You are on page 1of 5

Keni,Mangan Tana!

Panimula:

Sa panahon natin ngayon ay patok na patok sa masa ang mga kakaibang tema ng pagkain
at awra ng kapaligiran o lugar. Sa aming itatayong restaurant ay hindi lamang mabubusog ang
inyong mga tiyan kundi pati ang inyong mga mata.

Layunin ng Negosyo:

Layunin ng aming negosyo ang maibahagi sa ibang tao o kostumer ang aming mga
ihahandang tradisyonal na putahe at ang awra ng kapaligiran na hindi tulad ng sa ibang mga
restaurants.

Pangangailangan at kagustuhan ng merkado:

Dahil sa industriya natin ngayon marami nang nagsusulputang mga restaurant na may
mga impluwensiya ng ibang bansa. Dito sa aming restaurant ay matitikman ang iba’t ibang mga
tradisyonal na putahe sa Pampanga.

Ang produkto at serbisyo:

Ang Keni, Mangan Tana restaurant ay kumukuha ng mga sangkap sa mga


pinagkakatiwalaang at kami ay nakakasigurado na ang pagkaing aming inihahain ay mura at
ligtas para sa aming mga kostumer.

Ang paraan ng pag-oorder ay madali na lamang dahil hindi na kailangan pumila ng mga
kostumer upang umorder ng kanilang pagkain sapagkat ang aming restaurant ay may mga screen
bawat lamesa kung saan pipindutin na lamang nila ang mga napili o gusto nilang kainin.

Ang Lugar:

Ang Keni, Mangan Tana restaurant ay matatagpuan malapit sa Astro Clark, Pampanga.
Ito ay may dalawang palapag upang mas maging komportable ang aming mga mahal na
kostumer.
Ang Halaga:

Ang halaga ng mga putahe sa aming itatayong negosyo ay nakadepende sa mga sangkap na
kakailanganin sa pagluluto at sa mga sangkap na panahunan.

PUTAHE HALAGA
Tugak Betute 400
Sisig 250
Buro 200
Bringhe 450
Tidtad 350
Tibuk tibuk 450
Halo-halo 120
Kamaru 550
Leche Flan 350
Mochi 220

Ang Promosyon:

Ang promosyon na aming gagamitin sa aming pagkakalat ng impormasyon tungkol sa


pagbubukas ng aming restaurant ay flyers at gagamitin din naming ang impluwensiya ng internet
upang lalong dumami ang nakakaalam ng aming restaurant.

Asintadong kita:

Ang asintadong kita ay nakadepende sa mga putahe. Ang kompyutasyon ay ipapakita sa ibaba.

Basehan:

Ang paunang bayad ay kalahati ng presyo ng putahe.

Ang mga tauhan ay may kaukulang 167 pesos kada araw.

May 30 na araw lamang ang mayroon sa isang buwan.

Tugak Betute
Kabuuang bayad 400
Paunang bayad 200
Sangkap 250
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 100
Huling bayad 200
Asintadong kita 300

Sisig
Kabuuang bayad 250
Paunang bayad 125
Sangkap 185
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 110
Huling bayad 125
Asintadong kita 235

Buro
Kabuuang bayad 200
Paunang bayad 100
Sangkap 100
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 50
Huling bayad 100
Asintadong kita 150

Bringhe
Kabuuang bayad 450
Paunang bayad 225
Sangkap 191
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 16
Huling bayad 225
Asintadong kita 241

Tidtad
Kabuuang bayad 350
Paunang bayad 175
Sangkap 150
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 25
Huling bayad 175
Asintadong kita 200
Kamaru
Kabuuang bayad 550
Paunang bayad 275
Sangkap 450
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 225
Huling bayad 275
Asintadong kita 500

Tibuk-tibuk
Kabuuang bayad 450
Paunang bayad 225
Sangkap 275
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 100
Huling bayad 225
Asintadong kita 325

Halo-halo
Kabuuang bayad 120
Paunang bayad 60
Sangkap 40
Kagamitan/Tauhan 25
Natirang pera 30
Huling bayad 60
Asintadong kita 100

Leche flan
Kabuuang bayad 350
Paunang bayad 175
Sangkap 275
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 150
Huling bayad 175
Asintadong kita 325
Mochi
Kabuuang bayad 220
Paunang bayad 110
Sangkap 150
Kagamitan/Tauhan 50
Natirang pera 90
Huling bayad 110
Asintadong kita 200

Subalit ang mga asintadong kita ay maaaring tumaas o bumaba depende sa pagtaas baba ng mga
presyo ng mga sangkap sa pamilihan.

Rekomendasyon:

Magdagdag ng iba pang mga putahe na mas tatangkilikin ng mga mamimili upang mas maging
maunlad ang negosyo at maaari ring magbigay ng mga promo upang mas lalong maengganyo
ang mga mamimili.

You might also like