You are on page 1of 3

Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino VIII

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino VIII, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang kahulugan ng social awareness campaign o kamalayang
panlipunan.
b. Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng social awareness
campaign.
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng social awareness campaign sa
bansa sa pamamagitan ng pagsasaliksik.
.
II. Paksan Aralin: Social Awareness – Kampanyang Panlipunan
Sanggunian: Filipino 8: Punla p.243 – p.244
Kagamitan: Laptop, slide deck, mga larawan, at Google
Meet
Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng kamalayan sa
lipunan.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Pagpapaalala sa mga online etiquette.

B. Paglalahad
1. Pagganyak
Quizizz. Magsasagawa ng maikling pagsusulit tungkol sa mga pinag-
aralan noong nakaraang aralin.

2. Pagtalakay
Ipalalabas ang ginawang slide presentation at tatalakayin ang teskto
sa Aralin 6: Kamulatan ng libro. Ipaliliwanag ang kahulugan ng social
awareness campaign o kampanyang panlipunan at magpapakita ng
mga larawan o halimbawa ng kampanyang panlipunan.

Tatalakayin ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng social


awareness campaign.

1. Pumili ng paksa
2. Alamin ang target audience ng kampanya
3. Magsaliksik ng mga impormasyon
4. Istratehiya o pamamaraan
5. Pagpaplano

3. Pagpapalawak ng Kaalaman
Papangkatin sa dalawang grupo ang klase at ang bawat pangkat ay
bubuo ng isang social awareness campaign sa pamamagitan ng
paggawa ng slogan. Pagkatapos ay ipakikita at ipaliliwanag ito sa klase.

Pamantayan sa paggawa ng slogan


Orihinalidad
30%
Pagkamalikhain
20%
Kabatiran o 30%
mensahe
Linis ng
presentasyon 20%
Kabuuan
100%

4. Paglalahat
Sasabihin ang kahulugan ng social awareness campaign at ang
kahalagahan nito.

IV. Pagtataya
Ipasasagot ang mga Gawain sa Pagbibinhi at Pagpupunla sa pahina 244
hanggang pahina 245.

V. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng tatlong halimbawa ng social awareness campaign na
makikita o nakatutok lamang sa bansa. Ipasa ito sa Messenger kasama
ang link o batis ng impormasyon.

Grade 8 - Daniel
March 28, 2022 (Monday, 1:50pm – 2:50pm)

You might also like