You are on page 1of 20

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.5
Panitikan : El Filibusterismo
Teksto : Si Isagani
Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta (14) Sa Bahay ng mga
Mag-aaral
(15) Si Senyor Pasta (22) Ang Pagtatanghal
(27) Ang Prayle at ang Pilipino (35) Ang Pagdiriwang
(37) Ang Misteryo
Wika : Mga Salitang Naghahambing
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVg-h-86)
 Nabibigyang-puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang
akdang nabasa, napanood o napag-aralan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVh-i-92)


 Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVg-h-85)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang
Espanyol.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVg-h-84)


 Naipaliliwanag ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa napanood na
pelikula sa ilang pangyayari sa nobela.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVg-h-88)


 Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang
katulad na akda, gamit ang napiling graphic organizer.

PAGSULAT (PU) (F10PU-IVg-h-88)


 Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba
pang katulad na akdang binasa.
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVg-h-82)
 Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing.

Ikaapat na Markahan| 83
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVg-h-86)


 Nabibigyang-puna ang narinig na paghahambing sa akda sa ilang
akdang nabasa, napanood o napag-aralan.

II. PAKSA

Panitikan : “Si Isagani” (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta (14) Sa Bahay ng mga
Mag-aaral
(15) Si Senyor Pasta (22) Ang Pagtatanghal
(27) Ang Prayle at ang Pilipino
(35) Ang Pagdiriwang (37) Ang Misteryo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng bahagi ng isang dokumentaryo.
https://youtu.be/DU2Vzi381SY

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: ROUND TABLE DISCUSSION
a. Ano ang paksa ng napanood na dokumentaryo?
b. Ipahayag ang damdaming nangibabaw sa napanood na video.

Ikaapat na Markahan| 84
2. Pokus na Tanong

a. Kailangan bang magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga


nangyayari sa kanyang bayan? Ipaliwanag.
b. Paano nakatutulong sa pagbuo ng kaisipan o pahayag ang kaalaman
sa wastong gamit ng mga salitang naghahambing?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MALIKHAING PAGBASA


Pagpapabasa ng isang maikling journal tungkol sa edukasyon.

Ano ang Bago sa Edukasyon sa Pilipinas


ni Jennifer E. Castillo
http://www.journal.com.ph/editorial/pananaw-pinoy/anong-bago-sa-edukasyon-sa-pilipinas

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: Y SPEAK
a. Ano ang paksa sa napakinggang journal?
b. Batay sa sariling karanasan, ang paglalahad bang ito ay totoo?
Bigyang patunay.

ANALISIS

1. Paghambingin ang napanood na video at napakinggang journal. Alin sa


dalawa ang sa palagay mo’y tunay na sumasalamin sa kalagayan ng
edukasyon ng Pilipinas?
2. Sumasang-ayon ka ba sa narinig na paghahambing? Bakit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang edukasyon ang isa sa mga batayang karapatan ng bawat tao.


Kailangan ng edukasyon upang matuto ang tao na bumasa at sumulat,
malaman ang kanyang kapaligiran, mapag-aralan ang lipunan at
makipagtalastasan sa iba.
Mahalaga ang edukasyon tulad ng kahalagahan ng pagkain at
tahanan, na may pangunahing sangkap sa buhay. Kung ang pagkain ang
kailangan para sa kalusugan at tahanan para sa katawan, ang edukasyon ay
kinakailangan para sa isipan. Pinauunlad ng edukasyon ang kaalaman at
ayon nga sa isang kasabihan; ang kaalaman ay kapangyarihan (knowledge is
power). Gayunpaman, ang kapangyarihang taglay ng isang tao’y nakasalalay
kung paano niya ito ginagamit. Ang edukasyon ang isa sa mahalagang

Ikaapat na Markahan| 85
patakaran ng isang estado o pamahalaan na dapat isulong, dahil ang
edukasyon ang tanging paraan upang maunawaan ng mamamayan ang
kanyang kasysayan, kalinangan o kultura. Pinag-iisa ng edukasyon ang isang
bansa.
― Halaw sa Karapatan sa Edukasyon
http://kpml-org.blogspot.com/2011/08/karapatan-sa-edukasyon.htm

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: FORUM


Buuin ang pahayag…

Matapos ang pag-aaral na ito, natuklasan ko ________________________


Kaya naman ako’y _____________________________________________
At dahil dito nais kong _________________________________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: AKO BA’Y IKAW RIN?


Bumuo ng isang talatang paghahambing sa videong inihanda ng
guro sa sariling karanasan.
https://youtu.be/baMCDjVJGOU

IV. KASUNDUAN

1. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang iyong


pagmamalasakit sa bayan?
2. Basahin at unawain ang mga kabanatang may kaugnayan kay Isagani:
Kabanata 2, 14, 15, 22, 27, 35, at 37.

Ikaapat na Markahan| 86
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IVh-i-92)


 Natitiiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng
pag-uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVg-h-85)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang
Espanyol.

PANONOOD (PD) (F10PD-IVg-h-84)


 Naipaliliwanag ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa napanood
na pelikula sa ilang pangyayari sa nobela.
II. PAKSA

Panitikan : “Si Isagani” (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta (14) Sa Bahay ng mga
Mag-aaral
(15) Si Senyor Pasta (22) Ang Pagtatanghal
(27) Ang Prayle at ang Pilipino
(35) Ang Pagdiriwang (37) Ang Misteryo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI
1. Motibasyon
Pagpapanood ng isang videoclip. https://www.youtube.com/watch?
v=PsZHg9MeUxA

Ikaapat na Markahan| 87
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Matapos mapanood ang video, ano ang damdaming namayani
dito?
b. Paano naipakita ng pangunahing tauhan ang kanyang
kabayanihan?

2. Presentasyon
Si Isagani

Kabanata 2 - Sa Ilalim ng kubyerta


Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Ipinakilala ni Basilio kay
Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina
Basilio sapagkat ang lalawigang ito’y mahirap at di bumibili ng alahas. Matigas
na tumutol si Isagani sa pagsasabing “Hindi kami namimili ng alahas dahil
hindi namin kailangan.” Inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbesa ang
dalawa ngunit ito ay kanilang tinanggihan. Tumugon si Simoun na ayon daw
kay Padre Camorra nakababagot at walang buhay kung puro tubig ang
iniinom. Gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani. Idinugtong niya na hindi tulad
ng alkohol ang matabang na tubig sapagkat ito ay nakamamatay ng apoy. At
kapag ang tubig ay pinainit at naging singaw, iyon ay maaaring lumawak tulad
ng dagat na handang magwasak at pumatay.

Kabanata 14 - Sa Bahay ng mga Mag-aaral


Ang bahay ni Macaraig ay maluwag, malaki at may dalawang palapag.
Tamang-tama itong gawing Akademya ng Wikang Kastila. Ito ay tila
kolehiyong aralan sa unang oras ng umaga at parang palaruan naman
umpisa ikasampu. Madalas na ganoon ang tagpo sa nasabing bahay. Ibinalita
ni Macaraig ang pakikipag-usap ni Padre Irene sa Kapitan Heneral. Ibinigay
kay Don Custodio ang pagpapasya sa nasabing usapin. Napag-usapan nilang
sa pamamagitan ng mananayaw na si Pepay ito ay papayag. O dili kaya ay
lumapit kay Senyor Pasta at sa bordadorang si Matea. Sa huli,
napagkaisahan nilang si Senyor Pasta na lamang ang kanilang lalapitan at si
Isagani ang napiling makipag-usap sa abogado.

Kabanata 15 - Si Senyor Pasta


Gaya ng napag-usapan, sinadya ni Isagani si Senyor Pasta, isang sikat
na abogado sa Maynila at sanggunian sa kanilang panukala na mapasang-
ayon si Don Custodio. Matamang nag-isip ang abogado at pagkaraan ay
dumating sa desisyon na ayaw niyang makialam sa kanilang panukala. Hindi
nawalan ng pag-asa si Isagani at ginawa niya ang lahat ng paraan para
makumbinsi ang abogado na tulungan sila. Ngunit buo na ang loob ng
abogado. Pinangaralan niya ang binata na mag-aral ng medisina at kapag

Ikaapat na Markahan| 88
lisensyado na ay mag-asawa ng mayaman at banal na dalaga. Ang intindihin
na lamang nila ay ang kani-kanilang mga sarili hanggang pumuti na ang
kanilang buhok. Ngunit sumagot si Isagani na kung ang kanyang buhok ay
puputi at magiging uban nang wala siyang naitutulong sa kanyang bayan, ang
bawat uban ay magpapaalala na wala siyang ginawa nang ang bayan ay
naghihirap. Hindi niya ito ipamamayagpag at sa halip ay ikahihiya.

Kabanata 22 - Ang Palabas


Ang mga mag-aaral ay nakaupo sa palkong katapat ni Pepay na
kinasabwat ni Macaraig upang suyuin si Don Custodio. Sinulatan ng
mananayaw ang don na sila ay magkita sa dulaan. Masaya si Pepay at ang
mga mag-aaral sapagkat iniisip nila ang kanilang panukalang magpatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila ay napagtibay na. Sa mga naroroon ay tanging
si Isagani ang hindi nasisiyahan. Hinahalihaw siya ng matinding paninibugho.
Nang pumasok siya sa dulaan, nakita niya si Paulita na kasama ang mahigpit
niyang karibal na si Juanito Pelaez.

Kabanata 27 - Ang Prayle at ang Estudyante


Kausap ni Isagani ang mga kaibigan nang ito ay ipatawag ni Pari
Fernandez. Ang maestro niyang ito ay kabilang sa kaniyang mga itinatangi
kapag ang mga prayle ay inaalipusta. Hiniling ng pari sa binata na huwag
niyang isipin na siya ay kaniyang guro kundi isang prayle, at si Isagani ay
isang Pilipino. Tinanong siya ng pari kung ano ang gusto ng mga mag-aaral
sa kanilang mga prayle. Sumagot si Isagani na kailangang gawin nila ang
kanilang mga tungkulin na palusugin ang mga binhi, palakihin sila sa buhay
na maligaya, lumikha ng isang bayang lipos ng dangal, maunlad, marangal at
dakila. Ang paninindigang ito ay sinansala ng pari sa pagsasabing ang
karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa mga karapat-dapat na tumanggap
nito at hindi sa mga walang matibay na puso at magandang asal. Binanggit ni
Isagani na kailangang tumulong ng mga prayle at huwag maging sagabal sa
kalayaan ng pag-aaral. Nagkaroon ng palitan ng mga katuwiran ang dalawa
hanggang sa magpaalam na si Isagani at tuloy-tuloy na nagtungo sa
pamahalaang sibil upang tingnan ang mga paskin at makisama sa iba.

Kabanata 35 - Ang Pista


Araw ng kasal nina Paulita at Juanito. Habang hinihintay ang Kapitan
Heneral lahat ay bumabati at iniaabot ang kamay sa mga bagong kasal.
Tumugtog ang marcha real tanda na dumating na ang pinakahihintay.
Dumating si Simoun na dala ang lampara. Nakayuko ang ulo nito at tila nag-
iisip. Nawala si Simoun sa gitna ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Napansin ni Basiliong namumutla ang mag-aalahas kaya nagpasya siyang
lumayo ngunit nakita niya si Isagani na nakatanaw sa nagaganap na
kasiyahan. Pinilit niyang ilayo ang kaibigan ngunit pinigilan lamang siya nito.

Ikaapat na Markahan| 89
Tinangka ni Basilio na kaladkarin si Isagani at sinabing malapit nang sumabog
ang bahay sa pamamagitan ng lamparang dinala ni Simoun. Naisip niyang
mamamatay si Paulita kung sasabog ang bahay. Natakot si Isagani at nilimot
ang nadaramang panibugho at dali-daling pumasok sa bahay. Bago pa
maitaas ni Padre Irene ang mitsa ng lampara ay biglang may pumasok sa
asotea, inagaw ang lampara at inihagis ito sa ilog. Dahil sa bilis ng mga
pangyayari, hindi nakilala ang salarin at nagdilim ang kainan.

Kabanata 37 - Ang Hiwaga


Mabilis kumalat ang balita sa nangyari sa pista ng kasal nina Juanito at
Paulita. Katunayan, ito ang usapan sa bahay ng mga Orenda. Si Chichoy ang
naatasang magkuwento sa tahanan ng pamilya Orenda. May nagsabing
maaaring si Quiroga, isa sa mga estudyante, o si Macaraig ang naglagay ng
pulbura sa bahay ni Kapitan Tyago. Ngunit naalala ni Binday ang bughaw na
kulay sa bahay ni Simoun nang minsan silang bumili ng alahas sa bahay nito.
Tinanong ni Sensia kung dumalo sa pista si Simoun. Sinagot ito ng oo ngunit
umalis din agad. Dahil dito sinabi ni Sensia na si Simoun ang dimonyo na
nakabili ng mga kaluluwa ng lahat ng mga Kastila. Nanghinayang naman si
Momoy sa pagkakuha ng magnanakaw sa lampara at sa hindi pagkamatay ng
lahat. Sinabi ni Isagani na “Kahit kailan, hindi mabuting kumuha ng hindi sa
kanya. Kung nakapag-isip lamang sana ang magnanakaw at alam niya ang
layunin, sa palagay ko ay hindi niya gagawin iyon. Anuman ang ibigay na
kapalit, hindi ko gagawin ang kaniyang ginawa.” Pagkalipas ng isang oras ay
nagpaalam na sa mag-anak na Orenda si Isagani upang manirahan sa piling
ng kanyang amain.
Sanggunian: El Filibusterismo Dinisenyo batay sa K-12
Nina Roselyn T. Salum at Cristiana S.Santos

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC
a. Anong katangian ng mga mag-aaral ang mahihinuha batay sa
kanilang mga gawi habang nasa dormitoryo? Kanino ka rito
kabilang? Patunayan.
b. Bakit kay Senyor Pasta isinagguni ng mga mag-aaral ang
kanilang kahilingan sa pagpapatayo ng Akademya?

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: GUESS THE MEANING


Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap at ipaliwanag.
1. Huminto sa pagsulat si Senyor Pasta at tiningnan ang binata. Ang
ginoo ay isang sikat na abogado na sanggunian ng lahat ng
panukala.

Ikaapat na Markahan| 90
2. Tinugtog ng orkestra ang marcha real. Ang pambansang awit ng
Espanya ang palagiang tinutugtog sa tuwing darating ang Kapitan
Heneral.
3. Habang naghihintay sa pagdating ng Kapitan Heneral, maraming
panauhin ang nag-uusap sa asotea. Ang balkonaheng ito ang isa
sa pinakamagandang parte ng bahay ni Kapitan Tyago.
4. Maging ang mga artilyero ay nag-iingay na rin. Kahit ang mga
manganganyon ay naiinip na sa pagkaantala ng palabas.
5. Ipinaliwanag ng mga prayle na magkakaroon ng mga gurong may
malasakit kapag ang mga estudyante ay nagpakita ng pagkagiliw
sa kanila. Ang mga paring ito ang nangangasiwa sa mga paaralan
sa buong bayan.

Pangkat II. Mungkahing Istratehiya: TABLEAU


Ilahad ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa akda sa mga
pangyayari sa isang programang pantelebisyon o pelikulang napanood
batay sa mga sumusunod:
a. tauhan c. mga pangyayari
b. suliranin d. nakapangyayari o naghahari

Pangkat III. Mungkahing Istratehiya: SINE MO ‘TO


Pumili ng ilang bahagi sa akda na nagpapakita ng
pagkamakatotohanan at iugnay ito sa kasalukuyang mga pangyayari sa
bansa.
Pangkat IV. Mungkahing Istratehiya: FREEDOM WALL
Kung ikaw si Isagani, pagkatapos mo malaman ang lihim ng
lampara, itatapon mo rin ba ito?

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
Ang mga May mga datos inilahad ay
datos/gawain ay Angkop ang /gawain na hindi higit na
Kaangkupan sa
inilahad ay datos /gawaing gaanong nangangaila-
Task/Layunin
nagpapakikita ng inilahad. nagpapakita ng ngan ng
kaangkupan . kaangkupan. kaangkupan
sa gawain.

Ikaapat na Markahan| 91
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Napakamalikhain at Malikhain at
Walang buhay
napakahusay ng mahusay ang Maayos na
ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa pagpapalutang napalutang ang
pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na sa nais ipabatid ideya na nais
ng mensahe /
mensahe/ na mensahe/ ipabatid.
ideya.
impormasyon impormasyon.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Anong pag-uugali ang mababakas kina Isagani at Basilio batay sa


pakikipag-usap nila kay Simoun? May mga katulad pa ba sila sa
kasalukuyan? Patunayan.
2. Batay sa pakikipag-usap ni Isagani kay Senyor Pasta, anong pananaw
niya ang mababakas sa kanilang pag-uusap?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang naging desisyon ni Isagani na pigilan
ang pagsabog sa araw ng kasal ng kaniyang minamahal?
Pangatwiranan.
4. Para sa iyo, si Isagani ba ay tagapagligtas o nagpahamak pa kay
Simoun? Pangatwiranan.

Ikaapat na Markahan| 92
 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Si Isagani - Tagapamansag ng Mabuting Kuro

Iba’t ibang tauhan ang nabubuo ng isang nobela. Ang isang manunulat
ay pumipili ng isang tauhang magpapahayag ng kanyang magagandang
saloobin. Inihahahayag niya ang mga kaisipang nais niyang palutangin at ito
ay unti-unting pinadadali sa kaisipan at pananalita ng isang piniling tauhan.
Si Isagani, isang marangal na mag-aaral, ang siyang maituturing na
mapalad na tauhan na pinagkatiwalaan ni Rizal upang ipahayag ang kanyang
magagandang simulain na nais niyang mailantad sa kanyang akda.

Mula sa kabanatang “Ang Prayle at ang Pilipino”


“Ah, hindi po. Padre Fernandez!” ang naibulalas na sagot ng binata: “Hindi
niyo hinangad na suriing mabuti ang paksa ng ating salitaan, hindi ninyo
hinangad na tumingin sa bangin sa pangambang matanaw ninyo roon ang
anino ng inyong mga kapatid. Kung ano man kami ay kayo ang may gawa.
Ang bayang siniil ay tinuruan ngpagkukunwari; ang taong pinagkakaitan ng
katotohanan ay pinagkakalooban ng kasinungalingan; ang mandarahas ay
gumagawa ng alipin. Walang mabuting kaasalan ang wika ninyo, kahit na,
bagaman mangyayaring pagkakasalang kagaya ng maraming bayang
mabubulag sa kanilang palalong taguring nangagtuturo ng mabuting ugali. O
kayong may tatlong daa’t limampung taong nakahawak sa aming ikatututo o
kaming umaalinsunod sa lahat ng bagay. Kung pagkatapos ng tatlong daa’t
limampung taon ay walang nayari ang eskultor kundi isang walang ayos na
larawan ay di sasalang, napakatunggak niya.”
Filipino_HS.Com IV nina Florence Agnes E. DeSilva at Eulanda V. Gilbuena

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW


Sagutin ang sumusunod na katanungan. Kailangan bang
magkaroon ng kamalayan ang isang kabataan sa mga nangyayari sa
kanyang bayan? Ipaliwanag.

Kamalayang Kabataan Pangyayari sa


Panlipunan Bayan

Ikaapat na Markahan| 93
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DEBATE


Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat lider ng pangkat ay
siyang bubunot ng kanilang paninindigan sa pagitan ng pamahalaan,
taong bayan o pamahalaan. Sa pamamagitan ng toss coin ay malalaman
kung sino ang mauuna.

Paksa: Sino ang dapat na mamuno sa anumang pagbabago, ang


pamahalaan, ang taong bayan o ang kabataan?”

4. Ebalwasyon

Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Anong kahilingan ang nilalakad ng mga estudyante sa
pamahalaan?
a. pagkakaroon ng bagong guro sa paaralan
b. pagkuha ng bagong mga kagamitang pampaaralan
c. pagpapatayo ng akademya ng wikang kastila
d. pagkakaroon ng bagong pamunuan

2. Siya ang makata at estudyanteng mula sa Ateneo Municipal na


naghangad ng pagbabago sa pamamalakad sa paaralan at
kasintahan ni Paulita Gomez na sumubok na iligtas sya sa
kapahamakan.
a. Makaraig c. Basilio
b. Isagani d. Pecson

3. Paano ipinakita ni Isagani ang kanyang kabayanihan sa huling


bahagi ng nobela?
a. pagbabantay sa kasintahang ikakasal kay Juanito Pelaez
b. pagtatapon ng lamparang sasabog sana sa kasalan at kikitil sa
maraming buhay
c. pag-anib sa mga tulisan upang ipagtanggol ang bayan
d. pamumuno sa mga tutugis sa pamahalaan

Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.


Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.
4. Matatagpuan sa entresuelo ang mga kabataang nagnanais ng
pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang unang palapag ng
bahay ang naging tagpuan ng mga mag-aaral sa tuwing sila’y may
pagpupulong.
a. bahay c. tagpuan

Ikaapat na Markahan| 94
b. unang palapag d. ikalawang palapag
5. Niyaya ni Simoun ang mga mag-aaral na uminom ng serbesa. Ang
inuming nakalalasing ay mas mainam inumin kaysa sa tubig ayon
kay Padre Camorra.
a. inuming gawa sa tubig c. inuming nagpapalakas
b. inumin ng mamamayan d. inuming nakalalasing

Susi sa Pagwawasto:
1. C 2. B 3. A 4. B 5. D

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Magsalaysay ng isang pangyayari na nasaksihan, nabatid o napanood


na nagpapakita ng kamalayang panlipunan ng isang kabataan.
2. Ano-ano ang mga salitang maaaring gamitin sa paghahambing?

Ikaapat na Markahan| 95
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IVg-h-82)


 Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-IVg-h-88)


 Naiuulat ang ginawang paghahambing ng binasang akda sa ilang
katulad na akda, gamit ang napiling graphic organizer.

II. PAKSA

Panitikan : “Si Isagani” (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta (14) Sa Bahay ng mga
Mag-aaral
(15) Si Senyor Pasta (22) Ang Pagtatanghal
(27) Ang Prayle at ang Pilipino
(35) Ang Pagdiriwang (37) Ang Misteryo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGBASA

Ang Maghahasik

http://www.pinoyedition.com/parabula/ang-maghahasik/

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL
a. Talakayin ang narinig na kuwento.
b. Ilahad ang aral na hatid ng talinhagang narinig.
c. Iugnay ito sa larangan ng edukasyon?

Ikaapat na Markahan| 96
2. Presentasyon

Pagpapanood ng isang komersyal.


https://youtu.be/NvHKVjCJ8O0

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PICK THE QUESTION
a. Talakayin ang paksa ng napanood na video.
b. Sa iyong palagay, maihahalintulad ba ang mga tao sa likod ng
nasabing programa sa tauhang si Isagani ng El Filibusterismo?
Bakit?

ANALISIS

1. Bilang isang kabataan, ano ang iyong magagawa para sa lipunang


iyong ginagalawan?
2. Ihambing ang tauhang si Isagani ng El Filibusterismo sa tauhang si
Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere batay sa mga punto ng
paghahambing na nasa ibaba.

a. Tauhan bilang
isang
mangingibig
b. Katapangan
Crisostomo sa pagharap sa
pagsubok Isagani
Ibarra
c. Pagpapamalas
ng pag-ibig sa
bayan

Ikaapat na Markahan| 97
 Pagbibigay ng Input ng Guro
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Mga Pahayag/Salitang Pahambing

Pahambing o Komparatibo ay ginagamit upang maghambing ng


dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari at iba pa.

Dalawang uri ng Hambingan:


A. Hambingang magkatulad
B. Hambingang di-magkatulad

http://www.slideshare.net/daniholic/dalawang-uri-ng-paghahambing

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN MO, PAHAYAG KO

Sa tulong ng grapikong presentasyon, sagutin ang sumusunod na


katanungan. Paano nakatutulong sa pagbuo ng kaisipan o pahayag ang
kaalaman sa wastong gamit ng mga salitang naghahambing?

kaisipan

Mga Salitang
pahayag pahayag
Naghahambing

kaisipan

Ikaapat na Markahan| 98
APLIKASYON

Panooring mabuti ang videong inihanda ng guro. Pagkatapos


bumuo ng isang talatang naghahambing sa pangunahing tauhan ng video
sa isang taong iyong kakilala o nakilala. https://youtu.be/LXsQg3yO6cE

3. Ebalwasyon

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng wastong kasagutan sa


bawat bilang.
a. di-hamak b. magkasing c. di-gaanong
d. mas e. labis
1. _________ kaakit - akit ang palamuti sa bahay nina Gng. Rosal
kaysa sa bahay nina Gng. Mendoza.
2. _________ maganda ang pagtatanghal na isinagawa ng unang
pangkat.
3. _________ ang pag-aalala ng mga magulang ni Andrea sa
pagkaantala ng kanyang pag-uwi.
4. _________ na mas malaya ang mga kabataan ngayon kaysa sa
mga kabataan noon.
5. Ang magkaibigang Jean at Jenny ay ______________.

Susi sa Pagwawasto:
1. D 2. C 3. E 4. A 5. B

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

Ikaapat na Markahan| 99
IV. KASUNDUAN

1. Sa kabanatang “Ang Prayle at ang Pilipino” ihambing ang dalawang


pangunahing tauhan sa isa’t isa batay sa kanilang mga binitawang
pahayag.
2. Humanda sa paglikha ng awtput sa sunod na araw.

Ikaapat na Markahan| 100


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-IVg-h-88)


 Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba
pang katulad na akdang binasa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.5


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
nina Roselyn T. Salum at Cristiana S. Santos
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya: TABLEAU

Hatiin ang klase sa apat. Ang una at ikalawang pangkat ay


magpapakita ng kalagayan ng edukasyon noon ayon sa kanilang
pagkaunawa sa araling tinalakay. Samantalang ang ikatlo at ikaapat na
pangkat naman ang magpapakita ng pagbabago sa sistema ng edukasyon
ngayon.

ANALISIS

. 1. Panghambingin ang una at ikalawang pangkat. Sino ang higit na


nagpakita ng tamang larawan ng kalagayan ng edukasyon noon?
Ipaliwanag.
2. Ang ikatlo at ikaapat na pangkat. Sino ang higit na nagpakita ng
tamang larawan ng kalagayan ng edukasyon noon? Ipaliwanag.

Ikaapat na Markahan| 101


ABSTRAKSYON

Bilang isang mag-aaral, paano nakatulong sa iyo ang mga kaalamang


natamo tungkol sa wastong paggamit ng mga salitang naghahambing?

APLIKASYON

GOAL - Makabuo ng isang paghahambing ng nabuong akda sa iba pang


akdang nabasa sa pamamagitan ng isang sanaysay

ROLE - Isa kang mahusay na manunuri ng mga akdang pampanitikan

AUDIENCE - Mga mamamayan na mahilig magbasa ng mga akdang


pampanitikan

SITUATION - Isa ka sa mga huradong napili upang husgahan ang mga


ginawang akdang pampanitikan ng mga mag-aaral

PRODUCT - Paghahambing ng mga akdang nabuo ng mga mag-aaral.

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Nilalaman ng Sanaysay
B. Kahusayan sa Pagsusuri
C. Kaangkupan sa Akda
D. Kalinisan ng Awtput

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10-9 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
8-7 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
6-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Kilalanin si Padre Florentino.


2. Anong mahalagang papel ang ginampanan niya sa nobela?
3. Ano-anong kultura ang nangibabaw sa pagtalakay sa kanyang
pagkatao?

Ikaapat na Markahan| 102

You might also like