You are on page 1of 9

DAILY LESSON LOG

LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL


Grade 1- ____________
WEEK 1-November 7, 2020
MTB-MLE 1
(Day 1)
I.Layunin
1.Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
2.Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
3.Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.

MELC

MT1VCD-IIa-e1.1
Use vocabulary referring to: people, animals, objects, musical instruments, environment
MT1VCD-IIa-e1.1
Give meaning of words through realia, picture clues, actions or gesture, context clues
MT1LC-IIa-1.1
Note important details in grade level narrative texts listened to: character, setting, events
MT1LC-IIa-2.1

Give the correct sequence of three events in a story listened to.


II.Nilalaman
“Si Lili”
A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Llat Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy

Kagamitang Panturo
A.Sanggunian:
1. Mga pahina sa gabay ng guro:
MLEC, pp. 367
2. Mga pahina sa kagamitang Pang-Mag-aaral:
PIVOT Module, pp 6-17
3. Mga pahina sa Teksbuk:

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Code

B. Iba pang kagamitang Panturo


III.Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Lila pinsan lantsa letsugas laso tumana
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng batang babae na may lilang laso?
Ano ang masasabi ninyo sa bata sa larawan?
Ano ang nakalagay sa kanyang buhok?
3. Pangganyak na tanong:
Bakit kaya mahilig si Lili sa lilang laso?
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“ Si Lili”
Si Lili ay mahilig sa laso. Lima ang lila niyang laso. Binigay ito sa kanya ng kanyang Lola Lita
noong kaarawan niya. Alam kasi ng lola niya na mahilig siya sa mga laso.
Isang araw, nagpunta si Lili sa Laguna kasama ng kanyang lola. Masayang-masaya silang sinalubong ng kanyang
mgapinsang sina; Lara,Lena, Liza, Lori at Lulu.
Inaya si Lili ng mga pinsan na mamasyal at mamitas ng mga gulay sa tumana. Nanguha sila ng labanos at letsugas.
Pumitas din sila ng bulaklak na lotus.
Sa lantsa sila sumakay nang sila ay umuwi. Sa likod ng lantsa naupo si Lili. Sa lakas ng hangin nilipad ang lilang laso sa
kanyang ulo.

2. Talakayan:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??
2. Ano ang kinahihiligan ni Lili?
3. Sino ang nagbigay sa kanya ng laso?
4. Saan sila nagpunta at namitas ng mga gulay?
5. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Lili sa nilipad niyang laso?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga gulay at bulaklak na napitas.

IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si Lili ay mahilig sa ( laso, libro, lobo, lollipop)
2. (Pula, Dilaw, Asul, Lila) ang kulay ng kanyang laso.
3. Nagpunta si Lili sa Laguna kasama ang kanyang (ina, lola, guro, pinsan)
4. Namitas sila ng labanos at ( sitaw, bataw, letsugas, langka) sa tumana.
5. Dahil sa lakas ng hangin habang nakasakay sa lantsa nahulog ang (tsinelas, hikaw, suklay, laso) ni Lili.

V. Kasunduan:
Iguhit at kulayan ang mga laso ni Lili.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 8, 2020
MTB-MLE 1
(Day 2)
I. Layunin
- Nagagamit ang pantukoy na Ito sa pangungusap.

II. PaksangAralin: “Si Lili”


A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

MELC
MT1GA-IIa-d-2.2
Identify pronouns: a. personal b. possessive

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sino ang mahilig sa laso?
Bakit naalis sa buhok ni Lili ang kanyang laso?
Nagpumilit pa kaya si Liling makuha ang lasong nilipad ng hangin?
2. Pagganyak:
Laro: Utos Ni Pedro:
Sa larong ito mag-uunahan ang mga bata sa pagdadala gamit na hihilingin ng guro na dalin sa kanya.
Hal. Utos ni Pedro magdala ng lilang krayola.
Ang unang batang makakapagdala ang siyang panalo.

B. Paglalahad:

Ilahad ang mga pangungusap hango sa napakinggang kwento. (Gumamit ng larawan para sa bawat pangungusap.)
Ito ay laso.
Ito ay lotus.
Ito ay labanos.
Ito ay lobo.
Itanong; Ilan ang lasong tinutukoy ng bata? Nasaan ang laso? (Gawin sa iba pang pangumngusap)

C. Paglalahat:
Anong pantukoy ang ginagamit para sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita?
Tandaan: Ito ang ginagamit sa pagtukoy sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita.

D. Paglalapat:
Pakuhanin ng isang gamit ang mga bata sa kanilang bag o silid-aralan at ipagamit ang ito sa pangungusap.
Gamitin ang Ito ay ______.

IV. Pagtataya:
Tawaging isa-isa ang mga bata.
Pagbigayin ng pangungusap gamit ang batayang:
Ito ay _________________________.
V. Kasunduan:
Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan.
Gamitin ang: Ito ay ______________.
1. Batang may hawak na bulaklak.
2. Babaeng may dalang basket.
3. Lalaking may hilang kabayo.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
DAILY LESSON LOG
LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 9, 2020
MTB-MLE 1
(Day 3)
I. Layunin

- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Yy sa iba pang titik na napag-aralan na.
- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
-
II. PaksangAralin: “Si Lili”

A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

MT1LC-IIh-i-8.1
Retell a story read

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga bata sa kwentong, “Si Lili”?
Ano ang kanilang ginawa?
2. Pagganyak:
Laro: Ipaayos nang mabilis ang pira-pirasong larawan ng laso. Kung aling pangkat ang unang makabuo ang siyang
mananalo.
Anong bagay ang nabuo ninyo sa larawan?
Anong simulang titik ng laso?

B. Paglalahad:

Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Ll.


Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;
Lobo laso lalaki Lily lapis lata lamok
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?

C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Ll?

D. Paglalapat:

Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii,
Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, at Ll
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Parirala:
Ay luma
Sa labas
Tumakbo
Kasama ng
Tatakbo
Sila ay
Sa labi
Pangungusap:
Ang lobo sa labas ay sa lalaki.
Ang limos ng lalaki ay malaki.
Si Eba ay mabilis tumakbo.
Ang lata sa lote ay sa kambal.
IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. laso
2. lobo
3. lagare
4. libro
5. lapis

V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na Ll.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na
___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

DAILY LESSON LOG


LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
MTB-MLE 1
(Day 4)
I. Layunin

- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Llat Yy sa iba pang titik na napag-aralan na.
- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
-
II. PaksangAralin: “Ang Yoyo ni Yeyet”

A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa Pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

MELC

MT1VCD-IIa-e1.1
Use vocabulary referring to: people, animals, objects, musical instruments, environment
MT1VCD-IIa-e1.1
Give meaning of words through realia, picture clues, actions or gesture, context clues
MT1LC-IIa-2.1
Give the correct sequence of three events in a story listened to.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Ll.
Laso manok lata langaw lobo lalaki
2. Pagganyak:
Anong laruan ang hanihila para tumaas at bumaba?
Marunong ka bang maglaro nito?
B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento: “Ang Yoyo ni Yeyet”
Si Yeyet ay mayroong yoyo. Bigay ito sa kanya ni Yaya Yoly. Pula ang yoyo ni Yeyet. Isang araw, sumakay si Yeyet sa yate.
Habang naglalakbay, kumain siya ng yema at uminom ng Yakult.
Si yaya Yoly naman ay nagyoga. Si Yeyet ay masayang naglaro ng kanyang yoyo.
2. Ipapili sa mga bata ang mga salitang may simulang titik na Yy. Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Yoyo Yeyet yaya Yoly yate yema Yakult yoga
Ano ang simulang titik ng mga salita sa pisara.
Pabilugan ang simulang titik ng bawat salita sa mga bata.
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Yy?
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:
Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu Sa se si so su
Ba be bi bo bu Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku La le li lo lu
Ya ye yi yo yu
Salita:
Yaya, yeso, tayo, biya, yema, taya, maya, saya, Masaya, malaya, may, kulay, suhay, yayo , buhay, tulay, kilay, atay
Parirala:
Kay yaya , ang yeso, ang mga yema ,
may maya , tulay na, atay at kilay, ang buhay
Pangungusap:
1. Masaya ang buhay. 2. May biya at yema sa mesa.
3. Paano tumayo ang aso? 4. Sino ang Malaya na?
5. Ano ang kulay ng atay? 6. Bakit masaya ang maya?
7. Si Yayo ay may Yakult. 8. Malaki ang atay ng bibe.
9. Kasama ni yeyet ang yaya niya.
10. May suhay ang kubo. 11. Lima ang yoyo ko.
12. May yelo sa baso. 13. May kulay ang nata.
Kwento:
May yoyo si Roy. Asul ito. Masaya siya sa yoyo niya. Sina Yayo, Yani at Aysa ay may yoyo rin.
1. Sino ang may yoyo?
2. Ano ang kulay nito?
3. Ano ang hugis nito?
IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang salita para sa larawan.
1. larawan ng yate yate yoyo yema
2. larawan ng yoyo yema yaya yoyo
3. larawan ng Yakult Yakult yaya yoyo
4. larawan ng yeso yeso yoyo yema
5. larawan ng yaya yema yaya yoyo
V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

DAILY LESSON LOG


LAPIDARIO ELEMENTARY SCHOOL
Grade 1- ____________
WEEK 1-November 10, 2020
MTB-MLE 1
(Day 5)

I. Layunin
- Nasusulat ang malaki at maliit na titik Ll at Yy

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Ll at Yy.


A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy, plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
(Ll at Yy)
Laso yema lobo yeso lawin yaya
2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.

Pagsasanay 1- Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:

Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.

Larawan Salita
Laso langaw
Yate yakult
Lima yate
Yakult laso
langaw lima

Pagsasanay 3
Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa plaskard.

Pagsasanay 4
Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik Ll at Yy.

IV. Pagtataya:
Pagsulat ng titik Ll at Yy

Ll Ll Ll Ll Ll

Yy Yy Yy Yy Yy

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

You might also like