You are on page 1of 3

Division of Marinduque

District of Santa Cruz East


Lapu-Lapu

ALS Session Guide


I.MGA LAYUNIN
a. Nabibigyang kahulugan kung ano ang pang-uring panlarawan at
pamilang.
b. Nakatutukoy ng mga ginamit na mga pang-uring panlarawan at
pamilang ang inilalarawan sa pangungusap.
c. Nakapupuno ng pang-uring panlarawan at pamilang na bubuo sa
diwa ng pangungusap.
II. PAKSA
A. Aralin 1 : Pang-uring Panlarawan at Pamilang
B. Kagamitan: Mga larawan, manila paper, pentelpen, module.
III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagganyak
-Bumuo ng dalawang pangkat..(Bawat pangkat ay mabilisang
magbubuo ng mga larawan at ididikit sa manila paper. Kung sinong grupo
ang mauuna ay tatanghaling panalo.
Pangkat-I (Larawan ng bata) Pangkat-II (Larawan ng pagkain)
(Ang mabubuong larawan ng dalawang pangkat ay ipapakita sa klase.)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagkatapos ng unang gawain ay ilalahad ng guro ang leksiyon tungkol
sa pang-uring panlarawan at pamilang.
Magbibigay ang guro ng isang larawan na ipatutukoy ang mga
katangian nito:
Hal. Candy
-Itoy matamis
-hugis bilohaba
-kulay pula

2. Pagtatalakayan

(Pagbibigay sa mga mag-aaral ng kahulugan at halimbawa ng panguring panlarawan at pamilang.)


Hal. 1. Mayroon akong matamis na ubas.
2. Masipag ang bata kong kasama.
-Ang salitang may mga salungguhit ay naglalarawan sa ubas na
tinatawag na pang-uring panlarawan.
Hal. 1. Silang lima ang magkakaibigan.
2. Kayong dalawa ang pupunta sa Maynila.
Ang salitang may mga salungguhit ay naglalarawan na tinatawag
na pang-uring pamilang.
(Tatawag ng iilang mag-aaral na magbibigay ng kanilang
halimbawa ng pang-uring pamilang at panlarawan)
Paglalahat
Ano-ano ang pang-uring panlarawan at pamilang?( Ipasulat at ipabasa
ang mga ideya .)
4. Pagpapahalaga
Maipaliwanag ang kahulugan ng pang-uring panlarawan at pamilang sa
pamamagitan ng pakikinig sa naturang aralin.
5. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
-papangkatin ng guro ng tigtatatlo ang klase.
-bawat pangkat ay mamimili ng isang tagapagsulat at taga pag-ulat.
-Gamit ang manila paper, gagawa ang pangkat ng tigtatatlong
pangungusap. Salungguhitan ang mga pang-uring panlarawan at panguring pamilang at bilugan ang salitang inilalarawan sa loob ng 5
minuto.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Punan ang pang-uring panlarawan at pamilang na bubuo


sa diwa ng pangugusap.
1.Ang_________ mangga ay paborito ko.
2.Si Ana_________kayat siya ay nagging SK Chairman.
3. Ang babae ay nakasuot ng ________ saya.
4. Kumain ako ng _________ saging.
5. _______ kaming magkakaibigan.
V. KARAGDAGANG GAWAIN
Sumulat ng 5 halimbawa ng pang-uring pamilang at panlarawan.

Inihanda ni:
JOANNE R. CONSTANTINO
Mobile Teacher

You might also like