You are on page 1of 2

Family Ties: Knowing Why & How They must remain Ang bakit at paano ay mananatiling tanong

Snug & Tied hanggang hindi tayo aaksyon,


upang isang araw, ating mapapanood sa telebisyon,
Isang araw, nanood ako ng balita hindi kalunos-lunos at kagimbal-gimbal na mga sitwasyon,
Nang biglang nagising ang aking diwa. kundi pamilyang Pilipino, pinagtibay at pinagbuklod ng
Sanggol iniwan parang basura! panahon,
Batang hamak inaalipusta ng kapamilya na gumon sa maging huwarang lunduyan,
droga. upang ang ating bayan ay may matibay na pundasyon
para sa susunod na henerasyon.
Ganito na ba kalala ang ating pamilya?
Paano na ang ating bansa?
Hindi na manlulupig ang sa atin nagpapadusa
kundi ang ating mismong kapuso’t kapamilya.

Bakit nagkaganito?
Bigkis ng pamilya lumuwag nang todo.
Bakit naganap ito?
Dahil sa di-pagkakaunawaan at pagtatalo.
Ang inggit, pagpuputok ng butsi
Nakaparanoid sa bawat isa
tila isa itong anistesya pagnaiturok siguradong
mamamanhid ka.

Ang pag-aabuso,paglilinlang at, kawalan ng tiwala,


nagbibigay bahid, bahid sa pusong aba.
Oo, tama ka, ang pagtanggi, paghuhusga,
pambubuska at negatibong puna ng kapamilya
ay mahigit pa sa talas ng tabak ng mandirigma,
sakit mananahan hanggang kaluluwa.

Tama na!
Kumilos na at gawing hamon.
Hindi upang maging trending sa telebisyon,
upang di-hayaang matapos ang masayang kahapon.
At ang bigkis na syang nagbubuklod ng pamilya,
ay tuwirang rurupok, maputol at maibaon.
Paano maibalik ang nasirang kahapon?
Hindi ba’t ikaw, ako,at tayo lamang ang makatutugon?

Kalimutan ang poot,


Sikaping magkaintindihan.
Mainam pa ang mga paslit, away-bati,
walang personalan.
Ang pera na kadalasang dahilan ng alitan
di makabibili ng pamilya, gaano ka man ka yaman.
Itakwil ang pag-iimbot at kataksilan,
Alalahanin ang magandang suyuan,
sikaping magbalik sa kandungan,
isiping ang pamilya ang tanging kaligayahan.
Halina’t ipadama ang mainit na yakap ng pagmamahalan,
Magpatawad at tanggapin ang pamilya kahit sino paman,
iaalay ang kamay, magkapit-bisig ito’y mapunuan.
Maglaan ng oras sa pamilya,upang titibay ang samahan,
kaysa magfafacebook ng magdamagan.
https://99designs.com.au/character-mascot-
design/contests/design-boy-girl-hero-cartoon-characters-
kids-motivational-757400

You might also like