You are on page 1of 28

Gabay natin, ating sundin...

Tumayo kapag tinawag ng guro.


Umupo nang maayos at bawasan ang
pag-iingay.
Lawakan ang pag-iisip at pag-unawa.
Aktibong pakikilahok ay panatilihin.
HANAP- SALITA
A O B E H O E T W S
C D A L I T A R A O
N E A R K H A R S I
O H P H A G O A L T
H P A A Y A U D I I
I L G E A T J A R N
M I K I T I N D I G
I A U I K N B S K I
G A M M A I A R O N
R X P Q W G O W I L
S P A G B I G K A S
T M S O A E W X N I
O S A E L E H I Y A
Layunin:
Nabibigyang-puna ang
nakitang paraan ng
pagbigkas ng elehiya o
awit.
HANAPIN MO ANG KAPARES KO!
HANAPIN MO ANG KAPARES KO!
Dalit vs Elehiya
Dalit- ito ay pagpupuri,
lumuwalhati, kaligayahan,
pasasalamat at pagpaparangal
sa Diyos.
Elehiya- paggunita sa alaala ng
mahal sa buhay na namayapa
na.
Ang elehiya at dalit ay
parehong uri ng tulang liriko na
nagpapahayag ng damdamin ng
makata kung saan direktang
sinasabi ng makata sa
mambabasa ang kaniyang
sariling damdamin, iniisip, at
pananaw.
1. Hikayat
Malakas ang hikayat o dating sa mga
manonood kung nagagawa niyang
patawanin o paiyakin ang mga
tagapakinig o manonood.
2. Tindig
Impresyong ibinibigay ng bumibigkas
sa kanyang mga tagapakinig. Sa tayo o
tikas pa lamang ng katawan ay
makikita na ang husay ng isang
manunula. Ang bigat ng katawan ay
dapat nasa dalawang paa.
3. Tinig
Ito ay kalidad ng boses. Dapat buo,
swabe, at maganda ang dating sa
nakikinig. Nakabatay sa diwa ng tula ang
maaaring maging tinig ng manunula.
Maaaring pabulong o pahiyaw.
4. Tingin
Pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa
mga manonood o tagapakinig.
Tinitingnan din ang pagkislap ng mata
na nagpapakita ng katapatan ng
bumibigkas.
5. Himig
Sa pagbigkas ng tula, dapat iwasan
ang mistulang ibong umaawit.
Kinakailangan na ang himig ng
manunula ay kahali-halina sa pandinig.
6. Pagbigkas
Ito ay ang paggamit ng wastong diin
sa pagbigkas. Malinaw ang
pagsasalita at gumagamit ng wastong
pagputol.
7. Pagkumpas
Sa bawat kumpas ng kamay ay
dapat may layunin at kinakailangang
damhin ang nais ipahayag ng tula.
Ang paraan ng pagkilos at paggalaw
ng tumutula mula sa paghakbang
pauna, pakaliwa o pakanan man.
Kasama rin ang paggalaw ng ulo kung
sumasang-ayon; pag-iling kung ito ay
may pagtutol.
Rubriks sa Pagbigkas ng Tula
Unang pangkat
Ikalawang pangkat
Ikatlong pangkat
Ikaapat na pangkat
Pagnilayan...
ü Bilang mag-aaral, bakit mahalagang
matutuhan ang iba’t ibang paraan sa
pagbigkas ng tula?
ü Sa iyong palagay, magiging maganda ba
ang kalalabasan ng iyong presentasyon
kapag nagamit o naisagawa mo nang
maayos ang mga mungkahing paraan sa
pagbigkas ng tula? Ipaliwanag.
Punahin mo!

Pamagat ng napanood na elehiya o awit


Pamantayan Puna
Hikayat
Tinig
Pagbigkas
Himig
Rubriks sa pagbibigay ng iskor
Kasunduan

You might also like