You are on page 1of 16

MODULE 1

PAGPAPALIWANAG
A. Retorika
Ano nga ba ng retorika? at ano ang kaugnayan nito sa gramatika? Ayon sa aklat nina Sandoval, et
al. (2018), tinatawag na retorika ang angking galing sa pagsasalita sa madla. Kabilang din sa
nakasaad ang pagpapakahulugan ni Quintilian, “ang retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita”, at
ayon naman kay Plato, ito ay “the art of winning soul.”
Samakatwid, masasabi nating ang retorika ay ang kakayahan ng isang tao na maipahayag nang
tama at mabisa ang kanyang sarili upang matamo ang layunin na nais niyang makamit sa
pakikipagkomunikasyon.
Pagpili ng Wastong Salita at Wastong Paggamit ng mga Salita
Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin.
Kinakailangang angkop ang salita/mga salita sa kaisipan, sitwasyon at kulturang
sangkot sa pakikipagkomunikasyon. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba.

Mali: Pangit kasi siya kaya wala pang naging kasintahan.


Wasto: Mapili kasi siya kaya wala pang naging kasintahan.
Sa unang halimbawa, masasabing hindi wasto ang ginamit na salitang “pangit” sapagkat
nagdadala na ito ng ibang mensahe na negatibo sa pinag-uusapan. Samantala, ang pangalawang
halimbawa ay maituturing na tama dahil nagpapahiwatig ito ng positibong mensahe sa
pinag-uusapan. Ang paggamit ng salitang mapili ay nagpapahiwatig din ng pagsaalang-alang sa
nararamdaman ng pinag-uusapan o sa kulturang kinabibilangan. Tingnan ang iba pang halimbawa:
Mali: Ganadong lumamon ang mga bisita ngayon.
Wasto: Ganadong kumain ang mga bisita ngayon.
Mapapansin, ang salitang lumamon ay nagbibigay ng negatibong impresyon sa mga bisitang
kumakain habang ang kumain ay nagbibigay ng positibong impresyon sa mismong mga bisita at
nangimbita. Ang mga salitang ito ay may kani-kaniyang tiyak na kahulugan sa konteksto ng pahayag.
Kinakailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang panggramatika upang mabisa
nitong maipaabot ang ideyang nais na makuha. May mga salita kasing inaakala nating magkapareho
ang taglay na kahulugan o kaya naman ay malayang nagkakapalitan ngunit, hindi naman pala. Kung
pagbabatayan ang tuntuning panggramatika ng wikang Filipino, may mga salitang aakalaing
magkapareho ngunit iba ang gamit. Tingnan ang mga sumusunod:
1. Nang at Ng

1.1.a. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang


pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
1
Mag-aral ng mabuti nang makapasa sa eksam.
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.
1.1. b. Ang nang ay nagmula sa na at inangkupan ng ng at inilagay sa pagitan ng
pandiwa at ng panuring nito.
Halimbawa:
Nagpasa si Mark ng proyekto nang maaga.
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
1.1.c. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang
pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Halimbawa:
Kain nang kain.
Laro nang laro.
1.2.a. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nag-aral siya ng leksyon.
Nagtamin siya ng palay.

1.2.b. Ang ng ay ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig


balintiyak.

Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga pasaway na mag-aaral.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa klase.

1.2.c. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang


bagay o katangian.
Halimbawa:
Ang palad ng mga mayayaman ay makikinis.
Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iwan mapait na alaala.
2. Kung at Kong

2.1.a. Ang kung ay pangatnig na panubali at ito ay ginagamit sa hugnayang


pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas ang problema ng bayan kung isasantabi ng mga politiko ang
kanilang pamumulitika.
Kung hindi lang sana tayo nag-away…
2.1.b. Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.

Halimbawa:
Gusto kong yumaman.

2
Ikaw ang tangi kong inaasahan.

3. May at Mayroon

3.1.a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan.


Halimbawa:
May virus na kumakalat ngayon.
Kapag may virus, may anti-virus.

3.1.b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwa.


Halimbawa:
May natanggap na kaming ayuda mula sa gobyerno.
May nagdarasal ngayon sa kani-kanilang tahanan.

3.1.c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri.


Halimbawa:
May bagong Laptop si Mark.
Ang gobyerno ay may magandang plano kontra COVID -19.

3.1.d. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa


kaukulang paari.
Halimbawa:
Bawat tao ay may kani-kaniyang problema sa buhay.
May kani-kanilang tinatrabaho ang aking mga kasama.
3.2.a. Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang
sinusundan nito.
Halimbawa:
Mayroon po akong sasabihin sa inyo ma’am.
Mayroon pa bang hindi nakapasa?
3.2.b. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong.
Halimbawa:
May klase ba tayo? – Mayroon.
May maaasahan ba ako sa kanya? – Mayroon naman po.

3.2.c. Ang mayroon ay ginagamit kung nangangahuluan ng pagka-maykaya sa buhay.


Halimbawa:
Si Mark ay nagpapanggap na mayroon sa aming klase.
Ang kapitbahay ko ang natatanging mayroon sa aming bayan.

4. Subukin at Subukan
4.1.a. Ang subukin ay nangangahulugang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas, o
kakayahan ng isang tao o bagay.
3
Halimbawa:
Subukin mong mag-ehesisyo ng tama upang sumigla ka.
Susubukin ng mga guro ang talino ng mga estudyante.

4.1.b. Ang subukan ay nangangahulugang pagtingin upang malaman ang ginawa ng


isa
o maraming tao.
Halimbawa:
Huwag ninyo akong subukan.
Subukan natin ang isang iyan.
5. Pahirin at Pahiran
5.1.a. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay.
Halimbawa:
Pahirin mo ang mga pumapatak na pawis ng iyong ama.
Pahirin mo ang sarili mong mga luha.
5.1.b. Ang pahiran ay nangangahulugang paglalagay ng isang bagay.
Halimbawa:
Pahiran mo nga ang likod ko ng Vicks.
Pinahiran ni mama ng Nutella ang sandwich na ibabaon ko.

6. Punasin at Punasan
6.1.a. Ang punasin ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal.
Halimbawa:
Punasin mo na ang dumi sa ating mesa.
Punasin natin ang mga alikabok sa loob ng kwarto.

6.1.b. Ang punasan ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na pinagtatanggalan ng


kung ano man.
Halimbawa:
Punasan mo ang iyong mukha.
Punasan mo ang mesa.

7. Operahin at Operahan
7.1.a. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Halimbawa:
Ooperahin bukas ang mga mata ni Mark.
Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?

7.1.b. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.
Halimbawa:
Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na pasyente.
Kasalukuyang inooperahan si Mark.
8. Din at Rin, Daw at Raw

4
8.1.a. Ang mga kataga o inklitik na rin at raw ay ginagamit kung ang sinusundang
salita
ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Si Darwin ay katulad mo ring masipag.
Ikaw rin pala ay nabibilang sa mga magagaling.

8.1.b. Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
Masakit daw ang ulo ni ate.
Magtatanghal din sila sa susunod na barangay.

9. Sila at Sina, Kina at Kila


9.1.a. Ang sila ay panghalip na panao samantalang ang sina ay panandang
pangkayarian sa pangngalan. Karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na
panandang pangkayarian.
Halimbawa:
Mali: Sila Adrian at Mark ay matalik na magkaibigan.
Tama: Sina Adrian at Mark ay matalik na magkaibigan.
Tama: Sila ay matalik na magkaibigan.
9.1.b. Ang kina ay panandang pangkayarian sa pangngalan tulad ng sina. Walang
salitang Kila sa Balarilang Pilipino.
Halimbawa:
Papunta na kami kina Ms. Maganda.
Kina Mark gaganapin ang pagpupulong.

10. Pinto at Pintuan


10.1.a. Ang pinto ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang
ilagay sa pintuan.
10.1.b. Ang pintuan ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan
kapag bumubukas na ang pinto.
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang mga lamok.
Nakaharang sa pintuan ang walis kaya hindi maisara ang pinto.
11. Hagdan at Hagdanan
11.1.a. Ang hagdan ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali.
11.1.b. Ang hagdanan ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang
hagdan nito matapos ang lindol.
5
12. Iwan at Iwanan
12.1.a. Ang iwan ay nangangahulugang huwag isama o dalhin.
12.1.b. Ang iwanan ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwan mo na nga iyan!
Iwan mo na lang ang bag niya sa kotse.
Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghalian.

13. Sundin at Sundan


13.1.a. Ang sundin ay nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.
13.1.b. Ang sundan ay nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa
pinuntahan ng iba.
Halimbawa:
Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang.
Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan.

B. Gramatika ng Wikang Filipino


Ang balarila (bala + dila) ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng
mga sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika.
(www.slideshare.net). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay, at
mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahulugan,
palabigkasan, at pala-ugatan ng mga salita.
Ponolohiya
Ito ang pag-aaral sa pinakamaliit na yunit ng tunog na tinatawag na fonema. Ang fonema ay
isang set ng makabuluhang tunog sa isang wika. Sinasabing makabuluhan ang isang tunog dahil
nababago nito ang kahulugan ng isang salita. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
/pala/ - /bala/
Ang salitang pala ay nagbabago ang kahulugan kung ang tunog na /p/ ay papalitan ng tunog
na /b/. Sa halip na pala ay nagiging bala. Sa pangkalahatan, ang fonema ay nahahati sa dalawa: ang
fonemang segmental at ang fonemang suprasegmental.
Fonemang Segmental
Ito ang tunog na kinakatawan ng isang titik ng ating alpabeto. May tiyak na dami o bilang ng
makabuluhang tunog ang bawat salita ng wika. Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag
nag-iiba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling ito ay alisin o palitan. Ang
salitang bantâ, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /t/ - batá at bansâ
naman kung pinalitan ng /s/. Sa ating pagsulat ng mga salita, ang tunog na bumubuo nito ay
inirerepresenta ng alam na nating mga titik o letra. Nahahati ang fonemang segmental sa dalawa:
ang mga patinig at katinig.
6
Patinig: /a, e, i, o, u/
Katinig: /b, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ŋ, p, r, s, t, v, w, y, z, at ʔ/ GLOTTAL STOP O IMPIT NA
TUNOG /BI.NA.TAʔ/ /BI.NA.TAH/
Ang apat na letrang c, ñ, q, at x ay hindi kasali sa fonemang segmental dahil nagtataglay ang
mga ito nang higit sa isang tunog.
C = /s/ civil sibil
C = /k/ carton karton
Ñ = /ny/ piña pinya
Q = /k/ cheque tseke
Q = /kw/ quarter kwarter
X = /ks/ experiment eksperimento
Fonemang Suprasegmental
Sa pagbigkas ng mga salita, nagiging mas maindayog, mabisa, at nabibigyang-diin kung
nalalapatan ng angkop na emosyon ayon sa konteksto nito. Hindi natin napapansin na sa pagsasalita
ay pumapaloob na ang fonemang suprasegmental. Tumutukoy ito sa mga makahulugang yunit ng
tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra o titik sa pagsulat. Pantulong sa fonemang
segmental ang ponemang suprasegmental. Sa tulong nito ay higit na nagiging mabisa ang ating
paggamit ng mga ponemang segmental. Sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy
ang paraan ng pagbigkas. Mayroong apat na uri ang fonemang suprasegmental: ang tono o
intonasyon, haba, diin, at hinto o antala.
a. Tono o Intonasyon – Ito ay ang taas-baba ng pagbigkas sa pantig ng isang salita. Ang
pagsasalita ng tao ay tulad din ng musika na may tono – may bahaging mababa, katamtaman,
mataas o mataas na mataas ang tono. Pansinin ang inihandang halimbawa:

kas?
1. Bukas? bu

2. Bukas bu
kas

Sa unang halimbawa (a) na bukas? ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong,


samantalang sa (b) bukas ay nagsasaysay ng araw na darating. Hindi ba’t agad na mapapansin
na nag-iiba ang kahulugan dahil sa tono? Sa pasulat na pakikipagtalastasan, ang pagdududa o
pagtatanong ay karaniwang inihuhudyat ng tandang pananong. Masasabi kung gayon, base
sa halimbawa na sadyang makahulugan o ponemiko ang tono bilang suprasegmental.
b. Haba – tumutukoy ito sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
1. Mama.matay (will die) /SA.YAH/
7
2. Mamama.tay (killer) /SAYAH/

Sa unang halimbawa (1), mapapansing mahaba ang pagbigkas ng ponemang /a/ sa


pangalawang pantig kumpara sa ibang patinig sa bawat pantig. Sa kabilang dako, nasa
pangatlong pantig naman mahaba ang pagbigkas ng ponemang /a/ kumpara sa iba. Dulot
nito, nagbabago ngayon ang dalang kahulugan ng parehong salita dahil sa haba ng pantig.
c. Diin – tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig ng isang salita. Mayroong apat na uri ang
diin: (1) malumay, (2) malumí, (3) mabilis, at (4) maragsâ.

Karaniwang pagbigkas ang malumay sa wikang Filipino. Ang malumi ay pagbigkas ng


malumanay na may impit na tunog sa huling pantig at ginagamitan ng tuldik na paiwa (ˋ). Ang
mabilis ay pagbigkas ng mabilis at ginagamitan ng tuldik na pahilis (ˊ). Samantala, ang
maragsa ay mabilis na pagbigkas na may impit na impit na tunog sa huling pantig tulad ng
malumi. Ito ay ginagamitan ng tuldik na pakupya (ˆ). Pansinin ang sumusunod na mga
halimbawa:

Malumay – sáya /SA.yah/ - skirt saya- (skirt)


Malumi – bàta /BA.taʔ/ - child
Mabilis – takbó /takBOH/ - run
Maragsa – dugô /duGOʔ/ - blood
Mula sa halimbawa, mapapansing nagkakaiba sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita ang bawat
isa. Dulot nito nagbabago ngayon ang dala nitong kahulugan. Ang tono, haba at diin ay karaniwang
nagkakasama-sama sa isang pantig sa pagbigkas ng salita.
d. Antala o Hinto – ito ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ihatid sa kausap. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
1. Hindi siya si Mark.
2. Hindi, siya si Mark.
3. Hindi siya, si Mark.

Mula sa halimbawa, agad na mapapansing nagkakaiba ang pahayag ng hatid nitong mensahe
dahil sa kuwit o comma. Ang kuwit ang palatandaan ng saglit na paghinto sa pagsasalita upang
maging malinaw ang ideya na nais tukuyin.

Morpolohiya. Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang


morpema. Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay
ng kahulugan. Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay hindi na maaari pang hatiin
nang hindi nasisira ang kahulugang taglay nito.
Tatlong Anyo ng Morpema
a. Ang morpemang binubuo ng isang ponema. Magkaiba sa kasarian ng tinutukoy sa propesor
at propesora. Ang ponemang /a/ at /o/ ay makabuluhang yunit na nagbibigay ng kahulugang
“kasariang pambabae” ang salitang propesora ay binubuo ng dalawang morpema: [propesor]
at [-a].

8
b. Ang morpemang binubuo ng panlapi. Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya’t
bawat isa ay isang morpema. Halimbawa ang kahoy, kung lalapian ng ma- ay magiging
makahoy. Nangangahulugan na ito ngayon na maraming kahoy kaiba sa kahulugan ng salitang
kahoy na wala pang panlapi. Ang mga panlapi ay tinatawag ding di-malayang mga morpema
sapagkat laging inilalapi sa ibang morpema. maganda ma-/ ganda bumasa -um-/ basa
lutuan -an/ luto paaralan= aral/ pa- + -an
c. Ang morpemang binubuo ng salitang-ugat. Ito ang mga salitang payak, mga salitang walang
panlapi. Halimbawa ang kahoy, ganda, likas, diwa, atbp.

Mga Pagbabagong Morpoponemiko


Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang
maaaring makaimpluwensya upang makabago sa anyo ng morpema.
a. Asimilasyon – sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ o [pang] dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito. May dalawang uri ng asimilasyon: (a) asimilasyong
parsyal at (b) asimilasyong ganap.
Ang asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa
/ŋ/ sa impluwensya ng kasunod na tunog. Ang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/.
Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ at ito ay ikinabit sa salitang-ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /ŋ/. Pansinin ang halimbawa:
[pang-] + paaralan = pampaaralan asimilasyong di-ganap aral/ pang- + -an
[pang-] + bahay = pambahay
Ang huling ponemang /ŋ/ ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay
alinman sa sumusunod na ponema /d, l, r, s, t/. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
[pang-] + dikdik = pandikdik
[pang-] + taksi =pantaksi
Sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap ng ponemang /ŋ/
nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o
napapaloob na sa sinusundang ponema. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
[pang-] + palo = pampalo pamalo
[pang-] + tali = pantali panali
[pang-] + kuha = pangkuha panguha
b. Pagpapalit ng Ponema – may mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga
salita. Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit o paglilipat ng
diin. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:

ma- + dapat marapat


ma- + dunong marunong

9
c. Metatesis – kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in-], ang /l/
o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
-in- + lipad nilipad
-in- + yaya niyaya
May mga salitang ding nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit
ng pusisyon ng dalawang ponema. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
atip + -an = atipan aptan
tanim + -an = taniman tamnan
d. Pagkakaltas ng Ponema – nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig
ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi ditto. Pansinin ag sumusunod na halimbawa:
takip + -an = takipan takpan
sara + -an = sarahan sarhan
e. Paglilipat-diin – may mga salitang nagbabago ang diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng
isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantid o maaaring malipat ng isang pantig
patungong unahan ng salita. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Ka- + sama + -han = kasamahán
Larô + -an = laruán

Mga Bahagi ng Pananalita


Sa Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos ay inuuri sa sampu ang mga bahagi ng
pananalita ang wikang Filipino. Ang mga ito ay ang sumusunod:
A. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)
1. Mga Pangngalan – pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook,
pangyayari, atb. Ito ang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atb. Ang mga
pangngalan ay maaaring (1) pangngalang pantangi o (2) pangngalang pambalana. Pantangi
ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Pambalana ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
Pantangi – Mark, Muning, Mongol, Bagiuo, atbp.
Pambalana – tao, pusa, lapis, lungsod, ilog, atbp.
2. Panghalip – ito ang salita o katagang panghalili sa pangngalan. Ilan sa mga ito ang ikaw, ako,
tayo, sila, kayo atb. pansinin ang sumusunod na halimbawang pangungusap:
“Si Manuel L. Quezon ang kinikilalang ama ng Wikang Pambansa.”
Ang pangngalang Manuel L. Quezon ay maaaring palitan ng panghalip na salitang
siya. Ganito ang magiging pangungusap:
“Siya ang kinikilalang ama ng Wikang Pambansa.
3. Pandiwa – ito ang salitang nagpapakilos o nagsasaad ng kilos o galaw.
10
A. Aspekto ng pandiwa – nagsasaad kung naganap na ang kilos o hindi pa, at kung
nasimulan na o kung natapos nang gawin o ipinagpapatuloy pa.
(www.Tagaloglang.com)
Ang apat na aspekto ng pandiwa ay perpektibo o pangnakaraan, imperpektibo o
pangkasalukuyan, kontemplatibo o panghinaharap at katatapos.
1. Perpektibo – para sa kilos na nasimulan at natapos na.
Halimbawa: Nag-aral
2. Imperpektibo – para sa kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.
Halimbawa: Nag-aaral
3. Katatapos – para sa kilos na katatapos pa lamang gawin
Halimbawa: kaaaral
4. Komtemplatibo – para sa kilos na hindi pa isinasagawa at balak pa lang
isakatuparan.
Halimbawa: Mag-aaral

B. Kaganapan ng pandiwa – ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay


ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung
babaguhin ang pokus ng pandiwa. May pitong uri ng kaganapan ng pandiwa:

1. Kaganapang tagaganap
2. Kaganapang layon
3. Kaganapang tagatanggap
4. Kaganapang ganapan
5. Kaganapang kagamitan
6. Kaganapang sanhi
7. Kaganapang direksyunal

Ang mga kaganapang tagaganap at kaganapang layon ay naipahahayag sa


pamamagitan ng pariralang ng. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
(1) Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. (kaganapang tagaganap)
(2) Kumain ang bata ng suman at manggang hinog. (kaganapang layon)

Ang iba pang mga kaganapan ay naipahahayag sa pamamagitan ng pariralang sa o


para sa. Pansinin ang sumusunod:
(3) Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. (kaganapang
tagatanggap)
(4) Nagtanim ng gulay sa bakuran ang aming katulong. (kaganapang ganapan)
(5) Pinunasan ko ang mga kasangkapan sa pamamagitan ng basahang malinis.
(kaganapang kagamitan)
(6) Nagkasakit siya dahil sa labis na paghitit ng opyo. (kaganapang sanhi)
(7) Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa “Peace Corps”.
(kaganapang direksyunal)
11
C. Mga Pokus ng Pandiwa – ang tawag relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa. Nagkakaroon ng iba’t ibang pokus ng pandiwa ayon sa kung ano ang
kaganapan ng pandiwa sa pusisyong pampaksa o pansimuno ng pangungusap.
Halimbawa, kapag ang kaganapang tagaganap ay ginawang paksa o simuno, ang
pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap. Pansinin ang sumusunod na halimbaw:

(1) Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang unang anibersaryo ng kanijlang


samahan.

Ang pariralang ng mga kabataan ay maaaring gawing paksa o simuno, kaya’t


ganito ang magiging pangungusap:
a. Nagdiwang ng unang anibersaryo ng kanilang samahan ang mga kabataan.
o kaya’y
b. Nagdiwang ang mga kabataan ng unang anibersaryo ng kanilang samahan.
O kaya
c. Ang mga kabataan ay nagdiwang ng unang anibersaryo ng kanilang
samahan.
Sa mga pangungusap na halimbawa, ang pandiwang nagdiwang ay nasa pukos
sa tagaganap. Kaya’t batay sa pitong kaganapan ng pandiwa, mayroon tayong pito ring pokus
ng pandiwa.
1. Pokus sa tagaganap
2. Pokus sa layon
3. Pokus sa tagatanggap
4. Pokus sa ganapan
5. Pokus sa kagamitan
6. Pokus sa sanhi
7. Pokus sa direksyunal

Bumuo tayo ng mga pormularyo upang higit na maging malinaw ang mga
transpormasyong nagaganap. Iminumungkahi ang mga sumusunod:
1) Pokus tagaganap ˃ panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa +
paksa
Halimbawa:
Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
ay magiging
Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.
(Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog)
2) Kaganapang layon ˃ panaguring nasa pokus sa layon ang pandiwa + paksa
Halimbawa:
Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.
ay magiging
12
Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.
(Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.)

3) Pokus tagatanggap ˃ panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa


+ paksa

Halimbawa:
Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan.
ay magiging
Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.

(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)

4) Kaganapang ganapan ˃ panaguring nasa pokus sa ganapan ang pandiwa +


paksa

Halimbawa:
Nagtanim ng gulay sa bakuran ang aming katulong.
ay magiging
Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.

(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.)

5) Kaganapang kagamitan ˃ panaguring nasa pokus sa kagamitan ang


pandiwa + paksa
Halimbawa:
Pinunasan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan) ng
basahang malinis.
ay magiging
Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang malinis.
(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan)
6) Kaganapang sanhi ˃ panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
Nagkasakit siya dahil sa labis na paghitit ng opyo.
ay magiging
Ipinagkasakit niya ang labis na paghitit ng opyo.

(Ang labis na paghitit ng opyo ay ipinagkasakit niya


7) Kaganapang direksyunal ˃ panaguring nasa pokus sa direksyunal ang
pandiwa + paksa

Halimbawa:
Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa
Peace Corps.
ay magiging

13
Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace
Corps ang Tagaytay.

(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing


kabilang sa Peace Corps.)

4. Pang-uri – ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan, atbp. na
tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap. Pansinin ang
sumusunod na halimbawa:
“Mararangal na tao ang pinagpapala”. Ang salitang marangal
ang siyang pang-uri.

5. Pang-abay – ang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o sa iba pang pang-abay. Makikilala


ito dahil sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri, o isa pang pang-abay na bumubuo sa
parirala. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:

“Malayang namumuhay ang mga mamamayan”. Ang malaya ay


pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwang namumuhay.

B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

1. Pantukoy – lagi itong nagunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o


kaganapang pansimuno, o pamuno sa alinman sa dalawa. Ang mga pantukoy, samakatwid, ay
pananda ng pangngalan o panghalip. May dalawang uri ng pantukoy: (1) pantukoy sa
pantanging pangngalan ng tao at (2) pantukoy sa iba pang uri ng pangngalan. Si at sina ang
mga pantukoy sa pantanging ngalan ng tao. Ang at ang mga ang mga pantukoy sa
pangngalang pambalana at pangngalang pantangi ng pook o bagay.

2. Pangatnig – ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsusunod-sunod ng pangungusap. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
“Ang pagsugpo sa bisyo at kremin ay puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas”.
(Ang at ay pangatnig na nag-uugnay sa mga salitang bisyo at kremin.)

3. Pang-ukol – ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita sa pangungusap. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
“Malapit nang matapos ang mahabang haywey sa Gitnang Luzon”.
(Ang sa ay pang-ukol na nag-uugnay sa pangngalang Gitnang Luzon sa pangngalang
haywey.)
4. Pang-angkop – mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Wala itong
taglay na kahulugan at nagpapaganda lamang ito ng mga pariralang pinaggagamitan.
Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
“Ang magandang talon…”
(Ang –ng sa salitang-ugat na maganda ay nag-uugnay sa pangngalang
binibigyang-turing, ang pangngalang talon.)
14
Sintaks
Base sa Wikipedia, ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang sangkap ng
balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayos-ayos ng mga salita sa
pagbuo ng mga parirala at pangungusap. Ito ay tamang kombinasyon ng mga
salita sa pagbuo ng mga pangungusap. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika.
Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.
Amerika tumira si Ramon nang matagal sina nang.
Bagama’t magkakaiba ang una at pangalawa sa ayos ng mga morpema, magkakapareho
naman sila sa puntong gusto nilang bigyan ng diin. Hindi gramatikal na korek ang ikatlo kahit pa
binubuo ng mga morpemang pareho sa unang dalawang pahayag. Tandaan: Kahit sunod-sunod na
morpema/salita ang pangungusap, hindi pangungusap ang lahat ng mga sunod-sunod na mga
morpema. (www.slideshare.net/mobile/sheilaMaeGutierrez)
MAGANDA SI ANGEL MAE. KARANIWAN
SI ANGEL MAE AY MAGANDA. DI-KARANIWANG/KABALIGTARAN
P

P S

PnG-U PT PNG

Maganda si Angel Mae.

Semantika
Lumipad ang kalabaw.
Denotasyon at Konotasyon
Napakahalaga sa pag-unawa ng isang pahayag ang tamang interpretasyon o
pagbibigay-kahulugan. Ang aktwal na kahulugan o kahulugang pandiksyunaryo ay tinatawag na
15
denotasyon. Samantala, kahulugang ipinahihiwatig ang konotasyon. Ito ay ayon sa pagkakagamit at
pagkakaugnay ng ibang salita. Pansinin ang sumusunod na halimbawa:
Butas ang bulsa:
Denotasyon na kahulugan – may butas ang bulsa.
Konotasyon na kahulugan – wala nang pera ang bulsa o walang-wala na
talagang pera.

16

You might also like