You are on page 1of 9

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga

HINDI IPINAGBIBILI
1

6
FILIPINO Kuwarter 1
Linggo 3(MELC5)

Capsulized Self -Learning


Empowerment Toolk it

ASIGNATURA FILIPINO 6 KUWARTER 1 LINGGO ARAW


2

AT BAITANG
___________________________

PETSA

CODE F6PN-Ij-28
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Nabibigyang kahulugan ang sawikain.

PANGKALAHATANG PANUTO : Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong
sagot sa inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang sawikain.
Paksa: Sawikain.
Lunsaran

Basahin ang talata.

Ilaw ng Tahanan

Ang mga ina ay itinuturing na ilaw ng tahanan . Siya ang


nagsisilbing liwanag at gabay ng buong mag-anak upang maging
maayos ang buhay ng bawat kasapi ng pamilya. Walang ibang
hinahangad kung hindi ang magkaroon ng magandang kinabukasan ang
kanilang mga anak. Laging bukas-palad sa lahat ng pangangailangan ng
buong mag -anak, hindi baleng laging salat at butas ang bulsa , may
pagkain at malusog lamang ang buong pamilya. Iyan ang laging
panalangin ng isang ina.
Laging matatag at kailanman ay hindi bahag ang buntot sa lahat
ng suliranin at unos sa buhay. Taglay nito ang mabuting kalooban kaya’t
maituturing na isa sa nilalang sa mundo na may busilak na puso.

Pagtatasa ng Pagkatuto 1: Ano-ano ang mga salitang nakasalungguhit?


Pagtatasa ng Pagkatuto 2: Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit?Ibigay
ang kahulugan ng bawat sawikain base sa pahayag nito sa
loob ng talata.
3

Sanayin Natin!

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Gawain 1
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit. Itiman ang katumbas na
bilog ng tamang sagot.

1. Magaling ang aming ilaw ng tahanan sa pagluluto.


A.Ina C. tagaluto
B.Ama D. kapatid

2. Laging bukas-palad sa lahat ng pangangailangan ng buong mag-anak.

A. masipag C. mapagkumbaba B. maalalahanin


D. matulungin

3. Hindi baleng laging salat at butas ang bulsa, may pagkain at malusog lamang
ang buong pamilya.

A. walang pera C. walang tahi


B. kulang sa pagkain D. walang panggastos

4. Hindi bahag ang buntot sa lahat ng suliranin at unos sa buhay.

A. duwag C. matapang
B. maliksi D. malungkot

5. Maituturing na isa sa magandang nilalang sa mundo ang may busilak na puso.

A. malinis na kalooban C. malambot na puso


B. panatag na saloobin D. masamang kalooban

Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.

A. kalimutan D. magnanakaw
B. masamang asal E. mayasang-masaya
C. nagbibingi-bingihan

B C D E 1. Abot-langit ang tuwa ni Maria kahapon dahil nakapasa siya sa A

kanilang pagsusulit.

B C D E 2. Parating nawawalan ng pera ang mga kaklase ni Nilo.May


A

malikot ang kamay sa loob ng kanilang silid-aralan.

B C D E 3. Taingang-kawali na lamang siya sa mga paghahamak ng


A
kanyang mga kamag-aral. Hindi na lamang
niya pinansin ang ito.
4

B C D E 4. Ang mga taong may maitim na budhi ay laging nagbabalak ng


A
kasamaan para sa kapuwa.

B C D E 5. Sana’y huwag na nating alalahanin ang masasamang nangyari.


A
ating ibaon sa limot
ang alaala ng nakaraan.

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

• Ang sawikain ay kasabihan o kawikaan na may dalang aral na maaaring


tumukoy sa isang idyoma. Ang sawikain ay tinatawag din na idyoma. Ito'y salita
o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang
kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na
nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang
malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag
sa isang bagay at ginagawang matatalinghaga ang pahayag.
• Iba pang halimbawa:

SAWIKAIN KAHULUGAN
taingang-kawali nagbibingi-bingihan
alilang kanin utusang walang bayad
kakaning itik walang gaanong halaga
makapal ang palad masipag
di madapuang langaw maganda ang bihis

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Makapal ang palad ni Juan. Araw-araw siyang nagtatrabaho sa kanilang bukid
mula umaga hanggang sa hapon. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A. mahirap C. masipag
B. tamad D. matulungin

2. Si Amera ay _________ ng kanyang magulang. Wala siyang kahit na isang


kapatid. Anong sawikain ang kukumpleto sa pangungusap?
A. ahas C. bugtong na anak
B. bukas-palad D. nagmumurang kamatis

3. Balat-sibuyas ang isa sa mga katangian ni Marie, umiiyak agad siya sa tuwing
binibiro siya ng kanyang mga kaklase. Ano ang ibig sabihin ng salitang
nakasalungguhit?
A. matalino C. makinis B.
maramdamin D. mabango

4. Alin sa mga sumusunod na mga pangungusap ang tamang pagpapakahulugan


ng sawikaing “ Alog na ang baba”?
5

A. Alog na ang baba niya kanina.


B. Mayroon siyang alog na baba.
C. Alog na ang baba sa kakabuhat ng mabigat na bagay.
D. Alog na ang baba niya para magbuhat pa ng mabigat na bagay.

5. Huwag kayong mag-alala, hindi basta naniniwala ang guro namin sa mga
balitang- kutsero. Alin sa mga sumusunod ang sawikain at katumbas na
kahulugan nito?

A. balitang-kutsero = makatotohanan
B. balitang-kutsero = balitang hindi totoo
C. huwag kayong mag-alala = balitang totoo
D. hindi basta naniniwala = hindi kapani-paniwala

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel
para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET

Sanggunian
PAZ M. VALDEZ, Landas sa Pagbasa 6,Binagong Edisyon 2011,
EduResources Publishing, Inc., pp. 124-125

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.

Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

ROSELYN A. LABIAGA, Teacher I


Ayala Central School SpEd Center
6

Pangalan ng
Magaaral
Asignatura FILIPINO Baitang

KUWARTER UNANG LINGGO ARAW


KUWARTER
PETSA
PAKSA Sawikain
KASANAYANG Nabibigyang kahulugan ang sawikain.
PAMPAGKATUTO

ARALIN NATIN
Paksa: Pagbibigay kahulugan sa sawikain.
Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

SANAYIN NATIN!

Gawain 1
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit. Itiman ang katumbas na
bilog ng tamang sagot.

1. 3. A B C A B C D D A B C

D 5.

2. A B C D 4. A B C D

7
Gawain 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng sawikaing nakasalungguhit sa bawat
pangungusap. Itiman ang bilog ng iyong napiling sagot.

A. kalimutan D. magnanakaw
B. masamang asal E. mayasang-masaya
C. nagbibingi-bingihan

1. B C D
A B C D E

4.
A

B C D E
A
A B C D E
2. 5.

3. A B C D E

SUBUKIN NATIN!
Sukatin ang iyong natutuhan !

Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. A B C D

2. A B C D

3. A B C D

4. A B C D

5. A B C D
8

Pagtatasa ng Pagkatuto
1:

1. Ano-ano ang mga salitang nakasalungguhit?

Sagot:ilaw ng tahanan, bukas


-palad, butas ang bulsa, bahag ang buntot,
busilak na puso.

Pagtatasa ng Pagkatuto
2:

2. Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit?


Ibigay ang kahulugan ng bawat
sawikain base sa pahayag nito sa loob ng talata.

Sagot: Sawikain,(Maaaring magkaroon ng ibang sagot


ang mga mag
-aaral dahi
l
ang lahat ng sagot ay batay sa kanilang sariling reaksiyon o opinyon.)

SANAYIN NATIN

Gawain .1
1. A 2. D 3. A 4. A 5. A

Gawain 2.
1. E 2. D 3. C 4. B 5. A

SUBUKIN NATIN

2. C 2. C 3. B 4. D 5. B

You might also like