lugar ng


okupasyon at istatus na sosyo-ekonomiko sa pagtingin sa mga pagkakaiba ng bigkas
ng mga salespeople sa tatlong department store sa New York City, Saks (mataas na
istatus), Macy's (panggitna) at Klein (mababa). Talagang may nakikitang
pagkakaibang masusukat. Sa British English, kung saan mas litaw ang pagkakaibang
panlipunang uri ng mga pananalita kaysa United States, ang gamit ng [n] taliwas sa
[k] para sa tunog-ing sa hulihan ng mga salitang tulad ng walking at going ay nakitang
mas komon sa mga ispiker na manggagawa, sa iba't ibang varayting rehiyonal,
kaysa sa mga ispiker ng panggitnang uri.

Edad at Kasarian

Maski na sa loob mismo ng mga pangkat ng parehong uring panlipunan, may


mga pagkakaiba pang natatagpuan na nauugnay sa mga salik tulad ng edad o kasarian

McA KoNSEPTO AT TEORYA I 27


ng mga ispiker. Maraming mas batang ispiker na naninirahan sa isang partikular na
rehiyon ang marlalas tumitingin sa resulta ng isang survey ng dayalek ng kanilang
lugar (sa mga mas matatandang informant karamihan) at nagsasabing ginagamit
nga ng kanilang mga lolo't Iola ang mga salitang iyon, pero sila hindi. Pinakapansin­
pansin ang baryasyon ayon sa edad ng mga lolo/lola-apo. Samantalang gamit pa
ng lolo ang icebox o wireless, malilito naman siya sa pananalita ng kanilang apong
tinedyer na gustong mag-pig-out sa kung anuman ang nasafridge habang nakikinig sa
kaniyang boombox.

Maraming saliksik ang paksain ng ganitong pagkakaiba ayon sa kasarian ng


mga tagapagsalita. !sang pangkalahatang konklusyon mula sa mga survey ng dayalek
na mas gumagamit ang mga babaeng tagapagsalita ng mga mas prestihiyoso na
anyo kaysa sa mga lalaking tagapagsalita na pareho ang katayuang panlipunan. lbig
sabihin, mas matatagpuan ang mga anyong tulad ng I done it at he ain't sa mga
pananalita ng mga lalaki, at I did it at he isn't naman para sa mga babae. Sa ilang mga
kultura, mas markado ang pagkakaiba sa pananalitang lalaki at babae. lba't ibang
bigkas ng ilang mga salita ng lalaki at babae ang naidokumento sa ilang wika ng
mga Katutubong Amerikano tulad ng Gros Ventre at Koasati. Noong unang
naengkuwentro ng mga Europeo ang iba't ibang bokabularyo ng pananalitang lalaki
at babae sa mga Carib, nag-ulat sila na magkaiba ang pananalita ng lalaki sa babae.
Sa katunayan, ang natuklasan nila ay isang malalang bersiyon ng baryasyon ayon sa
kasarian ng ispiker.

Etnikong Kaligiran

Puwede namang magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa loob ng


isang lipunan dahil sa magkaibang etnikong kaligiran. May kapansin-pansing
katangian, halimbawa, ang pananalita ng mga bagong migrante at ng kanilang mga
anak. Sa ilang lugar, kung saan may malakas na katapatan sa wika ng orihinal na
wika ng pangkat. Hang malalaking bahagi ang nadadala sa bagong wika. Puwedeng
banggitin ang wika ng mga itim na Amerikano, tinawag na Black English. Kapag
medyo napahiwalay ang isang grupo sa loob ng isang lipunan, gaya ng historikal na
diskriminasyon sa mga Amerikanong itim, nagiging mas markado ang mga
pagkakaiba sa panlipunang dayalek. Nagiging problema dahil dito, mula sa punto
de bistang panlipunan, na ang resultang varayti ay nagkakaroon ng istigma na
"masamang salita/bad speech." !sang halimbawa ang madalas na pagkawala ng copula
(mga anyo ng verb 'to be') sa Black English, gaya ng pahayag na thry mine o You crazy.
Sa Standard English, dapat ginagamit ang verb form na are sa mga ganitong

28 / SALINDAW
ekspresyon. Gayunman, hindi gwnagamit ng copula sa mga gayong estruktura ang
maraming dayalek ng English at malaking bil.ang ng mga wika (hal. Arabik, Russian)
ang may parehong estruktura na walang copula. Sa puntong ito samakatwid, hindi
puwedeng "masama" ang Black English, dahil. "masama" din kung gayon ang
Russian o Arabik. Bil.ang isang dayalek, simpleng may katangian lang ito na konsistent
na iba sa Standard.

Isa pang aspekto ng Black English na pinuna, minsan ng mga edukador, ang
gamit ng konstruksiyong double negative tulad ng He don't know nothing o I ain't
afraid of no ghosts. Ilohikal claw ang mga ganoong estruktura. Kung ganoon nga,
il.ohikal din ang French dahil. karaniwang gwnagamit ito ng dalawang-bahaging
anyong negative, tulad ng zi NE sait RIEN (he doesn't know a,rything) at ang Old
English na may double negative din sa Id NAHT singan NE cuoe ( 'I didn't know how
to sing). Sa katunayan, malayo sa pagiging il.ohikal, mahusay na paraan sa pagdidiin
ng diwang negative ng mensahe ang estrukturang ito. Sa kabuuan, isa itong katangian
ng dayalek, natatagpuan sa isang dayalek na panlipunan ng Ingles, minsan
natatagpuan rin sa iba pang dayalek, pero hindi sa Wikang !standard.

ldyolek

Siyempre, magkakasama ang lahat ng mga aspekto ng pagkakaiba sa dayalek


na rehiyonal at panlipunan sa mga anyo nito sa pananalita ng bawat indibidwal.
Ginagamit ang term na icfyolek para sa dayalek na personal ng bawat ispiker na
indibidwal ng isang wika. May iba pang salik, tulad ng kuwaliti ng hoses at katayuang
pisikal, na nakapag-aambag sa mga katangiang nagpapakil.ala sa pananalita ng isang
indibidwal, pero marami sa mga panlipunang salik na nailarawan na ang
nagdedetermina ng idyolek ng bawat tao. Mula sa pananaw ng panlipunang pag­
aaral ng wika, tunay ngang kung ano ang salita mo, iyon ikaw.

Register

Lahat ng mga panlipunang salik na isinaalang-alang nating hanggang dito ay


kaugnay sa baryasyon ayon sa gwnagamit ng wika. Isa pang pinanggagalingan ng
baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit.
Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang
kinapapalooban natin. Tradisyonal na nil.alapitan ang tipong ito ng baryasyon sa
konsepto ng register, natutukoy din na estil.o o srylistic variation. Batayang nosyon na

MCA KONSEPTOAT TEORYA I 29


sa anumang pagkakataon, di-maiiwasang kakabit ang wika sa konteksto ng sitwasyon
at ang iba't ibang sitwasyon ay nangangailangan ng iba't ibang pagharap.
Napakasensitibo ng wika sa konteksto ng sitwasyon nito kaya nakahahalaw tayo
mula sa mga napakasimpleng halimbawa. Sa sumusunod, siguradong maraming
mambabasa ang makakakilala ng bawat sitwasyon:

1. I'm going to give you a prescriptionfar the pain.

2. Cream together butter, sugar and beaten yolks until smooth.

3. New Tubifast. The tubular dressing retention bandage. No sticking. No tying. No


pinning.

4. Beauty of Velvet at tru/y Budget Prices. In 16 colors. Send nowfar full details and
actualfabric samples.

Mahihinuhang doktor-sa-pasyente ang usapan sa (1); mula naman sa resipi


ang (2); at galing sa magazine advertisingang (3) at (4). Ibig sabihin, kaya natin nakikilala
ang mga pahayag at nailalagay sa konteksto, ay may partikular na gamit ng wika sa
iba't ibang sitwasyon, nakikita sa aktuwal na bokabularyo ('prescription' na gamit ng
doktor o maiikli at maulit na pangungusap sa kaso ng advertisiniJ.

Tenor

May mga antas ng estilo ng pananalita, mula sa napakapormal hanggang sa


napakaimpormal. Patungo sa interbiyu _ para sa trabaho, sasabihin ng Amerikano
marahil sa isang sekretarya ang Excuse me, is the manager in his office? I have an appointment.
Kataliwas naman, kung kaibigan ang kausap tungkol sa isa pang kaibigan, puwedeng
hindi ganito kapormal ang mensaheng lalabas: Hry, is that lazy dog still in bed? I gotta
see him about something.

Mas pormal na nakatala ang ganitong tipo ng baryasyon sa ilang mga wika. Sa
Japanese halimbawa, may iba't ibang tawag na ginagamit sa taong kinakausap,
depende sa kung gaanong paggalang o pagyuko ang nais gawin. May dalawang
pronouns ang French (tu at vous), katumbas ng Ingles nayou, ang una reserbado sa
mga malalapit na kaibigan at pamilya. May similar na pagtukoy na nakikita sa mga
anyongyou sa German (du at Sic) at sa Spanish (tu at usted).

Bagama't wala nang ganoong distinksiyon sa pronoun ang English, mayroon


pang mga tiyak na pagpipilian depende sa angkop na katayuan ng taong kinakausap.

30 / SALINDAW
May iba't ibang pangalan o 'titulo' na ginagamit ng iba't ibang tao, sa iba't ibang
panahon, para makuha ang acing atensiyon. Para maipaliwanag ang aspekto na
itong tinatawag minsan na lipat-estilo (sryle-shifliniJ, depende sa katungkulan, isipin
ang sarili sa bawat isa sa mga panlipunang 'katungkulang' naipapakita sa listahan sa
ibabang kaliwa, at isaalang-alang kung anong anyo ( o mga anyo) ng pagkausap ang
pinakagamitin mo sa taong ang iba't ibang 'pangalan' ay nakalista sa kanan (dating
pangulo ng US na si Ronald Reagan-puwedeng subukin sa iba pang sikat na tao):

1. sastreng tumatawag para sabihing tapos


na ang kaniyang amerikana Ron

2. mabuting kaibigan ng ilang taon Mr Reagan

3. kaniyang batang apo Ronald

4. kaniyang drill sergeant sa army Gramps

5. kaniyang dating guro sa elementarya Reagan

6. detektib sa tindahan na inakalang shoplifter siya Ronnie, baby

7. dati niyang Hol/ywood agent Hey, you

Pansinin din ang kung paano kausapin ng isang tao (si A) ang isa pa (si B)
tungkol sa pagbukas sa pintuan.

1. Maaari kayang buksan mo ang pintuan?

2. Puwede kayang buksan ninyo ang pinto?

3. Maaaring buksan ninyo ang pinto, di ba?

4. Puwedeng buksan mo ang pinto, di ba?

s. Pakibuksan nga po ang pinto.

6. Pakibuksan nga ang pinto.

7. Buksan mo ang pinto.

8. Ang pinto!

9. Ba't di mo buksan ang pinto?

10. Di mo ba bubuksan ang pinto?

McA KoNSEPTO AT TEORYA I 31


Iisa lang ang gustong matupad ni A kay B pero malinaw na iba't ibang
pamamaraan. Kaugnay ang mga ito sa mga panlipunang relasyon nina A at B. Mas
magalang ang ibang halimbawa samantalang halata naman sa ilan kung sino ang
mga makapangyarihan o sino ang inaasahang obligadong sumunod. Inilalarawan
ng ilang iskolar ito bilang tenor o tono at kasama rito ang pagkamagalang, antas ng
pormalidad at relatibong katayuang panlipunan ng mga kalahok.

Nadadala sa wikang nakasulat ang pagkakaiba sa estilo, magandang halimbawa


ang mga sulat sa mga kompanya (hal. I am writing to informyou ...) versus sa mga sulat
sa kaibigan (Just wanted to letyou know...) pangkalahatang patern, gayunman, na mas
magiging pormal sa estilo ang nakasulat na anyo ng mensahe kaysa sa katumbas na
pabigkas. Kung nakakita ka sa MRT na kumakain, umiinom at may radyo, puwede
mong sabihing bawal ang mga ito at maghintay siyang bumaba sa sasakyan. 0 kaya
naman, puwede mong ituro sa kaniya ang mas pormal na wika ng nakalimbag na
paalala na ganito ang laman:

The ciry has recent!Jpassed an ordinance that express!Jprohibits thefallowing while


aboard public conveyances. Eating or Drinking. The Playing of Eletronic Devices.

Ang mga salitang express!J prohibit at eletronic devices, hindi basta nagagamit ito
sa wikang sinasalita dahil may pagkapormal.

Larang/Field

Pinag-aaralan din ang register ayon sa larang/ field o sa aktibidad at sa


bokabularyong sangkot. May mga espesyalisadong bokabularyong lumilitaw para
sa mga larangan o pro1tesyon, tulad ng software, disk-drive, data-storage para sa computing
o sheft drive, rising rate monoshock rear suspension, air-acfjustablefrontforks tungkol sa mga
motorsiklo. Madalas tinatawag itong teknikal na bokabularyo, pero medyo
nakaliligaw ito dahil naituturing na makabagong agham at teknolohiya lamang halos
ang nangangailangan ng gayong bokabularyo. May register na relihiyoso na maasahan
nating hindi na maeengkuwentro kung saan pa, tulad ng Ye shall be blessed by Him in
time of tribulation. Sa isang pang register, makakaengkuwentro tayo ng mga
pangungusap na Theplaintiff is reacfy to take the witness stand o Your honor,please, I would
like to make a manifestation. Register ito ng propesyon ng batas, na tiyak hindi naman
makikialam sa mga pahayag na The morphology of this dialect contains inflectional suffixes
ng register ng lingguwistiks. Mayroon din ang panggagantsilyo o sa high fashion/
haute couture: boned, straples bodices, black crepe dress with satin godet inset, draped decolette

32 ISAUNDAW
backs. Dahil mukhang esklusibo ang bokabularyo sa bawat larangan, mukhang mas
angkop na tawagin ang mga itong bokabularyong-espesipiko-sa-larang (field-specific).

Paraan (Mode)

Bukod sa mga konsiderasyon ng katayuang panlipunan at larangan, sensitibo


rin ang wika sa mga pamamaraang gamit sa komunikasyon. Kamangha-mangha
kung paano ito sa iba't ibang kultura at panahong pangkasaysayan, mula sa mga
bloke ng bato at dahon ng papyrus hanggang sa mga signal na usok o bayo sa
tambol. Pangunahing distinksiyon sa pagitan ng mga daluyan ng komunikasyong
ito kung kagyat ang kontak ng mga kalahok o nagpapahintulot pa ng palugit sa
mga ito. Pangunahing katangian ng distinksiyong ito sa kultura ng Europe (at sa
atin na rin) ang pananalita at pagsulat.

Sa kabila ng katunayang kahit ang mga pinakaaral sa atin ay mas gumugugol


ng kanilang oras sa midyum ng pananalita, ang midyum na nakasulat pa rin ang
mukhang nagkokondisyon sa pananaw natin sa wika. Malaki kasi ang pagkakaiba
kung paano nakakamit ang kontrol ng dalawang paraan. Nalilinang na sa
pinakamusmos na edad ang kakayahan nating magsalita na bahagyang mulat lang
sa mga prosesong sangkot at walang litaw na pagtuturo. Ang pagsusulat, sa kabilang
banda, ay bihirang nakakamit kung hindi sa litaw na pagtuturo at bilang pokus ng
matamang atensiyon. Kaya nga pangunahing komponent ito ng panimulang
kurikulum sa eskuwela at nagkakamit ng papuri o pagtuligsa depende sa relatibong
tagumpay o pagkabigo sa paghawak sa paraang ito. Mas madaling husgahan ang
paraang nakasulat dahil sa relatibong pagkapermanente nito kaiba sa kalikasang
transitori ng pananalita. Dahil nariyan lang ang pananalita, saklaw ang lahat, parang
hindi na ito napapansin. Sapagkat parang palaging nakikipagbuno sa paraang
nakasulat ng wika, itinuturing naman itong kongkreto bagama't isa-isang bahagi
lang ng kabuuang kakayahang lingguwistik.

Katangian ng mga Pananalitang Espontanyo

Bihira tayong maging malay sa kung paano tayo magsalita kaya interesting na
busisiin ang isang halimbawa ng espontanyong usapan sapagkat sa ganitong paraan,
lumilitaw nang husto at napapatingkad ang mga katangian. Sa wikang Ingles muna
ang ating halimbawa (tingnan din natin sa ating kultura pagkatapos bilang gawain
sa klase):

MGA KONSEPTO AT TEORYA I 33


A. What about erm Stephen doyou s

B. He comes to Aikido with me now (A: oyea) I try er encourage him to do it() I've tried
thepainting a bit on 'em all (A:yea) painting I've triedyou know (A:yea) tried tofind
there} a1!Jthing thereyou know a'!Ything that} beenpassed on(.) Salfy} quite good(.)far
her age likeyou know (A: mm)(.) erm she seems to be able to put things in the right
place() which is something(.) which is the main thing realfy. . er(.) I try and get them to
do the thingsyou know but (.)you know thry sort ef go their own wqy (.) you know

Makikita natin ang mga katangian ng tuloy-tuloy, di-pinag-isipang pananalita


sa (1) mga patlang at/ o pampunong bigkas na nailalagay dito sa mga panandang
tulad ng (.) o ers/ ems,yea, mm sa pagitan ng mga pangungusap o sa loob mismo; (2)
mga marker ng pagkaunawaan o simpatya sa nag-uusap tulad ngyou know, sort of; (3)
mga pag-uulit tulad ng I've tried,painting, a1!Jthing;at (4) mga pagtatangka sa pagbabago
ng pangungusap. Mukhang lumalabas na pabara-bara ang paraang pananalita, subalit
hindi tamang konklusyon ito sapagkat sinusuri dito ang isinulat na pananalita na
lumabas na parang walang kaayusan. Sa katunayan, hindi napapansin ng mga kalahok
ang mga patlang at pag-aalinlangang ito at nakikitang lohikal na sangkap ng paraang
iyon. Nabibigyang-diin lang ang kaibhan ng dalawang paraan na kapuwa may sariling
sistema at lohika.

Nagsimula ang mga katangiang ito ng pananalita dahil sa dinamiko at


interaktibong aspekto ng paraang ito. Lalo na sa harapang sitwasyon na impormal,
kapuwa biglaan at mapagtulungang pakikiugnay ito ng mga kalahok. Kasabay ang
proseso ng pagpaplano at pagbubuo ng sasabihin sa aksiyon mismo ng pagsasalita,
at gayundin ang proseso ng interpretasyon, sapagkat hindi na mababawi ang
produkto.

Samantalang relatibo ang transitori at di-permanente ang pananalita, relatibong


nakahimpil at permanente naman ang produkto ng pagsusulat. Puwede ritong
mapaghiwalay ang mga kalahok sa oras at sa lugar. Puwedeng mahaba ang proseso
ng pagbubuo, yugto-yugto at maraming rebisyon habang lumilitaw ang tapos na
produkto. At dahil relatibong nakatigil ang produkto, puwede ring mahaba, matagal­
tagal, mababalam-balam ang interpretasyon, ilang beses binabasa-basa. Ang
nakasulat ay nakasulat na, kaiba sa pananalita na may dagdag na konteksto o asal­
paralingguwistik ang kahulugan ng isang binigkas.

34 / SALINDAW
Magkahalong Paraan

Sa mga dahilang ito natutukoy na magkaibang-magkaiba ang dalawangparaan


kung malapit na pinaghahambing. Magiging mali, gayunman, kung pagpipilitang
may absolutong pagkahati sa lahat ng nakasulat sa unang banda, at sa lahat ng
pananalita sa kabila. Mayroon namang mga kasong nasa gitna o pagitan tulad ng
inihandang lektyur o madramang dayalog, naisulat na bago pero babasahing malakas;
o sa kabila naman, ng panayam o talakayang inirekord na itatranskrayb para ilimbag.
Sa katunayan, unti-unti nang pinalalabo ng elektronik midya ang kaibhan sa pagitan
ng dalawa. Inilulugar ng mga telephone-answering machines, halimbawa, ang ispiker sa
kakatwang posisyon na bumubuo ng produktong bigkas para sa ipinagpalibang
kontak sa isang makikinig na wala pa kung kaya ipagsasaalang-alang ang mga
kahingian ng paraang karaniwang naeengkuwentro doon sa isa pa.

Kung gayon, ang pag-unlad at pagpapalawak ng mga alternatibong paraan ng


komunikasyon sa loob ng isang komunidad ng pananalita ay magkakaroon ng
alingawngaw sa anumang paraang ginagamit na at mangyari pa, sa kabuuan ng
kultura mismo (re: kasalukuyang text messaging). Puwersang malakas ang paglitaw at
malawakang paggamit ng isang paraan ng nakasulat para sa estandardisasyon ng
mga anyong lingguwistik sa paraang pananalita. Sa kasaysayan ng Ingles, halimbawa,
ang pagkuha sa dayalek ng timog-silangang Midlands bilang norm para sa mga
nakasulat na dokumento ay nakatulong nang malaki para maadap ito bilang istandard
na dayalek ng 'edukadong' pananalita. Nagkakaroon lalo ng prestihiyo ito habang
nakikita sa paraang nakasulat at nagtatamasa ng mga pakinabang. Samakatwid, sa
loob ng isang komunidad ng pananalita, hindi naman ganap na magkahiwalay ang
1sa sa 1sa.

Bilang suma, nagkakaroon ng pagkakaiba sa gamit ng wika depende sa


sitwasyon kung saan may kaakibat na tenor, larangan at paraan, lahat ng ito bumubuo
sa nosyon ng register.

Diglossia

Sa pagtalakay sa mga naunang bahagi, mawawari nating mukhang napakahirap


na panlipunang pagkilos ang pagsasabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang
panahon. Sa ilang bagay, mukha nga. Isa itong kasanayang dapat kamtin ng mga
gumagamit ng wika lagpas sa iba pang kasanayang lingguwistik na bigkas at gramar.
Sa ilang lipunan, gayunman, mas naging hayag na ang gagamiting angkop na anyong

McA KoNSEPTO AT TEORYA I 35


lingguwistik dahil sa diglossia. Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang
sitwasyong may dalawang napakaibang varayti ng wika sa loob ng �sang komunidad
ng pagsasalita, bawat isa may malinaw na katungkulang panlipunan. Normal na
mayroong varayting 'Mataas' para sa mga bagay na seryoso at pormal, at varayting
'Mababa' para sa usap-usap o gamit impormal.

Isang anyo ng diglossia ang umiiral sa karamihan sa mga bansang nagsasalita


ng Arabik kung saan may mataas, o klasikal na varayting gamit sa mga lektyur,
talumpating relihiyoso at pormal na talumpating politikal, samantalang ang
mababang varayti ay ang lokal na dayalek na kolokyal na Arabik. Sa Griyego,
mayroon ding varayting mataas at mababa (o demotik). Sa ilang sitwasyon, tila
hiwalay na wika na ang mataas na varayti. Sa mahabang parrahon ng kasaysayan ng
Kanlurang Europa, isang sitwasyong diglossic ang umiral kung saan Latin ang mataas
na varayti samantalang mabababa ang mga lokal na wika tulad ng French at Ingles.
Sa Paraguay, Espartyol ang mataas samantalang Guarani (isang wika ng katutubo)
ang mababa.

Wika at Kultura

Marami sa mga salik na nagpapalitaw sa mga baryasyong lingguwistik ay minsan


natatalakay base sa mga pagkakaibang kultural. Hindi kakatwang makatuklas na
tinutukoy ang mga katangiang lingguwistik bilang aspekto ng 'kultura ng uring
manggagawa' o 'Black culture,' halimbawa. Sa maraming bagay, naimpluwensiyahan
ang pananaw na ito ng mga trabaho ng mga antropologo na medyo tinatrato ang
wika bilang isang elemento sa hanay ng tulad ng paniniwala na 'kaalamang nakamit
sa lipunan.' Dahil sa proseso at paglilipat ng kultura kung saan nakukuha ang wika,
mukhang matino nga namang bigyang-diin na kakabit ang baryasyong lingguwistik
sa pag-iral ng iba't ibang kultura. Sa pag-aaral ng mga kultura ng daigdig, kitang­
kita naman na hindi lang iba-iba ang wika ng iba't ibang tribu, kundi iba-iba ang
pananaw-pangmundong nasasalamin sa kanilang wika. Ibig sabihin, hindi lamang
walang katumbas sa kultura ng mga Aztec ng katulad ni Santa Claus, wala rin silang
salita para dito. Sa puntong sinasalamin ng wika ang kultura, napakaimportanteng
obserbasyon ito at hindi dapat balewalain ang pag-iral ng ibang pananaw-sa-mundo
kung pinag-aaralan ang ibang wika o varayti. Isang maimpluwensiyang teorya sa
koneksiyon ng wika at pananaw-sa-mundo ang mas nagtatakda sa bagay na ito.

36 ISAUNDAW
Determinismong Lingguwistik

Kung talagang mukhang magkaibang-magkaiba ang dalawang wika sa


paglalarawan kung ano ang daigdig, siguro, habang natututuhan mo ang isa sa mga
wikang iyon, maitatakda ng paraan kung paano naorganisa ang iyong wika kung
paano mo titingnan ang pakakaorganisa ng daigdig. lbig sabihin, mayroon ka nang
nakahandang sistema ng pagkakategorya sa kung ano ang nakikita mo, at kung
gayon, mahihila kang tingnan ang daigdig <loon lamang sa mga kategoryang iyon.
Mayroon ka samakatwid na teorya ng wika na tinawag na Determinismong
Lingguwistik na nanghahawak sa pinakamasidhing bersiyon nito na "itinatakda ng
wika ang pag-iisip." Sa madaling sabi, makapag-iisip ka lamang sa mga kategoryang
pinapapahintulutan sa iyo ng iyong wika.

lsang madalas banggitin na halimbawa ng pananaw na ito ang maraming


salitang ginagamit ng mga Eskimo na tinatawag sa Ingles na snow. Kapag isang
ispiker ng Ingles ang titingin sa tanawing winter, makakakita siya ng iisang enticing
tinatawag na snow. Ang Eskimong tumitingin sa parehong tanawin ay makakakita
ng iba't ibang entiti, at ganoon ang ginagawa niya, sabi na nga, dahil pinapahintulutan
ng kaniyang wika na magkategorya sa nakikita na iba sa ispiker ng Ingles. Babalik
tayo sa halimbawang ito.

Ang Haypotesis na Sapir-Whorf

Ang pangkalahatang ideang isinasa�lang-alang natin ay bahagi ng nakilala nang


hqypotesis na Sapir-Who,j. Argumento nina Edward Sapir at Benjamin Whorf noong
mga 1930, na sa mga wika ng mga katutubong Amerikano, naiba ang pagtingin
nila sa daigdig kaysa <loon sa mga nagsasalita ng mga wikang Europeo. Tingnan
natin ang isang halimbawa ng pangangatwirang ito. lnihayag ni Whorf na iba ang
pagtingin ng mga katutubong Hopi ng Arizona kaysa sa mga ibang tribu (hal.
tribung nagsasalita ng Ingles) dahil pinangunahan sila ng kanilang wika. Sa gramar
ng Hopi, may distinksiyon sa pagitan ng 'gumagalaw/ animate' at 'di-gumagalaw/
inanimate,' at kasama sa set ng mga bagay na 'gumagalaw' ang mga ulap at bato.
Konklusyon ni Whorf na naniniwala ang mga Hopi na mga bagay na gumagalaw
ang mga ulap at bato at ang wika nila ang nagsasabing ganoon na nga. Wala sa
Ingles ng ganitong pagmamarka sa gramar nito sa mga ulap at bato, kaya hindi
nakikita ng mga ispiker ng Ingles na pareho ang daigdig tulad ng mga Hopi. Sa
salita ni Whorf, "(b)inubusbos natin ang kalikasan sa mga pamantayang inihatag
ng ating mga katutubong wika."

McA KoNSEPTo AT TsoRYA I 37

You might also like