You are on page 1of 11

COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.

CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan 9

“Pagsukat ng
Pambansang Kita”
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Guro: Jomel M. Eroles Baitang: Ika-9 – Ikatlong Markahan


Asignatura: Araling Panlipunan Araw ng Pagtuturo: Disyembre , 2022

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang tatlong pamamaraan ng pagsukat sa GNI o
Gross National Income.
b. Naisasagawa ang pagkakalkula ng Price Index at Real GNP
gamit ang mga pormulang ipinakita.
c. Napahahalagahan ang pagsukat ng pambansang kita o
economic performance sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay.

A. Pamantayang Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga pangunahing


Pangnilalaman kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

B. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung


Pagganap paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran

C. Mga Kasanayan Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross


sa Pagkatuto Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.

Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang


produkto.

Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa


ekonomiya.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa Pagsukat ng Pambansang Kita

B. Sanggunian Ekonomiks (Araling Panlipunan), pahina 274-280.

C. Kagamitan Mga kagamitang biswal.

III. PAMAMARAAN
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

1. Panimulang  Pambungad na Panalangin


Gawain  Pagbati
 Pagtatala ng liban sa klase
2. Motibasyon Math Minute!
Ipapakita ng guro ang larawang ito upang maging basehan ng sagot
ng mag-aaral.

shorturl.at/epAN2
Magbibigay ang guro ng mga math equation at sasagutan ito ng mga
mag-aaral upang matukoy ang salita na kanilang mabubuo.

Halimbawa: 10x2-19 = 1 A
15+7-11 = 11 K
10x3-15 = 15 O

Ang salitang kailangan nilang matukoy ay “PAMBANSANG KITA”.

Ito ang math equations;


10x3-14 P
8+5-12 A
7x2-1 M 7+4-22 K
2+2-6 B 10+10-11 I
8+5-12 A 10x3-10 T
5x4-6 N 8+5-12 A
5x5-6 S
8+5-12 A
5x4-6 N
7x2-7 G

Tanong:
Ano sa tingin niyo ang kahulugan ng Pambansang kita? Pamilyar ba
kayo rito?
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Pambansang Kita
Ang pambansang kita ay ang kabuuang kitang pinansyal ng
lahat ng sektor na nasasakupan ng isang bansa o estado. Sa
pambansang kita natutukoy kung ang ekonomiya ng isang
bansa ay maunlad o hindi.

Punan mo ko!
May nakapaskil sa blackboard na isang blangkong graphic organizer
at ang mga nilalaman nito, na kung saan pupunan ito ng piling mag-
aaral upang mabuo ang graphic organizer.

A. Aktibidad

Ngayong napunan na ang graphic organizer, mayroong inihandang


katanungan ang guro.

1. Ano ang inyong naging batayan sa paglalagay ng mga


B. Analisis
nilalaman ng graphic organizer?
2. Ayon sa graphic organizer na inyong napunan, ano-ano ang
mga paraan sa pagsukat ng pambansang kita?
3. Sa inyong palagay, bakit dapat na nasusukat ang pambansang
kita?

C. Abstraksyon
Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat
sa Gross National Income (1) pamamaraan batay sa gastos
(expenditure approach). (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng
produksiyon (income approach), at (3) pamamaraan batay sa
pinagmulang industriya (industrial origin approach)

1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach).


Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.
Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang sumusunod:
a. Gastusing personal (C) - napapaloob dito ang mga gastos ng
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

mga mamamayan tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng


manggugupit ng buhok, at iba pa.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) - kabilang ang mga gastos
ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na
materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng pamahalaan (G) - kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba
pang gastusin nito.
d. Gastusin ng panlabas na sektor (X-M) - makukuha ito kung
ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical discrepancy (SD) – ito ang anumang kakulangan o
kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) - tinatawag ding Net
Primary Income.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa


pamamaraan batay sa paggasta o expenditure approach ay:

GNI = C + I + G + (X-M) + SD + NFIFA.

TYPE OF EXPENDITURE 2012 2013


1. Household Final Consumption 7,837,881 8,455,783
Expenditure
2. Government Final Consumption 1,112,586 1,243,113
Expenditure
3. Capital Formation 1,950,524 2,243,714
A. Fixed Capital 2,047,957 2,332,663
1. Construction 1,074,169 1,236,436
2. Durable Equipment 751,133 874,079
3. Breeding Stock & Orchard Dev't 181,123 178,032
4. Intellectual Property Products 41,531 44,116
B. Changes in Inventories -97,433 -88,949
4. Exports 3,254,460 3,332,196
A. Exports of Goods 2,120,180 2,124,279
B. Exports of Services 1,134,279 1,207,917
5. Less Imports 3,590,563 3,631,207
A. Imports of Goods 2,875,855 2,877,476
B. Imports of services 714,708 753,731
6. Statistical Discrepancy 0 -97,495
GROSS DOMESTIC PRODUCT 10,564,888 11,546,104
Net Primary Income 2,043,843 2,284,037
GROSS NATIONAL INCOME 12,608,731 13,830,141

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial


COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Origin/Value Added Approach)


Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross
Domestic Product ng bansa kung pagsasamahin ang kabuuang
halaga ng produksyon ng mga pangunahing industriya ng bansa.
Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa
kabilang banda, kung kasama ang Net Factor Income from Abroad o
Net Primary Income kompyutasyon, masusakat din nito ang Gross
National Income (GNI) ng bansa.

INDUSTRY/ INDUSTRY GROUP 2012 2013


Agriculture, Hunting, Forestry and Fishing 1,250,616 1,297,903
Industry Sector 3,284,508 3,582,787
Service Sector 6,029,762 6,665,414
GROSS DOMESTIC PRODUCT 10,564,886 11,546,104
Net Primary Income 2,043,843 2,284.037
GROSS NATIONAL INCOME 12,608,729 13,830,141

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


a. Sahod ng mga manggagawa - sahod na ibinabayad sa
sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus - tinubo ng mga korporasyong pribado at
pag-aari at pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga Negosyo.
c. Depresasyon - pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng
pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
d. Di-tuwirang buwis - Subsidya
1. Di-tuwirang buwis - kabilang dito ang sales tax, custom duties,
lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya - salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan
nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang
halimbawa nito ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng
bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES GROSS


NATIONAL INCOME
Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o
nominal GNI) ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos
na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon
batay sa kasalukuyang presyo Sa kabilang banda naman, ang real
GNI o GNI at constant prices ay kumakatawan sa Kabuuang halaga
ng mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang
takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng paggamit ng batayang taon o base year.

Sa pagsukat ng nominal at real GNI, kailangan munang malaman ang


Price Index. Sinusukat ng Price index ang average na pagbabago sa
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

presyo ng mga Produkto at serbisyo. Malalaman kung may pagtaas o


sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa pamamagitan ng Price
Index.

Taon Current/Nominal Price Index Real/Constant


GNI Prices GNI

2006 7,883,088 100 7,883,088

2007 8,634,132 109.53 7,882,892

2008 9,776,185 124.01 7,883,384

2009 10,652,466 135.13 7,883,124

2010 11,996,077 152.17 7,883,339

Kung ating susuriin, mas mababa ang real constant prices GNI
kompara sa nominal/current price GNI dahil gumamit ng batayang
taon upang hindi maapektuhan ng pagtaas ng presyo ang pagsukat sa
Gross National Income ng bansa. Mas kapani-paniwala ang ganitong
pagsukat dahil ito ang tunay na kumakatawan sa kabuuang
produksiyon ng bansa na tinanggal ang insidente ng epekto ng
pagtaas ng presyo.

Price of current year


Price Index= x 100
Price of base year

Priceindex base year


Real GNI = x Current GNI
Priceindex current year

Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa


pamamagitan ng growth rate gamit ang pormula upang masukat ang
growth rate ng Gross National Income.

GNI sa kasalukuyang taon−GNI sa nakaraang taon


Growth Rate= x 100
GNI sa nakaraang taon

Ang growth rate ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-
angat ng ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Kapag positibo and
growth rate masasabi na may pag-angat sa ekonomiya ng bansa.
Samantala, kapag negatibo ang growth rate, ay masasabing walang
naganap na pag-angat sa ekonomiya ng bansa at maipalalagay na
naging malamlay ito.
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng pag-angat ng gawaing


pangkabuhayan ng bansa sa paglipas ng panahon.

Taon Current/Nominal Growth Real/Constant Growth


GNI rate ng Prices GNI Rate
nominal
GNI
2006 7,883,088 - 5,911,313 -

2007 8,634,132 9.53% 6,276,013 6.17%

2008 9,776,185 13.28% 6,590,009 5.00%

2009 10,652,466 8.96% 6,988,767 6.05%

2010 11,996,077 12.61% 7,561,386 8.19%

LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA


Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng bansa sa
pamamagitan ng pormula sa unang aralin hindi pa rin ito perpektong
batayan dahil may mga gawaing pang-ekonomiya na hindi naibibilang
sa pagsukat ng pambansang kita katulad ng sumusunod:

Hindi pampamiilihang Gawain - tulad ng pag-aalaga ng anak,


paghuhugas ng pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng
bakuran.
Impormal na sector - tulad transaksyon sa black market, pamilihan
ng illegal na droga, nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na
pasugalan, at maanomalyang transaksiyon. May mga legal na
transaksyon din tulad ng pagbebenta ng kagamitang segunda-mano,
upa sa mga nagtatapon ng basura, at marami pang iba
Externalities o hindi sinasadyang epekto – Ang halimbawa nito ay
ang gastos ng isang planta ng koryente upang mabawasan ang
perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita.
Samantala ang halaga ng malinis na kapaligiran ay hindi binibilang sa
pambansang kita.
Kalidad ng buhay - Sa katunayan, maraming bagay na hindi
kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay nakatutulong sa pagbuti
ng pamumuhay ng tao tulad ng malinis na kapaligiran, mahabang oras
ng pahinga, at malusog na pamumuhay. Sinusukat ng pambansang
kita ang kabuuang ekonomiya ngunit hindi ang kalidad ng buhay ng
tao.

Ang lahat ng limitasyong ito ay magsasabing hindi mainam na sukatan


COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

ng kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayumpaman,


kahit may limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita
naman nito ang antas ng pagsulong ng ekonomiya. Dahil dito,
maraming bansa at pamahalaan sa buong mundo ang patuloy pa ring
ginagamit ang pambansang kita bilang batayan ng pagsukat sa isang
malusog na ekonomiya.

MATHINIK
Matapos basahin at unawain ang teksto ay subukan ang iyong
kaalaman sa pagkuwenta. Ito ay upang malinang ang iyong
kakayahan sa pagkompyut na mabisang kasangkapan sa pag-aaral
ng Ekonomiks. Sige na! Subukan mo na.
Kompyutin ang Price Index at Real GNP. Gamitin ang 2006 bilang
batayang taon.
Taon Nominal GNP Price Index Real GNP

2006 10,500

2007 11,208
D. Aplikasyon
2008 12,223

2009 13,505

2010 14,622

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang sinusukat ng Price Index?
2. Bakit kalimitang mas malaki ang Nominal GNI kung ihahambing sa
Real GNI ng Pilipinas?
3. Ano ang kahihinatnan ng malaking populasyon ngunit malit na GNI
ng bansa sa kontemporaryong panahon?

E. Ebalwasyon
Panuto: Basahing mabuti at ilagay ang tamang sagot.

1. Nakapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng


pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba
pa.
a. Gastusin ng mga namumuhunan
b. Gastusing personal
c. Gastusin ng pamahalaan
d. Gastusin ng panlabas na sektor
2. Ano ang sumisimbolo sa gastusin ng panlabas na sektor?
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

a. (SD)
b. (I)
c. (G)
d. (X-M)
3. Ito ay tinatawag ding Net Primary Income.
a. Net Factor Income from Abroad
b. Statistical discrepancy
c. Gastusin ng pamahalaan
d. Gastusin ng panlabas na sektor (X-M)
4. Ito ay tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at
pinatatakbo ng pampamahalaan at iba pang mga Negosyo.
a. Depresasyon
b. Tuwirang buwis
c. Net Operating Surplus
d. Di-tuwirang buwis
5. Kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensiya at iba pang di-
tuwirang buwis.
a. Depresasyon
b. Tuwirang buwis
c. Net Operating Surplus
d. Di-tuwirang buwis
6. Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng
ekonomiya kompara sa nagdaang taon.
a. Depresasyon
b. Growth Rate
c. Net Operating Surplus
d. Nominal Rate
7. Ito ang mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita maliban sa
isa.
a. Hindi pampamiilihang Gawain
b. Impormal na sector
c. Internalities o sinasadyang epekto
d. Kalidad ng buhay
8-10. Ibigay ang tatlong pamamaraan upang masukat ang Gross
National Income.

Mga sagot:
1. B
2. D
3. A
4. C
5. D
6. B
7. C
8. Pamamaraan batay sa gastos o Expenditure approach
COLLEGE OF SCIENCES TECHNOLOGY AND COMMUNICATION, INC.
CSTC College Bldg. Gen. Luna St. Maharlika Hi-way, Pob. 3, Arellano Sub. Sariaya, Quezon
Registrar’s Office: 042 3290850 / 042 7192818
CSTC IT Center: 042 7192805

9. Pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon o Income


approach
10. Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya o Industrial origin
approach

Panuto: Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at


impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel
ang naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng grado.
F. Repleksyon Hindi lalagpas sa 300 na salita at hindi bababa sa 250 na salita ang
inyong sanaysay.

Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang


bansa?

Panuto: Sagutan ang sumusunod at gamitin ang mga pormulang


ipinakita.
Kompyutin ang Price Index at Real GNP. Gamitin ang 2006 bilang
batayang taon.

Taon Nominal GNP Price Index Real GNP

2011 15,600
G. Takdang aralin
2012 16,308

2013 17,423

2014 18,605

2015 19,722

You might also like