You are on page 1of 6

Godwins Montessori School Inc.

10th Yakal St. MQH San Sebastian Hagonoy, Bulacan

1st Summative Exam

Filipino 3

Pangalan: ______________________ Marka:___________

I. Piliin ang wastong panghalip panao sa bawat pahayag. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ako at si Lira ay sasama sa field trip sa Sabado. Magdadala ______ ng baon naming pagkain.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

2. Sinabi ni Bb. Reyes na dapat ____ magtulungan upang mapabilis ang gawain natin.

a.kaming

b.tayong

c.kayong

d.silang

3. Kami ni Ben ang magbubunot ng damo at _____ naman ni Roy ang magdidilig ng mga halaman.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

4. Ako at si Wendy ang maglalampaso ng sahig. _____ Roni at Tony naman ang maglilinis ng bintana.

a. kami
b.tayo

c.kayo

d. sila

5. Sa labas daw ____ kakain ng hapunan sabi ni Nanay. Sasama daw ang lahat.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

6. Maaga _____ papasok ni Joan bukas upang tumulong sa paglilinis.

a.kaming

b.tayong

c.kayong

d.silang

7. Ginagamiit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

8. Ginagamiit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao na kinakausap.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

9. Ginagamiit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao na kasama ng nagsasalita.

a. kami
b.tayo

c.kayo

d. sila

10. Ginagamiit na pamalit sa ngalan ng dalawa o higit pang tao kabilang ang nagsasalita at ang
kinakausap.

a. kami

b.tayo

c.kayo

d. sila

11. Ano ang kailanan ng panghalip panaong "kami"?

a. Isahan

b. Maramihan

12. Ano ang kailanan ng panghalip panaong "mo"?

a. Isahan

b. Maramihan

13. Tukuyin ang kailanan ng panghalip panao na ginamit sa pangungusap:

"Hindi siya ang kumuha ng aklat."

a. Isahan

b. Maramihan

14. Tukuyin ang kailanan ng panghalip panao na ginamit sa pangungusap:

"Kukunin nila ang mga gamit."

a. Isahan

b. Maramihan

15. Tukuyin ang angkop na panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.

"Ako at ikaw ay mayroon pang magagawa. ________ dapat ay magtulungan."

a. Tayo
b. Kayo

16. Tukuyin ang angkop na panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.

"Ang bata ay palangiti. ______ ay masayahin."

a. Siya

b. Sila

17. Tukuyin ang angkop na panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.

"Anna, tinatawag ka ni Bb. Gonzales. _______ raw ang magdadasal ngayong umaga."

a. Kayo

b. Ikaw

18. Ano ang kailanan ng panghalip panaong "ako"?

a. Isahan

b. Maramihan

19. Tukuyin ang kailanan ng panghalip panao na ginamit sa pangungusap:

"Pangalagaan natin ang kapaligiran."

a. Isahan

b. Maramihan

20. Tukuyin ang angkop na panghalip panao na bubuo sa diwa ng pangungusap.

"Ang aking pamilya ay mamamasyal sa darating na Sabado. _______ ay pupunta sa Tagaytay."

a. Kami

b. Sila

II. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

21. Ito ang mga salitang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

a. PANGAHALIP b. PANGALAN c. PANGNGALAN d.KLASTER

22. Aling pangngalan ang naiiba sa pangkat?


a. KALABAW b. MANOK c. PUNO d. KABAYO

23. Nagpunta kami sa parke at namasyal. Alin ang PANGNGALAN sa pangungusap?

a. KAMI b. PARKE c. NAMASYAL d. NAGPUNTA

24. Lapis, Pantasa, Papel at Aklat. Ano ang kategorya ng Pangngalan?

a. TAO b. LUGAR c. BAGAY d. PANGYAYARI

25. Dumating ang lolo ko kaninang hapon. Ano ang kategorya ng Pangngalan sa pangungusap?

a. LUGAR b. PANGYAYARI c. BAGAY d. TAO

26. Ito ay mga pangngalang tiyak at sigurado.

a. PAMBALANA b. PANTANGI c. KONGKRETO d. PANGALAN

27. Aling titik ang gamit ng mga pangngalang pambalana?

a. MALIIT b. MALAKI c. ALPABETO d. MALIIT AT MALAKI

28. Kami ay namasyal sa ibang bansa.

Aling pangngalang pantangi ang katapat ng pangngalang pambalana sa pangungusap?

a. LAGUNA b. LUNGSOD QUEZON c. HONGKONG d. PASIPIKO

29. Ito ang mga pangngalang hindi tiyak o sigurado.

a. PAMBALANA b. PANTANGI c. KONGKRETO d. PANGALAN

30. Alin ang pangngalang pambalana ng salitang NIKE?

a. LAPIS b. KOMPYUTER c. SAPATOS d. PAGKAIN

31. Si Mario ay naglalakad. Ano ang pangngalang ginamit sa pangungusap?

a. si b. naglalakad c. ay d. Mario

32. Piliin ang tamang pangngalan sa mga sumusunod na halimbawa.

a. bawat b. nagsasayaw c. nanay d.kanina

33. Mataas tumalon ang palaka. Anong ang tawag sa pangalan na ginamit?

a. lugar b. tao c. pangyayari d.hayop

34. Malapit na ang aking kaarawan! Ano ang tawag sa pangngalang ginamit?
a. lugar b. tao c. pangyayari d.hayop

35. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangngalan.

a. Tatay b. pusa c. kumakanta d. Bagong Taon

You might also like