You are on page 1of 3

Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino VIII

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino VIII, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang katangian at pagkakaiba ng awit at korido.
b. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa binasang
teksto.
c. Nagagamit ang matatalinghagang pahayag sa pagbuo ng isang awit o
korido.

II. Paksan Aralin: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura


Sanggunian: Filipino 8: Punla p.256, p.259 - p. 261
Kagamitan: Laptop, slide deck, mga larawan, bidyo, at Google
Meet
Pagpapahalaga: Naisasaisip ang kariktan nang paggamit ng mga
matatalinghagang-pahayag sa isang akdang pampanitikan.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Pagpapaalala sa mga online etiquette.
4. Balik-aral

B. Paglalahad
1. Pagganyak
Jumbled Words. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang salitang nakagulo.
Basahin muna ang kahulugan bago sabihin ang kasagutan.
Mga salita:
1. Awit
2. Korido
3. Florante at Laura
4. Francisco Balagtas
5. Juana Tiambeng

2. Pagtalakay
Ipalalabas ang ginawang slide presentation at tatalakayin ang mga
katangian at kahulugan ng awit at korido. Gagamiting halimawa ang
Florante at Laura at ang Ibong Adarna upang lubos na maunawaan
ang dalawang kaisipan. Bibigyang-diin din ang mga impormasyon
tungkol kay Francisco “Balagtas” Baltazar at sa akda nitong Florante at
Laura.

3. Pagpapalawak ng Kaalaman
PARINIG NG AWIT MO
Bumuo ng isang saknong na may apat na taludtod at lalabing-dalawang
pantig. Gumamit ng mga matatalinghagang pahayag sa pagbuo nito.

PAMANTAYAN PUNTOS
Orihinalidad 5
Nilalaman/Kabatiran 5
Wastong Pantig ng isang Awit 5
Tugmaan 5
Kabuuan 20

4. Paglalahat
Muling babalikan ang mga tinalakay simula sa katangian ng awit at
korido at buod ng tekstong tinalakay.

IV. Pagtataya
Quizziz. Mula sa isinagawang aktibidad at tinalakay na aralin. Basahin
nang mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang may-akda ng bantog na tulang pasalaysay na Florante at
Laura.
a. Jose Dela Cruz
b. Catherine Olivar
c. Francisco Baltazar
d. Jose Corazon De Jesus
2. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng akdang patula na ____.
a. awit
b. korido
c. epiko
d. alamat
3. Ilan ang kabuuang saknong mayroon ang awit na Florante at Laura?
a. 199
b. 299
c. 399
d. 499
4. Ilang pantig sa bawat taludtod at ilang taludtod sa isang saknong
mayroon ang awit?
a. 12 pantig, 4 taludtod
b. 8 pantig, 5 taludtod
c. 14 pantig, 14 taludtod
d. 12 pantig, 5 taludtod
5. Ilang pantig sa bawat taludtod at ilang taludtod sa isang saknong
mayroon ang korido?
a. 12 pantig, 4 taludtod
b. 8 pantig, 5 taludtod
c. 14 pantig, 14 taludtod
d. 12 pantig, 5 taludtod

V. Takdang-Aralin
Sagutan ang anim (6) na katanungan sa PAG-AANI na makikita sa
pahina 262. Isulat sa isang malinis na papel o kaya ay direktang i-chat
na sa akin sa Messenger ang inyong kasagutan. (SAGOT LAMANG ANG
ISUSULAT)

Grade 8 - Daniel
May 2, 2022 (Monday, 1:50pm – 2:50pm)

You might also like