You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG PAMPANGA
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA I
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan:_______________________________________ Pangkat:________________ Marka:________
MARAMING PAGPIPILIAN:
PANUTO: Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik nito sa patlang bago ang bawat bilang.
_____1. Sa kasalukuyang panahon, alin sa apat na hirarkiya ng halaga ang higit na pinahahalagahan ng mga
kabataan na nagiging dahilan kung bakit marami sa kanila ang nalilihis ng landas ?
a. Pandamdam na mga Halaga gaya ng computer c. Pambuhay na Halaga gaya ng edukasyon
b. Banal na Halaga gaya ng pagsisimba d. Ispiritwal na Halaga gaya ng paggalang sa kapwa
_____2. Ano ang pinaka-epektibong paaralan ng edukasyon sa pagpapahalaga?
a. Lansangan
b. Pamilya
c. Computer
d. Mall
_____3. Bilang isang kabataan, importanteng magkaroon ka ng kaibigan. Anong uri ng kaibigan ang dapat
mong pakisamahan?
a. mga nalululong sa droga
c. mga kaibigang may takot sa Diyos at may mabuting asal
b. mga mahilig magsugal
d. mga galing sa mayamang pamilya
_____4. Lahat ng tao ay may hangganan ang buhay . Anong halaga ang mas dapat pahalagahan ng tao
upang maging handa sa pagharap sa Diyos?
a. Banal na Halaga
c. Mga Ispiritwal na Halaga
b. Pambuhay na Halaga
d. Pandamdam na mga Halaga
_____5. Ayon kay Max Scheler, anong bahagi ng tao ang nakapagbibigay ng sariling katuwiran na maaring
hindi maunawaan ng isip?
a. mata ng tao
b. puso ng tao
c. kamay ng tao
d. bibig ng tao
_____6. Ano ang maitutulong sa iyo ng simbahan, pamilya at paaralan kapag nagsanib-puwersa ang mga ito
sa paghubog ng iyong mga pagpapahalaga?
a. Magiging sakit ka ng lipunan.
b. Malilihis ka ng landas sa buhay.
c. Magiging miserable at patapon ang buhay mo.
d. Magiging kapaki-pakinabang ka at mabuting mamamayan.
_____7. Kung tinitipid ni Simone ang kanyang baon at iniipon ito upang may magamit na pambili sa mga
proyekto niya sa paaralan, anong moral na birtud ang kanyang isinasabuhay?
a. Agham
b. Pagtitimpi
c. Sining
d. Maingat na Paghuhusga
_____8. Ang birtud ng katarungan ay isang uri ng moral na birtud na nagtuturo sa tao upang igalang at hindi
kailanman lumabag sa mga karapatan. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang nagpapatunay
sa birtud na ito?
a. Igalang lamang ang mga taong kakilala mo.
b. Pakialaman ang gamit ng kaklase mo kahit di niya alam.
c. Itabi ang sobrang pagkain at ibigay sa batang nagpapalimos.
d. Pagsalitaan ng masakit ang kapatid na nakasira ng project mo.
_____9. Ang intelektwal na birtud ay siyang nagpapayaman ng ating isip. Alin sa mga sumusunod na
pamamaraan ang maaaring isagawa upang mapaunlad ang isip?
a. Itanong sa mga guro o nakakatanda ang mga bagay na hindi maunawaan o gumugulo sa isipan.
b. Iwanan ang bahaging hindi mo maunawaan o nakapagpapagulo sa isipan.
c. Ipagpaliban ang pagbabasa at mag-facebook na lamang sa computer.
d. Mag- iwan ng palaisipan para mabasa o malaman ng iba.
_____10. Ang pag-iwas sa tukso o anumang impluwensya ng tao na hindi nakabubuti sa kanya ay tanda ng
birtud na katatagan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng birtud na ito?
a. Kahit magalit ang magulang mo sasama ka sa kaklase mong nagyaya para maglaro ng dota.
b. Iiwan ang kaklase na nangangailangan ng tulong at pupunta sa mall upang manood ng sine.
c. Uuwi sa bahay pagkatapos ng klase para mag- aral ng liksiyon at tumulong sa mga gawaingbahay.
d. Sasama kahit ano ang paanyaya ng tao basta kakilala ko siya.
_____11. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang birtud ng katarungan kapag nagdi-discuss na ang
inyong guro tungkol sa aralin?
a. Tatayo ako at magpapalipat-lipat ng upuan.
b. Makikinig ako ng taimtim sa kanyang itinuturo upang may matutunan ako at hindi rin ako
makaistorbo sa aking mga kaklase.
c. Ibubulong ko na lang sa katabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin.

d. Magtutulug-tulugan ako at hindi na makikinig.


_____12. Ang Ganap na Halagang Moral ay katanggap-tanggap at makabuluhan para sa lahat ng tao anuman
ang kanyang lahi o relihiyon. Alin sa mga sumusunod na halaga ang hindi tumutukoy dito?
a. pagmamahal sa katotohanan
c. kalayaan
b. kapayapaan
d. pagdiriwang ng Ramadan
_____13. Ang Halagng Pangkultural/Paggawi ay tumutukoy sa mga pansariling pananaw ng tao o kolektibong
paniniwala ng isang pangkat kultural. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
a. paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap
c. pagtulong sa sinumang nangangailangan
b. paggalang sa kapwa
d. karapatan ng tao sa kalayaan
_____14. Para kay Joshua, mahalaga ang pagsimba dahil ito ay pagsunod sa utos ng Diyos? Anong antas ng
halaga ang ipinapamalas ni Joshua?
a. Pandamdam na mga halaga
c. Mga isipiritwal na halaga
b. Pambuhay na halaga
d. Banal na halaga
_____15. Ang halaga ay anumang bagay na mahalaga, mabuti at hinahangad na makamit ng lahat ng tao.
Ano ang dapat mong bigyan ng halaga bilang kabataan upang ikaw ay maging mabuting indibidwal?
a. Paglalakwatsa kasama ng mga barkada.
b. Makatapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
c. Pagpunta sa computer shop upang makapaglaro ng Angry Bird.
d. Pakikipagkita sa nililigawan sa Mc Donalds.
_____ 16.Si Ana ay may matinding suliraning pinagdadaanan dahil ang kanyang ina ay may malubhang sakit.
Sa kabila ng suliraning pinagdadaanan ni Ana, siya ay nananatiling matatag sa pagharap ng suliranin.
Hindi niya nakakalimutang magdasal at humingi ng tulong sa Diyos. Anong moral na birtud ang
ipinapakita ni Ana?
a. Pag-unawa
b. Pagtitimpi
c. Katatagan
d. Katarungan
_____ 17.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi totoo tungkol sa halaga?
a. Ang halaga ay pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o
kabuluhan.
b. Ang halaga ay tumutukoy sa isang bagay na hindi mahalaga sa buhay at tumutukoy sa anumang
masama.
c. Ang halaga ay anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri kahanga-hanga at nagbibigay ng
inspirasyon, magaan at kasiya-siya sa pakiramdam at kapaki-pakinabang.
d. Ang halaga ay obheto ng ating intesyonal na damdamin.
_____ 18. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng Halagang Pangkultural/Panggawi?
a. societal
b. subhektibo
c. sitwasyunal
d. eternal
_____ 19. Lahat ng bagay ay may basehan, ugali man o kilos. Saan naaayon ang mabuting ugali ng tao?
a. isip
b. moral na pagpapahalaga c. personal na pananaw
d. damdamin
_____ 20. Ang pag-unawa o understanding ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nagpapaunlad ng isip
ng tao. Ano ang mangyayari kung hindi gagabayan ng pag-unawa ang ating pagsisikap na matuto?
a. Mawawalang saysay ang ating isip.
c. Hindi natin maririnig ang itinuturo sa atin.
b. Mauunawaan natin ang itinuturo sa atin.
d. Magiging makakalimutin tayo.
_____ 21. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa Ganap na Halagang Moral ang hindi totoo?
a. Ito ay nagmula sa labas ng tao.
b. Layunin nito ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin.
c. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili, katanggap-tanggap at makabuluhan para sa lahat ng tao
anuman ang kanyang lahi o relihiyon.
d. Ito ay nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos.
_____ 22. Alin sa mga sumusunod ang hindi panloob na salik na nakakaapekto sa paghubog ng halaga ng
tao?
a. mapanagutang paggamit ng kalayaan
c. disiplinang pansarili
b. konsensya
d. mga kaibigan at barkada
_____ 23. Ang pamilya ang una, likas at pinaka-epektibong tagapagpaganap ng pagpapahalaga ng isang tao.
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng halaga ang hinuhubog ng mga magulang sa mga anak?
a. pagiging madamot sa kapwa
c. paninira ng kapwa
b. pagiging masunurin
d. pagiging mapanghusga
_____ 24. Anumang kilos na isinasagawa nang paulit-ulit ay maaaring maging bahagi ng pang-araw-araw na
pamumuhay. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ng kilos ang hindi magandang isagawa ng paulitulit?
a. Pag-aaral ng liksyon pag- uwi sa bahay galing ng paaralan.
b. Pag-cutting class upang makapaglaro ng computer.
c. Paggawa ng mga takdang-aralin sa bahay.
d. Pagtulong sa gawaing bahay.
_____25. Sino sa mga sumusunod ang may masamang impluwensya ng kaibigan o kabarkada?
a. Si Ana na tinuturuan si Lorna sa asignaturang Math dahil meron silang aralin na hindi niya
maintindihan.
b. Si Miko na isinama sina Jeffrey at Alvin para mag-bully ng ibang mga mag -aaral .

c. Sina Ely, Cris at Joy na nagkaroon ng group study sa kanilang libreng oras para mapag-aralan ang
mga aralin na hindi nila masyadong maunawaan.
d. Ang magkakaibigang sina Dannel, Ariz, Miguel at Nicole ay sabay-sabay na umuuwi galing ng paaralan
sa takdang oras sa kani-kanilang bahay at hindi na kung saan-saan pa pumupunta.
_____26. Ito ay batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao.
a. halaga
b. kalayaan
c. konsensya
d. birtud
_____27..Paano masasabi na naisagawa ang tunay na esensya ng kalayaan?
a. Kung ginagawa ang anumang maisip.
c. Kung lahat ng ginagawa ay nakakasama sa iba.
b. Kung nakikilala ang tama at mali.
d. Kung kumikilos ng walang pakialam sa iba.
_____28.Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagasasabuhay ng mga birtud?
a. Hindi ka natututo sa pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapahalaga.
b. Masama ang pag-uugali mo.
c. Matalino ka subalit di mo ito ginagamit sa kabutihan.
d. Sinisikap mong isabuhay ang natututuhan mo sa Edukasyon sa Pagapapahalaga.
_____29. Ang paaralan ang isa sa mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng halaga. Sino
ang may pinakamalaking impluwensya sa iyong halaga sa paaralan?
a. mga janitors/janitress b. mga guwardiya
c. mga guro d. mga tindera sa canteen
_____30. Bakit mahalagang mahubog sa mabuti ang iyong kilos at gawa?
a. Upang maraming tao ang magalit sa akin.
b. Upang makasakit ako ng aking kapwa.
c. Dahil ito ang huhubog sa aking magandang ugali o asal.
d. Upang palagi akong may pinagsisisihan sa bandang huli.
_____31. Nakagawian na ni Angela ang pag-eehersisyo tuwing umaga at pag-iwas sa pagkain ng mga junk
foods. Anong antas ng pagpapahalaga ang taglay ni Angela?
a. Banal na Halaga
c. Mga Ispiritwal na Halaga
b. Pambuhay na Halaga
d. Pandamdam na mga Halaga
_____32. Si Alyssa ay nagtatrabaho sa isang computer shop kung kayat palagi siyang bumibili ng mga
bagong labas na mga gamit para sa kanyang laptop. Anong antas ng pagpapahalaga ang tinutukoy
sa sitwasyong ito?
a. Banal na Halaga
c. Mga Ispiritwal na Halaga
c. Pambuhay na Halaga
d. Pandamdam na mga Halaga
_____33. Isa sa mga panloob na salik ng na nakakaapekto sa paghubog ng halaga ng tao ay ang konsensya.
Sa paanong paraan nagagamit ng tao ang kanyang konsensya?
a. Kapag nakikilala niya kung ang kilos ay tama o mali.
b. Kapag itinuturo lamang nito ang pagkilala sa masamang gawain.
c. Kapag wala ka nang magawa kung hindi ang gumawa ng masama.
d. Kapag kailangan mong pagtakpan ang mga maling gawain ng iyong kaibigan.
_____34. Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong sa pagkakaroon ng disiplinang pansarili?
a. Magsikap na mag- isip at magpasya nang makatwiran.
b. Maging mapanagutan sa lahat ng iyong kilos.
c. Paghihintay ng kapalit sa ginawang pagtulong.
d. Makatwirang paggamit ng kalayaan.
_____35. Ang pagpapasya sa lahat ng kilos ng tao ay naayon sa kanyang mga gustong mangyari sa buhay.
Nakakagawa ang tao ng mga bagay na labag sa kanyang kalooban dahil sa mga nakapaligid sa
kanya. Sino sa mga sumusunod na nilalang ng Diyos ang may malakas na impluwesya sa tao?
a. hayop
b. halaman
c. tao
d. bundok
_____36. Ang mga panlabas na salik ay nakakaapekto nang malaki sa paghubog ng pagpapahalaga ng tao.
Alin sa mga panlabas na salik sa ibaba ang tumutukoy sa institusyon na nangangalaga sa
pagpapauntal ng ating isip?
a. kaibigan
b. magulang
c. paaralan
c. pamana ng kultura
_____37. Gusto ni Bea na magkaroon din siya ng mga modernong gadgets na katulad sa kanyang mga
barkada. Naniniwala siya na kung mayroon din siyang cellphone, IPOD, o kayay laptop computer,
iisipin ng kanyang mga kabarkada na siya ay cool at higit siyang magiging katanggap-tanggap sa
mga ito. Anong panlabas na salik ang nakaimpluwensya kay Bea?
a. kaibigan
b. magulang
c. paaralan
c. pamana ng kultura
_____38. Si Stephanie ay palaging nagdadasal dahil nabibigyan siya nito ng kapayapaan at nalalaman niya
ang nais ng Diyos na gawin niya bilang Kristiyano. Aling panlabas na salik ang nakakaimpluwensya
sa pananaw ni Stephanie?
a. teknolohiya b. simbahan c. katayuang panlipunan-panghkabuhayan d. pamana ng kultura
_____39. Alin sa mga sumusunod and hindi nakakatulong sa pagkakaroon ng moral na integridad?
a. Masusing pag-iisip batay sa Moral na Pamantayan.
b. Matibay na pagkapit sa mga pansariling paniniwala na mabuti.
c. Hayagang paninindigan ng mabuting paniniwala.
d. Pinanghihinaan kaagad ng loob kapag may pagsubok na kinakaharap.

_____40. Isa ito sa mga panlabas na salik na nagtuturo at humuhubog ng mga pagpapahalaga sa buhay ng
tao. Sila rin ang ating mga unang guro.
a. kabarkada
b. magulang/ pamilya
c. media
d. simbahan
_____41. Alin sa mga sumusunod ang dalawang panlipunan - pangkabuhayang kondisyon na ayon kay
Esteban ay maaaring maging sagabal sa Edukasyon sa Pagpapahalaga?
a. labis na kagandahan at katalinuhan
c. labis na kahirapan at karangyaan
b. labis na kasikatan at kagandahan
d. labis na katapatan at karunungan
_____42. Isa sa mga panlabas na salik na itinuturing ng mga kabataan na pangalawang magulang at mas
pinaniniwalaan kaysa kanilang mga magulang.
a. kaibigan
b. guro
c. kabarkada
d. media
_____43. Sa panahon natin ngayon marami na ang nakakaimpluwensya sa pagpapahalaga ng isang tao.
Dapat isaalang-alang ang mga maraming bagay na makakapagpabuti sa iyo at sa ibang tao. Alin sa
mga sumusunod ang dapat mong taglaying katangian para sa ganitong sitwasyon?
a. katatagan ng loob upang maiwasan ang mga tukso
b. takot at kahinaan ng loob
c. pagpapabaya sa tungkulin
d. kapusukan
_____44. Isa sa mga nakakatulong o nakakasira sa pag- aaral ng mga bata ay ang paggamit ng internet.
Wala sanang masama kung ito ay ginagamit sa pagsasaliksik o pag- aaral. Sinasabing kailangan na
maging globally competitive tayo. Anong panlabas na salik ang tinutukoy sa pangungusap na ito
ang dapat makatulong at hindi makasira sa pag-aaral?
a. Teknolohiya
b. Paaralan
c. Kaibigan
d. Simbahan
_____45. Ang Simbahan ang panlabas na salik na may malaking pananagutan sa buhay ng tao. Sa paaanong
paraan nakakatulong sa tao ang simbahan?
a. Sa pagtakas ng tao sa katotohanan.
b. Sa pagkalimot sa sinumpaang papel na gagampanan.
c. Sa pananampalataya sa Diyos at sa mga pagsunod sa mga Batas Moral.
d. Sa pagbalewala sa pangangailangan ng iba.
_____46. Ang mga pagpapahalaga ay nasa kapaligiran ng bawat isa. Hindi maaaring walang pagpapahalaga
ang isang tao. Sino ang maaaring magpasya sa pagpapahalaga mo?
a. ako ang pipili ng pagpapahalaga ko
c. mga kapitbahay ko
b. mga kaklase ko
d. mga guro ko
_____47. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa katangian ng mataas na antas ng halaga?
a. Walang kaugnayan ang antas ng halaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito.
b. Habang mas tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito.
c. Kapag dumadami ang nagtataglay ng halaga, bumababa ang antas nito.
d. Mataas ang antas ng halaga kung hindi ito lumilikha ng iba pang mga halaga.
_____48. Malalim ang iniisip ni Mico. Maraming mga kaibigan ang hindi na pumapasok sa gate para magcutting classes. Iniisip niyang gumaya para makasama siya sa grupo. Kung ikaw si Mico ano ang
gagawin mo?
a. Sasama para mapabilang sa kabarkada.
b. Mag-iisip muna kung makakabuti o makakasama sa akin ang gagawing pagsali sa kanila.
c. Magsasama pa ng maraming kaklase para lumiban.
d. Pupuntahan ang grupo para maraming kaibigan.
_____49. Sinasabing ang pagpapahalaga o birtud ay kailangang paulit-ulit na isinasakilos upang maging
permanenteng katangian at pagkakilanlan ng isang tao. Alin sa mga sumusunod ang maaaring
maging birtud?
a. Pag-aaral ng leksyon sa araw- araw kahit walang pagsusulit kinabukasan.
b. Mag-aral lamang ng leksyon kapag may darating na bisita.
c. Buksan ang libro kapag may takdang-aralin lamang.
d. Gumawa lamang ng takdang-aralin kapag pinagalitan na ng guro.
_____50. Paano mo masasabi na nakakatulong ang teknolohiya gaya ng mga usong gadgets sa
pagpapaunlad ng pagpapahalaga ng isang tao?
a. Kung nakikinig ng musika sa mp3 habang nagkaklase.
b. Kung gagamitin ang celfone sa panloloko ng mga kaklase mo.
c. Kung gagamitin ang internet upang makapanood ng mga malalaswang video sa youtube.
d. Kung gagamitin ang teknolohiya kaagapay ang mga pagpapahalaga.

BE HONEST ALL THE TIME.

You might also like