You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KIDAPAWAN CITY CAMPUS


Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

MASUSING BANGHAY-ARALIN
Paaralan KCNHS Baitang 9- Sapphire, Emerald (STE)
Pangalan Paul Justine L. Padernilla Asignatura FILIPINO
Petsa/Oras Pebrero 22, 2024 Markahan Ikatlong Markahan

I – LAYUNIN
A. Pamantayang B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Nagagamit ang mga angkop na
Naipamamalas ng mag-aaral Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano. pang-uri na nagpapasidhi ng
ng pag-unawa at damdamin. (F9WG-IIIb-c-53)
pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng
kanlurang Asya.
D. Tiyak na layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin. (F9WG-IIIb-c-53)
II – NILALAMAN Pagpapasidhi ng damdamin, Pagkiklino
III – KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Pahina na gabay ng guro:_______ 2. Pahina sa kagamitang pang-mag-aaral :_______3. Pahina sa Teksbuk: ______ 4. Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resources: ______
A. Iba pang kagamitang
panturo
IV – PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
ELICIT
A. Balik-aral sa nakaraang Panalangin Amen.
aralin at pagsisimula ng Pagbati Magandang umaga po, Sir Paul…
bagong aralin Pagtala ng lumiban sa klase Wala pong lumiban sa klase
Paglalahad ng pamantayan sa klase
 Tumayo kapag tinawag ng guro
 Umupo nang maayos at bawasan ang pag-iingay
 Lawakan ang pag-iisip o pag-unawa
 Aktibong pakikilahok ay panatilihin Maraming salamat at sana ay
Pagpasa/ pagwawasto ng Takdang-aralin magawa ninyong sundin ang ating
pamatayan.
Pagbabalik-aral

ENGAGE Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng


B. Paghahabi sa layunin ng damdamin. (ipapabasa sa mga mag-aaral)
aralin
EXPLORE (PAGGANYAK) AYON SA SARBEY…
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Panuto: Ibigay ang mga kasingkahulugan ng mga salita na
ipapakita. (Ang proseso ng gawaing ito ay katulad ng sa TV
Show na Family Feud)

Mula sa isangdaang respondenteng kinapanayam narito ang


kanilang naging sagot.

1. Galit

SUKLAM 55

MUHI 30
POOT 15
2. Nababahala

NANGANGAM BA 45

NATATAKOT 42
K IN A K A B A H A N 13
3. Magsalita

S IG A W 62

H IY A W 27

BULONG 11
EXPLAIN (GAWAIN) PANGKATANG GAWAIN: IHANAY MO KAMI!
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Panuto: Ihanay ang mga salitang nasa loob ng kahon batay sa
bagong kasanayan #1 kanilang kahulugan. Tamang sagot:

Ganid Pagmamahal Galit Poot Pagmamahal Ganid


Inis Asar Pagsinta Galit Pagliyag Gahaman
Pagliyag Gahaman Sakim Asar Pagsinta Sakim
Paghanga Damot Poot Inis Paghanga Damot

Pagtalakay:

PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay-


turing sa mga pangngalan o panghalip. Ito rin ay naglalarawan
tungkol sa saloobin o emosyon ng isang tao.

Ang pagpapasidhi ng damdamin ay isang uri ng


pagpapahayag ng saloobin o emosyon sa paraang papataas
ng antas nito. Ginagamit ang mga pang-uri o mga salitang
naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pagpapasidhi ng
damdamin. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng
mga salitang may ugnayang magkatulad.

Ang pagkiklino (clining) ay ang pagsasaayos ng mga


salitang ayon sa antas o tindi ng kahulugan ng salita. Hindi
lahat ng mga salitang magkasingkahulugan ay pareho ang ibig
sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang mga gamit ng mga ito
bagaman iisa ang malawak na kahulugan ngunit magkaiba
naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ang digri o
tindi ng nais iparating nito lalo na kung ito ay gagamitin sa
pangungusap.

Halimbawa:

4. pagmamahal
3. pagliyag
2. pagsinta
1. paghanga

4.galit
3.poot
2.asar
1.inis
E. Pagtalakay ng bagong Paggamit sa pangungusap:
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 1. Inis
Naiinis ako sa sarili ko dahil nakalimutan kong gawin ang
aking takdang-aralin.
2. Asar
Ang batang inasar ng kaniyang kaklase ay umuwi nang
umiiyak.
3. Galit
Kung magsisinungaling ka sa akin, malamang ako ay
magagalit.
4. Poot
Nagdilim ang kaniyang paningin dulot ng poot sa
kaibigang umagaw sa kaniyang hinahangaan.

ELABORATE (ANALYSIS) Isa, dalawa, tatlo, iantas mo!


F. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na
(Tungo sa Formative mga salita batay sa sidhi ng kahulugan nito. Ang 3 para sa
Assessment ) pinakamasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 sa di-masidhi.

__pagkamuhi __nasisiyahan __pangamba


__pagkasuklam __natutuwa __kaba
__pagkagalit __masaya __takot

__suklam __sigaw
__yamot __bulong
__inis __hiyaw

G. (PAGLALAPAT)
Paglalapat ng aralin sa pang- ATING SAGUTIN!
araw-araw na buhay  Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng kaalaman sa
pagpapasidhi ng damdamin? Mahalaga po ang magkaroon ng
kaalaman patungkol sa
pagpapasidhi ng damdamin upang
may magamit kami sa pang-araw-
araw na sitwasyon. Sa tulong nito
ay magkakaroon kami ng ideya
patungkol sa emosyong
nararamdaman namin at ng kapwa
tao.
 Paano nakatutulong ang antas ng kasidhian ng damdamin
sa pagsusulat ng mga akdang pampanitikan katulad ng
tula? Napalulutang nito ang nais
ipadamang emosyon at
nakatutulong upang mapukaw ang
interes ng mga mambabasa,
manonood o tagapakinig. Nagiging
makulay ang isang akda kung ito ay
nalalapatan nang wastong mga
damdamin at pahayag.
H. (PAGLALAHAT) I-recap mo!
Paglalahat ng Aralin
Ano ang ating tinalakay sa araw na ito? Tinalakay po natin ang pang-uri at
pagpapasidhi ng damdamin.

Ano ang pagpapasidhi ng damdamin? Ito po ay ang pagpapahayag ng


saloobin o emosyon sa paraang
papataas na antas o tindi ng salita.

Sige, ano naman ang pagkiklino? Ito po ang tawag sa pagsasaayos


ng mga salita ayon sa antas o tindi
ng kahulugan ng salita.
EVALUATE Gamit-Salita
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang angkop na pang-uring
may pinakamasidhing damdamin sa loob ng panaklong.

1. Pagpapasidhi ng salitang “gutom”


(nagugutom, hayok na hayok, kumakalam ang sikmura)

Pangungusap:_______________________________________

2. Pagpapasidhi ng salitang “mayaman”


(masagana, mariwasa, mayaman)

Pangungusap:_______________________________________

3. Pagpapasidhi ng salitang “mahal”


(crush kita, mahal kita, sinasamba kita)

Pangungusap:_______________________________________

4. Pagpapasidhi ng salitang “takot”


(nangangatal, nanginginig, ninenerbiyos)

Pangungusap:_______________________________________

5. Pagpapasidhi ng salitang “galos”


(daplis, hiwa, saksak)

Pangungusap:_______________________________________
EXTEND (ASSIGNMENT)
J. Karagdagang gawain para Magsaliksik patungkol sa mga uri ng tunggalian (tao vs tao, at
sa takdang-aralin at tao vs sarili)
remediation
K. MGA TALA

VI – PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na B. Bilang ng mag-aaral na C. Nakatulong ba ang remedial? D. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya: nangangailangan ng iba pang Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:
________ gawain para sa remediation: nakaunawa sa aralin: ______ _________
_______
E. Which of my Teaching strategy/ies worked well? Why did these work?
F. What difficulties did I encounter with my principal or superior can help me solve?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

PAUL JUSTINE L. PADERNILLA RAPHY V. ABANG, MAEd, MALT


Nagpakitang-turo Gurong Tagapatnubay
Petsa: Petsa:

You might also like