Professional Documents
Culture Documents
Stay at Home PPT 2
Stay at Home PPT 2
Stay Safe
MAGANDANG
ARAW!
Huwag buksan ang mikropono
kung hindi kailangan magsalita.
“Sana All May Balita”
UNANG MARKAHAN
Aralin 1
“Kahalagahan
ng
Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu”
Pamantayang Nilalaman
Ang mag-aaral ay…
May pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo
sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay…
Nakabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood
project) batay sa mga pinagkukunang yaman na matatagpuan
sa pamayanan upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan.
Layunin sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang konsepto ng
Kontemporaryong Isyu.
Nasusuri ang Kahalagahan ng
Pagiging Mulat sa mga
Kontemporaryong Isyu sa
Lipunan at Daigdig.
Alamin!
Suriinang mga larawan
ng headline.
Sagutin ang tanong na:
Bakit ito ay maituturing
na isyu o suliraning
panlipunan?
Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel
PAMPROSESONG TANONG:
BAKIT MAHALAGA NA
MAUNAWAAN MO ANG
IBA’T-IBANG ISYUNG
PANLIPUNAN?
MAHALAGA NA MAUNAWAAN
NATING LAHAT ANG IBA’T-
IBANG ISYU PANLIPUNAN
DAHIL ANG BAWAT ISA SA ATIN
AY BAHAGI NITO.
Mga dahilan kung bakit mahalaga na
maunawaan ang iba’t-ibang isyu:
Makakatulong ito sa ating pagpili ng ibobotong
mga pinuno.
Magkaroon tayo ng ideya tungkol sa mga
magaganap bunga ng mga kasalukayang isyu.
Malalaman natin ang katayuan ng ating lipunan
at bansa.
Makakapaghanda tayo para sa kinabukasan.
Dapat nating tandan:
Ang pagsiyasat ng mga isyu ay
nangangailangan ng pantay o parehas na
pag-iisip (objective mindset or impartiality).
Dito ay matatanggap mo ang kahihinatnan
na konklusyon at makakagawa ng tamang
hakbang. Walang katuturan ang kaalaman sa
mga isyu kung isang indibiduwal ay may
saradong pag-iisip.
Etmolohiya ng Kontemporaryong Isyu
KONTEMPORARYO – “CONTEMPORARIUS”
Con (kasama sa) Tempus o tempor (together)
ISYU - Nakakaapekto sa lipunan na pinagtatalunan o
tinatalakay nang mainitan
Isang bagay na nagdudulot ng pagkabahala
Nagkakaroon nito kapag may hindi kanais-nais na
sitwasyong nais ng mga mamamayang itama o bigyang
lunas.
KONTEMPORARYONG ISYU
Tumutukoy sa iba’t-ibang hamon o problema na
hinaharap ng ating lipunan at ng daigdig sa
kasalukuyan.
Tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning
bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa
kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo
sa kasalukuyang panahon.
Charles Wright Mills (1959)