You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO 8

PAKSA Alamat ng Bulkang Taal


PANITIKAN Kuwentong-bayan (Alamat)
SANGGUNIAN Gabay Pangkurikulum Baitang 8, Misterio Ph Youtube Channel
KAGAMITANG PANTURO Kopya ng akda, Presentasyon ng Guro, mga panulat at sulating
papel
PETSA NG PAGTUTURO Ika-17 ng Enero, 2020

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

DOMEYN KASANAYANG PAMPAGKATUTO


F7PT-Ia-b-1
Paglinang sa Talasalitaan Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga matatalinhagang salita na
ginamit sa akda;
F7PB-Ia-b-1
Pagbasa Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba
pang lugar ng bansa; at
F7PS-Ia-b-1
Pagsasalita Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng
alinman sa mga kuwentong-bayang nabasa, napanood o
napakinggan.

II. Pamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PAGHAHANDA

Magandang araw, Klas! :Magandang araw po, Guro!

Tayo ay manalangin sa pangunguna ni Jerome. : (Mananalangin)

Bago kayo umupo ay siguraduhing nakahanay


nang maayos ang inyong mga upuan.

May lumiban ba sa klase? :Wala po.

Mabuti kung gayon.

B. PAGGANYAK

Klas, magbigay nga kayo ng mga paraan kung


paano natin maaaring malaman ang mga
nangyayari sa ating lipunan?

Ikaw nga, Loren? :Manood ng balita, Sir.

Magaling!

Subukin mo nga rin, Patrick? :Magbasa sa dyaryo, Sir.

Tama!

Ano naman ang iyong kuro, David? :Sa Social Media, Sir.
Tumpak!

Sa mga nabanggit ng inyong mga kamag-aral,


klas, alin ang sa tingin ninyo ang pinakapatok o
ang pinakagamitin sa ating kasalukuyang
panahon?
:Social media po.
Ikaw nga, Shine?

Tama! Ang Social Media ang siyang pinakagamitin


sa ngayon. Magbigay ka nga ng halimbawa ng :Youtube, Sir.
social media, Alfred?

Tumpak!
:Facebook po.
Ano pa, Michael?

Magaling!
:Twitter at Instagram, Sir.
Ikaw naman, Bryan?

Mahusay!

Kung gayong maalam na kayo sa social media,


klas, ay mayroon tayong mga gawain sa araw na :Opo.
ito. Handa na ba kayo?

Narito ang isang Facebook Account. Ang account


na ito ay pag-aari ni Lakan Taal. Nais humingi ng
tulong si Lakan Taal dahil mukhang nalimot niya
ang kanyang facebook email at ang kanyang :Opo.
password. Tutulungan ba natin siya?

Aba’y napakabait naman ninyo, klas. Kung gayon,


ay narito ang ilang mga matatalinhagang salita na
kailangan munang mabigyan kahulugan upang
malaman natin ang email at password ni Lakan :Opo.
Taal. Handa na ba?

Kung gayon, para sa unang salita, subukin mo : (Sasagot si Roger)


nga, Roger?

Magaling, Roger!
: (Sasagot si Carla)
Para sa susunod na salita, ikaw naman, Carla.

Mahusay Carla!
: (Sasagot si Maricel)
Ang susunod naman ay ikaw, Maricel.

Magaling, Maricel.
: (Sasagot si Angelica)
Para sa ikaapat na bilang, ikaw naman, Angelica.

Mahusay, Angelica.
: (Sasagot si Ferlin)
At para naman sa huling bilang, ikaw nga, Ferlin?
Magaling, Ferlin!
: (Papalakpak)
Klas, palakpakan natin sila.

Dahil sa kanila ay mabubuksan na natin ang


Facebook Account ng Lakan Taal.

Klas, sino ang nais magsulat sa email at password : (Magsusulat si Judy)


ni Lakan Taal? Ikaw nga, Judy?

Salamat, Judy.

Ngayon ay makikita na natin kung ano ang laman


ng account ni Lakan!

C. PAGLALAHAD
:May post po.
Klas, ano nakikita ninyo sa account ni Lakan Taal?

Tama! Mayroon siyang Post. Ano kaya ang


nilalaman ng post niya? Nais ba ninyong :Opo.
malaman?

Kung gayon, ay atin nang buksan!

Aba, nais ni Lakan Taal na basahin natin ang isang


alamat! At dahil diyan ay narito ang mga kopya
ng nais niyang iparating.

Klas, nagbigay rin si Lakan Taal ng isang Voice


Message. Ayon sa kanya ay babasahin natin ang
isang alamat gamit ang ating mga mata lamang
habang ating pinakikinggan ang isang voice :Opo.
message. Kaya ba nating gawin iyon?

Kung gayon ay narito ang Voice Message.


: (Makikinig at magbabasa ang mga mag-aaral)
(Mula sa kagamitang pampagtuturo)

Klas, naunawaan ba ninyo ang nais iparating ng :Opo.


kuwento?

Kung gayon, Ano ang tinalakay ng kuwento?


:Pinagmulan ng bulking taal po.
Ikaw nga, Jerome?
:Si Lakan Taal po.
Tama. Sino ang pangunahing tauhan, Carla?

Mahusay!
:Matalino po.
Magbigay ka nga ng katangian ni Lakan Taal,
Michael?
:Makapangyarihan po.
Tumpak. Ano pa, Jelord?

Magaling!
:Matanda po.
Ikaw nga rin, Leo?

Tama!

Anong uri ng kuwento ang inyong binasa?


:Isang Alamat po.
Subukin mo nga, Roi?
:Ito po ang mga kuwento ng pinagmulan ng mga
Mahusay! Ano sa tingin mo ang katuturan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
alamat, Leah?

Magaling!
:Maging masunurin po.
Anong aral naman ang napulot mo sa kuwento,
Jay-Ann?

Mahusay!

Batid kong naunawaan na ninyo ang inyong


nabasa, Klas. Napakahusay ninyo!

D. PAGTALAKAY

Ngayong nalaman na natin ang mensaheng nais


iparatin sa atin ni Lakan Taal, ano kaya ang mga
maaari nating i-react sa kuwento?

May mga dapat bang ikatuwa sa kuwento?


May mga dapat rin bang ikagalit?

Dahil diyan ay narito ang susunod na gawain.


Narito ang mga Reaction Button, ang LIKE,
HEART, HAHA, WOW, SAD, at ANGRY.

Ngunit, bago natin ito gawin ay nais ko muna


kayong hatiin sa apat.

Ang unang pangkat ay ang mga nasa gawing


kanan, bandang harap;
Ang ikalawang pangkat ay ang mga nasa gawing
kanan, bandang likod;
Ang ikatlong pangkat ay ang mga nasa gawing
kaliwa, bandang harap; at
Ang ikaapat na pangkat ay ang mga nasa gawing
kaliwa, bandang likod.

Ang bawat pangkat ay pipili ng kani-kanilang


REACTION BUTTON at ipaliwanag kung bakit ito :Opo.
ang napili ninyo. Maliwanag ba?

Kung gayon ay mayroon kayong limang minuto


para gawin ito. Pumapalkpak lamang ang bawat
pangkat kung kayo ay tapos na.
: (Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain)
Maaari na kayong magsimula.

Klas, ngayong tapos na kayo ay atin nang tawagin


ang unang pangkat upang iulat ang kanilang : (Mag-uulat ang unang pangkat)
reaksyon.
: (Papalakpak)
Mahusay! Palakpakan natin ang unang pangkat!
: (Mag-uulat ang ikalawang pangkat)
Ang ikalawang pangkat naman.
: (Papalakpak)
Magaling! Palakpakan natin ang ikalawang
pangkat!
: (Mag-uulat ang ikatlong pangkat)
Ang ikatlong pangkat naman.
: (Papalakpak)
Magaling! Palakpakan natin sila!
: (Mag-uulat ang ikaapat na pangkat)
At para sa huling pangkat naman.
: (Papalakpak)
Mahusay! Palakpakan natin ang bawat isa!

E. PAGLALAHAT
:Opo.
May natutunan ba kayo sa kuwento, Klas?

Kung gayon, ngayong nakapagpahayag na tayo ng


ating reaksyon, ay atin naman itong ipakalat
upang sa gayon ay malaman rin ng mas
nakararami ang mga aral sa kuwento ng Bulkang
Taal. Ano ang maaari nating gawin upang
maikalat ito?
:I-share po sa Facebook.
Ikaw nga, Fanny?

Tama! Ikalat natin ito sa pamamagitan ng SHARE


BUTTON. Ngunit, bago natin ito i-share, ay atin
muna itong lagyan ng caption.

Mag-isip kayo ng caption tungkol sa mga aral na


inyong natutunan at isulat ito sa ibibigay kong :Opo.
sulating papel. Maliwanag ba?

Kung gayon ay mayroon kayong limang minuto


para gawin ito. Pumapalkpak lamang ang bawat
pangkat kung kayo ay tapos na.
: (Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain)
Maaari na kayong magsimula.

Klas, ngayong tapos na kayo ay atin nang tawagin


ang unang pangkat upang iulat ang kanilang : (Mag-uulat ang unang pangkat)
reaksyon.

Mahusay! Palakpakan natin ang unang pangkat!


: (Mag-uulat ang ikalawang pangkat)
Ang ikalawang pangkat naman.

Magaling! Palakpakan natin ang ikalawang


pangkat!
: (Mag-uulat ang ikatlong pangkat)
Ang ikatlong pangkat naman.
Magaling! Palakpakan natin sila!
: (Mag-uulat ang ikaapat na pangkat)
At para sa huling pangkat naman.
: (Papalakpak)
Mahusay! Palakpakan natin ang bawat isa!

F. PAGLALAPAT

Hindi pa riyan nagtatapos ang ating gawain, Klas.


Nakaranas na ba kayo ng malawakang sakuna
kagaya ng bagyo at pagbaha?
:Bagyo po.
Maglahad ka nga ng mga sakuna na naganap at
nasaksihan mo dito sa Siyudad ng Ilagan, Kariza?

Mahusay!
:Sunog po.
May alam ka rin ba, Patricia?

Magaling!
:Baha po.
Ano pa, Lloyd?

Tumpak!

Kamakailan lang ay nagkaroon ng malawakang


pagbaha dito sa Ilagan, at ito ay dulot nga ng
walang humpay na pag-ulan.

Sa mga sakuna na ating naranasan dito sa ating


Siyudad, Nais kong kayo ay gumawa ng isang
Facebook post. Isang post na hindi na galing kay
Lakan Taal kundi galing na mismo sa inyo.

Magbigay kayo ng isang abiso para sa mga


mamamayan kung ano ang mga maaari nilang
gawin sa tuwing magkakaroon ng kalamidad. Sa
pamamagitan ng Facebook post na inyong
gagawin ay matutulungan natin ang mga madla
na magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa
kaligtasan.

Nakalahad sa inyong papel-sulatan ang mga


sakuna na nangyayari o maaaring mangyari sa
ating Siyudad. Nais kong magbigay kayo ng tips
para sa kaligtasan.
:Opo.
Maliwanag ba?

Kung gayon ay mayroon kayong limang minuto


para gawin ito. Pumapalkpak lamang ang bawat
pangkat kung kayo ay tapos na.
: (Gagawin ng mga mag-aaral ang gawain)
Maaari na kayong magsimula.

Klas, ngayong tapos na kayo ay atin nang tawagin


ang unang pangkat upang iulat ang kanilang : (Mag-uulat ang unang pangkat)
reaksyon.
: (Papalakpak)
Mahusay! Palakpakan natin ang unang pangkat!
: (Mag-uulat ang ikalawang pangkat)
Ang ikalawang pangkat naman.

Magaling! Palakpakan natin ang ikalawang : (Papalakpak)


pangkat!
: (Mag-uulat ang ikatlong pangkat)
Ang ikatlong pangkat naman.
: (Papalakpak)
Magaling! Palakpakan natin sila!
: (Mag-uulat ang ikaapat na pangkat)
At para sa huling pangkat naman.
: (Papalakpak)
Mahusay! Palakpakan natin ang bawat isa!

III. Ebalwasyon

Para sa inyong huling gawain, Klas, nais kong


magbalik tanaw kayo sa binasang kuwento at
maging sa lahat ng tinalakay natin sa araw na ito.

Gamit ang isang #hashtag, ilahad ninyo ang


inyong mga natutunan. Maaari kayong pumili sa
mga #hashtag na aking inihanda o maaari kayong
gumawa ng sarili ninyong salita.Gawin ito sa
sangkapat na papel. Maliwanag ba? :Opo.

Mayroon kayong limang minuto para gawin ito.


Narito ang mga #hashtag na aking ginawa:

(Mula sa kagamitang pamgptuturo)

1. #TulongParaSaBayan
2. #MabutingAsal
3. #Bayanihan
4. #BulkangTaal
5. #Kapitbisig

Simulan na, Klas.

Klas, tapos na ang limang minuto. Maaari mo


bang ibahagi ang iyong nagawa, Dave? : (Magbabahagi si Dave)

Mahusay!

Subukin mo nga rin, Michael? : (Magbabahagi si Michael)

Magaling!

Ikaw rin, Jovy. :(Magbabahagi si Jovy)

Mahusay! Palakpakan natin ang bawat isa! :(Papalakpak)


IV. Kasunduan

Diyan na nagtatapos ang ating aralin, Klas.

Para sa inyong takdang aralin, magsaliksik ukol sa


mga alamat na nagmula sa Mindanao.

Maliwanag ba? :Opo.

Kung gayon, paalam na, Klas! :Paalam po, Guro!

Inihanda ni:

ARJAY B. GASPAR
Guro sa Filipino

You might also like